Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ALTERS [Book 2]

ALTERS [Book 2]

“Sampalin mo ako ng kasinungalingan Hahalikan kita ng katotohanan…”- Hannah Masayang pamilya at marangyang pamumuhay, ang lahat ng ito ay tinalikuran ni Hannah at mas pinili niya na maging isang Madre. Subalit, sinubok siya ng tadhana, nilinlang siya ng kanyang pamilya. Sapilitang ikinasal sa isang lalaki na sa hinagap ay hindi pa niya nakita. Dala ng kabutihang loob, tinanggap niya ang lahat, at natutunan niyang mahalin ang asawa. Handa siyang magtiis alang-alang sa kanyang mag-ama. Subalit, isang bahagi ng nakaraan ang pilit na bumabalik. Huwad na pamilya, wasak na pagkatao at asawang kailanman ay hindi siya binigyang halaga… Magawa pa ba niyang buuin ang mga bahagi ng kanyang pagkatao na nagkapira-piraso? O hahayaan na lang niya na lamunin siya ng kanyang kahibangan at mga pantasya? Kasinungalingan na sumasampal sa katotohanan—“ALTERS”
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Hidden Triplets: Her Sweet Revenge

The CEO's Hidden Triplets: Her Sweet Revenge

Isang gabi ng pagkakamali ang bumago sa tadhana ni Lana Serrano. Matapos ang isang mapusok na one-night stand kasama ang ruthless CEO na si Eros Knight, akala ni Lana ay iyon na ang huli nilang pagkikita. Ngunit isang positive pregnancy test ang nagdulot sa kanya ng matinding takot. Nang marinig niya ang mga sinabi ni Eros na kailanman ay hindi ito magkakagusto sa isang “low-class woman” at lalong hindi nito kailangan ng tagapagmana, pinili ni Lana na lumayo. Bitbit ang kanyang sikreto, tumakas siya patungong ibang bansa at mag-isang pinalaki ang kanyang mga anak. Pagkalipas ng limang taon, nagbalik si Lana—hindi na bilang isang mahinhin at mahirap na babae, kundi bilang isang world-class structural engineer. May iisang mission siya na tapusin ang huling project ng kanyang career at tuluyang kalimutan ang lalaking minsang sumira sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan ang takbo ng tadhana. Sa unang araw ng kanyang pagbabalik, muli silang nagtagpo ni Eros Knight. Mas lalong naging mapanganib at mapang-angkin si Eros, lalo na nang makita nito ang tatlong batang lalaki na halos carbon copy ng kanyang mukha. "The triplets are mine, Lana. And as for you... you’re not escaping this time." Handa na si Eros na habulin siya. Ngunit handa na rin si Lana na ipatikim sa kanya ang tamis ng paghihiganti. Sino ang unang susuko? Ang bilyonaryong sanay makuha ang lahat… o ang ina na gagawin ang lahat para protektahan ang kanyang mga anak?
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Innocent Love

Innocent Love

Kinalimutan at nagpaubaya si Meira para sa kanyang kapatid at sa lalaki na kanyang minamahal, kasama ang bata na nasa kanyang sinapupunan. Hindi alam ni Acerlon na nagka-anak sila ni Meira. Sa muling pagkikita, hindi alam ni Meira na marami na pala ang nagbago. Higit pa doon, maraming sekreto ang mabubunyag.
Romance
1017.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Obsession

The Billionaire's Obsession

Ang wasak na puso ni Astrid ang nagtulak sa kaniya sa bar at uminom hanggang sa malasing dahil nahuli niya ang kaniyang boyfriend na nakikipagtalik sa iba. Sa sobrang kalasingan hindi namalayan ni Astrid ang mga nangyari at nagising na lang siya katabi ang estrangherong lalaki. Si Thor Santos ay isang Bilyonaryong arogante na biktima ng droga at ginamit ang magandang babae upang maibsan ang init na nararamdaman. Nagising ang binata na wala na ang dalaga sa tabi niya. Naalala pa niya ang mga nangyari kagabi ngunit hindi na niya matandaan ang mukha ng dalaga. Nalaman din ng binata na siya ang nakauna sa dalaga kaya naman pinahanap niya ito. Paglipas ng limang taon, nangailangan ng pera si Astrid kaya naman kahit walang pinag-aralan ay sumabak pa rin siya sa malaking kompanya upang magtrabaho. Samantala, si Thor naman ay tinakot ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan si Sofia o kailangan niyang maikasal upang mabigyan sila ng apo, kung hindi siya pumayag ay tatanggalin siya sa kompanya. Hindi papayag si Thor na mawala sa kaniya ang kompanya kaya naman ng makita niya ang babae na desperada na makapagtrabaho sa kompanya. Kaya binigyan niya ito ng kasunduan kapalit ang malaking pera na alam niyang hindi matatanggihan ng dalaga, ang kontrata ng pagpapakasal.
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Love From The Year Of 1942

My Love From The Year Of 1942

malditah
Si Lilac Bacani ang nag-iisang babaeng heneral na namuno at lumaban sa mga hapon kasama ang kanyang hukbo noong panahon ng pangalawang digmaang pandaigdig. Isa siyang matapang na heneral at nirerespeto ng lahat. Ngunit dahil sa pagtatraydor ng taong pinagkakatiwalaan niya ng labis ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon na nagdahilan ng pagkamatay ng mga sundalo niya at pati na rin siya. Ngunit sa halip na umakyat sa langit ay nag-travel ang kanyang kaluluwa patungo sa taong 2022 at nagising siya sa katawan ng isang twenty years old na babaeng bagong kasal pa lamang na si Gwen Del Rio na kamukhang-kamukha niya. Paano mapaninindigan ni Lilac ang kanyang bagong katauhan sa makabagong mundo na hindi niya kabisado ang kapaligiran at sa katauhan pa ng isang dalagang binu-bully ng mga kamag-anakan nito? At paano kung umibig siya sa asawa ni Gwen ngunit matutuklasan naman niya na may isa pang katauhan si Lander na inililihim nito sa lahat? Makakaya ba niyang harapin ang pangalawang pagta-traydor na magaganap sa kanyang buhay? Makakaya pa ba niyang patuloy na mahalin ang apo ng taong dahilan kung bakit siya namatay kasama ang kanyang mga kasundaluhan noong nasa taong 1942 pa siya at ang taong nag-iwan ng malalim na pilat sa kanyang dibdib?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My Husband's Karma

My Husband's Karma

aiLa'veinz
Pumayag sina Hyder at Jihan na magpakasal sa isa't isa base sa napagkasunduan ng magulang nila. Napag-usapan ni Hyder at Jihan na palabas lamang ang gagawin nilang pagpapakasal at magdidivorce sila pagkatapos ng dalawang taon dahil may girlfriend na si Hyder. Nasasaktan man ay tinitiis ni Jihan dahil totoong mahal nya si Hyder. Nagkaroon ng lakas ng loob si Jihan na aminin ang totoong nararamdaman sa asawa. Mula noon ay naging malamig na ang trato ni Hyder at madalas gumagawa pa ito ng mga bagay na ikakadurog ni Jihan. Napagpasyahan ni Jihan na palayain na Hyder dahil hindi na nya kinakaya ang sitwasyon nya. Hanggang sa isang kakaibang uri ng sakit ang dumapo kay Jihan. Nilihim ni Jihan ang kanyang sakit. Sumusubok si Jihan na magpagamot pero hindi nya alam kung hanggang kailan kakayanin ng katawan nya. Muling makikipag-ugnayan si Jihan kay Hyder upang ipagbigay alam ang buong katotohan ngunit sarado na ang isip at puso ng binata. Sa pagkakataong malalaman ni Hyder ang kalagayan ni Jihan, lalambot kayang muli ang kanyang puso? Hanggang kailan lalaban si Jihan para sa lalaking mahal nya? Hanggang kailan din nya lalabanan ang sakit na dumapo sa kanya? "Kahit isa man lang sa laban na ito ang maipanalo ko, masaya na ako"- Jihan
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo

Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo

HIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging kaibigan niya na rin. Unlike the other girls, she dressed like a man. Malaki ang shirt, malaki ang short at may sombrero palagi. Mahilig siya kumain ng lollipop at masayahin siyang Babae kahit sa kabila ng pamumuhay nila. Parati siyang ipinapahamak ng ina niya sa iba't-ibang trabaho na ikinakainis niya, subalit gano'n man ang ina niya ay mahal niya ito at parating pinagbibigyan. Takot na baka magkautang na naman sila. Ngunit, papaano kaya kung ipasok siya ng nanay niya sa isang corporation na hindi niya alam? At isang araw ay may isang lalake na gusto siyang e-hire bilang asawa nito at wala siyang kaalam-alam sa klase ng trabaho na tatahakin niya? Mapapahiyaw nalang siguro siya sa inis lalo na kung malalaman niyang guwapo at appealing ang makakasama niya at magiging asawa pa niya talaga for 3 months! Kaya kaya nitong tunawin ang boyish niyang puso, at mapa-ibig sa ka-guwapohang charms nito?
Romance
1016.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Twin's Revenge

Her Twin's Revenge

Maagang namatay ang mga magulang ng kambal na si Karina at Katherine dahil sa isang aksidente. Kaya naging sandalan nila ang isa't-isa sa hirap at ginhawa. Ngunit dahil sa kakulangan sa financial ay mas pinili ni Karina na subukan ang swerte sa ibang bansa. At tinulungan niyang makatapos si Katherine. Kaya nakapagtapos ito ng kolehiyo at nagtrabaho sa Alvarez corporation bilang secretary ng CEO na si Sergio Alvarez. Ngunit nakatangap si Karina ng masamang balita mula sa kaibigan ng kanyang kakambal. Wala na daw ito at kinitil ang sariling buhay. Kaagad na umuwi ng bansa si Karina. At ganun na lamang ang paghihinagpis niya nang maabutan ang malamig na bangkay ni Katherine. Nang makita niya ang phone ni Katherine ay natuklasan niya ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ng kanyang kapatid ang magpakamatay. Dahil sa labis na galit ay isinumpa niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging dahilan ng pagpapakamatay ni Katherine at isa na dito si Sergio Alvarez na kakakasal lamang kay Catalina. Ano ang kahihitnatnan ng paghihiganti at pagpapangap ni Karina bilang si Katherine? Upang makapaghiganti sa lalaking lumoko sa kanyang kakambal? Paano kung imbis na paghihiganti ay pag-ibig ang kanyang matagpuan sa piling nito?
Romance
107.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Concealed Powerful Son-In-Law

The Concealed Powerful Son-In-Law

Zantana
“Hindi na sapat ang pagmamahal lang.” Para kay Dean, masaya na siya at kuntento sa tahimik at simple na buhay na mayroon sila ng kanyang asawa na si Niah. Isang klase ng buhay na kasulangat ng kanyang kinagisnan. Ngunit hindi niya inakalang hindi ganoon ang nararamdaman ng kanyang asawa. Niah wants a luxurious and extravagant life. Isang bagay na hindi kaagad maibibigay ni Dean. Kaya noong makahanap ng lalaking magbibigay sa kanya ng buhay na pinapangarap, kaagad na nagdisisyon si Niah na hiwalayan ang asawa. She filed a divorce, dumped Dean, and hooked up with a rich man. Masakit iyon para kay Dean, pero hinayaan niya ang asawa sa kagustuhan nito. He loves Niah so much that he can do everything for her. Kaya noong inakala ng lahat na bumitaw na siya, doon siya kumilos at gumawa ng paraan. And what he did gradually surprised everyone, including his wife. Sa unti-unti niyang pagpapakita ng kanyang kakayahan bilang isang asawa at lalaki, dahan-dahan niya ring ipinakilala ang kanyang tunay na sarili. Would his wife, Niah, come back to him? And if she does, would he still accept her? Or would he move on upon realizing that his wife only loves him because of the things that he could give, and not because she loves him genuinely?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying You

Marrying You

Md Quinceañera
Ang pamilya Tengco ay may dalawang anak na babae. Ang kanilang bunsong anak na babae. Si Brianna Tengco, ay kilala sa kanyang kagandahan. May tsismis na hindi mailarawan ang ganda niya. Gayunpaman, ang panganay na anak na babae ng pamilya Tengco, si Heile Tengco, ay may mababang IQ mula noong siya ay bata pa at nagsimula lamang siyang magsalita noong siya ay anim taong gulang. Itinuring siya ng kanyang mga magulang bilang isang pasanin habang tinatrato siya ng labas ng mundo bilang isang katatawanan. Gayunpaman, walang nakakaalam na si Heile ay may tunay na kakaibang katalinuhan na nahuling nabuo. Pagkatapos, nabuntis si Heile sa hindi malaman dahilan. Apat na buwan sa kanyang pagbubuntis, pinilit siya ng kanyang mga magulang na pakasalan ang pinakamayamang lalaki sa City, ang pamilyang Bueno. Ang mga usapan ay ang kanyang asawa ay isang matandang lalaki na paralisado sa kama mula noong edad na walo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang magpakasal si Heile sa pamilya Bueno, nalaman niyang hindi lang matanda ang kanyang asawa, guwapo rin ito. Siya ang Young Master ng pamilya Bueno na hinangaan ng lahat— si Kerr Bueno.
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status