Will You Love Me? (BL)
“So, sino palang kikilos? Ako? E, hindi naman ako involve sa away niyo. Kung ayaw niya, edi, ikaw ang lumapit. Kausapin mo, makipag-ayos ka.”
Bored ko siyang tiningnan dahil walang sense iyong sinabi niya. “Bahala siya sa buhay niya. Ba’t kailangan ako ang mag-effort, e, hindi naman ako ‘yung biglang tinupak.”
Umiling si Felix sabay buntong-hininga. “’Yan ang hirap sa ‘yo, e. Ang taas-taas ng pride mo. Sige nga, mapuputulan ka ba ng kamay o paa ‘pag ikaw ang unang lumapit at makipag-usap sa kanya, ‘di ba hindi naman?... Sa madaling salita, walang mawawala sa ‘yo kung ikaw ang unang mag-e-effort, saka, napaka-worth-it magbaba ng pride kapag friendship na ang pinag-uusapan.”
Sikat na Kabanata