Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)

My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)

Simula nang mamatay ang ama ni Vanessa, nagkandaletse-letse na ang buhay niya. Pinabayaan siya ng kaniyang malupit na stepmother—inalipusta at itinuring na walang halaga. Sa bawat araw nang pang-aapi, natuto siyang maging matatag… hanggang sa dumating ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang puso. Si Hector—ang bagong asawa ng kaniyang stepmother. Apatnapung taong gulang, guwapo, mayaman, at puno ng karismang hindi niya kayang balewalain. Sa unang titig pa lang, may kung anong kumislot sa dibdib ni Vanessa—isang damdaming alam niyang bawal ngunit hindi niya mapigilan. Ngunit sa likod ng marangyang buhay na hatid ni Hector, nagtatago ang isang pusong sugatan—isang lalaking unti-unting napagod sa malamig na pagtrato ng asawa. At sa pagitan ng mga nakaw na tingin, unti-unting nabubuo ang koneksyong hindi dapat umusbong. Ngayon, nasa pagitan si Vanessa ng tukso at takot. Pipiliin ba niya ang lalaking pinagbabawal ng mundo? O mas gugustuhin na lamang niyang manahimik upang hindi masangkot sa anumang gulo?
10983 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 26 kali sebagai hugot sa buhay
Baca
+Pustaka
The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)

The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)

Limang taon na ang nakalipas mula nang gumuho ang buhay ni Alice dahil sa pagtataksil at isang gabing nagbago ng lahat. Ngunit sa kanyang pagbabalik, dala niya ang tapang, talento, at determinasyong bawiin ang lahat ng nawala sa kanya. Sa isang mundong puno ng pag-iibigan, panlilinlang, at ambisyon, hanggang saan ang kayang gawin ni Alice para sa hustisya, para sa anak, at para sa puso niyang hindi niya alam kung kanino nabibilang?
103.6K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 79 kali sebagai hugot sa buhay
Baca
+Pustaka
Married to the Prominent Family's Adopted Son

Married to the Prominent Family's Adopted Son

Arranged-marriage sa isang kilalang angkan sa bansa, ang mga Lopelion. Ngunit sa halip na matuwa ay nadismaya pa si Luna Fajardo nang makasal sa huwad na Lopelion. Si Marcus, ang adopted son ng pamilya. Isang warden prison, hindi tanyag at walang pangalan sa lipunan. Sa paanong paraan mapapakinabangan ng pamilya niya ang isang ampon? May mabuti bang maidudulot ang pagpapakasal niya rito? O, kamalasan lamang ang hatid nito sa pamilya at buhay niya?
1011.9K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 357 kali sebagai hugot sa buhay
Baca
+Pustaka
Sold Her Virginity (Filipino)

Sold Her Virginity (Filipino)

Ano ang kaya mong isakripisyo para sa mahal mo sa buhay? Dahil sa matinding kahirapan, napilitang ibenta ni Shanelle ang kaniyang pagkababae kapalit ng malaking halaga. Ang hindi niya inasahan: ang kaniyang kliyente, si Elvin—isang makapangyarihang lalaki—ay hindi tumupad sa usapan. Sa halip, ikinulong siya nito at paulit-ulit na inangkin. Sa gitna ng sakit at pagkakait ng kalayaan, isang rebelasyon ang yumanig sa mundo ni Shanelle—mahal siya ni Elvin.
1024.6K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 687 kali sebagai hugot sa buhay
Baca
+Pustaka
Hot Sugar Mommy (Tagalog)

Hot Sugar Mommy (Tagalog)

Kwarenta anyos na si Romana ngunit never na sumagi sa kaniyang isip ang pag-aasawa. Nasa kaniya na halos ang lahat; talino, ganda, marangyang buhay, at koneksiyon . . . kabiyak na lamang ang kulang. Hanggang sa nakilala niya si Vincent. Isang lalaki na namasukan bilang dancer sa bar upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang asawang may sakit sa puso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napukaw ang interes ni Romana ng isang lalaki. Ngunit sa kasamaang palad, ito ay nakatali na. Nalagay sa peligro ang asawa ni Vincent. Ginamit ni Romana ang pagkakataon na iyon upang makuha ang nais. Binayaran niya nang malaking halaga ang lalaki kapalit ang isang kasunduan; ang maging kaniyang fvck buddy. Pumayag si Vincent sa kagustuhan ni Romana upang maisalba ang buhay ng asawa. Sapat nga ba ang pera at galing sa kama upang makuha ang puso ng taong minamahal? Paano kung ang pag-ibig na nais ay makasisira ng isang masaya at buong pamilya? Handa bang maging makasarili o pipiliin na magpaubaya?
10144.7K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 4.8K kali sebagai hugot sa buhay
Baca
+Pustaka
Claimed By Desire

Claimed By Desire

Si Ariadne Altavilla ay anak sa labas ng isang dating Gobernador. Nang mawala ang kanyang ama sa posisyon niya sa politika, nagbago ang landas ni Ariadne, at natutong lumuhod sa tukso ng casino. Nabaon siya sa utang, at ang tanging paraan upang maayos ang mga pagkakautang ay ipasok siya sa Dream Fortress—isang Class-A na prostitution house na ang mga kliyente ay kabilang sa pinakamataas na uri ng lipunan. Isang gabing puno ng pagbebenta ng laman ang nag-iwan sa kanya ng isang hindi malilimutang karanasan. Matagal na ang nakalipas, ngunit hindi pa rin mabura sa isip ni Ariadne ang unang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang sarili. Sa paglipas ng panahon, nanatili na lamang sa alaala ang lalaking iyon… hanggang sa makilala niya si Adam, na kalaunan ay naging kanyang kasintahan. Masasabi ni Ariadne na tila maayos na ang buhay nila ng kanyang ina, kaya tinanggap niya ang marriage proposal ng kanyang nobyo. Subalit habang papalapit ang araw ng kanyang kasal, muling lumitaw sa kanyang buhay ang lalaking una at huling umangkin sa kanyang katawan, handang baguhin ang lahat ng kanyang pinangarap.
294 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 6 kali sebagai hugot sa buhay
Baca
+Pustaka
Slave by the Heartless Billionaire ( TAGALOG )

Slave by the Heartless Billionaire ( TAGALOG )

Tahimik ang buhay ni Cailiegh habang nagtatrabaho sa isang fast-food chain. Not until Sky came in her life. Ang dati niyang tahimik na buhay ay napilatan. She become a slave of him. Pero, paano kung nahuhulog na siya kay Sky? Can she tell her feelings or she will remian the Slave of the Heartless Billionaire?
1027.1K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 811 kali sebagai hugot sa buhay
Baca
+Pustaka
The Billionaire's Bedwarmer

The Billionaire's Bedwarmer

There are just boundaries we shouldn't cross kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay ng isang tao. When Almirah was paid to be his bedwarmer, alam niyang hanggang doon lang siya. She could only offer her body for the money that she needed —nothing more and nothing less. Kaya lang, nasira ang magandang plano niya sa buhay nang kaniyang nalaman na siya ay nagdadalang-tao. Dahil sa takot sa sasabihin ng iba, lalo na ng kaniyang mga magulang ay itinago niya iyon sa lahat, maging kay Lazarus na ama ng kaniyang dinadala. He had no idea that she was pregnant when she left until a baby was found of the gate of his mansion with a letter telling him that the baby was his child. He raised the baby on his own, but questions remained unanswered. Nasaan nga ba si Almirah? What happened to her over the past years?
1014.6K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 364 kali sebagai hugot sa buhay
Baca
+Pustaka
Joey: Princess Charming 1

Joey: Princess Charming 1

Pagkamatay ng nanay ni Joey ay bigla na lamang nagpakita ang tatay niyang ni sa hinagap ay hindi niya alam na buhay pa. Dinala siya nito sa magarbo nitong bahay at ganon-ganon na lamang nagbago ang buhay ni Joey. *** “Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.” Halos lumubog si Joey sa kinatatayuan nito dahil sa bilis ng pagsasalita ng kanyang madrasta. ‘Nag-fli-fliptop ba ‘to?’ tanong niya sa isipan. Pero napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. “Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth. Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo niya saka siya mabagal na napalunok. “Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad niya rito dahilan para mamula ang mukha nito sa pinaghalong inis at galit. *** Ngunit paano nga ba niya haharapin ang pagbabagong ito ng buhay niya? Mula sa isang kahig, isang tukang paghihirap, ngayon ay anak pala siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Idagdag pa ang mukhang laging galit na madrasta niya at prinsesitang hilaw na kapatid niya. Isa lang ang kailangang gawin ni Joey at iyon ang pumasa sa Ember University. At magagawa lamang niya ‘yon kung tutulungan siya ni Ivan Dela Fuente, ang lampa at nerd niyang kaklase. Pero bakit ba bigla-bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso niya dahil sa loser na lalaking ito? ‘Bwesit! Hindi nakakaastig ‘to!’ Inis na sita ni Joey sa sarili lalo pa kung ang gusto naman ni Ivan ay ang hilaw niyang kapatid at hindi siya.
561 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 19 kali sebagai hugot sa buhay
Baca
+Pustaka
I NEED YOU

I NEED YOU

Masarap mahalin ang taong iniidolo mo. Pero hindi akalain ni Jesabell na iyon din ang magdudulot ng pait at lungkot sa kaniyang puso. Umasa siya na higit pa sa alam niyang pagmamahal ang makuha mula kay Tyler, na siyang umaaruga sa kaniya mula nang mamatay ang mga magulang niya. Gusto lang naman niyang mahalin siya ng binata, tulad ng pagmamahal niya rito. Pero hindi nangyari ang inaasam dahil dumating ang tunay na hero sa buhay ni Tyler. Ano ang laban niya sa babaeng ginagaya ang pagkatao niya at mas magaling umakting? Ang sakit at gusto nang palayain ni Jesabell ang sarili mula sa pantasyang binuo sa puso't isipan. Ngunit paano niya takasan ang buhay na mayroon siya ngayon kung ayaw siyang pakawalan ng binata? Habambuhay na lang ba siyang masaktan, at hayaang maging talunan sa mata ng mga taong nagpapanggap upang agawin ang mayroon siya? O ibigay ang gusto ng mga ito at hayaang maging masama ang pagkatao upang makaganti?
1096.4K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 2.0K kali sebagai hugot sa buhay
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
3233343536
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status