Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)
Sa edad na dalawampu’t dalawa, mag-isa na lang sa mundo si Alina Torres. Maaga siyang naulila sa ama, at iniwan naman siya ng sariling ina para sumama sa ibang pamilya. Wala na siyang ibang mapupuntahan kundi ang taong kinatatakutan niya noon pa man—ang kanyang ninong, si Sebastian Villalobos, isang makapangyarihan at mayamang negosyante na kilala sa pagiging malamig, istrikto, at isang taong walang inuurungan.
Ngunit sa ilalim ng malamig nitong anyo ay ang lalaking handang akuin ang responsibilidad na alagaan at ipagtanggol ang inaanak. Hindi niya alam kung paano tatanggapin si Alina sa buhay niya, lalo na’t habang lumilipas ang mga araw, hindi na inosente ang kanyang nararamdaman para rito.
Samantala, si Alina naman ay nahahati sa
pagitan ng takot at pagtitiwala. Takot, dahil alam niyang mahigpit at mapanganib ang mundo ng kanyang ninong. Pagtitiwala, dahil siya lang ang nag-abot ng kamay sa oras na lahat ay tumalikod sa kanya. Sa pagitan ng mga lihim, pangamba, at damdaming pilit nilang itinatanggi.