Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
Romance
211 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

snowflower
"Cleonne Marie Deigmen, do you accept Ashton Kleid Ditfreid as your lawful husband?" tanong ng pari habang nakatingin sa akin. Nakabibinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng simbahan. Tila ba lahat sila ay takot na magsalita dahil alam nilang masama ang kahihinatnan niyon kung sakali. "I-I do..." garalgal ang boses ko na sumagot. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng altar. Buong buhay ko, wala akong ibang pinangarap kundi magandang buhay para sa pamilya ko, at mahanap ang lalaking pakakasalan ko balang araw. Iyong lalaking makatatabi ko sa altar sa at kasama kong susumpa sa harap ng maykapal. Pero hindi ko akalaing ang araw ng kasal ko, ang siya ring magiging pinaka-masalimuot na araw sa buhay ko.... "I now pronounce you, husband and wife. Mr. Ditfreid, you may now kiss your bride." Ang panginginig ng buong katawan ko ay mas lalo pang nadagdagan nang sabihin iyon ng pari. Unti-unti ay humarap ako kay Ashton na seryosong nakatingin sa akin. Iniangat niya ang veil mula sa ulo ko at doon ko nakita ang mga mata niya. Hindi pagmamahal ang nakikita ko sa mga iyon, ang tanging nakikita ko lamang ay galit, poot, at paghihiganti. "You are mine now, Cleonne. At ito ang tatandaan mo, habang nabubuhay ako, hinding-hindi mo mararanasan ang salitang kaligayahan." bulong niya sa akin bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Magmula nang araw na iyon, alam kong ang buhay ko ay hindi na sa akin. Dahil magmula nang araw na iyon ay nakatali na ako sa lalaking hindi ko naman mahal, sa lalaking walang ibang gustong gawin kundi ang makapaghiganti sa akin, at iyon ay walang iba kundi si Ashton Kleid Ditfreid.
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Insane Agreement

Insane Agreement

Celia GN
Architect Miles Muñoz, isang matapang, palaban at kabigha-bighaning probinsyana. Nasa kan'ya na ang lahat pero lingid sa kaalaman ng iba ay ginapangan na siya ng pagkabahala sapagkat sa edad na dalawampu't siyam ay ni minsan hindi pa niya naranasan na magkanobyo. Nais na niyang magkaanak at bumuo ng sariling pamilya ngunit paano nga ba niya iyon maisakatuparan gayong kahit ni isang manliligaw nga lang ay ni wala siya? Engineer Jeffry Shaun Villafuente, isang matagumpay at mayaman na business tycoon. Isang happy-go-lucky guy at certified playboy. "What? You are looking for a baby maker?!" tila nawala ang pagkalasing ni Jeff sa narinig. Kasalukuyan silang nag-uusap sa bar habang umiinom ng alak. "Are you that desperate? You will be looking for an anonymous man para lang maging baby maker mo?" Umiling-iling ito at diretsang nilagok ang laman ng hawak nitong baso. "Ano naman ngayon? Uso na ngayon 'yan sa mga nais magkaanak lang." "You have a point." Tumango-tango ito ngunit sandaling natigilan. Nilingon sya nito at muling nagsalita. "Why don't you just ask for my cells then? By that, you don't have to look far." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. Siya naman ang nagulat. Sandaling tinitigan niya ang mukha ni Jeffry at napaisip sa suhestiyon nito. Sinubukan niyang basahin at sukatin kung gaano ito kaseryoso sa sinabi. Hanggang sa huli ay nagkibit-balikat na lamang siya. "Sa bagay pinamimigay mo lang naman kahit kanino iyang sperm cells mo. Fine. Just give me a baby, no more no less. How's that?" Isang desisyon ang kanyang pinakawalan, pasyang kahit siya ay lihim na nangamba. Tila napatda pa ito sa agaran na pagsang-ayon niya bagama't kalakip naman nito ay ang nabanaag niyang pagkislap ng mga mata ng lalaki. "Well, that's great! Then your wish is my command!" he said with a teasing smile.
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
To Serve And To Protect Your Heart

To Serve And To Protect Your Heart

“Tila ginto ang bawat araw na kasama ka. At ang magagandang alaala nating dalawa, kailanman ay hindi mabubura sa puso ko. Patawad, masakit man, ngunit kailangan kong gawin ang bagay na ito. Sana, sa paghihiwalay nating ito’y matagpuan mo ang kasiyahan sa piling ng iba. Marahil, sadyang hindi ako ang babaeng nakalaan para sayo. Ang pagmamahal kong ito sayo ay babaunin hanggang sa huling hininga ko. Walang sinuman ang makakapalit ng lugar mo, dito sa puso ko…” Buong pagsuyo na pinagmasdan ang lalaking nakatayo sa bungad ng simbahan. Napakagwapo nito sa suot na mamahaling americana habang hinihintay ang pagdating ng kanyang bride. Hindi lingid sa kaalaman ni Vincent Anderson na tuluyan na siyang tinalikuran ng kanyang bride na si Tara Miles Parker. Tinahak nito ang landas tungo sa pagtupad ng mga pangarap ng kanyang ama. Para lang mapasaya ang natitirang sandali ng buhay nito sa mundo. Kinasuklaman ni Vincent ang kanyang nobya at tuluyan na niya itong binura sa kanyang buhay dahil sa matinding sakit na idinulot nito. Nagtagumpay si Tara, pero sa huli naiwan siyang malungkot at nag-iisa. Meanwhile, her ex-boyfriend Vincent has his own family now, happily raising his children.” Paano kung muling mag krus ang kanilang mga landas at mabigyan ng pagkakataon ang naudlot nilang relasyon? Kaya pa bang buhayin ni Tara ang puso ng ninong Vincent n’ya para sa kanya? Magawa pa kayang sumugal at magtiwala ni Vincent sa babaeng minsan na niyang minahal ngunit nang iwan sa kanya? O tuluyan ng matatapos ang libro ng kwentong pag-ibig ng isang Ninong sa kanyang inaanak? “A soldier willing to sacrifice her dignity just to restore and mend the heart of the one she loves.” “TO SERVE AND TO PROTECT YOUR HEART…”
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Dirty Rich Billionaire

Dirty Rich Billionaire

Tinakbuhan ni Cassandra ang sariling kasal para makatakas sa arranged marriage na ginawa ng kaniyang ama. Sa kaniyang pagtakas, makikilala niya si Rico Varela na nakatira sa teritoryo ng mga low class. Dahil anak siya ng isang tycoon, kinailangan niyang magpanggap na isang ordinaryong babae. "Ako si Sandy at hindi isang diyamanteng kumikinang." Sinakyan naman ito ni Rico at naniwala sa kasinungalingan niya. "Mukha ngang mababa ang estado mo sa buhay. Wala kang matinong tsinelas." Bubuweltahan niya sana ang binata ngunit naalala niyang nagpapanggap nga pala siyang mahirap. Kahit inis na inis na siya ay kailangan niyang magtiis. Lalo na't kinamumuhian ng binata ang mga katulad niyang lumaki na may ginto sa higaan.
Romance
42 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Hiding His Mistress: Diovanni de Marcel

Hiding His Mistress: Diovanni de Marcel

Si Shuen de Marcel ay nag-alay ng kanyang buhay bilang isang full-time na maybahay, ang tanging kasama ng negosyanteng si Diovanni Al Tiera de Marcel. Ang kanyang buhay ay puno ng katapatan at tungkulin, hindi lang bilang asawa kundi pati na rin bilang manugang. Bagama't hindi sila nagkaroon ng anak, ibinuhos ni Shuen ang lahat ng kanyang pagmamahal at atensyon sa kanilang pagsasama, at inalay ang lahat ng kanyang sarili kay Diovanni. Ngunit, isipin mo ang gulo sa kanyang puso nang isang umaga, siya ay nagising sa isang pagbubunyag na napakalalim na maaaring magwasak sa kanyang pinaniniwalaan at pinahahalagahan. Paano kung ang mga katotohanang kanyang pinanghawakan at ang buhay na kanyang iningatan ay isa lamang malaking pagpapanggap?
Romance
5.76.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)

Breaking Marriage With My Billionaire Husband (Tagalog)

Your Sunshine
“K-Kasal ako! H-Hindi ako pwedeng ibenta ng tatay ko! H-Hindi mo gugustohing malaman ang pangalan ng asawa ko dahil malalagot ka!” Pagbabanta pa ni Solene kahit na nauutal na ito. ~ Si Solene Jimenez ay isang twenty-year old College student. Pumapasok ng iba't-ibang part time jobs para tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya habang nag-aaral sa isang sikat na unibersidad. Ipinakasal siya sa isang bilyonaryo upang tuparin ang hiling ng Mama niya at ng matanda niyang kaibigang mayaman na pakasalan ang apo nito. Ngunit kahit isang beses ay hindi niya pa man din nakikita. Ano kaya ang mangyayari sa buhay niya kapag nagkita sila sa unang pagkakataon? Will the billionaire keep their marriage o hihiwalayan siya nito nang tuluyan?
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Mistake

The Billionaire's Mistake

"Sorry works when a mistake is made, but not when trust is broken." Sa buhay minsan tayo'y nagkakamali, may mga desisyong hindi napag-isipan at may mga pangyayaring kailangan nating maranasan. Bata pa lang si Amethyst pangarap niya ng malibot ang mundo kasamang ang taong tanging nagmahal at nag-alaga sa kanya, ang kanyang lola. Matalino, magaling, masipag at madiskarte sa buhay. Siya ang tipong hindi susuko makuha lang kanyang gusto pero nagbago ang lahat ng makilala niya ang isang William Anthony Guerrero. Ang lalaking nagpatibok sa kanyang pihikang puso, ang happy go lucky na tagapagmana ng Hacienda Guerrero. Kakayanin mo bang makasama ang lalaking buong puso mong minahal pero ang tingin sayo ay isang pagkakamali lamang? Will she allow herself to be considered as the billionaire's mistake?
Romance
9.9158.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Can I be Him?

Can I be Him?

Raeliana
Hindi dahil gusto mo ang isang tao at gagawa ka ng paraan upang magkalapit kayo, magkakaroon ka na ng tsansang maging kayo. Hindi rin porket pinipilit mong maging relevant sa buhay nila, ibig sabihin e mapapansin ka. Minsan, mananatili't mananatili kang nobody sa buhay nila.At ganoon na nga ang naranasan ni Lyle kay Ridge.Sinubukan niyang maging parte ng buhay nito, magbukas ng pinto ng oportunidad para sa kanilang dalawa at umasang may tsansa silang dalawa. Pero sa huli, sa ibang tao pa rin nakatingin si Ridge — iba pa rin ang minahal nito at wala siyang palag doon.Kaya heto siya ngayon sa kalagitnaan ng kawalan. Pinagmamasdan ang binatang kay tagal niyang minahal na sumaya sa piling ng iba. Bubulong na lamang sa hangin at sasabihing sana... sana siya na lang.
LGBTQ+
9.916.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
What You Give Is What I Give

What You Give Is What I Give

Ivy Loud
Likas na kay Julius ang pagiging babaero. Simula nang tumuntong siya ng high school ay kinahiligan niya na ang pagpapalit-palit ng babae.Laro lang sa kanya ang pakikipag-relasyon, not until he met Ezra; the drop dead gorgeous transferee of their department.Mabilis siyang nahumaling sa dalaga, kaya naman pinagsikapan niyang makuha ang loob nito. Masyado itong tahimik at mailap, kaya naman medyo nahirapan siya sa paglapit palang dito. Pero hindi niya ito sinukuan, hanggang sa tuluyan niya nang makuha ang matamis nitong oo.Pero isang paalala ang sinabi nito sa kanya na binilin nitong huwag na huwag kalilimutan..."Kung ano'ng ibigay mo sa 'kin, gano'n rin ang ibibigay ko sa 'yo, Honey; ng higit pa."At sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan ay parang bigla itong nagbigay ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanya.
1016.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status