Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Rebirth Wife Strike Back

The Rebirth Wife Strike Back

Sa nakaraang buhay ni Yvette Dantes, siya ay pinagtaksilan at niloko ng kanyang kasintahan at matalik na kaibigan. Hindi lang iyon, sinira ng dalawa ang kayang reputasyon at hindi pa nakuntento ay walang awa siyang pinatay ng mga ito. Sa hindi inaasahan, siya ay muling nabuhay ngunit sa katauhan ni Samantha Vicente. Tulad ng buhay niya dati, ang buhay ni Samantha ay miserable, and she married by the cold-hearted billionaire named Logan Vicente. Nang gusto na nitong makipaghiwalay ay hindi siya nagdawalang-isip na pumayag kahit pa ang kapalit nito ay magiging katawa-tawa siya sa mata ng mga tao. Akala niya, mas magiging miserable ang buhay niya pagkatapos siyang itapon ng walang kaawa-awa, pero ang kapalaran ay tuluyang magbabago para sa kanya. Sa ganu'ng paraan ba magagawa ni Samantha palambutin ang puso ng isang Logan Vicente na kasing tigas ng isang bato?
Romance
599 viewsOngoing
Read
Add to library
Chased By My Zillionaire Ex-Husband

Chased By My Zillionaire Ex-Husband

Tila tumigil ang mundo ni Amery dela Cerna nang ihain ng kanyang asawang si Brandon Ricafort sa kanyang harapan ang divorce papers. Masakit sa kanyang isipin na sa kabila ng pagiging mapagmahal at mabuting maybahay, hindi pala iyon sapat upang matutuhan siyang mahalin ng kanyang asawa. Bitbit ang natitirang dignidad, umalis siya sa kanilang tahanan matapos pirmahan ang mga papeles na magtatapos sa kanilang relasyon. Sa pagsisimula ng panibagong yugto sa kanyang buhay, ibabalik niya ang kanyang sarili bilang si Avrielle Madrigal, ang bunsong tagapagmana ng Madrigal clan na isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Maayos na sana ang lahat ngunit tila binibiro siya ng tadhana... Ang dati niyang asawa na tinutulak siyang palayo noon, ngayon nama'y pilit siyang hinahabol-habol. Ano kaya ang gagawin ni Avrielle? Itataboy ba niyang palayo si Brandon, oh susunduin ang utos ng kanyang puso na magpahabol dito?
Romance
1067.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Innocent Maid

The Billionaire's Innocent Maid

Dulot ng kahirapan, maagang nagtrabaho si Hera dala na rin nang hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa kaniyang magandang mukha at katawan, wala na siyang iba pang maipagmamalaki sa kaniyang sarili. Dahil sa kagandahang taglay, natanggap siya sa isang fancy restaurant bilang waitress pero hindi rin naman din siya nagtagal doon. Bumalik ulit siya sa dati, kung saan-saan lang naglilibot at naghahanap ng trabaho. Hanggang sa isang gabi, may bigla na lang estranghero ang nag-alok sa kaniya ng isang trabaho. Malaki ang sahod at hindi kailangan ng magandang background. Tinanggap ni Hera ang trabaho. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang trabaho na kaniyang pinasukan ay simula na pala ng panibagong hamon at kalbaryo ng kaniyang buhay. Ano na lang ang kaniyang magiging reaksyon kung isang araw, natagpuan na lang ni Hera ang kaniyang sarili na may kakaiba at hindi normal na relasyon sa kaniyang amo?
Romance
1023.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Play-Off

The Billionaire's Play-Off

Rhenkakoi
Si Joanna Rissa Lico, nawala sa kaniya ang lahat dahil sa panloloko ng kaniyang boyfriend. Kinuha na nito lahat ng yaman niya, pati mukha niya ay sinunog nito. Dahil sa pinagdaanan ni Joanna na dumurog sa puso niya ay binalak niyang magpakamatay pero hindi 'yun natuloy dahil kay Marvin Guevarra, isang gwapong bilyonaryo na masungit at walang modo para kay Joanna. Inalok siya ni Marvin na tutulungan siya nito sa paghihiganti sa dating nobyo ni Joanna sa pamamagitan ng isang kasal, wala man naibigay na dahilan ng pagtulong ay kinuha ni Joanna ang pagkakataon na 'yun upang makapaghiganti sa dati niyang nobyo. Pero paano kung sa paglipas ng mga araw ay biglang makipaglaro si Marvin kay Joanna na mahuhulog ito sa kaniya, mapigilan kaya ni Joanna ang kaninyang nararamdaman upang manalo sa larong inumpisahan ni Marvin? Maging totoo kaya ang larong ginawa nila?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Rekindled Romance After Divorce

Rekindled Romance After Divorce

Nasagad na ang pasensya ni Everly Golloso sa asawa niya ng tatlong taon na si Roscoe De Andrade nang mahulog siya sa pool kasama ang lantarang sidechick nitong si Lizzy Rivera. Dala ng nag-uumapaw na sama ng loob sa nangyari ay walang ngimi na pinirmahan ng babae ang divorce agreement nila. Nag-alsabalutan siya at tuluyang iniwan ang kanilang villa. Ngayong malaya na si Everly at kaya na niyang gawin ang lahat ng gusto niya, doon naman matatauhan si Roscoe na maghahabol; ang asawa ni Everly na tanging pagtanaw lang naman ng utang na loob ang dahilan para manatili sa tabi ni Lizzy. Utang na loob na hindi naman dapat sa babae ang credit kung hindi ay kay Everly. Sa panibagong yugto at realization ni Roscoe, paano niya ibabalik sa dati ang pagmamahal ni Everly? Mabayaran ba ang lahat ng hirap at mga sakripisyo niya sa bandang huli?
Romance
1016.4K viewsOngoing
Show Reviews (10)
Read
Add to library
Snobsnob
Magkahilatsa talaga ng character tong si Roscoe at Oliver eh. Mga cheater bwicit hahaha. Ang layo-layo niyong dalawa sa kalingkingan ni Gavin. Napakabagal pa ni author pahirapan si Roscoe kainis. Umay na umay na ako puro na lang sina Roscoe at Lizzy laging magkasama.
Purple Moonlight
Hi, Gorgeous Readers! Bagong magiging stress natin araw-araw, joke lang. Review, comments, subs and gems and gifts are highly appreciated. Maraming salamat na agad sa walang sawa niyong suporta! ヾ⁠(⁠˙⁠❥⁠˙⁠)⁠ノ
Read All Reviews
BABY IT'S ONLY YOU

BABY IT'S ONLY YOU

Nagpasya si Aldrin John Villafuerde na umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng pag-aaral niya sa kolehiyo. Maaga siyang nagbook ng kanyang ticket para maaga rin siyang makarating ng Pinas. Excited na siyang makauwi para bisitahin si Jamaica Montefalcon, ang kababata niya at malapit na kaibigan noong sekundarya. sa di inaasahang pagkakataon ay makakasalubong niya si Athena Salazar, dati nilang kaklase ng sekundarya at matagal ng may gusto sa kanya. Napagplanuhan na ng mga magulang ni Jamaica at Aldrin na ipakasal sila sa lalong madaling panahon kaya naman ay nag-usap sila tungkol sa kasalang magaganap. Pumayag sila sa kagustuhan ng kanilang mga magulang dahil mahal naman nila ang isa't isa pero hindi pa nila ito inaamin sa bawat isa. Matagumpay silang ikinasal ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay unti unting masisira ang tiwala nila sa isa't isa.
Romance
423 viewsOngoing
Read
Add to library
CEO'S MAFIA HEIRESS

CEO'S MAFIA HEIRESS

Isang mafia heiress. Isang batang CEO. Isang lihim na misyon. Si Margarette “Blue Rose” Zobel ay bihasa sa lahat ng paraan ng laban—mula sa martial arts hanggang sa diskarte sa mundo ng krimen—pero ang pinakahuling utos ng kanyang ama ay magbantay sa anak ng isang batang CEO na pinaghihinalaan nilang may kinalaman sa pagkawala ng mahalagang shipment. Sa bawat galaw at desisyon, unti-unti niyang natutuklasan ang katapatan, tapang, at puso ng taong dati niyang kinamumuhian. Ngunit sa mundong puno ng intriga, pagtataksil, at lihim, ang kanilang galit at pagdududa ay unti-unting napapalitan ng pagnanasa at pagmamahal. Sa pagitan ng aksyon at pag-ibig, sino ang mananaig—ang tungkulin o ang pusong hindi inaasahan? Sa bawat hakbang na kanilang tatahakin, matutuklasan nilang minsan, ang pinakamalaking panganib ay ang mahalin ang taong dapat sanang labanan.
Mafia
117 viewsOngoing
Read
Add to library
Bound To My Ex-Husband

Bound To My Ex-Husband

Ivor Sales is a self-made CEO, he works hard for what he has right now.  He was once married to Lily Andra, a tough yet kind businesswoman. Naging magkaibigan sila noong college days pa lang nila hanggang sa nagbunga ito nang pagmamahalan. Ilang taon silang magkarelasyon bago nagpakasal at bumuo ng pamilya. Masaya sila at kuntento sa kanilang buhay may-asawa. Ngunit dahil sa pagkakaiba nila nang personalidad at sa hirap nang kanilang pinagdaanan bilang indibidwal, nakahadlang ito sa kanilang kasal. Ang dati nilang pang-unawa at pagmamahal sa isa’t isa, ay napalitan nang hindi pagkakaintindihan at kawalan nang tiwala. Hindi na nila kinayang ayusin ang kanilang relasyon at nagdesisyon silang maghiwalay. Sa paglipas ng pitong taon, nagkita muli sina Lily at Ivor. Sa muli nilang pagkikita, may mga naiwan at nabuong tanong na hindi masagot. Maari kaya maging dahilan ito nang kanilang pagkakabalikan?
Romance
101.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Coming Back to You, My Billionaire

Coming Back to You, My Billionaire

Hindi inaasahan ni Ailey na makikita niyang muli ang dating bilyonaryong nobyo sa bar pagkatapos ng halos tatlong taon. Pinilit niya itong iwasan dahil ayaw nitong bumalik pa ang sakit ng nakaraan at ayaw niyang malaman nito ang totoo . Umalis siya ng bansa para doon na manirahan pero tila sinusubukan siya ng tadhana. Nasa bingit ng pagkakalugi ang kanilang kompanya at isa lang ang paraan upang maisalba ito, iyon ay ang kuning investor ang kompanya ng dati niyang bilyonaryong nobyo. Pero hindi ganoon kadali ito para sa kanya dahil mukhang siya naman ang iniiwasan at pinapahirapan nito. Gusto na sana niyang sumuko subalit may trahedyang kinasangkutan ang kanyang anak at ang tanging magsasalba rito ay ang dating kasintahan. Ito na kaya ang paraan upang mapansin siya nito? o titiisin niya alang-alang sa pinakaiingatang sikreto?
Romance
474 viewsOngoing
Read
Add to library
RUTHLESS SEDUCTION  (Tagalog)

RUTHLESS SEDUCTION (Tagalog)

Lumaki si Dylan na walang kinatatakutan at ayaw na may ibang taong kumukontrol sa kaniyang buhay. Hindi rin siya friendly at hindi marunong magpakumbaba. Ngunit wala siyang choice nang ipasa sa kaniya ng ama ang trabaho nito—ang bantayan ang heartless at dominanteng anak ng isang Chairman na dati ay pinuno ng isang organization. Hindi gusto ni Alexander ang buhay na mayroon siya. Tinitingala siya ng lahat maliban sa isang taong may magaspang na pag-uugali. Dahil sa kagustuhang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kaniyang ina, pinagbigyan niya ang gusto ng ama. At ipakita niya rin sa antipatikong lalaking kaniyang bodyguard kung ano ang kaya niyang gawin upang mabawasan ang kasungitan nito. Sa paglalaro ng emosyon ng bawat isa, sino ang unang susuko at mahuhulog sa bitag nang mapaglarong tadhana? Sino ang top at bottom sa dalawa?
LGBTQ+
1029.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
23
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status