Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall

Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall

Pitong taon na silang kasal, ngunit laging malamig ang pakikitungo ni Eduardo, Monteverde kay Luna Santos. Ngunit si Luna ay palagi paring nakangiti, dahil sa mahal na mahal niya ito. Naniniwala rin siya na darating ang araw, mapapainit niya ang puso nito. Ngunit ang kanyang inaantay na pag-ibig ng lalaki ay napunta sa ibang babae, at ang kanyang pakikitungo sa babaeng ito ay mabuti. Nanatili pa rin siyang determinado sa kanilang kasal. Hanggang sa kaarawan niya, lumipad siya ng libo-libong milya patungo sa ibang bansa para makasama ang lalaki at ang kanyang anak na babae, ngunit dinala nito ang kanilang anak, para samahan ang babaeng iyon, iniwan siyang mag-isa sa walang laman na silid. Tuluyan ng sumuko si Luna matapos niyang makita na ang kanyang anak na babae ay gustong palitan siya ng ibang babae bilang ina. Hindi na siya nag dam-dam pa, nag-iwan siya ng sulat sa sobre para sa kasunduan ng diborsyo, isinuko niya ang kustodiya, at umalis ng may estilo. Mula noon, hindi na niya muli itong pinansin at hinihintay na mailabas ang sertipiko ng diborsyo. Itinuring niya ang kanyang pag-alis sa kanyang pamilya bilang isang pagkakataon para bumalik sa kanyang karera. Siya, na dating hinahamak ng lahat, ay madaling makakuha ng kayamanan na umaabot sa daan-daang bilyon. Ngunit sa kanyang mahabang paghihintay, ay ang hindi lamang pagdating ng sertipiko ng diborsyo, kundi ang lalaking ayaw mang-uwi noon ay mas madalas ng umuwi ngayon, at mas lalong nagiging malapit ito sa kanya. Nang malaman niyang gusto na niyang makipaghiwalay, ang karaniwang tahimik at malamig na lalaki ay sinunggaban siya at sinabi, “Diborsyo? Imposible.”
Other
101.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
She's Mine

She's Mine

Miss Elle
"Bakit single pa rin ako sa edad na thirty-seven?” Matagal na nagpakahibang sa isang lalaki si Mia Dizon na kapwa niya doctor, hanggang sa malaman niya na lang na pamilyadong tao na ito. At siya, naiwang single habang nagmo-move on. Inisip niya rin na sana makahanap siya ng taong para sa kanya sa parehong paraan—naging payente niya muna at na-in love sila sa isa’t isa. Hindi nagtagal matapos niyang sambitin ang bagay na iyon, ay dininig ang wish niya. Or not. Dahil ang pasyente na ibinigay sa kanya, bukod sa matalas ang dila, walang modo, ay may tinatawag na ibang pangalan at… Isa itong magandang babae na may magandang boses na tila hinehele ang buong pagkatao niya. Maging ang labi nito ay tila hinihila siya sa mundong bago sa kanya. Summer Braganza, o mas kilala sa screenname nitong Rain—kaya bang tanggapin ni Mia ang biglang pagbabago ng preference niya dahil sa babaeng ito? Saan siya lulugar sa buhay ni Summer? Hindi niya na ito dapat pang alamin dahil may Cornelia na ito. Magiging single na lang ba siya forever?
LGBTQ+
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Chained with my boy bestfriend

Chained with my boy bestfriend

ArEnJayne
"Alam mo ikaw ha, masyado kang pala-desisyon. Buhay ko ito kaya huwag kang makialam lalo pa at wala naman ako’ng naging say sa love life mo,” naiinis na pahayag ko kay Franco. Naiinis kasi ito nang malaman na gusto ko ng magkaanak. Lagpas na ako sa kalendaryo at sa takot ko na mapag-iwanan ay ito ang naisip ko na solusyon. Wala sa vocabulary ko ang pag-aasawa dahil na rin sa naging karanasan ng nanay ko at sa nakikita ko sa paligid ko kaya nawalan na ako ng interes lalo na sa mga lalaki. Maraming nanliligaw subalit lahat sa akin ay red flags. Dagdagan pa nitong kaibigan ko na walang inaayawan basta naka-palda sa paningin nito lahat ay maganda. Mabait naman ito, matalino, responsable, masipag at madiskarte subalit sadyang palikero. “Ako ha, concern lang ako sa iyo. Huwag sanang masamain. Mamaya sa kagustuhan mo ay mapahamak ka pa.” Patuloy na litanya ni Franco sa akin. “Kaya nga bago pa mangyari iyon ay uunahan ko na. Hindi ako mai-inlove, hindi ako magiging martir at lalong hindi ko hahayaan na masaktan lang ako ng kagaya mo. Kaya nga anak lang ang gusto ko at iyon na ang pupuno sa pangarap ko. Hindi ako mag-aasawa at sakit lang iyan sa ulo,” masungit na sagot ko. “Ganun ba? Bakit ka pa maghahanap sa malayo at hindi mo kilala kung mayroon naman sa harapan mo? Ako na lang kaya, ano? Makakasiguro ka pa na galing sa magandang lahi at pamilya ang magiging anak mo,” tugon ni Franco. Napamaang ako sa naging sagot n’ya. Pwede kaya o baka magiging mitsa lang ito ng bagong kalbaryo sa buhay namin? Mas makapagpapatibay o makakasira kaya ito sa aming pagkakaibigan? Subalit hindi ko maiwasan kiligin at makadama ng challenge na baka ako lang pala ang makapagpapatino kay Franco.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The revenge of the heir

The revenge of the heir

krizza
The story of PRINCESS BLYTHE SAMANA "Please forgive me princess, h-hindi ko sinasadya" nauutal na saad nito "H-hindi mo sinasadya? How could you f*cking say that you didn't mean to hurt me when in fact you choose to hurt me! " panunumbat ba saad ko dito. "believe me Blythe, p-please b-believe m-me" naluluhang saad nito habang nagmamakaawang paniwalaan ko siya. "two years dark, I've fcking suffer for two years just to say I'm fine! And now you want me to believe your lies? That you didn't mean to hurt me? Do you really want me to believe that? Tell me dark how can I believe the person who gave me so much pain? " naluluhang saad ko. "Get out Mr. Enozarde before I lose my temper " malamig na saad ko. "I love you princess, I will always do" puno ng emosyong saad nito. Tiningnan ko muna ito sa mga mata niya bago magsalita. "I don't love you anymore dark because whe the day I let you free is the day I totally hate you at wala akong nararamdamang iba ngayon kundi pagkamuhi sayo" malamig na saad ko dito. Tiningnan muna ako nito bago lumabas ng opisina ko. Pagkasarado nito ng pinto ay tuluyan ng dumaloy ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Minahal kita, minahal kita ng sobra pero iyon ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo nasira ang buhay ko, ang buong buhay ko. Bakit dark? Bakit mo ako nagawang saktan samantalang ang ginawa ko lang naman ay mahalin ka ng higit sa sarili ko. May mali rin ako dahil minahal kita at binigay ang lahat sayo. You really made me into mess dark and now its time for you to pay everything.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
HIDING THE BILLIONAIRE'S SON

HIDING THE BILLIONAIRE'S SON

KweenMheng12
Paano ba maging mabait na bestfriend.Yun ba yung pagtatakpan mo lahat ng mga mali na kanyang nagagawa o tatanggihan mo siya para ipaunawa sa kanya ang mga mali nakanyang nagawa. Si Moira isang probisyana na lumuwas sa maynila para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nakakuha kasi siya ng scholarship sa isang unibersidad. Habang nag-aaral nagpa-partime din siya bilang taga-gawa ng mga projects at reports ng mga kaklase niyang anak mayaman. At isa na nga ang kanyang bestfriend na si Gregory Grant. Gustong-gusto niya ito kapag magpapagawa sa kanya ng mga projects at reports kasi doble binabayad ni Grant sa kanya. Pero paano kung hindi na projects at reports ang ipapagawa nito sa kanya. At hihilingin nito na ipaalaga sa kanya ang naging anak nito sa ex- girlfriend na si Beverly. Kapalit ang malaking halaga para maging mommy ng anak nito. Tatanggapin o tatanggihan ba niya ang kanyang bestfriend kasi may sarili din siyang pangarap na nais matupad. Kung aalagaan nya ang anak nito, ano ang mangyayari sa kinabukasan nya. Gusto niyang tanggihan ang kanyang bestfriend,pero naguguluhan siya nang ihatid nila ang bata sa bahay-ampunan. Nakonsensya siya kaya tinanggap niya ang alok ni Grant . Binigyan siya ng malaking halaga ni Grant para magsimula ng panibagong buhay kasama ang anak nito, hiniling din ng kanyang bestfriend na hindi muna sila magkita pa.Malungkot na lumayo si Moira kasama ang batang si Prince na inabandona ng mga magulang nito. Lumipas ang pitong taon, nabalitaan ni Moira na ikakasal na si Grant isa sa anak ng mga kasosyo nito sa negosyo. Kaya tinitulan niya ang kasal nito para sa anak niya na si Prince. Sobrang galit ni Grant sa ginawa ni Moira, pero hindi nagsisi si Moira tama lang ito sa taong walang puso tulad ni Grant at pera lang mahalaga.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND

ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND

“I need you. Babayaran kita, just name your price, after.” Umiling si Carol, “N–No, don’t– huwag kang lalapit.” mariin na tugon ni Carol, habang unti-unti siyang nakakaramdam ng pagkahilo at pinipilit na lumalayo siya sa estrangherong lalaki. “Wala pang babaeng tumanggi sa akin ng ganito. Sorry, Miss, but I won’t let you go that fast– not now that I need you, bago pa ako magkalat ng eskandalo sa labas.” — Carol is secretly married with someone na hindi niya pa kahit kailan nakikita. Dalawang taon na silang kasal, pero sa picture lang, tapos bata pa roon ang asawa niya sa picture. Nang araw na kikitain na niya ang kaniyang asawa sa condo unit nito ay aksidente siyang napagkamalang bayarang babae ng isang lalaki, at ipinasok siya sa isang unit na may tila isang lasing at naka-drogang lalaki. After that night, tumakas siya at takot na takot na mahanap pang muli ng lalaki. Not knowing that is her husband! Laking gulat niya ng pag-uwi niya sa bahay ay annulment papers ang naghihintay sa kaniya. She thought she would be free now, ngunit ang hindi niya alam ay nakatakas man siya sa kaniyang asawa, pero nabaliw naman ito sa kaniya dahil sa gabing may nangyari sa kanila at pilit na ipapahanap siya sa mga tauhan nito! Kapwa nila hindi alam na mag-asawa pala sila!
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
[Tagalog] In Her Shoes

[Tagalog] In Her Shoes

Alex Dane Lee
Si Lara ay isang babae na may malungkot na nakaraan at buhay. Wala siyang sariling pamilya, wala siyang sariling ipon, at nagsusumikap siya sa araw-araw para lang mabuhay. Limang taon na siyang nagtatrabaho bilang janitress sa isang sikat at prestihiyosong kumpanya sa bansa, ang Etoile Cosmetics. Ang kanyang pang-araw-araw na gawain ay ang gumising ng maaga sa umaga, pumasok sa trabaho, umuwi sa tinitirhang apartment, at magpalipas ng malungkot na gabi nang mag-isa. Nais niyang maging katulad ni Amanda Montserrat, isang maganda, mayaman at isang makapangyarihang babae na nagmamay-ari ng kumpanya na Etoile Cosmetics. At mukhang nagkatotoo ang kanyang kahilingan. Nang dahil sa isang malaking aksidente ay nabubuhay siya ngayon bilang si Amanda Montserrat at kailangan niyang mamuhay sa mundo nito hanggang sa makabalik siya sa kanyang sariling katawan! Pero paano niya gagawin iyon?
Romance
101.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ang Asawa Kong Artista

Ang Asawa Kong Artista

“Kahit sabay pa tayong nangako sa altar, wala kang aasahan sa’kin. I’m not going to be the husband you want.” Ang mga salitang ito mula kay Luigi Ibarra ay parang kutsilyong tumagos sa puso ni Nami Santiago—isang mayaman ngunit nerdy na babae na matagal nang may lihim na paghanga kay Luigi. Si Luigi, ang pinakasikat na aktor sa bansa, ay napilitang magpakasal kay Nami upang mapanatili ang legacy ng kanyang pamilya. Ngunit kahit kailan, wala itong patak ng pagmamahal para sa kanya. She was the complete opposite of his type, and she knew it. Pero masyado lang talaga siyang martir. Hanggang isang gabi, nagbago ang lahat. Nahuli niyang may ibang babae si Luigi—ang ka-love team nitong si Sasha Alvarez. Sa puntong iyon, tuluyan na niyang binitawan si Luigi. Pero kasabay ng kanyang paglayo ay natuklasan niyang nagdadalang-tao siya. Four years have passed, at nabaliktad ang sitwasyon. Si Luigi na ngayon ang naghahabol nang malaman niyang may anak sila ni Nami. Will she choose to forgive him, or will she move on and choose Arren Corpuz, another famous actor who stood by her side when everything fell apart?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

Jessica Adams
"You're breaking up with me kasi sa tingin mo mas magaan? Ganoon ba iyon?" ang mahinahon pero puno ng hinanakit na tanong-sagot sa kanya ni Uriel. Sinubukan niyang magbuka ng bibig para magpaliwanag pero walang anumang salita siyang naibulalas kaya nagpatuloy ang binata. "Kasi wala pa tayong isang taon kaya iniisip mong hindi pa kita ganoon kamahal?" noon na galit na napatayo si Uriel. "Very childish, and I should tell you, that was the most bullshit excuse that I have ever heard!" ang galit na sagot ni Uriel na tila ba hindi narinig ang sinabi niya. Malakas na sampal ang pinadapo ni Therese sa pisngi ng binata dahil doon. "Sa tingin mo madali ito? Ginagawa ko ito para sa'yo!" "Really?" ang binata na mapait pang tumawa. "para sa'kin o para sa sarili mo?" "How dare you!" si Therese na muling napaiyak. "Well same here! Bakit sa tingin mo ba may magbabago sa kundisyon mo kapag inalis mo ako sa buhay mo?" "Tumigil ka!" "No! Hayaan mo akong magsalita okay? You've done too much talking already so I guess it's my turn now!" Natigilan si Therese sa nakita niyang magkahalong galit at paghihirap sa mukha ni Uriel kaya hindi siya nakapagsalita at umiiyak na pinakinggan ang lahat ng sinabi ng binata. "Masakit oo, at ako mismo natatakot na ngayon palang. But I'm not like you. Kasi kahit natatakot ako at nahihirapan, sinusubukan ko paring ihanda ang sarili ko. Pinag-aaralan kong tanggapin ang lahat. Kasi gusto kong maging masaya ngayon, habang nandito ka pa, habang kilala mo pa ako," ani Uriel na tuluyan na nga ring napaiyak. "Simple lang naman ang gusto ko, bigyan mo ako ng role sa buhay mo, kahit maliit lang," ang pagpapatuloy nitong pakiusap saka nagpahid ng mga luha. "U-Uriel," aniyang isinubsob ang mukha sa palad saka napahagulhol.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ravaged the Heiress

Ravaged the Heiress

Sunflower
Dahil sa isang iskandalo na umusbong, biglang naglaho ang tahimik na mundo ni Lharefa at napalitan ng magulo at walang katapusang paghuhusga, kaya naman napilitan siyang umuwi sa Pilipinas habang iniisip ang planong gagawin. Pero sa hindi inaasahan, may makikilala siyang lalaki na tahimik at matalino pero may tinatago pala itong mabahong sikreto. Matatanggap kaya niya ang lalaki? Paano kung ang binatang iyon ang sumira sa buhay niya? Mamahalin pa ba niya ang lalaking mahal niya at ang nagpabago sa buhay niya o iiwan niya ito dahil sa natuklasan niya ang pinakamadilim nitong sikreto.
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1516171819
...
25
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status