Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
We Touch, We Kiss, We Sin.

We Touch, We Kiss, We Sin.

Hindi mapigilan ni Xiomara "Xia" Pineda ang mapapikit sa tuwing naamoy niya ang nakakaakit na pabango ng lalaking ito na gising na gising yata noong magtapon ng magagandang pisikal na katangian ang diyos. Si Liam Blake Bieschel. Kulang na lang ay ibigay na niya ang buong kaluluwa niya rito. Isang hindi mapaliwanag na elektrisidad ang palaging dumadaloy sa kanyang kaibuturan sa tuwing ito ay malapit sa kanya. Kung siya ang tatanungin, isang pitik na lang ay talagang bibigay na siya kay Liam. Pero, hindi iyon maari. Si Liam at siya ay hindi maaring magkaroon ng relasyon na higit pa sa role niya na hanggang pangkama lang. Wala iyon sa kasunduan ng pagiging isang babymaker.
Romance
1019.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Owned By The Billionaire

Owned By The Billionaire

Bratinela17
Sofia Cruz is a loving granddaughter and sister to her family; she worked hard in their province to give them a comfortable life. But she left her place because she was promised to have a better job in Manila. However, what she didn't know, she was only tricked by the person who recruited her and turned out to be sold to a businessman who owned a bar. When she entered the bar, there she met Howard, the man who was willing to buy her for three million pesos just for a night. Will she agree? Or she will reject the man's offer. Aside from that magkakaroon sila ng kasunduan hanggang nasa poder siya nito hindi siya pwedeng lumabag sa mga kasunduan nito isa na dito ang bawal siyang ma in-love sa lalaki. Kaso dumating ang araw na unti-unting mahuhulog siya sa lalaki kaya lilisanin niya ang Mansyon at magpapakalayo layo. Sa pagbabalik niya malalaman ng lalaki na nagkaroon pala sila ng anak at malalaman nito ang tunay na dahilan nang pag-alis niya.. May pag-asa pa bang maging masaya ang dalawa na nagsimula sa isang kasunduan lamang..
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
It's Always Been You

It's Always Been You

Wala sa plano ni Francyn na pumayag sa pustaan ng mga kaibigan niya. Hindi rin niya alam kung bakit siya napapayag ng mga ito gayong hindi naman niya ugaling manloko ng tao para lang makaganti ang kaibigan niya sa lalaking nangloko dito. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana sa kaniya. Kung si kupido nga nagawang panain ang puso ng mga sawi siya pa kayang ni minsan hindi pa naranasan paano ang magmahal. Paano kung siya mismo ang mabiktima ng kalokohan ng mga kaibigan niya. Paano kung siya mismo ang mahulog sa lalaking akala niyang nanakit sa kaibigan niya. Kaya ba niyang pigilan ang nararamdaman para sa isang kaibigan? O susugal siya sa pag-ibig na ngayon lang niya naramdaman.
YA/TEEN
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contracted to a Single Dad

Contracted to a Single Dad

Si Lia Constantino ay isang ulila at bayarang babae na nagtatrabaho sa isang club upang suportahan ang kapatid niyang may malubhang sakit. Nang kailanganin ng kapatid ang isang kidney transplant na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso, hindi na alam ni Lia kung paano makakakolekta ng ganitong halaga. Hanggang isang gabi, isang misteryosong lalaki, si Dr. Rabino Castillon, ang CEO ng CST Medical Center at isang single dad na may kambal, ang lumapit sa kanya. Nag-alok ito ng limang milyong piso kapalit ng isang kasunduan: magiging asawa siya ng doktor sa loob ng isang taon at magpapanggap bilang ina ng mga anak nito. Dahil sa hirap ng sitwasyon, at para sa kaligtasan ng kapatid, pumayag si Lia. Ngunit habang nagsisimula silang magsama sa isang bahay, unti-unting nahulog ang loob ni Lia kay Dr. Rabino—isang lalaking mahirap maabot at wala ng interes sa babae. Ngunit kung kailan nahulog ang loob ni Lia sa binata ay siya namang pagbabalik ng dati nitong asawa. Ipaglalaban pa rin ba niya ang pagiging asawa, kahit na ang kasal nila ay isa lamang kontrata? At paano kung may sekreto palang tinatago ang kanyang asawa?
Romance
10592 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Maid Who Married The Boss

The Maid Who Married The Boss

Isang maid ang inalok ng kasal ng kanyang boss para makuha nito ang mana. Dahil sa hirap ng buhay, pumayag siya kapalit ng ginhawa para sa kanyang pamilya. Ngayon, asawa na siya ng isang bilyonaryo. Pero kaya ba niyang manatili sa kasal na ito nang hindi nahuhulog sa boss niya—lalo na kung alam niyang mahal pa rin nito ang dating kasintahan?
Romance
1031.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
Mafia
2.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mayor's Contract Wife

The Mayor's Contract Wife

Isang matapang na dalagang negosyante si Ysabella Cruz na handang gawin ang lahat para mailigtas ang pamilya nila sa pagkakautang—kahit pa ang kapalit ay isang kasunduang kasal. Ang catch? Ang lalaking papakasalan niya ay si Mayor Alaric Dela Vega—bata, makapangyarihan, at misteryosong lider ng kanilang bayan. Hindi inaasahan ni Ysabella na ang lalaking minsang tumulong sa kanya noong kabataan pa sila ay siya ring magiging "asawa" niya ngayon—ngunit sa papel lamang. May sariling dahilan si Mayor Alaric kung bakit pumayag siya sa kasunduan: kailangan niyang mapanatili ang imahe niyang "settled" upang matuloy ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nabubura ang hangganan ng kasunduan. Sa pagitan ng mga scripted na halik sa harap ng kamera at mga gabing puno ng katahimikan, may damdaming unti-unting nagigising. Hanggang kailan sila magtatago sa likod ng kontrata? At kapag dumating ang oras ng pag-pirma ng annulment papers, sino ang unang aatras—ang pusong natutong magmahal o ang pusong takot masaktan muli?
Romance
10546 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Contract Wife

The Billionaire's Contract Wife

Desperada at wala nang ibang mapagpipilian, pumayag si Hiraya Lyn—isang matatag at determinadong dalaga—na pumasok sa isang contract marriage kasama si Nexus Watson, isang malamig at misteryosong bilyonaryo. Hindi simple ang naging dahilan ni Hiraya sa pagsang-ayon niya—ang kanyang nakababatang kapatid ay may malubhang sakit na cancer, at ang perang iniaalok ni Nexus ang tanging pag-asa nilang makapag pagamot ito. Si Nexus, na kilala sa kanyang pagiging walang-awang negosyante, ay may sarili ring dahilan. Ang kanyang pinakamamahal na lola—ang tanging taong minahal niya ng buong-buo—ay tumatanda na at may hiling na makita siyang ikinasal bago ito pumanaw. Upang tuparin ang kahilingan nito—at panatilihing ligtas ang kanyang puso—nag-alok siya ng isang kasunduan. Isang taon lamang ang itatagal ng kanilang kasal, walang sabit, walang damdamin na masasangkot. Habang binabagtas nina Hiraya at Nexus ang kanilang huwad na relasyon, at habang namumuhay sa iisang bubong ay unti-unting nagiging totoo ang nararamdaman nila. Mula sa isang malamig at pekeng kasunduan, unti-unting umusbong ang isang damdaming hindi nila inaasahan—pag-ibig. Pero sa gitna ng mga lihim, pagpapanggap, at sakit, kakayanin ba ng relasyong sinimulan sa kasinungalingan ang paglabas katotohanan?
Romance
10703 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Rizza was kidnapped and brought to the place where Drake is living with his men. Hindi siya dinukot para ipatubos sa kanyang pamilya hindi kagaya ng mga napapanood niya sa mga drama sa telebisyon. Siya ay dinukot ng mga hindi kilalang lalaki upang bigyan ng anak na magiging tagapagmana si Drake na ayaw na mag-asawa sa takot na baka lokohin at iwan na naman ito. Pumayag kaya si Rizza sa nais ng bilyonaryong binata na bigyan niya ito ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya nito? Paano kung tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake? Makabalik pa kaya siya sa kanyang pamilya na buhay? Kahit tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake hindi na niya matatakasan ito.
Romance
10.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

Mapipilitan si Sandy na umalis sa kinalakihan niyang lugar sa probinsiya para sa isang kasal. Kinuha siya ng magulang niya para ipakilala siya kay Dwight Montemayor, ang lalaking hindi na nagawa pang makalakad dahil sa isang aksidente. Pumayag si Sandy na ipakasal siya kay Dwight hindi dahil mayaman ang pamilya nito. Meron siyang malalim na dahilan kaya pumayag siyang makasal sa binata, ngunit sa kabila ng lahat ay magiging magulo ang buhay ni Sandy sa poder ng kanyang magulang dahil sa kanyang kapatid na si Amara. Laging ito ang mas magaling at mabuti, kahit kabaliktaran naman lahat ng pinapakita nito kay Sandy, at isa pa, ang iniibig ng kanyang kapatid ay ang kanyang mapapangasawa, si Dwight. Kaya mas lalong magiging magulo ang lahat sa pagitan nila Amara at Sandy. Muli kayang makalakad pa si Dwight? Darating pa kaya ang panahon na mapapatawad ni Sandy ang kanyang magulang?
Romance
106.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
34567
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status