Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mr. Arrogant (Series 3: Drake Sanchez)

Mr. Arrogant (Series 3: Drake Sanchez)

Naging alipin ng lungkot at bangungot si Drake, ng mawala ang pinakamamahal niyang si Janella dahil sa kanyang kagagawan. Ang masakit pa, dala dala nito ang magiging anak na sana nila. Sa galit ng magulang nito sa kanya, ni hindi na niya nalaman kung saan ito inilagak ng mga magulang nito. Akala niya ay hindi na siya iibig muli, subalit, biglang tumibok ang puso niya, sa isang babae, si Justine, na hindi niya makausap man lang ng maayos, dahil parang galit na galit ito sa kanya. Paano niya paaamuin ang isang matapang na lion, kung hindi niya alam kung ano ang pinaghuhugutan ng inis nito sa kanya? o siya ang lalayo sa babae kapag nalaman niya ang lihim sa pagkatao nito?
Romance
107.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Painful Revenge (TagLish)

Her Painful Revenge (TagLish)

Dalawang babae, iisang mithiin... ang maghiganti. Ginamit ni Melissa ang kaniyang anak upang pahirapan ang pamilya ng mga Zuareza ngunit isang problema ang nangyari, nagkagusto ang anak niya sa nag-iisang anak ng kalabang pamilya. Nais makamit ni Elie ang katarungan na nararapat para sa kaniyang pamilya ngunit paano kung may nararamdaman na rin siya sa binata? Magtatagumpay kaya ang paghihiganti na inaasam asam ng dalawang babae? Would their relationship have a happy ending? Or their lives will end?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Run Away Fiancee.

The Run Away Fiancee.

Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave. Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo. Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila. Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan. Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman. Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba? May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?
Romance
1014.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Taming My Badass Boyish Wife

Taming My Badass Boyish Wife

Elijah Capistrano-- a well known playboy and happy-go-lucky guy na walang ibang ginawa kung hindi ang magpa-iyak at maglaro ng damdamin ng mga kababaihan. Paano kung isang araw ay ipilit sa kaniya ng kaniyang ama na ipakasal siya sa babaeng hindi naman niya gusto-- at ang worst pa ay hindi naman talaga isang tunay na babae kung hindi isang tomboy na mas babaero pa yata kaysa sa kaniya. Si Alexis Montecillo-- ang astig na tomboy na anak ng bestfriend ng daddy niya. Paano kaya niya mapapa-ibig ang babae kung para itong isang tigre sa katapangan? Makuha kaya niyang mapalambot ang matigas nitong puso at mapaamo ito? O ito ang unang makapagpapa-amo sa mapaglaro niyang puso?
Romance
471 viewsOngoing
Read
Add to library
Fierce Love of the Arrogant Man

Fierce Love of the Arrogant Man

“Nasaan ang singsing?” “Ano?” Mabilis na binawi ng babae ang kanyang kamay. “Tinatanong ko kung nasaan ang singsing,” mariing ulit ni Stefan habang nakatitig nang masama sa kanyang kasintahan. “Ah... naiwan ko yata sa opisina. Kasi madalas akong naghuhugas ng baso ng kape, kaya tinanggal ko muna at itinabi. Baka magasgas kasi,” paliwanag ng dalagang si Natalie na bahagyang nakapagpakalma kay Stefan. “Kapag tinanggal mo ‘yan, ituturing kong gusto mong makipagbitiw sa kasunduan ng kasal.” “H-hindi naman po. Itinabi ko lang, hindi ko naman tinatanggal ng tuluyan.” “Kung gano’n, isuot mo ngayon din,” singhal ng lalaki na may halong pagbabanta. “Oo na, isusuot ko,” sagot ng babae na may bahid ng tampo. Kinuha niya ang bag sa tabi, binuksan iyon, at inilabas ang singsing ng kanilang kasunduan. Isinuot niya iyon sa kanyang daliri at ipinakita sa kanya ang likod ng kamay.
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Behind Her Innocence

Behind Her Innocence

“Maaari ko bang isangla muna sa iyo ang kwintas na ito kasama ng singsing ng aking mommy?” Anya ng pitong taong gulang na batang babae sa isang lalaki na nakapikit habang nakasandig ang ulo sa sandalan ng upuan sa isang waiting area ng hospital. Seryosong tumitig ang 20 years old na binata sa isang munting bata sa kan’yang harapan. “Alam ba ng mommy mo na isinasangla mo ang ang wedding ring niya?” Seryosong tanong na hindi maalis ang tingin sa mala anghel na mukha ng bata. “Ang sabi ng doctor ay kailangang maoperahan si mommy, pero wala akong pera, hindi mo naman siguro ipapaalam kahit kanino na sinangla ko ito sayo, di’ba?” Malungkot na sagot nito, bago matapang na sinalubong ng batang babae ang mga mata ng lalaki. “Paano kung kukunin ko ‘yan, paano mo ito matutubos sa akin? Hindi ako tumatanggap ng pera.” Seryosong pahayag ng lalaki. Saglit na nag-isip ang bata na wari mo’y naguluhan. “Kukunin ko ‘yan at sasagutin ko ang operasyon ng mommy mo pero sa isang kondisyon, magiging akin ka at pagtuntong mo sa tamang edad ay ikakasal ka sa akin. Kung hindi ka tutupad ay hindi ko babalik sayo ang kwintas at ang singsing ng mommy mo.” “Pumapayag po ako.” Inosenteng sagot nito. ————— Isang batang babae ang nakipagkasundo sa nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Smith, si HARRIS SMITH. No read, no write at mangmang sa lahat ng bagay ‘yan si ZAHARIA LYNCH. Isang simpleng dalaga na sinamantala ang kainosentihan ng mga taong itinuturing niyang pamilya. Paano magkakaroon ng katuparan ang kasunduan ng dalawa kung sa apat na sulok ng kwarto umiikot ang mundo ni Zaharia?
Romance
1032.1K viewsCompleted
Read
Add to library
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
Romance
1010.1K viewsCompleted
Read
Add to library
I Will Take Back What's Originally Mine

I Will Take Back What's Originally Mine

FireQUEEN
Si Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang makatakas sa posibleng pagkamatay na sinabi ng pamilya ng biktima, sinubukan niyang maglakbay nang hindi nililinis ang kanyang pangalan. Gayunpaman, sa halip na makalaya mula sa kamatayan, siya ay talagang namatay. Well, parang ganun nga. Pero bigla siyang nagising sa katawan ni Estacie Somyls. Ang pinakamasama pa, talagang mahirap din ang buhay ng may-ari ng katawan na sinapian niya! Isang babae na iniwan ng sariling ama para makasama ang bagong pamilya. Hindi lang iyon, ginamit pa ang sarili niyang mana mula sa yumaong ina! Ngayong siya na ang bagong may-ari ng katawan na ito, makukuha na ba niya ang orihinal na sa kanya?
Romance
101.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Bargained Body

Bargained Body

Fita Rita
Xanya Perez. Isang babaeng pinagkaitan ng pagmamahal ng isang ina. Isang babae na lumaking walang matinong pamilya. Isang babaeng naghahanap ng pagmamahal at kalinga ng isang pamilya lalo na ng isang ina ngunit tila pinagdadamot ito ng tadhana sa kanya. Will she find love? Sa pag-alis nya sa puder ng kanyang ina ay di n’ya inaakalang magkukrus ang landas nila ng isang tanyag na inhenyero, si Ezrael Digregorio. Isang lalaking ubod ng sungit ngunit taglay ang mala Adonis na kakisigan. Si Ezrael ang tipo ng lalaking tahimik lang, madalang magsalita at masungit sa mga babae pero mahilig maglaro ng apoy. Isang binatang may ‘golden rule’-ang di pag-aasawa, dahil para sa kanya ang pag-aasawa ay walang maidudulot na maganda, sakit lang ito sa ulo. Bakit pa ba sya mag-aasawa kung kaya n’ya namang makuha lahat ng babaeng matipuhan nya. Until he meet Xanya, a girl who wants to be love. Will Ezrael break his golden rule?
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Uncle's Dark Secret

My Uncle's Dark Secret

Sa pagpasok ni Lewis Perez sa condo ng kanyang nobyo, nakita niya na isang babae ang umiindayog sa ibabaw ng lalaking pinakmamahal niya. Labis na nasaktan ang dalaga, dahilan upang sumama siya sa kaibigan sa isang bar at doon magpakalasing, not knowing what will happen to her. Dala ng kalasingan, pumasok si Lewis sa kuwarto ng isang lalaking CEO na noon ay umupa ng isang babae upang magbigay ng aliw sa kanya. At sa hindi inaasahang pagkakataon, binigay ni Lewis ang kanyang katawan sa lalaking ito, isang bagay na makapagpapabago sa kanyang buhay. One next morning, nalaman niya sa kanyang ama na umuwi na mula sa ibang bansa ang kanyang uncle at dahil fresh graduate si Lewis, naisipan ng kanyang ama na ipasok ito sa kompanya ng kanyang tito na si Vladimir Grayson upang magkaroon ng experience. Ngunit hindi niya akalain na ibang experience pala ang matututunan ni Lewis. Sa pagdating ni Lewis sa opisina ni Vlad, nagulantang ang dalaga, dahil ang lalaking nakasama niya sa kama at ang tito na ngayon ay kaharap niya ay iisa...
Romance
1019.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2021222324
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status