Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Falling For My Cold Lady Boss

Falling For My Cold Lady Boss

Masayahin at palabiro si Halina Hernandez noong kabataan niya. Ngunit nang masaktan sa unang pag-ibig niya kay Goddy Vásquez, unti-unting nagbago ang kanyang pananaw—naging malamig siya at natutong husgahan ang mga taong hindi ka-level ng kanyang estado. Ayaw na niyang bumaba mula sa pedestal na tinatayuan niya, lalo na para magmahal muli ng isang lalaking hindi niya kapantay. Makalipas ang anim na taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Akala niya, tuluyan na niyang nalimot ang sakit na dulot ng unang pag-ibig niya—pero nagkakamali siya. Dahil sa bawat paglapit ni Goddy, muli niyang naramdaman ang damdaming matagal na niyang pilit kinalimutan. Kaya ba niyang ipaglaban ang kanyang pagmamataas, o muli siyang mahuhulog sa isang pag-ibig na minsan nang sumira sa kanya?
Romance
1013.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Primero el matrimonio, luego emparejamiento

Primero el matrimonio, luego emparejamiento

Durante mi boda, me traicionaron. Mi prometido me convirtió en el hazmerreír y me dejó para que los invitados se burlaran brutalmente de mí.Me quedé estupefacta, anonadada y con el corazón roto cuando el Alfa de la manada enemiga, el hombre más poderoso y deseado de la ciudad se acercó a mí.—¿También has venido a humillarme? —le pregunté.—Amber Collins —respondió suavemente, y su pulgar acarició suavemente mi mejilla—. ¿Me aceptas como esposo?Sin embargo, no fue hasta mucho tiempo después, que descubrí que nada de eso era una coincidencia.**Me tumbó de lado: —He querido marcarte desde que te conozco... —murmuró mientras se apretaba más contra mi cuerpo.—Espera... Espera... —jadeé.Pero era imposible. No había forma de detenerlo. Es una fuerza de la naturaleza. Una naturaleza que me entregaba a él, en cuerpo y alma."Primero el matrimonio, luego el emparejamiento", es una obra de Reina Bellevue, autora de eGlobal Creative Publishing.
Fantasía
814.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Loved and Chained

Loved and Chained

A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him? Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon. Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya. Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
Other
1012.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Triplets and a Second Chance

Triplets and a Second Chance

Nagluluksa si Amara Alcantanra sa burol ng kaniyang ina habang abala ang kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng unang babaeng minahal nito—punong-puno ng kasiyahan at engrande ang selebrasyon. Klarong-klaro ang lahat kay Amara. Kung hindi siya mahal ng lalaki, ayaw na rin niya dito. Iniwan niya ang kasunduan ng diborsyo sa ibabaw ng mesa at piniling ipalaglag ang dinadala, at lumakad palayo nang mag-isa. Limang taon ang lumipas. Sa isang marangyang subastahan, lumitaw ang chief auctioneer nakasuot ito ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya. Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata. "Ang pangalan niya'y Reina?" Tumango ang kanyang assistant. "Yes, Sir. May nabalitaan rin akong minsan may nag-alok ng sampu-sampung milyon kapalit ng pagkakataong makita ang tunay niyang mukha pero tinanggihan niya." Sa wakas, natagpuan na ni Argus De Luca ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa loob ng limang taon. Kinagabihan ay hinarang niya ito sa isang kanto. "Auctioneer Reina, hanggang ngayon ay tinatakbuhan mo pa rin ako o mas tamang sabihin kong Amara?" "Argus, hiwalay na tayo." "Hindi ko kailanman sinang-ayunan 'yon. Nasaan ang anak ko?" "Mukhang nakalimot ka, Argus… ikaw mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang bata, limang taon na ang nakalipas!" Ngunit ngumisi si Argus, at may inilantad sa harap niya. "Kung gayon, ipaliwanag mo ito." Triplets na limang taong gulang ang nakatayo sa harap nila.
Romance
8.914.3K viewsOngoing
Read
Add to library
You're The One I Love

You're The One I Love

Opportunist-ganito ang tingin ng half brother ng fiancé niya kay Raquel. At para maiwasan ang lalaking gustong sirain ang nalalapit niyang kasal, pumunta siya sa San Ruiz. Doon niya nakilala si Drake, ang lalaking inakusahan niya ng akyat-bahay. Hindi maitatanggi ni Raquel ang atraksyong nararamdaman para kay Drake. Hindi niya napigilan ang sarili na mahalin ang lalaki kahit na ito ay isang pagkakamali. Nang lumipad palabas ng bansa si Drake ay nangako ito sa kanya na babalik. Pero hindi nito tinupad ang pangako sa kanya. Bumalik siya ng Maynila at handang magtapat sa fiancé niya tungkol sa kasalanang nagawa nang muling magkrus ang landas nila ni Drake. Nalaman niyang may kinalaman ito sa taong gustong sirain ang pangarap niya.
Romance
1013.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionaire's Bridesmaid

Billionaire's Bridesmaid

Magkaibang magkaiba ang mundong kinalakihan at ginagalawan ni Sofia at Catherine. Sa panahon ng kanilang kabataan ay madalas si Sofia ang naging tagapagtanggol at taga salba ni Catherine makaraos lamang ng pagaaral. Matalik silang magkaibigan at halos magkahawig. May bulong bulungan nga na sila ay magkamaganak pero ayaw iyong bigyan ng pansin ni Sofia dahil mataas ang tingin nito sa sarili. Samantalang si Catherine naman ay idolo ang matalik na kaibigan. Matagal na nagkahiwalay ang dalawa matapos ang high school dahil napilitan na si Catherine maghanap buhay dahil wala ng pangtostos sa koliheyo. Baon na siya ng utang at utang na loob kay Sofia. Hanggang isang hapon isang pakiusap ang hiningi ni Sofia kay Catherine at dahil baon sa utang at utang na loob walang paraan para makatanggi ang dalaga. Pinangakuan pa siya ng kabigan na tutulungang makabili ng mga binhi sa bukid at sa palayan ang magulang kapag sumunod siya kaya lalong nahirapan si Catherine na tumanggi. Ang pakiusap kase ng kaibigan ay siya ang magpanggap na si Sofia sa araw ng kasal nito at hindi lamang iyon. Mananatili siyang asawa ng lalaki sa loob ng anim na buwan.
Romance
1013.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving My Brother: Thrale’s Stupidity

Loving My Brother: Thrale’s Stupidity

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So over acting and what a stupid, Thrizel? Talagang hindi niya ako mamahalin pabalik, magkapatid kami. Doon palang dapat ay alam ko na pero ako itong pilit na bumubuo ng sariling pag-asa.
Romance
12.1K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET

LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET

Akala ni Margaret, sapat na ang pagmamahal para buuin ang isang pamilya. Pero matapos ang pitong taon ng malamig na pagtrato, pagtataksil ng asawa, at pangungutya ng sariling anak, napuno na siya. Iniwan niya ang lahat—at muling binuo ang sarili. Ngayon, isa na siyang sikat na fashion designer at pintor na hinahangaan sa buong mundo. Pero ngayong wala na siya, bigla silang ayaw siyang pakawalan. Bakit kailangang mawala siya bago nila mapagtanto ang halaga niya?
Romance
1011.5K viewsOngoing
Read
Add to library
THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)

THE THIRDS MINI-SERIES (FILIPINO ROMANCE)

(BOOK ONE: THE LAST WALTZ) Naniniwala siyang ang lahat ng nangyayari gaano man kasakit ay may magandang dahilan. At para kay JV ay si Vinnie iyon. Everything was so perfect at tanging sa piling lang ni Vinnie niya naramdaman iyon. Pero noon naman biglang pumasok sa eksena ang kuya ni Vinnie na may malalim palang galit sa kanya. At iyon ang naging dahilan kaya nalagay sa panganib ang buhay ng pinakamamahal niya. (BOOK 2: UNCONDITIONALLY) Si Dave? Sa unang tingin mukha itong suplado. Notorious playboy type. At siguro kung ganito kagwapo ang boyfriend niya, ready siyang umiiyak ng kahit ilang beses pa! Pero hindi siya pinaiyak ni Dave. Dahil higit pa yata sa kayang gawin ng sinomang lalaki ang ginawa nitong pagpoprotekta kay Audace. Pero hanggang kailan siya kayang sagipin ni Dave? Lalo't nagbalik si Alfred at nakahanda siya nitong bawiin. (BOOK 3: FRAGILE HEART) Unlike his friends, naranasan na ni Lemuel ang magmahal ng totoo. Ang kaibahan nga lang, hindi niyanagawang aminin sa babaeng iyon angnararamdaman niya. Until dumating si Careen na sa unang pagkikita palang ay nagkaroon na ng espesyal na lugar sa puso niya. Pero muli nanaman siyang sinorpresa ng pagkakataon sa pagbabalik ni Bianca. (BOOK 4: INSEPARABLE) Sa kanilang apat siya ang pinaka-babaero. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang anak ng babaeng pinakasalan ng Daddy niya, walang iba kundi si Louise na sa kalaunan ay narealized niyang ilang beses narin pala niyang nakatagpo. Hindi lang ang protective instinct niya ang pinukaw ni Louise kaya minabuti niya itong bakuran sa SJU. Kundi mas higit ang mailap na puso niya, dahil ang totoo hindi niya napigilan ang unti-unting mahulog at kalaunan ay mahalin ang dalaga. Gusto niya itong maging masaya, gusto niya itong protektahan. Pero paano niya gagawin iyon kung siya mismo ay may sariling kinatatakutan?
Romance
1011.5K viewsCompleted
Read
Add to library
HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE

HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE

BLURB: “TRUE LOVE DOESN’T COME AT THE PERFECT TIME. IT COMES WHEN YOU LEAST EXPECTING IT.” Mhia got betrayed by her boyfriend many times. Pero paulit-ulit pa rin niya itong pinatawad dahil naniniwala siyang magbabago pa ito. Ngunit, nang masagad nito ang pasensya niya, siya na rin mismo ang pumutol sa sariling kat*ngahan. She ended up in the arms of a stranger. Si Skyler dela Merced; ang taong napakaraming lihim. Paano nga ba niya ito makikilala nang lubusan kung sa bawat subok niya, palagi na'y nagsasara ito ng pintuan? At paano niya mapaniniwala ang lalaki na may pag-ibig, kung siya mismo ay nagdududa na sa totoong kahulugan niyon?
Romance
912.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status