Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Love is Sweeter the Second Time Around

Love is Sweeter the Second Time Around

Reianne M.
In life, you don't know if you're always on top. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo o matatalo-kung kailan ka paglalaruan ng tadhana. Destiny is our greatest enemy. Parang lahat kasi ng mangyayari sa buhay natin, nakatadha na-at wala kang magagawa kundi tanggapin ito. I have always been on top. All the people I know are proud of me-look up at me because I am good at everything. Pero tama nga silang hindi ka laging nasa taas. Sino bang mag-aakala na isang beses lang akong babagsak pero sobra iyon? Sobra-sobrang nahatak ako sa baba ng malaking trahedya sa buhay ko at hindi ko alam kung paano ako aahon. Mabuti na lang, bumalik siya. Siya ulit. Siya lang ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin nang lubos kahit iniwan ko. It's always him. Walang iba.
Romance
4.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Rebound Love

Rebound Love

Si Leina, matagal na niyang gusto si Matt pero may girlfriend ito, ngunit nang magpropose si Matt kay Ria ay tinanggihan siya nito at nakipaghiwalay sa kanya, si Leina ang naging karamay niya nang gabing yun, at dahil dun naisip ni Matt na gamitin si Leina para kalimutan si Ria, niligawan niya ito at kahit ramdam ni Leina na ginagamit lamang siya ni Matt ay sinagot niya ito, kahit hindi normal ang relasyon nila bilang magnobyo ay tinanggap ni Leina dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Matt, pero paano kung bumalik si Ria? Paano si Leina? Hindi ba talaga siya minahal ni Matt kahit kaunti? Hanggang saan dadalhin si Leina ng pagmamahal niya kay Matt?
Romance
86.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE’S PROMDI WIFE Promdi pero palaban. Nang makilala ni Summer ang masungit, mayabang, matapobre at walang puso na si Lyndon Santiago, hindi siya nagpatalo dito. Nagpaalam agad siya pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon sa townhouse nito kahit pa nangako ito na tutulungan siya sa napakabigat niyang problema. Pero hindi siya nito pinayagang umalis. Sa halip, sumama ito sa probinsya nila sa Quezon Province at ‘nanilbihan’ sa kanya gaya ng ordinaryong binata dahil gusto raw nitong ‘maningalang-pugad’ sa kanya at itama ang lahat. She fell in love with him fast and—hard. At siya rin ang nag-suggest dito kahit fake na kasal. Handa rin siyang bigyan ito ng anak kahit singdami ng isang basketball team sa Pilipinas kahit na siya ang talo sa huli at walang kasiguruhan. May reward ba si Kupido sa tulad niya na buong puso kung magmahal? ******* Matindi ang sumpang tumama kay Lyndon unang beses pa lang niyang nakita si Summer: Wild sex. Pure lust. Burning passion. Higit sa nararapat. Walang oras na hindi siya nagnanasa sa probinsyanang dalaga. Nawalan ng saysay ang  personal niyang dahilan  kaya wala siyang tiwala kahit kaninong hampaslupa. Iba si Summer. Her name fits her personality. Para itong nagsasalitang konsensya kapag nagkakamali siya. Malupit ang  karmang dumapo sa kaniya. Pero maliban sa kailangan niya itong malahian kaagad, wala na siya ditong ibang pakinabang. Sa mundong pinakamahalaga ang pera, may puwang ba si Summer sa tabi niya? **** AUTHOR'S NOTE: Isinulat ko po ang novel na ito, 6 years ago. Unfinished sa ibang app dahil naging busy. From second pov, inilipat ko sa first pov ngayon kaya humihingi ako ng pasensya sa 'ako' na nagiging 'siya'. Please, bear with me. Salamat po. 😍❤️‍🩹🔥
Romance
1018.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)

BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)

Sa unang pagkikita pa lamang ay may kung ano nang tumama kay Dave. Isang damdamin na tanging kay Jade lamang niya naramdaman. Love at first sight ba iyon? Hindi siya sigurado. Pero may isang bagay na tiyak: gusto niyang protektahan ang dalaga. At magagawa lang niya iyon kung palagi siyang magiging malapit kay Jade. Isang kontrata ang nagbigay-daan para matupad ang hangaring iyon. Isang kontratang walang bahid ng emosyon. Kaya lang, habang tumatagal at habang mas nakikilala niya si Jade, bakit parang handa siyang magbayad nang kahit gaano kalaki, mahalikan lamang ito? At sa huli, iyon din ang nangyari. O baka mas tama kung sabihing ang nasunod ay ang kagustuhan ng kaniyang puso at hindi ang nakasulat sa kontrata.
Romance
102.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
His Secret Wife

His Secret Wife

"do you know how to dance?" he asked. Napailing akong napapayuko na mahigpit nakahawak sa laylayan ng damit ko. Napahinga ito ng malalim. Napaiktad ako nang tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit na napapisil sa baba kong itiningala ako dito. Hindi ako makatitig sa kanyang mga matang matiim akong tinitigan. Para akong matutunaw. Hindi ko siya kayang titigan sa mata. Pakiramdam ko'y malulusaw ako. Nakakalunod makipagtitigan sa kulay asul niyang mga mata. Mga matang napakasungit kung tumingin. "so tell me, how can you pay me hmm?" sensual niyang tanong na napapakagat ng ibabang labi. Napalunok akong napasunod ng tingin sa kanyang mga labi. Unti-unti siyang napangisi na mas inilapit ang mukha! Napakapit ako sa kanyang polo nang akmang sasayad na ang kanyang mga labi sa akin! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi makatingin sa kanya. Mahina itong natawang ikinaangat ko ng tingin dito. "tell me young lady, how can you pay your father's dept hmm?" he huskily asked. Napatitig ako sa kanya. Mariin akong napapikit akong malalim na napahinga. "I can be your slave sir" mahina itong natawang napalapat ng labi na mapatitig ako ditong salubong ang mga kilay. "Slave? Are you sure? 1million pesos. Do you think you can pay me using your body hmm?" anito na tila nang-uuyam ang tono. Napasuri ito ng tingin mula ulo hanggang paa ko na ikinalunok ko. "Hmm...how about, be my wife. And I'll make sure, I'll let go your father" "W-wife" utal kong ulit. Napataas ang kilay nitong may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi. Napalunok ako. Napaawang ang labi pero walang salita ang lumalabas! "Uhmm!" napakapit ako sa kanyang balikat na siniil ako nito bigla ng isang mapang-angking halik sa labi!! "It's settled. Get ready yourself young lady, tomorrow morning, you're gonna be....my wife"
Romance
9.133.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Biglang inatake sa puso ang aking mom, at mabilis na umapaw ang kaniyang medical bills bago pa man ako makahinga nang maayos.   Desperado na ako kaya agad akong humarap sa mayaman kong boyfriend sa pagasa na baka makatulong siya sa akin, o makaisip manlang ng solusyon sa sitwasyon. Pero sa halip na suporta ang aking matanggap, nagpakawala siya ng isang tirada na mas matindi pa sa kahit na anong salitang narinig ko.   “Ito ba ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin? Para sa pera ko? Wala kang pinagkaiba sa ibang mga babaeng nagbibigay sa kanilang mga sarili sa akin. Parepareho kayong lahat—kaawa awa at walanghiya kayong mga babae kayo!”   Bago pa man ako makapagreact, agad niya na akong itinulak palabas ng pinto.   At nang maintindihan niya ang buong kwento, binigyan niya ako ng isang bank card nang hindi nagtatanong ng kahit na ano. “Candice”, tahimik nitong sinabi gamit ang nagsisisi niyang boses. “Birthday mo ang password nito.”   Hindi ako nagsabi ng kahit na ano sa kaniya. Hinayaan kong mahulog ang card sa sahig bago ako umalis nang hindi lumilingon sa kaniya.
Baca
Tambahkan
HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE

HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE

WARNING: Erotica, steamy, explicit contents and adult languages. --------------------------- Aso’t-pusa, away-bati.  At kahit  magkasama mula pa pagkabata, hindi magkasundo sina Helga at Craig Alastair. Si Craig kasi, magnanakaw—magnanakaw ng halik at lakas pero alam niya na may picture ng ibang babae ang binatang bilyonaryo  sa wallet nito.  Ano siya, panakip-butas? Hindi free taste ang beauty niya, ‘no? Mas gusto pa niyang maglaho sa San Luis at tumandang dalaga!  ************ Maraming babaeng nagkakagusto kay Craig naka-diaper pa lang siya. Kaya hindi rin niya maintindihan kung bakit matapos i-Mukbang ni Helga ang kanyang alindog, bigla na lang siyang nilayasan at iniwan sa gitna ng kama nang walang saplot. After two years, nang bumalik, daig pa niya ang nasumpa: mas sexy na ito, lalong gumanda, medyo classy na rin pero kasing tapang pa rin ni Gabriela Silang kahit walang hawak na tabak. Parang gusto na lang niyang magpa heart transplant  makalimutan lang ang babaing nanakit sa puso niya.  Pero paano niya yon gagawin kung nagkusa pa siyang ialok  dito ang lahat ng meron siya at may freebie pa—ang puso niya na puede nitong paglaruan? Posible bang maging matimbang ang pag ibig sa babaing kinain ng galit at paghihiganti at gagawin ang lahat para sirain ang buhay niya?
Romance
102.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

(Ship of Temptation 2) Nang dahil sa wine, nalagay sa panganib ang buhay ni Meldy. Muntik na siyang ipakulong ni Eliot Santisas, ang mayamang negosyante sa bayan nila sa pag-aakalang ninakaw niya ang isang box ng wine na nagkakahalaga ng isang milyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang dumating si Elise—ang anak ni Eliot at inakalang si Meldy ang ina niya. “Bad ka papa! Inaway mo si mama!” Umiiyak na sabi ni Elise habang yakap-yakap si Meldy. Nakita yun ni Meldy na oportunidad para hindi tuluyang makulong. “Sir, b-babayaran ko po ang wine. Pagta-trabahuan ko po yun sa inyo kung maaari.” Tumingin si Meldy kay Elise. “Pwede po akong maging yaya ng anak niyo. Magta-trabaho po ako ng libre hanggang sa mabayaran ko po ang halaga no'ng nawalang wine niyo.” Isang mahabang katahimikan ang namayani bago sumagot si Eliot. “Pag-iisipan ko,” sabi nito at kinuha si Elise at umalis. Nakahinga si Meldy at inakalang nakalusot siya sa kamalasan sa buhay, hindi niya alam na pinasok niya pala ang pa-in na nilaan para sa kaniya ni Eliot Santisas. Ngumisi siya habang binabaybay ang daan papunta sa kwarto ni Elise. “I think it’s time for you to pay your sin.” Ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Eliot.
Romance
1047.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Backup Plan

The Billionaire's Backup Plan

Akala ni Elize ay wala nang mas malala pa pagkatapos siyang mawalan ng trabaho at pagtaksilan ng kaniyang nobyo. Pero ang magulo niyang buhay ay lalong nagulo nang pagkamalan siyang ibang tao. Lumayo siya, umiwas, at nagtago. Pero hindi niya inaasahan na ang magiging boss niya ay ang taong baliw na baliw sa isang babae na halos kamukha niya. Ang pinakamalala pa roon ay inalok siya nito na magpanggap bilang si Aelice, ang babaeng puno't dulo ng sitwasyon niya ngayon. Sa pagpanggap niya bilang si Aelice, makakaya kaya niyang pigilan ang damdamin at huwag mahulog sa lalaking iba ang gusto? Pero paano niya lalabanan ang bugso ng damdamin kung sa bawat sulok ng silid ay naroon ang tukso?
Romance
10329 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ROSE BEHIND THOSE LETTERS

ROSE BEHIND THOSE LETTERS

Si Rosanne Oliveros ay isang anonymous writer sa isang writing platform. Ikinagulat na lamang niya isang araw nang may magkagusto sa kaniyang anonymous writing persona. At mapaglaro nga naman ang tadhana dahil ang taong may gusto sa kaniya ay nagugustuhan ng kaniyang kapatid. Dahil doon ay gumawa ng plano ang kapatid niya at nagkunwaring siya; ginamit ng kapatid niya ang kaniyang anonymous writing persona para mapansin ng lalaki. Niloko nilang dalawa ang lalaking inosente. Hindi man agree sa bagay na iyon ay wala nang nagawa pa si Rosanne dahil naipit siya sa mga utang na loob sa kapatid. Ano ang gagawin niya? Paninindigan na lang ba niya at kukunsintihin ang panloloko ng kapatid? Subaybayan ang kuwento ni Rosanne Oliveros tungo sa pagpapakatotoo.
Romance
2.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status