Filtrar por
Status de atualização
TodosEm andamentoConcluído
Ordenar por
TodosPopularRecomendaçãoAvaliaçõesAtualizado
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1029.5K visualizaçõesCompleto
Ler
Adicionar à biblioteca
The Billionaire's Escort

The Billionaire's Escort

"Hindi ko ibababa ang sarili ko at magtatrabaho sa ganiyang trabaho!" Ito ang salitang palaging sinasabi ni Alina sa kaibigan na si Breeze nang alukin siyang magtrabaho sa Midnight Haven. Ngunit nilunok niya lahat ng binitiwan niyang kataga nang gipit na gipit siya. Naging VIP escort siya sa isang gabi sa bilyonaryong si Eros Ramazzotti kapalit ng kalahating milyon. Sobra-sobra pa ito sa pang-tuition at thesis niya. Subalit paano kung dahil sa isang gabi na ito ay magbabago ang agos ng buhay niya? Paano kung biglang sumulpot ang lalaking pinagsilbihan niya ng gabing iyon at sumulpot sa apartment niya at inaalok na maging exclusive escort nito? Ano ba ang mas matimbang? Ang dignidad na gusto niyang ingatan kahit alam niyang nasira na o ang tawag ng laman na pilit sinisigaw ng damdamin niya pagkatapos niyang matikman ang sinasabi ng kaibigan niyang langit?
Romance
1024.9K visualizaçõesCompleto
Ler
Adicionar à biblioteca
I'm Living With My Governor Uncle

I'm Living With My Governor Uncle

Lumaki si Antonella Martinez sa Canada. Pero napilitan siyang bumalik sa Pilipinas nang mabalitaan niyang inatake sa puso ang kanyang ama. Sa kanyang pagbabalik, hindi niya inaasahan na ito na pala ang huling pagkakataong makikita niya ito. Bago pumanaw ang kanyang ama ay inihabilin na pala niya ito sa pangangalaga ng stepbrother nito. Laking gulat ni Antonella nang malamang isa palang kilalang Governor ang Uncle niya. At mas lalo siyang nabigla nang sa una pa lang nilang pagkikita ay tila may kakaiba na siyang naramdaman para sa lalaking halos doble ang edad sa kanya. Si Gabriel Ignacio ay isang Gobernador. Sa edad na thirty-eigth, kilala siya bilang walang oras sa pag-ibig. Pero magbabago ang lahat nang mapunta sa kanyang pangangalaga si Antonella. Mapipigilan ba niya ang kanyang damdamin? O tuluyan siyang mahuhulog sa alindog ng dalagang itinuring niyang responsibilidad?
Romance
1.3K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

Napilitang mag-extra sa bar si Danica Olivarez bilang tindera ng sigarilyo at mga alak para sa mayayamang customer dala ng pangangailangan para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakalang may estrangherong ubod ng gwapo at misteryoso na mag-aalok ng malaking halaga kapalit ng isang gabi sa kama. Dahil sa desperasyon, pumayag siya, at ang perang iyon ang nakatulong sa operasyon ng ina at pagtatapos niya sa kolehiyo. Pagkaraan ng tatlong taon sa Maynila, umuwi siya para sa kasal ng ina, ngunit halos bumagsak ang mundo niya nang makilalang ang mapapangasawa nito ay si Zachary Cuevas, ang gobernador ng probinsya, at ang lalaking minsang bumili ng kanyang dangal. Paano siya makikisalamuha sa magiging ama kung bawat tinginan nila ay bumabalik ang alaala ng gabing iyon, lalo na’t tila mas lalo pa itong lumalapit sa kanya?
Romance
103.6K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
His Empire, Her Heart

His Empire, Her Heart

SYNOPSIS In the ruthless world of billionaires and boardrooms, Alexander Steele, a cold and brilliant CEO known for his perfectionism, never believed in love—until he meets Clara Villanueva, a simple administrative assistant with dreams far bigger than her small cubicle. When fate intertwines their lives through a scandal, a secret project, and a forbidden attraction, both will discover that love can bloom even beneath the cold walls of power. But their love will come at a cost—corporate betrayals, public scrutiny, and the ghosts of Alexander’s past threatening to destroy everything they’ve built.
Romance
806 visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Si Althea Cruz ay isang dancer sa sikat na club na Elysium, kung saan siya ay laging naka-mask para itago ang kanyang pagkakakilanlan. Isang gabi, nakilala niya ang misteryosong may-ari ng club, si Damian Villanueva… isang mayaman, dominante, at mapanuksong lalaki. Nagkaroon sila ng kakaibang koneksyon hanggang sa inalok siya ni Damian ng isang kasunduan: maging mistress niya sa loob ng dalawang taon, kapalit ng malaking halaga na pera at iba pa. Dahil sa pagkakaospital ng kanyang ina at sa kakulangan ng pera para sa gamutan, napilitan si Althea na pumirma sa kontrata, kahit alam niyang maaaring magbago ang buhay niya mula noon. Ang hindi niya alam, si Damian ay ama ng boyfriend niyang si Ethan… ang lalaking tunay niyang minamahal. Habang lumilipas ang mga buwan sa piling ni Damian, unti-unti niyang natutuklasan ang mga lihim sa likod ng pamilya Villanueva… at ang mas nakakatakot pa, nahuhulog na rin siya sa lalaking dapat ay kinamumuhian niya. Ngayon, nahati ang puso ni Althea sa pagitan ng lalaking una niyang minahal at ng lalaking hindi niya kayang iwan, kahit alam niyang mali. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin alang-alang sa kontrata, sa pamilya, at sa pusong unti-unting nabubuwag sa bawal na pag-ibig?
Romance
101.4K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
Under the Mayor's Command

Under the Mayor's Command

Isang gabing pagkakamali, isang panghabambuhay na iskandalo. Si Rosita Alonzo, isang matapang at masipag na dalaga, ay pumasok bilang katulong sa mansyon ng mga Zaviere sa pag-asang matatakasan ang kahirapan. Ngunit sa isang gabing nilunod ng alak ang kanyang katinuan, isang maling pinto ang kanyang nabuksan . . . isang maling kama ang kanyang nahigaan. Ang silid na iyon ay pagmamay-ari ni Alexander Zaviere, ang makapangyarihang Mayor ng lungsod. Si Alexander ay ang perpektong lider sa mata ng publiko, gwapo, matalino, at kagalang-galang. Ngunit sa likod ng mga pader ng kanyang mansyon, siya ay isang lalaking nilalamon ng pait at pangungulila matapos ang pagkamatay ng kanyang asawa. Ang agwat ng kanilang edad na dalawampung taon at ang malaking pagkakaiba ng kanilang katayuan sa buhay ay dapat sapat na upang hindi sila magtagpo, ngunit ang init ng gabing iyon ay nag-iwan ng apoy na hindi na nila kayang apulahin. Sa bawat palitan ng titig at bawat pagkakataong magkalapit sa loob ng mansyon, unti-unting nahuhulog ang loob ni Alexander sa dalagang muling nagparamdam sa kanya na siya ay buhay. Ngunit ang kanilang bawal na ugnayan ay mitsa ng isang malaking pagsabog. Nang kumalat ang isang iskandalosong larawan ng Mayor kasama ang kanyang batang katulong, nanganib ang kanyang karera at ang dangal ni Rosita. Upang protektahan ang kanyang titulo at ang kaayusan ng lungsod, pinili ni Alexander ang pinakamasakit na paraan, ang itaboy si Rosita palayo sa kanyang mundo. Ngunit sa pag-alis ng babaeng nagpatibok muli ng kanyang puso, ramdam ni Alexander na ang kapangyarihan ay walang silbi kung ang puso niya ay muling magiging bilanggo ng lungkot. Handa ba niyang isuko ang kanyang korona at posisyon para bawiin ang babaeng itinuring niyang isang "pagkakamali"? O hahayaan na lamang niyang maging isang mapait na alaala ang pag-ibig na nagligtas sa kanya mula sa dilim?
Romance
101.4K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
Dangerous Affection (SPG)

Dangerous Affection (SPG)

High School pa lang noon si Monique nang ipakilala sa kanya nang kanyang ama ang matalik umanong kaibigan nitong si Morgan. Makalaglag panty ba naman ang kaguwapuhan nito kaya sa murang edad niya ay nagkagusto ang dalaga dito. Sa pagbabalik ni Morgan sa Sapang Bato, ang lugar ng mga angkan na Estrella, pagkalipas ng apat na taon ay muling mabubuhay ang pag-ibig ni Monique na akala niyang mababaon na lang sa limot. Kaya naman sa isang beses na kanyang kalasingan, lakas loob niyang hinalikan si Morgan. And to her surprise mukhang sabik rin sa kanya ang lalaking gusto niya. Things went wild later, pero paano kung ang lalaking mahal niya ay may iba palang nakatakda para dito?
Romance
2.6K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
PARAUSAN NI NINONG DWAYNE

PARAUSAN NI NINONG DWAYNE

Hirap sa buhay ang pamilya ni Rizza Enriquez lalo pa nung mamatay ang kanyang ama na siyang naghahanap-buhay para sa kanila. At walang ginawa ang kanyang ina kung hindi magpalasing at ubusin ang sugal ang sarili nitong kita. Bilang isang panganay ay kailangan niyang tumulong sa pamilya niya. Kung ano-ano ng mga trabaho ang pinapasok niya para lang magkaroon ng perang pambili ng bigas. Kaya naman ay napilitan siyang pumayag sa isang kasundaan. Ang kasunduan nilang dalawa ng kanyang Ninong Dwayne. Pumayag lamang siya sa kasunduang iyon dahil sa pangangailangan niya ng pera. Ang kasuduang maging parausaan siya ng kanyang Ninong Dwayne kapalit ng perang ibibigay sa kanyang pamilya. Naging mabait sa kanyang pamilya ang Ninong niya hanggang sa hindi niya namalayan na nahuhulog na ang kanyang loob sa lalaki. Ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang naglaho ang Ninong niya, nanatili ang tulong pero hindi na siya nito tinatawagan para gawing parausan. Nalaman na lamang niyang ikakasal na ito. Sa kabila ng lahat, ipaglalaban pa rin kaya niya ang pag-ibig na ito, kahit pa alam niyang ito’y mali at masasaktan lamang siya?
Romance
101.7K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
Teach Me, Ruin Me, Professor

Teach Me, Ruin Me, Professor

Hatice Natividad just wanted a fun night out with friends. But after a few too many drinks, someone dared her to kiss a random guy. Drunk and laughing, she did it. She kissed a stranger. He kissed her back. One thing led to another, and they ended up in bed. The next morning, Hatice woke up sore and confused. Beside her was a man. Naked. Asleep. She screamed. He opened his eyes. And to her horror, it was her cold, serious, and insanely attractive professor!
Romance
655 visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
ANTERIOR
1
...
454647484950
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status