Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Trapped in Love

Trapped in Love

Si Caroline Shenton ay ang matagal na at hindi matinag tinag na presensiya sa tabi ni Evan Jordan. Sa malawak na lungsod ng Angelbay, siya ang ikatlong anak at pinakaiingatan na kayamanan ng misteryosong Jordan family, isang hindi mahawakan at sagradong ganda. Pero, sa loob-loob niya, alam ni Caroline na kapalit lang siya, taga punan para sa tunay niyang pag-ibig. Sa araw na nahanap ni Evan ang tunay niyang pag-ibig, malupit niyang itinapon si Caroline na parang laspag na sapatos. Sapagkat nasiraan siya ng loob at dismayado, naging malamig siya, at kasama ang sanggol hindi pa niya ipinapanganak, pinili niyang magsimula ng bagong buhay sa malayong lugar. Lingid sa kanyang kaalaman, nabaliw si Evan, hindi alintana na ang kanyang isang dekada ng hinahanap, na tunay niyang pag-ibig, ay matagal na palang nasa tabi niya…
Romance
9.586.9K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)

THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)

Isabelle Osorio is a strong, single, and independent woman ngunit desperada. Nasa bingit ng pagkawala ng lahat ng ari-arian ang pamilya niya at ng pagkakalubog nila sa utang. At ang solusyon? Kasal sa isang lalaking hindi pa niya nakilala ni minsan, isang milyonaryo na ang usap-usapan ay may pusong bato. Ngunit sa gabi ng kanyang bridal shower, namagitan ang tadhana. Hindi niya gusto ang kasal, ngunit hindi rin niya gusto ang magtaksil sa mapapangasawa niya—subalit nagising na lamang siya sa piling ng macho dancer na inarkila para sa bridal shower niya Isang gabing pagsinta at isang lihim na magpapabago sa buhay niya. Makalipas ang isang buwan, nagimbal siya sa balita na siya ay nagdadalang tao. Ngayon, nahaharap siya sa isang desisyong magpapabago sa buhay niya— ang pakasalan ang lalaking hindi niya mahal o yakapin ang hindi inaasahan at ipaglaban ang kanyang kaligayahan? He got her pregnant. But could he get her heart?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS

HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS

Late Bloomer
Kath was forced to marry a well known billionaire— Noah Montenegro by her grandfather. She is an illegitimate daughter of her father. Dahil sa pagiging anak sa labas ay tinanggap na niyang kailanman naging paborito ng pamilya ng kaniyang ama. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya nakilala ang kaniyang ina dahil sanggol pa lamang siya ng iwanan siya nito. Her marriage with Noah was hell, dahil kailanmman ay hindi siya nito tinuring na asawa lalo pa at sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay hindi niya nabigyan ng tagapagmana ito. Dahil dito ay nakipaghiwalay ito sa kaniya na hindi alam na meron na pala siyang dinadala. Sa paglipas ng taon na hindi nila pagkikita ay muling magkrus ang landas nila, magsilbi kayang daan ang mga anak nila upang muling mabuo ang kanilang pamilya?
Romance
108.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Lothario Series 1: Blank Oath

Lothario Series 1: Blank Oath

itssausagetome
Sephora is a free spirit and stubborn. She know and gets what she wants even spending and wasting money to nonsensical things. Kaya hindi niya lubos maisip nang bigla na lamang siyang ipadala ng kaniyang ama sa isang probinsyang hindi niya alam kung nag-eexist ba talaga. Napa-oo siya ng bigla siyang alukin ng isang proposisyon nito na alam niyang hindi niya kayang tugunan. Natagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili sa isang isla kasama ang isang lalaking hindi niya kilala. Ngunit ano ang kaniyang gagawin kung matatagpuan na lamang niya ang kaniyang sariling na nasa bisig ng lalaking nagpakilala sa kaniya na kaniyang asawa? Matatanggap niya kaya ang dahilan kung bakit nauwing hindi niya alam na kasal siya rito? Mag-aaklas kaya siya o ipaglalaban ang pag-iibigan nila taliwas sa totoong rason?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Hearts in Disguise | Ducani Series #1

Hearts in Disguise | Ducani Series #1

Saki is a self-proclaimed future Mrs. Ducani. Wala siyang pakialam kung ilusyonada ang tingin ng lahat sa kanya dahil malakas ang paniniwala niyang ang ganda niya ay hinulma para sa isang Ducani. She was sure of it. Kung hindi rin lang Ducani ang apelyido ng lalakeng manliligaw sa kanya ay ligwak kaagad. Not until she met "Kanor". Ang gwapong janitor sa Ducani Empire at ang asungot na madalas siyang sabihang hindi niya dapat pangarapin ang magkakapatid na Klinn, Krei, Keeno, at Keios. Bwisit siya sa pagsasampal nito ng katotohanang cannot be reached ang magkakapatid pero hindi niya inasahang mahuhulog siya rito. Hindi na nga siya nakabingwit ng isang Ducani. Nainlove pa siya sa isa ring pobreng gaya niya. Will she hold on to her belief that she's made for a Ducani and only for a Ducani? O kakainin niya ang pride para kay Kanor?
Romance
1027.9K viewsOngoing
Show Reviews (98)
Read
Add to library
Rucel Jenn Lopez B
After reading the story parang gusto ko na ring tumambay sa labas ng bahay ng crush ko charot. The author wants us to feel na kahit gaano mo itatak sa utak mo na mag-asawa ng mayaman, hindi mo kayang mapasunod yung puso mo at don't judge the person by its physical appearance. ❤️
Devie Angela Swift
This story is so beautiful, I just finished reading your book and wanted to tell you how much I enjoyed it. I really love you're stories because their so inspirable. I really recommend the story of yours and also thank you for creating this such wonderful story.
Read All Reviews
Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]

Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]

Ursula had to escape from her father dahil pinipilit siya nitong ipakasal sa kanang-kamay nitong si Leon. Her father felt indebted to him because he saved his life on one of their encounters to the authority. Pero ang hindi alam ng ama ay masamang tao ang pinagkakatiwalaan nito dahil isang gabi na wala ito ay sinubukan siyang pagsamantalahan ni Leon at nang hindi siya pumayag ay sinaktan siya nito. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa makarating sa isang kubo sa gitna ng sagingan at doon ay nakatulog siya. Nang magising ay nasa isang silid na siya at agad na bumulaga sa kanya ang mukha ng isang lalaki. The most handsome face she had ever seen. Hindi niya alam na posibleng makaramdam siya ng sense of security sa lalaking kakikilala pa lamang niya at iyon ang ibinibigay ng awra nito sa kanya. Agad na nahulog ang loob niya rito at hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil nagpanggap siyang wala siyang naaalala kahit pa ang sarili niyang pangalan. Matatanggap kaya siya nito kapag nalaman nitong parte siya ng isang grupo na lumalaban sa gobyerno? Pero paano kung nahulog na rin pala ito sa kanya? Would he choose her dangerous love over his family?
Romance
10750 viewsOngoing
Read
Add to library
IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)

IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)

Kasalukuyang nasa bar si Heaven at nagpapakalasing. Kaka-break lang nila ng nobyo dahil nahuli niya ito at ang bestfriend niyang nakapatong sa isa’t isa sa mismong pamamahay niya! Nasaktan siya, hindi dahil naagawan siya ng boyfriend, kundi nasaktan ang pride niya dahil isang pipitsuging lalaki lang ang nakagawa noon sa kanya. Kung tutuusin, hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay. Shes an independent woman, mabubuhay siya nang walang lalaki dahil siya si Heaven Ferrer! "Hi..." Narinig niyang may nagsalita sa likod niya... isang lalaki. Umupo ito sa tabi niya. "Sorry na lumapit ako, ha. I know na gusto mong mapag-isa dahil tinapalan mo ng pera ang lahat ng nanggugulo sa'yo dito. Hahaha..." Napangisi siya sa humor ng lalaki. "Bakit, gusto mo rin ng pera?" biro niya. Pinagmasdan nya ito. Kahit na lasing na siya nababnaag pa din ang kagwapuhan ng lalaking nagpakilalang si Theo. Actually, napansin na din niya ito kanina pagpasok niya. Ang lakas kasi ng sex appeal nito. Lihim siyang napangiti sa naiisip. Bakit hindi siya magwalwal sa gabing iyon? Gagamitin niya si Theo para sa kanyang plano. Gusto niyang makatikim ng lalaki sa gabing iyon. At kapag maisagawa na niya iyon, magpo-focus na siya sa buhay nya. Magpapawasak siya sa gabing iyon para hindi naman siya matawag na desperate virgin. At pagkatapos noon, hindi na siya magbo-boyfriend. She can live without a boyfriend anyway! "Theo, can you bring me to your place?" diretsahang sabi niya. Napaubo si Theo sa sinabi niya. "Huh?... Why?" "You know what I mean..." malanding wika niya. Alam niyang type siya ni Theo kaya imposibleng aayaw ito sa gusto niya. "A-are you sure?" "Ayaw mo ata. Sige, I will find someone else..." wika niya saka akmang tatayo, pero pinigilan siya nito. "Wait!..." Hinawakan siya nito sa braso. "Let's go..."
Romance
1080.8K viewsCompleted
Show Reviews (19)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
thank you sa update Ms A...may twist nga na binigay ni Ms A...kaso Ms A wag mo nmn gawin martir at Tanga Ang mga Bida..baka mmya Ang nangyari kagaya ung nangyari before..at sana wag Basta Basta maniniwala SI Theo na anak niya bata ipDNA test Ng lihim pra di Siya maloko
Nimpha
sorry po madam e good bye Kuna sa library ko po paramabawasan Ang puyat ko sa kakahintay po na Wala nmang update nagging low blood na Ako dahil lagging late na makatulog sa pag hihintay Ng mga update sa mga binabsa ko po kaya Ang ititira ko UNG always updated at Maaga mg update good byirreplaceable
Read All Reviews
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1020.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Rain on Your Parade

Rain on Your Parade

Penmary
Hindi inasahan ng rakistang si Zein na uso pa pala ang pagiging "rebound girl" nang sabihin iyon ng panderong ex-boyfriend ng Ate Zelda niya na si Amos. Umeksena lang ang "bitter" na lalaki sa kasal ng kapatid niya, inaya na siya sa isang relasyong wala namang pag-ibig. Nasira ang plano niyang magkaroon ng magandang karanasan sa isang relasyon. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang umihip at pumayag siyang maging panakip-butas lamang. In short, band-aid lang siya para sa mga sugat na iniwan ng kapatid niya sa puso ng binata. Akala ni Zein ay naging maingat siya pero nahulog ang damdamin niya at umasang kaya siyang saluhin ni Amos subalit bumalik sa eksena ang Ate Zelda niyang una nitong minahal. Hindi na siya naghintay na saluhin ng binata. Umahon na agad siya kahit may naiwang marka ang lalaking tanging nagpalakas ng tibok ng puso niya. Ngunit saan siya dadalhin ng pagtakas niya sa isang pag-ibig na hindi sigurado? Paano niya pa ito makalilimutan kung may buhay na sa kaniyang sinapupunan?
Romance
102.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Maid Ako Ng Amo Ko

Maid Ako Ng Amo Ko

Fara Fabulosa, 21 years old, anak mayaman at nag-iisang anak ng kanyang mga magulang. Pakiramdam ni Fara ay may kulang pa rin sa kanya. Oo napapalibutan nga siya ng maraming magagarang kagamitan, alahas at pera. Ngunit walang lalaking nagmamahal sa kanya ng tapat. Dahil sa isip niya ay pera lang ang habol sa kanya ng mga lalaking nagkandarapa sa panliligaw sa kanya. Hanggang sa pilitin na siyang ipakasal ng kanyang magulang sa isang lalaking hindi pa niya nakikita. Ngunit bago mangyari iyon, gumawa na nang paraan si Fara. Tumakas siya sa bahay nila dala ang kaunting damit at perang naitabi niya. Pumasok na katulong si Fara. Ngunit hindi naman niya inaasahan na ang magiging amo niya ay ubod ng strikto at sungit. Siya si Reyman Fernandez, ang lalaking hindi man lang nagawang tapunan siya ng tingin. Ngayon lang siya nakahanap ng lalaking katulad ni Reyman. Paano niya haharapin ang panibagong mundo niya? Makakaya ba ni Fara ang ugali ni Reyman? O baka susuko na lang siya at tuluyan ng magpakasal sa lalaking hindi man lang niya kilala. Tunghayan ang kapanapanabik na kabanata sa buhay ni Fara Fabulosa.
Romance
1045.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
7891011
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status