Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Revenge or Love

Revenge or Love

Si Rafael Jones ay bumalik ng Pilipinas dahil sa pagkamatay ng kanyang Kuya James. He never imagined that his brother would be killed in a car accident. He can't accept his death, so he tries to figure out why he had that accident. He finds out that James' girlfriend had another man and discovers that his girlfriend--Diane, is cheating on him. Then James was drunk and got into an accident. Rafael wants to exact his vengeance on the person who murdered James. Hindi siya naniniwalang aksidente lang ang lahat. Ipinadakip niya si Diane upang parusahan sa kanyang ginawa pero pinipilit nito na hindi siya si Diane kung hindi si Michaela. Hindi siya naniniwala dito. Michaela wakes up in an unknown place, and a man abducted her because of Diane's faults. Hindi niya alam kung ano bang nagawa nito. Hanggang itago siya ni Rafael at dinala sa kaniyang Isla. Pilit tinatanong nito kung ano ang ginawa niya kay James o ano ba ang nagawang kasalanan nito para mauwi lahat sa tragedy. Until Rafael realized he was falling in love with Michaela while they were on the island. Will he go for revenge or love?
Romance
17.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Isa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan. Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel. May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa. Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba. Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob. Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel. Buntis na pala siya kay Magnus. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya. Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita. Makakatakas pa ba siya sa dating asawa? Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak? O mabubunyag ang kaniyang lihim? Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
Romance
1010.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Billionaire Husband's Hidden Identity

My Billionaire Husband's Hidden Identity

Para matakasan ang toxic na tiyahin ni Felicity Chavez, kaagad siyang pumayag na magpakasal kay Thorin Sebastian—ang lalaking ka-blind date niya na inireto mismo sa kan'ya ng tiyahin. Nagdesisyon si Felicity na pakasalan ito dahil sa dinami-dami ng mga inireto sa kan'ya ng kanyang Tita Lucille, si Thorin lang ang pinakadisente sa lahat. Nagsama si Thorin Sebastian at Felicity Chavez sa iisang bubong, at kahit estrangherong sila sa isa't-isa ay naging maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Iyon nga lang, walang kaalam-alam si Felicity na mayroong lihim na identity ang kanyang asawa—ito lang naman ay isang bilyonaryo na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa! Ano ang gagawin ni Felicity sa oras na matuklasan niya ang sikreto ng asawa? At paano papanindigan ni Thorin ang pagpapanggap gayong hindi naman siya sa sanay sa ordinaryong buhay? May sumibol kayang pagmamahalan sa dalawang tao na pinagbuklod ng kasinungalingan?
Romance
9.719.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire Stole Me From My Groom

The Billionaire Stole Me From My Groom

Bago ang kasal, nahuli ni Mithi ang fiancé niya na nagtataksil sa kaniya. Sa isang hotel room kung saan doon sana gaganapin ang unang gabi nila, ay nakita niya si Luis na may ibang kasiping. “Kasalanan mo rin naman dahil nagpaka-feeling santa ka. Ikakasal ka na sa akin pero ayaw mong haIikan kita o ayaw mong pumayag makipagsex sa akin. Mithi, lalaki ako at may pangangailangan rin ako.” Ang sinabi ni Luis na tila ba ay naging kasalanan pa niya ang lahat. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang lalaki ang biglang dumating sa kwarto kung saan sila nagtatalo. Lalaking handa siyang sagipin para hindi siya mapahiya sa maraming tao. “If you can’t cancel the wedding then papakasalan kita. I’ll be your groom.” Natigilan silang lahat matapos iyon sabihin ng isang estrangherong lalaki. Dahil wala na sa sarili, isang tango ni Mithi ang isinagot niya. Isang tango na siyang naging ganti na rin sa fiancé niyang nagtaksil sa kaniya. Agad siyang kinaladkad no’ng estrangherong lalaki paalis ng hotel. “S-Saan tayo pupunta?” tanong ni Mithi “To the mayor’s office. Let’s get married!” Sagot nito na taimtim na nakatitig sa kaniya.
Romance
10183.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Two Flames In A Dress

Two Flames In A Dress

MarkusJuan
Labing isang taong gulang si Andrea nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Sa paghihiwalay ng mga ito, naghiwalay din ang landas nila ng kanyang kakambal na si Althea. Napunta siya sa kanyang ina kung saan nakaranas sila ng labis na paghihirap na kanilang pinagdaanan. Pero mukhang habulin si Andrea ng malas, natanggal siya sa kanyang pinagtatrabahuhan na kompanya kung saan nagde-design siya ng mga damit. At sa pagkakataong iyon, doon naman nagbukas ang oportunidad sa kanya nang makilala niya ang lalaking si Matthew nang minsang magpunta siya sa bar at yakapin siya nito. Dahil may sarili itong designing company, nagtrabaho siya rito. Hanggang sa nakilala niya ito at tuluyang nahulog ang loob nila sa isa't isa. Inalok siya ng kasal ni Matthew at pumayag siya dahil mahal na nga niya ito. Nagsimula ang masayang relasyon nila na akala niya'y magtatagal. Hanggang sa isang araw, bumalik ang kakambal niyang si Althea. Ano'ng dalang pasabog ni Althea sa kaniya? Babalik pa ba sa dati ang kanilang relasyon bilang kambal o ito ang sisira sa masaya niyang buhay kasama si Matthew?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss

One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss

Dahil sa labis na kabiguan sa pag-ibig, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa buhay ni Freya at iyon ay ang ipagkaloob ang isang sarili sa estranghero. Handa na sana niyang ibaon sa limot ang pangyayaring iyon kaya lang ay muling nagkrus ang landas nila ng lalaking iyon dahil siya pala ang CEO ng kanilang kumpanya na ni minsan ay hindi pa niya nakikita sa loob ng dalawang taon na pagtatrabaho niya roon. Ang masakit pa ay tandang-tanda siya nito at hindi lang iyon, kinuha siya nitong personal na sekretarya ngunit front lang pala nito iyon para mapalapit sa kaniya. Mukhang wala itong balak na basta na lang kalimutan ang gabing namagitan sa kanila. Sa likod ng pagiging boss at sekretarya ay may isang relasyon ang mabubuo sa pagitan nila. Pero paano kung sa kalagitnaan ng relasyon nila ay bigla na lang silang subukin ng tadhana dahil maaksidente si Dalton at hindi na siya maaalala? Paano niya magagawang harapin ang sitwasyon lalo pa at buntis siya?
Romance
1031.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
SINNER (wild feelings SPG 3)

SINNER (wild feelings SPG 3)

Sinabi ni Mariya sa kaniyang sarili na hindi siya gagaya sa kaniyang ina. Na hindi siya papasok sa bar para maging bayaran o parausan. Ayaw niyang matulad sa ina niya na naanakan lang nang naanakan at hindi na pinanagutan. Ang hindi napapansin ni Mariya ay naging mas masahol pa siya sa kaniyang ina. Natuto siyang magnakaw para lang maibigay ang pangangailangan ng pamilya niya. Natuto siyang magpagamit sa boss niya kapalit ng malaking pera at ang mas masahol pa sa lahat, naging kabit siya ng boss niya kahit alam niyang may asawa ito na may sakit. Minahal niya si John sa kabila ng ginagamit lang siya nito tuwing kailangan nito ng parausan. Naniwala siya sa pangako ni John na iiwanan nito ang asawa para sa kaniya. Halos mabaliw si Mariya mula sa matinding pagmamahal niya kay John na umabot pa sa puntong pinilit niyang paghiwalayin ang mag-asawa para lang makaganti siya. Hanggang kailan kaya magkakasala si Mariya? kailan niya maiisip na itama ang mga mali? Ipaglalaban niya pa rin ba si John kahit na sa una pa lang ay alam niya na kung kanino ito pagmamay-ari? Hanggang saan siya dadalhin ng makasalanan niyang puso? SINNER
Romance
1055.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Married To My Evil Boss: Instant Mommy

Married To My Evil Boss: Instant Mommy

*A romantic comedy with a heart-tugging twist — following a lighthearted yet challenging journey of love, sacrifice, and unexpected family. A tale of a simple girl thrust into a fake marriage, sudden motherhood, and a boss whose heart may be harder to win than she thought.* ********* "Marry me, you'll get money for your mother's surgery, and I get a wife to face my family." Napatitig si Tin kay Xander. Kinakalkula niya bawat katagang binitiwan nito. Seryoso ba ang lalake sa sinasabi? Guwapo si Xander. Walang babaeng tatanggi kahit sino ang alukin nito ng kasal. Maraming magaganda at mas sosyalin na babae na umaaligid dito. Kaya napatanong siya. Bakit siya? Isang probinsiyana na hanggang higschool lang ang natapos ang inaaya nitong pakasalan. "Sige..." Pumayag siyang maging asawa ng isang Xander Dela Vega. Pero hindi lamang pala pagiging asawa ang magiging papel niya sa buhay nito. Dahil ipinagpilitan ng Lola nito na magtrabaho siya sa kompanya bilang secretary ng lalake. "And by the way..." Kinuha nito bigla ang isang sanggol sa pangangalaga ng isang babae. Pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang ampunan naman sila pumunta. "From now on, you're his mommy..." Nanlaki ang mga mata ni Tin. Wala sa usapan nila ang pagiging instant mommy niya. Pero paano kung mapamahal si Tin sa bata maging sa ama nito? Paano niya susukilin ang damdamin na umuusbong kung may hangganan naman ang kanilang kontrata? Kaya bang ipaglaban ni Tin ang pamilyang nabuo sa kontrata pero minahal at inalagaan niya? O susukuan niya iyon dahil natapos na ang pagiging instant wife at instant mommy niya? ***** "Pinakasalan mo lamang naman ako dahil inakala mong mabibilog mo ang ulo ko. Dahil ano? Hamak na probinsiya lang ako! Madaling maloko. Madaling paikutin! Nagkakamali ka! Dahil hindi ako bobo, Xander. Hindi ako tanga para gaguhin mo!"—TIN.
Romance
1012.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Innocent Maid

The Billionaire's Innocent Maid

Dulot ng kahirapan, maagang nagtrabaho si Hera dala na rin nang hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa kaniyang magandang mukha at katawan, wala na siyang iba pang maipagmamalaki sa kaniyang sarili. Dahil sa kagandahang taglay, natanggap siya sa isang fancy restaurant bilang waitress pero hindi rin naman din siya nagtagal doon. Bumalik ulit siya sa dati, kung saan-saan lang naglilibot at naghahanap ng trabaho. Hanggang sa isang gabi, may bigla na lang estranghero ang nag-alok sa kaniya ng isang trabaho. Malaki ang sahod at hindi kailangan ng magandang background. Tinanggap ni Hera ang trabaho. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang trabaho na kaniyang pinasukan ay simula na pala ng panibagong hamon at kalbaryo ng kaniyang buhay. Ano na lang ang kaniyang magiging reaksyon kung isang araw, natagpuan na lang ni Hera ang kaniyang sarili na may kakaiba at hindi normal na relasyon sa kaniyang amo?
Romance
1022.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Accidentally kissed my Enemy

Accidentally kissed my Enemy

Miss A.
Nalaman ni Tessa na nagloloko sa kaniya Ang boyfriend niyang si Mark kaya naman humila siya ng lalaki na nasa tabi niya lang at hinalikan ito upang ipakita Kay Mark na hindi siya naapektuhan... ngunit Ang hindi niya alam ay ang nahalikan niyang lalaki ay Ang lalaking pinakasusuklaman niya
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3334353637
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status