Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Underground Society: Love On The Brain

Underground Society: Love On The Brain

Eu:N
Nalaman ni Araceae na buhay pa ang tunay niyang magulang kaya tumakas siya sa bahay ampunan upang hanapin ang mga ito. Kasama niyang tumakas ang matalik na kaibigang si Ertan, ngunit nahuli sila sa lansangan ng isang sindikatong grupo. Kasama ng iba pang kabataan, dinala sila sa isang underground human auction, dito nagkahiwalay si Araceae at Ertan. Napunta si Araceae sa kamay ni Kaya, ang binatang may malaking galit sa kanya. Naging miserable ang buhay ni Araceae sa kamay ni Kaya, sinapit niya ang parusa sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. Sa kagustuhan na mabuhay tumakas si Araceae sa malupit na lalaki, nagtagumpay siya ngunit ang alaala niya ang naging kapalit nito. Nagising si Araceae sa isang maliit na isla at nakilala ang matandang mag-asawa, dito nabuhay siya bilang si Aris. Paglipas ng dalawang taon, nakilala ni Araceae si Temur, isang mayamang binata na taga Maynila. Inibig nila ang isa't-isa at pagkatapos ng kasal, dinala siya ng asawa sa Maynila upang doon manirahan. Sa pagtira niya sa mansion, nakilala ni Araceae si Kaya Flegenheimer, ang CEO ng FHMer Corporation at nakatatandang kapatid ni Temur. Sa pagbabalik ng lalaking lumapastangan at nagpahirap sa kaniya. Magbalik na kaya ang alaala ni Araceae? Madiskubre kaya niya ang lihim sa likod ng tunay niyang pagkatao? Ano ang gagawin ni Kaya oras na makitang muli ang babaeng minahal at nagtraydor sa kanya?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Last Vampire Chronicles TAGALOG

The Last Vampire Chronicles TAGALOG

Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...
Other
1020.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Lotto Winners are Ex-Lovers

The Lotto Winners are Ex-Lovers

Eighteen year old kolehiyala Anna Eleonora Azores-Madera left home dahil sa pagrerebelde sa ama at sa sobrang galit sa two-timer na nobyo. She met Janus Buergo, a compassionate autho shop owner, and cohabitate with him. Nang mamatay ang kambal na bagong silang niya ay naghiwalay sila. Nagkita silang muli after five long years and won simultaneously sa grand lotto. Sign ba ito ng tadhana na sila ang itinakda para sa isat-isa? Or badya ng panganib at magdudulot ng trahedya sa kanilang mga buhay?
Urban
108.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Beyond Reach: The President's Obsession With The Tycoon's Ex

Beyond Reach: The President's Obsession With The Tycoon's Ex

Sa ilang taong pagsasama ni Viviene at Theo ay ginawa ni Viviene ang lahat upang mahalin siya ni Theo at maging masaya ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Ngunit sa isang iglap ay sinalubong siya nito ng mga papeles ukol sa kanilang paghihiwalay. Ang akala niyang fairytale ay nauwi sa isang masalimuot na kwento. Umalis siya sa tahanan nila at pinangako sa sarili niyang hinding-hindi na niya ibababa pa ang sarili dahil sa isang lintek na pag-ibig. She will surprise everyone with the new version of herself.
Romance
745 viewsOngoing
Read
Add to library
The Rich Man's Fall

The Rich Man's Fall

A marriage of convenience sa pagitan ni Issa at real-estate billionaire na si Vince Sevilla. She's left with no choice but to come to terms with the devil. Upang isalba ang magulang sa pagkakabaon sa utang sa binata'y pinakasalan niya ito. But the Sevilla was a thorn in the past. Nangakong hindi siya iibig kay Vince, but not until Lucy—ang babaeng susukat sa tunay na kahulugan ng salitang "karibal" sa puso ng kanyang asawa. Nagising siya isang umaga na tila siya estranghero sa paningin ni Vince at si Lucy ang bukod-tanging naaalala nito...
Romance
643 viewsOngoing
Read
Add to library
Married to the Prominent Family's Adopted Son

Married to the Prominent Family's Adopted Son

Arranged-marriage sa isang kilalang angkan sa bansa, ang mga Lopelion. Ngunit sa halip na matuwa ay nadismaya pa si Luna Fajardo nang makasal sa huwad na Lopelion. Si Marcus, ang adopted son ng pamilya. Isang warden prison, hindi tanyag at walang pangalan sa lipunan. Sa paanong paraan mapapakinabangan ng pamilya niya ang isang ampon? May mabuti bang maidudulot ang pagpapakasal niya rito? O, kamalasan lamang ang hatid nito sa pamilya at buhay niya?
Urban
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Chained in Love

Chained in Love

Isa lang ang gusto ni Aryen Romero sa buhay niya at iyon ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Ulilang lubos mula pagkabata at nakuntento sa puder ng mapanglait at mapanakit niyang tiya. Papasok siya bilang isang katulong sa isa sa pinakamayamang pamilya sa Laveda. Sa sobrang yaman ng mga ito ay kahit sino sa bayan nila ay nangangarap na mapabilang sa pamilya Lizares, at isa na ang Tita niya. Her Aunt's thirst for wealth awakened when she knew about her work. Inutusan siya nitong akitin ang tagapagmana ng mga Lizares at kung hindi niya iyon gagawin ay palalayasin siya ito at hahayaang tumira sa kalsada. Hindi totoo ang mga diyos sa mitolohiya pero mukhang naisasabuhay ito ni Armiel Frederick Lizares. At talaga nga namang sobrang imposible na maaakit niya ito dahil sa kasamaan ng ugali na parang ang tingin sa lahat ng mga mahihirap ay mukhang pera. But as she know him well, she discovered something deep in him behind his rich face, and lifestyle. Sa sandaling panahon ay nagawa niyang ibigay ang lahat-lahat sa binata. Pero hindi kailanman pabor sa kanya ang tadhana. Nalaman ni Armiel ang plano ng Tita niya at lubos itong nagalit na pinagtabuyan siya na nagpadurog sa kanya ng husto. Nang lumayo siya sa binata ay nalaman niyang dinadala niya ang bunga ng isang gabing mainit nilang pinagsaluhan. At kahit anong hirap ang hinarap niya dahil doon ay determinado siyang huwag ipaalam dito ang tungkol sa anak. Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Gaano man niya itago ang anak ay lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. Paano niya haharapin ang galit nito sa ginawa niyang pagtago sa anak nila? Will he believe that she's not after his wealth? Will the chain of love between them could hold them two together again—or not?
Romance
9.216.4K viewsCompleted
Read
Add to library
GUERRERO LEGACY 1: ADRIELLE GUERRERO

GUERRERO LEGACY 1: ADRIELLE GUERRERO

Bryll McTerr
Bilang isa sa walong tagapagmana ng Octagon, isang mafia organization na namamayagpag hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya at sa iba pang karatig na kontenente ay walang kinatatakutan si Adrielle Guerrero. Para sa kanya ay hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay. Because why not? She has everything that every woman could ask for and she can defend herself as well. Pero nang makilala niya si Cougar Falcon, ang secret agent na nagtatago sa pangalang "Bob" ay biglang nagbago ang lahat para kay Adrielle dahil sa unang pagkakataon ay bigla niyang na-realize na mahina pala siya...mahina sa tukso kapag nasa tabi niya ang lalaki. Ngunit paano kung matuklasan niya ang tungkol sa totoong pagkatao ng lalaki at ang tunay nitong motibo sa pagpasok sa Octagon? Kaya kayang tanggapin ng puso ni Adrielle ang panlilinlang ni Cougar o pagbabayarin niya ito ng dugo gamit ang sarili niyang mga kamay?
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
A PART OF ME

A PART OF ME

dser
Kahit halos hindi na makatayo sa kalasingan ay agad na pumunta si Maya sa dance floor at doon ay parang wala sa sariling umindak sa tugtugin. Ito ang paborito nilang kanta ng ate niya. Napaluha siya, at napaupo sa sahig, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito kayang kalimutan. Pakiramdam niya ay siya nalang ang nag iisang tao sa mundo. "Miss, are you okay?" boses ng isang lalaki Tumingala siya rito habang inaabot nito sa kanya ang isang panyo. "Ate Riza?" hilam sa luhang tawag niya rito.
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Royal Redemption (Chasing Series:02)

The Royal Redemption (Chasing Series:02)

Pipiliin ba ni Jace na yakapin ang pag-ibig na minsan niyang tinangka na takasan, o ang mga anino ng kanilang nakaraan ay maghahatid sa kanila sa pagkakahiwalay magpakailanman? At sa huli, kapag nagising si Luther, matutuklasan ba niyang si Jace ay naghihintay pa rin sa kanya, o talagang nakapag-move on na siya? Sa isang mundo ng panganib at pag-ibig, ang kanilang kapalaran ay nakabitin sa isang sinag ng pag-asa. Ano ang mangyayari sa kanilang kwento? Ang sagot ay nasa hangin, sa isang tadhana na patuloy na naglalaro.
Romance
10447 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status