Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Stained Love

Stained Love

Perpekto, ito ang paglalarawan ni Rosario sa kaniyang nobyo na si Raiden, na sa kabila ng kaniyang estado at sa kabila ng mga hadlang at problema na kinaharap ng kanilang relasyon ay nagawa siya nitong ipaglaban. Kaya naman nang alukin siya nito ng kasal ay mabilis siyang pumayag. Ngunit paano kung ang perpektong buhay may asawa ay malayong-malayo sa pinangarap niya?
Romance
108.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Muling Isinilang na Luna

Ang Muling Isinilang na Luna

Inisip ni Crimson na namatay siya bilang isang tao na minahal niya na tinitigan siya ng poot sa kanyang mga mata, lamang na magising dalawang taon na ang nakalilipas nang hindi niya ipinakita sa kanya ang kanyang tunay na kulay. Ang buhay ay nagbigay sa kanya ng isa pang pagkakataon at maaari mong siguraduhin na gagamitin niya ito para sa paghihiganti. Sa kanyang nakaraang buhay siya ay nagkamali sa pamamagitan ng pagiging masyadong mabait at walang muwang, at nagtitiwala sa mga hindi niya dapat. Siya ay ipinagkanulo at nasaktan ng kanyang kapatid na babae, at ang kasintahan at sa proseso ay nawala ang lahat ng mayroon siya, kasama na ang kanyang buhay. At kapag binigyan siya ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay, nanunumpa siyang maghiganti sa mga masasamang tao. Alam ang lahat sa oras na ito, dumating siya kasama ang kanyang paghihiganti na naghahatid ng malamig, at medyo handa na. Ang tanging hindi niya inaasahan ay nahahanap niya ang tunay na pag -ibig sa hindi bababa sa posibleng tao na inaasahan niya, lalo na ang isa na nasaktan niya sa kanyang nakaraang buhay.
Paranormal
238 viewsOngoing
Read
Add to library
Because... I love you

Because... I love you

DuraneousMxMDramaCEO
Mahirap lang ang buhay na mayroon si Mavy. Maliit na bahay, simpleng mga gamit at walang trabaho. Pero sa kabila ng hirap, pinipilit niyang maging malakas at matatag para sa kapatid niya. Dalawa na lang silang magkasama sa buhay simula nang namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Isang mabuti at responsableng Kuya naman siya pero hindi ito naging sapat para maalagaan ang katapid niyang may breast cancer. Dumating pa sa puntong kinailangan niyang magnakaw at pumasok sa isang club bilang isang cross dresser para mabayaran ang mga gastusin sa hospital. Hindi na niya alam ang gagawin niya hanggang nakilala niya si Kfer Vargaz. Isang mayamang negosyante si Kfer, at pipirmahan lang ng mga magulang nito ang kumpanya na para sa kaniya sa isang kondisyon. Kaya naman inalok niya si Mavy ng isang bagay sa pag-aakalang babae siya. Hanggang unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Kfer sa kaniya. Lahat kayang iwan at isakripisyo ni Michael para sa kapatid. Ngunit kaya pa ba niyang isakripisyo kahit ang nararamdaman niya para lang maging masaya ang kapatid niya?
LGBTQ+
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Bloodline 1: The Eternal Blood

Bloodline 1: The Eternal Blood

Clara Xiey
Si Zaira Athena Lundberg ay isang ordinaryong babae na namumuhay sa mortal world. Nang sugurin ng mga Zombie at Vampire ang lugar nila ay nalaman niya na hindi normal ang mga magulang at kapatid niya. Pumunta sila sa Outlandish, ang mundong pinanggalingan ng magulang. Sa pagtira nila doon, marami siyang natuklasang lihim tungkol sa pamilya at pagkatao niya, lihim na nagpabago sa buhay niya.
Fantasy
2.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Twin Heir

Hiding The Billionaire's Twin Heir

Lumaki si Louise na mulat sa panglalalaki ng kaniyang ina na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil pinili ni Louise na sumama sa kaniyang ama, naranasan niyang apihin ng mapagmataas na pamilya ng kaniyang ama. Wala na halos mapuntahan si Louise, pakiramdam niya kalaban niya ang mundo, lalo na nang mapag-alaman niyang niloloko siya ng kasintahan at matalik na kaibigan. Sa paghahangad niyang makalimot sa lahat, isang gabi ang bumago ng tuluyan sa takbo ng buhay ni Louise ng makatalik niya ang pinakamayaman at kilalang bilyonaryo sa bansa. Ang bilyonaryong ito ay matagal ng naghahangad na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit dahil sa isang sekretong napag-alaman ni Louise tungkol sa lalaki ay labis siyang natakot para sa kaligtasan ng kambal na pinagbubuntis niya. Naisipan ni Louise na magtrabaho bilang sekretarya sa kompanya para mabantayan ang bawat galaw ng bilyonaryo at masiguradong hindi sila mahahanap ng kambal. Gayunpaman, ginagawa ng bilyonaryo ang lahat at habang nakikita ni Louise kung gaano ito kapursigido na mahanap ang kambal ay mas lalo rin niyang nakikilala ang tunay na katauhan ng misteryosong bilyonaryo. Ngunit kung kailan pa naging sapat ang dahilan niya para ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito ay matutuklasan niya na ang sariling ama ang dahilan sa likod ng panganganib ng buhay ng bilyonaryo at ng kambal. Napagtanto ni Louise kung gaano kagahaman sa pera ang ama at gagawin nito ang lahat kahit mapahamak pa sila ng anak mga niya. Sa puntong ito magbabago ang kagustuhan ni Louise sa buhay — ipagkakatiwala niya ang kaligtasan ng kambal sa bilyonaryo at tutulungan itong pabagsakin ang ama at ang pamilya nitong umapi sa kaniya.
Romance
108.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Married to the Prominent Family's Adopted Son

Married to the Prominent Family's Adopted Son

Arranged-marriage sa isang kilalang angkan sa bansa, ang mga Lopelion. Ngunit sa halip na matuwa ay nadismaya pa si Luna Fajardo nang makasal sa huwad na Lopelion. Si Marcus, ang adopted son ng pamilya. Isang warden prison, hindi tanyag at walang pangalan sa lipunan. Sa paanong paraan mapapakinabangan ng pamilya niya ang isang ampon? May mabuti bang maidudulot ang pagpapakasal niya rito? O, kamalasan lamang ang hatid nito sa pamilya at buhay niya?
Urban
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Hot Sugar Mommy (Tagalog)

Hot Sugar Mommy (Tagalog)

Kwarenta anyos na si Romana ngunit never na sumagi sa kaniyang isip ang pag-aasawa. Nasa kaniya na halos ang lahat; talino, ganda, marangyang buhay, at koneksiyon . . . kabiyak na lamang ang kulang. Hanggang sa nakilala niya si Vincent. Isang lalaki na namasukan bilang dancer sa bar upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang asawang may sakit sa puso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napukaw ang interes ni Romana ng isang lalaki. Ngunit sa kasamaang palad, ito ay nakatali na. Nalagay sa peligro ang asawa ni Vincent. Ginamit ni Romana ang pagkakataon na iyon upang makuha ang nais. Binayaran niya nang malaking halaga ang lalaki kapalit ang isang kasunduan; ang maging kaniyang fvck buddy. Pumayag si Vincent sa kagustuhan ni Romana upang maisalba ang buhay ng asawa. Sapat nga ba ang pera at galing sa kama upang makuha ang puso ng taong minamahal? Paano kung ang pag-ibig na nais ay makasisira ng isang masaya at buong pamilya? Handa bang maging makasarili o pipiliin na magpaubaya?
Romance
10140.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Wayward Daughter

The Wayward Daughter

msalchemist
Ibinibida ang isang babaeng hindi padadaig sa mga pagsubok na darating sa buhay nito. Kahit na nga ba masama ang tingin ng nakararami rito, patutunayan nito na mali ang sabi-sabi ng iba. Malalaman dito ang tunay na kwento ng mga tinatawag nilang 'malandi, kaladkarin, babaeng mababa ang lipad'. Tampok ang buhay ng apat na bidang sinubok ng panahon at pinatatag ng karanasan sa buhay. Kilalanin sina Clip, Sinatra Blue, Ross, at Badong. Iba't ibang taong pinaglapit ng kinagisnang lugar. Iisa ang ginagalawan. Walang lumisan, walang nang-iwan. Patuloy na bumabalik. Lagi silang bumabalik dahil baka totoo nga na ang happy place nila ay matatagpuan sa mga apat na bidang pinagtagpo pero pilit nilalabanan ang tadhana.
YA/TEEN
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)

My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)

Simula nang mamatay ang ama ni Vanessa, nagkandaletse-letse na ang buhay niya. Pinabayaan siya ng kaniyang malupit na stepmother—inalipusta at itinuring na walang halaga. Sa bawat araw nang pang-aapi, natuto siyang maging matatag… hanggang sa dumating ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang puso. Si Hector—ang bagong asawa ng kaniyang stepmother. Apatnapung taong gulang, guwapo, mayaman, at puno ng karismang hindi niya kayang balewalain. Sa unang titig pa lang, may kung anong kumislot sa dibdib ni Vanessa—isang damdaming alam niyang bawal ngunit hindi niya mapigilan. Ngunit sa likod ng marangyang buhay na hatid ni Hector, nagtatago ang isang pusong sugatan—isang lalaking unti-unting napagod sa malamig na pagtrato ng asawa. At sa pagitan ng mga nakaw na tingin, unti-unting nabubuo ang koneksyong hindi dapat umusbong. Ngayon, nasa pagitan si Vanessa ng tukso at takot. Pipiliin ba niya ang lalaking pinagbabawal ng mundo? O mas gugustuhin na lamang niyang manahimik upang hindi masangkot sa anumang gulo?
Romance
10437 viewsOngoing
Read
Add to library
Joey: Princess Charming 1

Joey: Princess Charming 1

Pagkamatay ng nanay ni Joey ay bigla na lamang nagpakita ang tatay niyang ni sa hinagap ay hindi niya alam na buhay pa. Dinala siya nito sa magarbo nitong bahay at ganon-ganon na lamang nagbago ang buhay ni Joey. *** “Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.” Halos lumubog si Joey sa kinatatayuan nito dahil sa bilis ng pagsasalita ng kanyang madrasta. ‘Nag-fli-fliptop ba ‘to?’ tanong niya sa isipan. Pero napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. “Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth. Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo niya saka siya mabagal na napalunok. “Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad niya rito dahilan para mamula ang mukha nito sa pinaghalong inis at galit. *** Ngunit paano nga ba niya haharapin ang pagbabagong ito ng buhay niya? Mula sa isang kahig, isang tukang paghihirap, ngayon ay anak pala siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Idagdag pa ang mukhang laging galit na madrasta niya at prinsesitang hilaw na kapatid niya. Isa lang ang kailangang gawin ni Joey at iyon ang pumasa sa Ember University. At magagawa lamang niya ‘yon kung tutulungan siya ni Ivan Dela Fuente, ang lampa at nerd niyang kaklase. Pero bakit ba bigla-bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso niya dahil sa loser na lalaking ito? ‘Bwesit! Hindi nakakaastig ‘to!’ Inis na sita ni Joey sa sarili lalo pa kung ang gusto naman ni Ivan ay ang hilaw niyang kapatid at hindi siya.
Romance
372 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status