LOVE BEYOND TRADE
Baon sa utang at lulong sa casino, ang desisyon ng kanyang ama ay ipagpalit ang kanyang nakababatang kapatid na babae para sa isang contract marriage sa anak ng pinuno ng kanyang pinag-utangan.
At upang mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid na babae, napilitan si Claire Mariano na palitan ang posisyon ng kanyang kapatid at pakasalan ang susunod na lider ng pamilya ng mga Navarro, si Javier Zen Navarro.
Ngunit paano kung higit sa malaking halaga ng pera ang puno’t dulo ng kontrata na ito? Paano kung sa likod nito ay isang sikreto ang nag-uugnay sa mga Mariano at Navarro?
Magagawa kaya ng kontrata na pag-ugnayin ang dalawang pusong sangkot sa madilim na katotohanan? O’ ito ang magsisilbing mitsa sa isang malaking gulo sa pagitan ng kanilang pamilya?