I was forced to marry him, now i can't escape him
Sa kabila ng marangyang tugtugan at tawanan ng mga elitistang bisita, tila huminto ang mundo sa pwesto nina Liam, Hanzo, at Thalie.
Hindi inalis ni Hanzo ang kanyang mapangahas na tingin kay Thalie, na lalong nagpaalab sa nagwawalang selos at pagiging possessive ni Liam.Isang malamig na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Hanzo bago niya ibinalik ang tingin kay Liam, ngunit bakas sa kanyang boses ang isang mapanganib na hamon.
"Possessiveness can be a fatal flaw in business, Mr. Smith. And apparently, in life as well. Some treasures are simply too magnificent to be hidden away or kept by just one man,"