Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
KUNG AKO AY IIBIGIN MO

KUNG AKO AY IIBIGIN MO

Dalagita pa lamang ang maganda at matalinong si Helena Montenegro nang maulila siya sa mga magulang. Ganoon pa man, hindi siya pinabayaan ng abuela niya na si Doña Amanda. Itinaguyod siya nito ng buong pagmamahal. Itinuro nito sa kan'ya ang lahat ng aspeto sa buhay kaya naman naging matagumpay si Helena sa halos lahat ng larangan. Isa lang ang hindi niya nagawang pagtagumpayan. Ang usapin ng kan'yang puso, na nalinlang ng lalaking pinagtiwalaan niya. Iniwan siya nitong nagdadalangtao. Pero hindi papayag si Helena na malugmok siya sa kabiguan lalo at magiging dahilan iyon ng kamatayan ng lola niya. Humanap siya ng lalaking mananagot sa kalagayan niya. Kahit bayaran niya ito ng malaking halaga. At iyon ay si Markus Angeles. Isa sa kan'yang ordinaryong empleyado lamang. Si Markus na tinanggap ang alok ni Helena hindi dahil nasilaw siya sa kaginhawahang inalok nito kun'di dahil sa dahilang matagal niya nang minamahal ang babaeng amo. Nagsama sila sa iisang bubong. Hanggang isang araw, natuklasan ni Helena na umiibig na rin pala siya kay Markus lalo at natuklasan niya na hindi siya nagkamali ng pagpili rito. Ngunit hindi nila iyon mabibigyan ng katuparan. May bumalik at dumating na hadlang. Pilit na hahadlang sa kaligayahan nila ang unang pag-ibig ni Helena. At may nakahanda ring sumilo sa puso ni Markus. Sa huli, mananaig ang pag-ibig nila sa bawat isa. At iyon ang magsisilbi nilang kalasag laban sa mga hadlang na pilit pinaglalayo ang kanilang mga puso.
Romance
106.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1010.6K viewsOngoing
Read
Add to library
His Perfect Servant

His Perfect Servant

Prologue Hawak ang maliit na bag, nakatayo si Althea Santos, 20, sa harap ng marangyang tahanan ng pamilya Velasco. Para bang ibang mundo ang kaharap niya—malayo sa simpleng buhay sa probinsya. Kailangan niya ang trabahong ito, at ang pagiging kasambahay ng isang kilalang doktor ang tanging daan upang makatulong sa pamilya. Pagpasok niya sa sala, sinalubong siya ng bango ng mamahaling pabango at kinang ng chandelier. Ang bawat sulok ay parang larawan mula sa magasin, at halos hindi siya makapaniwala na dito siya maninirahan. “Ah, ikaw pala si Althea,” isang malalim na tinig ang umalingawngaw. Lumingon siya at napatigil. Isang matangkad, gwapo, at matipunong lalaki ang naroon—may malamig na tingin ngunit hindi maitatangging kaakit-akit. Si Dr. Adrian Velasco, 25, amo niya at isang respetadong doktor. “Y-yes, Sir,” sagot niya, pilit pinapakalma ang nanginginig na tinig. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso, hindi lamang dahil sa kaba kundi sa paraan ng pagtitig ni Adrian—parang binabasa ang kanyang buong pagkatao. Lumapit ito, mabagal at tiyak ang bawat hakbang. “Welcome sa Velasco residence. Sana makapag-adjust ka nang mabuti.” Kasabay ng banayad na babala ang isang maliit na ngiti na nag-iwan ng init sa dibdib ni Althea. Sa sandaling iyon, naramdaman niya ang tensyon—isang halong respeto, kaba, at hindi maikakailang kilig. Alam niyang hindi magiging ordinaryo ang mga susunod na araw. Sa ilalim ng bubong na ito, magsisimula ang kwento ng damdamin na susubok sa kanya—mga lihim, selos, kilig, at sakit na magbabago sa kanyang puso magpakailanman. ---
Romance
666 viewsOngoing
Read
Add to library
My Sweet Karma

My Sweet Karma

Naniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman nya kasalanan yun dahil unang una palang ay sinabihan na nya ang mga ito na wag mai-inlove sa kanya. Ngunit isang araw may isang matandang babaeng wala yata sa sarili nito at hinulaan sya. At ayon nga daw sa kapalaran nya ay nalalapit na ang karma nya. Ang babaeng magpapatibok ng triple sa bato nyang puso. Ang babaeng magpapaiyak sa kanya. Ang babaeng mahihirapan syang mapaibig kahit lumuhod pa sya sa asin. Tinawanan lang nya ito. Hindi sya naniniwala sa karma. Tao lang ang gumagawa ng karma nya. Pero ng makilala nya si Maggie ang hipag ng kaibigan nyang si Austin ay nagiba ang tibok ng puso nya. Unang kita pa lang nya dito ay alam nyang tinamaan na sya. Pero hindi pala ganun kadali ang pagdadaanan nya para mapaibig ito. Dahil desi syete lang ito at malaki pa ang pagkadisgusto sa kanya, laging nakasimangot tuwing nakikita sya. Ang isip nya ay nagsasabi na kalimutan na lang ito at ibaling na lang ang atensyon sa iba, ngunit ang puso nya naman ay ito lang ang hinahanap hanap kahit halos isumpa sya nito ng sirain nya ang date nito sa lalaking gusto nito. Danon Acosta and Maggie Caperiña story
Romance
1024.2K viewsCompleted
Read
Add to library
A SECOND CHANCE TO LOVE

A SECOND CHANCE TO LOVE

JMC
Dahil sa pangba-blackmail ng tiyuhin ni Lilac ay pinakasalan niya ang binatang mayaman at 25 years old ngunit ang isip naman ay 15 years old teenager na si Fugo Clemente. Inapi-api niya si Fugo para kusang makipaghiwalay ito sa kanya. Nang hindi na makayanan ni Fugo ang ginagawa niya ay lumayas ito sa bahay nila at hindi na nagpakita pang muli sa kanya. Ngunit nang wala na ito ay saka naramdaman ni Lilac na nagkaroon na pala ng puwang sa kanyang puso ang kanyang asawa nang hindi niya namamalayan kaya hinanap niya ito ngunit hindi niya ito natagpuan. After three years, nakilala ni Lilac si Falcon na pinuno ng mafia sa Pilipinas at kamukhang-kamukha ito ng kanyang asawang si Fugo. Ngunit magkamukha man ang dalawa ay magkaiba naman sila ng pag-uugali. Aloof, rude at higit sa lahat ay wala itong pakialam sa kanyang nararamdaman. Malayong-malayo ito sa asawa niya na bagama't batang mag-isip ay sobrang mahal na mahal naman siya. Ngunit malakas ang kutob niya na si Fugo at Falcon ay iisa kaya gagawin niya ang lahat para maalala at ibigin siya nito. Magawa kaya niya itong paibigin kahit na may ibang babae nang nagmamay-ari sa puso nito? O kailangan pa bang malagay sa panganib ang buhay niya bago nito ma-realized na mahal pa rin siya nito?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Cleopatra's Choice

Cleopatra's Choice

Lumaki si Cleopatra na nakatatak na sa isip niyang si Primo ang lalaking para sa kan'ya. Ang lalaking pakakasalan niya ngunit paano kung biglang magbago ang ikot ng mundo? Paano kung malaman niya ang itinatago nitong sikreto? Matutupad pa kaya ang nais niyang maging bride nito? Paano kung ang safest choice niya ay hindi naman ang totoong tinutibok ng puso niya? Sino nga ba ang pipiliin niya, ang lalaking ipinagkasundo sa kaniya o ang bestfriend nitong laging andiyan para sa kaniya?
Romance
108.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Descendant of the Last Red Moon

Descendant of the Last Red Moon

Sinisikap ni Matt na mamuhay ng malayo at tahimik, Sinikap niyang hindi maging mundo ang mundo ng totoo niyang pagkatao. Sinikap nilang kahit sa kanyang sariling paraan ay hindi matulad sa mga taong kinasusuklaman pero isang babaeng ang nakatakda ng tadhana na siyang babago sa kanyang pananaw ay mamahalin ng kanyang puso at buong pagkatao. Ngunit ang babaeng iyon din ang lilipol ng kanyang uri at tatapos ng kanyang huling hininga. Tama nga bang mahalin pa nila ito?
Other
102.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding his Son (Hiding Series #1)

Hiding his Son (Hiding Series #1)

Dahil lamang sa isang halik ay natagpuan na lamang ni Iris ang sarili na ikinasal na siya kay Sebastian Buenavista, ang nag-iisa at susunod sa pagiging Mafia ng pamilyang Buenavista. Noong una ay hindi niya ito matanggap na ikinasal siya sa isang katulad ni Sebastian pero habang tumatagal ay napapaamo na ng binata ang malamig nitong puso at natagpuan na lamang ni Iris ang sarili na unti-unti na siyang nahuhulog sa binata. Habang lumalalim ang pagmamahal nila sa isa't-isa ay unti-unti ng lumalabas ang mga sikretong itinago ni Sebastian. Sa oras na malaman niya ito ay handa kaya siyang manatili sa tabi nito hanggang dulo?
Romance
1014.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Desperate Deal with Sandro Escalera

The Desperate Deal with Sandro Escalera

Habang tinatakbuhan ang nobyong nagtaksil sa kaniya, aksidenteng nakabangga si Claire ng isang bilyonaryo. Imbes na bulyawan o itaboy, inalok siya nito ng kasal. Kapalit ng pera para sa pampaopera ng kapatid, pumayag ang dalaga. Kahit malamig at walang interes sa kaniya ang asawa, ginawa pa rin ni Claire ang lahat para mapagsilbihan si Sandro. Pero ano ang mangyayari kung pati siya'y mapagod na rin sa relasyon nila? Magagawa kaya ni Claire na bitawan si Sandro at ipaubaya na lang sa babaeng nilalaman talaga ng puso nito? Naitali sila hindi dahil sa pag-ibig, pero ngayong ang isa sa kanila ay napamahal na, ano kayang mangyayari sa kanilang malamig na pagsasama—at sa batang nasa sinapupunan ni Claire?
Romance
10333 viewsOngoing
Read
Add to library
Loving My CEO Ex-Husband

Loving My CEO Ex-Husband

Akala ni Seraphina Ramos, kaya niyang tiisin ang lahat para sa lalaking mahal niya—hanggang sa gabing nahuli niya mismo ang asawa niyang si Adrian Torres, isang makapangyarihang CEO, sa kama kasama ang babaeng tinaguriang “true love” niya, ang sikat na aktres na si Lyra Alcaraz. Doon tuluyang nabasag ang puso at dignidad ni Seraphina. Sa araw ng kanilang diborsyo, sa harap mismo ni Adrian at Lyra, ikinagulat ng lahat nang hilahin ni Seraphina ang isang estranghero papasok sa Civil Affairs Bureau at pakasalan ito kaagad. Sinabi nilang desperada siya, pabigla-bigla, at nakakatawa. Ngunit alam ni Seraphina ang totoo—isa itong kasunduang kasal, walang halong damdamin. O akala lang niya. Hindi pala ordinaryong lalaki ang napangasawa niya—isa siyang makapangyarihang negosyante na marunong maglaro ng puso at kapalaran. Unti-unti, nagbago ang mundo ni Seraphina sa ilalim ng kanyang proteksyon. Ngunit muli siyang guguluhin ng nakaraan nang bumalik si Adrian—hindi na ang malamig at walang pakialam na asawa, kundi isang lalaking handang bawiin siya sa kahit anong paraan. Ngayon, haharapin ni Seraphina ang pinakamahirap na desisyon: pagbibigyan ba niya ang CEO ex-husband na minsan nang winasak siya, o pipiliin na niyang tuluyang mahalin ang sarili o ang iba?
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status