Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Diary Ng XXX Celebrity

Diary Ng XXX Celebrity

Caregiver sa gabi, secretary sa umaga, ganyan ang araw-araw na buhay ni Irina Elizalde matapos lamunin ng trahedya ang masayang pamilya niya. Nang mamatay ang Papa niya sa isang aksidente at mabaldado ang Mama niya, napilitan siyang maging breadwinner, kahit pa sinisisi siya ng Tita Shiela niya sa lahat ng nangyari. Sa pagiging caregiver, may konting ginhawa naman siya, lalo na’t mabait ang matandang inaalagaan niya na si Lola Vicky. Pero sa trabaho niya bilang secretary ng suplado at bastos na CEO na si Ravi Lopez, araw-araw siyang parang nasa impyerno. Mabuti na lang at guwapo at yummy, kaya napagtitiisan niya, kahit na, gusto na niya itong layasan. Isang gabi, panay ang iyak ni Irina sa inaalagaan niyang si Lola Vicky. Kinuwento niya rito ang lahat ng paghihirap na dinadanas ngayon sa buhay niya. Sa awa ng matanda sa kaniya, binigyan siya nito ng mission. Mission na kailangang hanapin ang pörnstar na may-ari ng diary na hawak ngayon ni Lola Vicky, at kapag nahanap niya ito, ipapamana ng matanda sa kaniya bilyong-bilyong yaman nito. Ang problema, tila screen name lang ang meron siya. Mr. Ryder King. Iyon kasi ang nakalagay sa diary nito. Bukod doon, gusto ng matanda na sila ang magkatuluyan. Makukuha lang ni Irina ang bilyong-bilyong mana nito kung pakakasalan siya ni Mr. Ryder King. Paano kaya kapag nalaman ni Irina, na ang may-ari pala ng Diary ng XXX Celebrity ay ang suplado, bastos at mayabang niyang Boss CEO na si Ravi Lopez, pakakasalanan niya kaya ito? Kung payag man si Irina na pakasalan ito para sa bilyong-bilyong mana ni Lola Vicky, pumayag naman kaya si Ravi Lopez na pakasalan siya?
Romance
1029.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The billionaire's willing victim

The billionaire's willing victim

Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang Babae na naging biktima ng labis na pagmamahal sa Isang guwapong bilyonaryo na nagngangalang YVO DORCHER. hanggang saan kaya Ang kaya nilang gawin para lang sa pag-ibig? at kung umabot na sa sukdulan? kaya mo bang maging manhid para lang manatili sya? o kaya mong pumatay masigurado mo lamang na tanging sa 'yo na Lang sya? billionaire's willing victim (super SPG)
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Cursed Painting/ Tagalog

Cursed Painting/ Tagalog

Siyam na estudyante ang naimbitahan sa Mansiyon ng sikat na Artist na su Gregorio Santillan. Ngunit ang hindi alam ng mga estudyante, may nagbabadyang panganib na naghihintay sa kanila. At ano ang ibig ipahiwatig ng mga panaginip ni Alyssa? Ito ba ay isang babala o sadyang panaginip lamang? Paano pa maililigtas ni Alyssa ang walong estudyante sa sumpa ng painting na kanilang nilalagdaan, kung maging siya ay bilanggo na rin ng Larawan?
Mystery/Thriller
109.1K viewsCompleted
Read
Add to library
ALTERS [Book 2]

ALTERS [Book 2]

“Sampalin mo ako ng kasinungalingan Hahalikan kita ng katotohanan…”- Hannah Masayang pamilya at marangyang pamumuhay, ang lahat ng ito ay tinalikuran ni Hannah at mas pinili niya na maging isang Madre. Subalit, sinubok siya ng tadhana, nilinlang siya ng kanyang pamilya. Sapilitang ikinasal sa isang lalaki na sa hinagap ay hindi pa niya nakita. Dala ng kabutihang loob, tinanggap niya ang lahat, at natutunan niyang mahalin ang asawa. Handa siyang magtiis alang-alang sa kanyang mag-ama. Subalit, isang bahagi ng nakaraan ang pilit na bumabalik. Huwad na pamilya, wasak na pagkatao at asawang kailanman ay hindi siya binigyang halaga… Magawa pa ba niyang buuin ang mga bahagi ng kanyang pagkatao na nagkapira-piraso? O hahayaan na lang niya na lamunin siya ng kanyang kahibangan at mga pantasya? Kasinungalingan na sumasampal sa katotohanan—“ALTERS”
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Tatlong Beses Kitang Mamahalin

Tatlong Beses Kitang Mamahalin

Simpleng babae si Irene na may simpleng buhay at pangarap, ngunit ang lahat ng simple at tahimik niyang araw araw ay gagambalain ng pagsulpot ng isang estrangherong makikilala niya sa pangalang Tisoy. Kung paano ganun kabilis na sumulpot sa buhay niya ang binata ay ganun ring kabilis siyang nahulog dito. Ngunit isang araw ay bigla na lamang itong hindi na nagpakita sa kanya at ng mag krus ulit ang kanilang landas iba na ang katauhan at pangalan nito. Isa na itong milyonaryo at nagiisang tagapagmana pero ang masakit para kaya Irene ay hindi na siya nito nakikilala.
Romance
106.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Addicted to his stepmom

Addicted to his stepmom

⚠️WARNING - R-SPG (18+) Si Ann na nakilala ni Drake sa Bar, maganda at malaman na katawan na una nyang kababaliwan, ngunit ang hindi nya alam ang kinababaliwan nya ay magiging parte ng pamilya nila at magiging Stepmom nya. Ang matinding karibal nya sa katawan at puso ng dalaga ay ang mismong papa nya. Sino ang magwawagi sa puso ni Ann? Sino ang mas makakapag paligaya sa kanya? Makokontento ba sya kay Drake na kayang ibigay ang ligaya na nais nya o sa Ama ni Drake na nabibigay ang yaman na kailangan nya.
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Love A Second Chance At Forever

Chasing Love A Second Chance At Forever

Nilisan ni Arwena ang Pilipinas, limang taon na ang nakaraan matapos ang masakit na paghihiwalay ng long-time boyfriend niya na muntik nang maging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Akala niya ay hindi na siya muling aapak sa lugar na nagdulot sa kanya ng sakit at masamang karanasan, pero talagang gumawa ng paraan ang tadhana. Kailangan niyang tulungan ang mga magulang na maibangon ang paluging negsyo. Sa kanyang pagbabalik, mga magulang at negosyo nga lang ba niya ang matutulungan niyang makabangon o magkakaroon din siya ng second chance na magmahal at mahalin ng tunay?
Romance
1017.1K viewsCompleted
Read
Add to library
My Housemate is a Playboy Billionaire

My Housemate is a Playboy Billionaire

Jaybee
Hindi naging maganda ang una at ikalawang pagtatagpo ni Armelle at Hanz. Lalo na ng nalaman nila na pareho silang titira sa iisang bubong. Ngunit hindi akalain ni Armelle na si Hanz ang masasandalan niya sa panahong bigo siya sa pag-ibig. Dumating pa sa punto na nagpanggap ito na boyfriend niya sa harap ng ex-boyfriend niya. Naging maayos ang samahan nilang dalawa at para niyang naging kuya si Hanz. Hanggang sa nagising na lang siya isang araw ay may nararamdaman na siya para sa binata. Inilihim niya ang kanyang pag tangi para hindi magbago ang pakikitungo nito sa kanya. Isa pa, kilala itong playboy. Ayaw rin niyang mapabilang sa mga naging babae nito kahit imposibleng mangyari iyon dahil parang nakababatang kapatid ang turing nito sa kanya. Ngunit hindi inaasahang panauhin ang magpapabilis sa pag-alis niya. Sinabi ng babae na malapit na itong ikasal kay Hanz. Para hindi siya makasira ng relasyon ay umalis siya ng walang paalam. Makalipas ang tatlong taon ay muling nagtagpo ang kanilang landas dahil siya ang magiging bagong sekretarya nito. Akala ni Armelle ay naibaon na niya sa limot ang nararamdaman niya para kay Hanz ngunit nakaramdam siya ng lungkot ng makita niya na kausap ng binata ang babaeng nakaharap niya tatlong taon na ang nakalipas. May pag-asa pa kaya na bumalik sa dati ang samahan nila kung sa araw-araw na pagkikita nila ay malamig na ang pakikitungo nito sa kanya? Hanggang kailan niya ililihim ang tunay na damdamin para sa binata gayong habang lumilipas ang mga araw na kasama niya ito ay mas lalo lamang lumalalim ang pagmamahal niya para rito?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Night With Mattheus Martinez

Hot Night With Mattheus Martinez

SPG/ R-18+ Story of Mattheus Martinez, son of Marycole and Rowan Martinez, of the story ( Secretly In Love With You) Bata pa lang si Brenda Polido ay pangarap na niyang maging isang tanyag na newscaster sa sikat na TV network ng bansa, walang iba kun’di ang RMTV, ang pangarap ng katulad niyang mass com newly graduate dahil nangunguna ito sa mga ratings, hindi lang sa mga news ngunit maging sa show ng nasabing TV channel. Pinalad si Brenda matanggap sa nasabing kompanya. Subalit hindi bilang isang newscaster na pangarap niya, kun'di maging secretary ng president at anak ng may-ari na walang iba kun'di si Mattheus Martinez, ang matagal na n'yang crush, college student pa lamang siya. Si Mattheus kasi ay dati munang sikat na model, newscaster, at naging isang TV actor bago pamahalaan ang TV network na pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng isang taon ng pagiging secretary ni Brenda kay Mattheus, lihim na nahulog ang loob niya sa binatang amo. Ngunit paano naman niya iyon masasabi rito kung ubod naman ito ng pagiging babaero? At isa pa, malabo siyang mapansin nito dahil mga model at artista ang tipo ng amo niya. Samantala siya, isang hamak na sekretarya lamang na pangkaraniwan ang ganda. Ngunit paano kung isang araw, nagkaroon si Brenda ng pagkakataon na makasama si Mattheus sa iisang kama at nakalimot sila? Kaya nga bang humarap ni Brenda kay Mattheus kinabukasan? Kapag humupa na ang init ng kanilang pinagsaluhan lalo na't alam ni Brenda na meron talagang kasintahan si Mattheus at nagbabalak na itong pakasalan? Abangan ang buhay pag-ibig ni Brenda Polido at Mattheus Martinez. Hot Night With Mattheus Martinez.
Romance
1099.9K viewsCompleted
Read
Add to library
MS. CUPID AND THE HEARTLESS CEO

MS. CUPID AND THE HEARTLESS CEO

KweenMheng12
Dahil sa isang pagkakamaling hatol ay naging angel cupid ang dalagang si Alyanah. Dahil nabigo siya sakanyang misyon ay pinarusahan siya at muling naging tao. Makikilala niya ang dahilan ng kanyang pagkakaaksidente apat na taon ang nakalipas. Si Keird Sendo Mondragon ang the heartless ceo. Dahil nabigo sa unang pag- ibig ay magiging matigas ang puso ng binata, pero magbabago ang lahat ng makilala niya ang angel cupid na si Alyanah. Dahil sa tunay na pagmamahal ni Keird Sendo kay Alyanah ay muling nakabalik ang kaluluwa ni Alyanah sa kanyang katawan na comatosed. Ngunit ang kapalit sa muling pagbalik ni Alyanah sa kanyang normal na buhay ay makakalimutan niya ang lahat mula sa kanyang pagiging angel cupid at pati na si Keird Sendo. Nang makabalik na si Alyanah sa kanyang pagkatao ay malalaman niya na ang kanyang bestfriend at boyfriend ay may relasyon na at magpapakasal na ang mga ito. Malalaman din niya ang dahilan ng kanyang pagkaka-aksidente ay ang walang puso na ceo na si Keird Sendo. Mapapatawad niya ba ang binata sa mga kasalanan nito sa kanya. Pero paano kung sa muli nilang pagkikita ay muling tumibok ang kanyang puso at maalalang muli ang kanilang nakaraan na pag- iibigan… Pipiliin bang muli ni Keird Sendo si Alyanah kahit na nakokonsensiya siya sa mga nagawang kasalanan sa dalaga kung ito ang nagpapatibok ng kanyang puso. O susundin ang utos ng kanyang mga magulang na pakasalan ang kanyang ex- fiancé na nang- iwan sa kanya noon.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status