Sold to Ninong Hugo
Dahil sa hirap ng buhay, walang nagawa si Naya Jade kundi kumapit sa patalim. Dahil ng akulin siya ng trabaho ni Madam Miranda sa The Gentleman's Club--isang High End Bar ay pikit matang tinanggap niya ang trabaho na inalok nito sa kanya.
At ang magiging trabaho? Isang pole dancer. Magsasayaw lang siya sa harap ng mga bigatin na customer at kikita na siya ng pera.
At sa unang araw ni Naya sa trabaho ay may nag-book agad sa kanya na isang bigating customer. He wants a private pole dancer. And for one night, he is willing to pay a huge amount. At dahil kailangan niya ng pera ay pumayag siya.
Inakala ni Naya na isang matanda ang nag-book sa kanya. Matandang mayaman, malaki ang tiyan at napapanot.
Pero ganoon na lang ang gulat ni Naya nang makita niya ang bigating customer na nag-book sa kanya para sa isang sayaw.
He was young, tall, and oozing sex appeal. And even though he was wearing a mask on his face, she was sure he was handsome.
At mukhang nagustuhan siya ng lalaki dahil gusto nitong exclusive lang ang pagsasayaw niya dito. At para mangyari iyon ay binili siya nito sa The Gentlemans Club.
At sa unang pagkakataon na tinanggal ng lalaki ang mask na lagi nitong suot kapag nagkikita sila ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang masilyan ang mukha nito.
At doon nalaman ni Naya kung sino ang bumili sa kanya.
Si Ninong Hugo.
Naya was sold to Ninong Hugo!