Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Property Series: Let the World Burn (Damon Hidalgo)

Property Series: Let the World Burn (Damon Hidalgo)

MissKeunna
Damon Hidalgo, marinig pa lang ng tao ang pangalan nya ay alam na agad nila kung ano ang kayang gawin ng lalaki. Matalino, magaling sa negosyo, at halos lahat ng kababaihan ay nagkakandarapa para lang makuha ang atensyon ng lalaki. Lingid sa kaalaman ng lahat na kabila ng magandang reputasyon nito ay ang lihim na pagkahumaling nito sa isang babae. Czariyah Ladesma, ang babaeng sumusubok sa kanyang prinsipyo. Hindi din lubos maintindihan ni Damon kung bakit sa dinami dami ng babae ay sa step sister pa nya sya nahihibang. Alam nyang mali pero hanggang saan ang kaya nyang tiisin para hindi maangkin ang babae?
Romance
550 viewsOngoing
Read
Add to library
DESTINED TO BE HIS BRIDE

DESTINED TO BE HIS BRIDE

SYNOPSIS – DESTINED TO BE HIS WIFE Hindi niya siya pinili. Ngunit siya ang pinilit. Si Ayesha Dela Vega ay isang babaeng lumaban sa lahat—maliban sa sarili niyang pamilya. Isang kasunduan ang nagbago ng buhay niya. isang arranged marriage sa lalaking hindi niya kilala—ang malamig at misteryosong Rohan Villarreal, tagapagmana ng pinakamakapangyarihang angkan sa bansa. Ngunit sa mismong araw ng kasal, isang katotohanang hindi niya inaasahan ang sumabog. ang lalaking pinakasalan niya ay ang kabataang minahal niya noon, ang kalarong bigla na lang nawala, at akala niya’y patay na. Sa simula, inakala ni Ayesha na tadhana ang nagbabalik sa kanila. Hanggang sa isang gabi ng putok, dugo, at sigaw— nang barilin si Rohan sa harap niya, at sa sumunod na sandali, isang lalaking kamukha ni Rohan ang lumitaw mula sa dilim. Ngayon, habol ng pamilya Villarreal, tinutugis ng mga lihim na pilit itinago ng panahon, si Ayesha ay kailangang pumili kung sino ang paniniwalaan— ang lalaking minahal niya noon, o ang an inong nagdadala ng pangalan ng asawa niya ngayon. Ngunit sa mundong nilamon ng kapangyarihan at kasinungalingan, ang katotohanan ay may kabayarang dugo. At sa pagitan ng dalawang lalaking may parehong mukha, isa lang ang dapat mabuhay. “DESTINED TO BE HIS WIFE” — isang kwento ng pag-ibig, lihim, at kapalaran. Kung saan ang puso ay sandata, at ang bawat halik ay maaaring maging sumpa.
Romance
243 viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Daddy

My Billionaire Daddy

Matapos ma-frame ng kanyang boyfriend at matalik na kaibigan, si Jennica ay nagpalipas ng gabi kasama ang isang misteryosong estranghero. Lubusan siyang nag-enjoy sa hindi inaasahang pagkikita, ngunit nang magising siya kinaumagahan, hindi niya maiwasang makaramdam ng sama ng loob sa kanyang ginawa. Ang lahat ng kanyang kasalanan, gayunpaman, ay nahugasan nang makita niya ang mukha ng lalaki na nakahiga sa kanyang tabi. “He’s... handsome,” bulong niya, napanganga sa nakikita. Ang kanyang pagkakasala ay mabilis na napalitan ng kahihiyan, at ito ang nagtulak sa kanya na iwanan ang lalaki ng kaunting pera bago siya umalis. Nagulat si Darf. ‘Ang babaeng sinubukang bayaran ako? Parang baliw?’ naisip niya, na-offend. "Tanungin mo ang manager ng hotel para sa CCTV record," maawtoridad na utos niya sa kanyang assistant, na kumunot ang kanyang mga kilay. May determinadong ekspresyon sa mukha niya. "Gusto kong malaman kung sino ang nasa kwarto ko kagabi." ‘At kapag nahanap ko na ang babaeng iyon, tuturuan ko siya ng leksyon!’ Saan kaya pupunta ang kanilang kuwento?
Romance
8.716.6K viewsOngoing
Read
Add to library
CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

Nang mawalan ng trabaho si Cordelia o Cordie, ang huling inaasahan niya ay mapunta sa loob ng marangyang mundo ng pinakamakapangyarihang lalaki sa probinsya. Sa rekomendasyon ng kanyang tiyahin, tinanggap niya ang trabaho bilang nanny ng anak ng malamig at istriktong Gobernador—si Cassian Romano. Tahimik, malayo ang loob, at palaging may distansya—iyon ang Gobernador sa mata ng lahat. Ngunit may lihim ang Gobernador. Matagal na palang nakatago sa puso ni Cassian ang damdaming pilit niyang nilalabanan. Bata pa si Cordie noon nang una niya itong makilala, at bilang isang ama at politiko, natutunan niyang itago ang atraksiyong iyon sa ilalim ng yelo ng kanyang katauhan. Ngunit ngayong magkasama na sila sa iisang bubong, kasama ang anak niyang unti-unting minamahal ni Cordie, lumalabo ang mga linyang dati niyang malinaw na naiguhit. Ang bawat ngiti nito, bawat titig, ay nagbabalik ng damdaming pilit niyang nililibing. Si Cassian ay isang duwag pagdating sa pag—ibig pero hanggang kailan niya kakayaning pigilan ang babaeng matagal na niyang minamahal nang palihim?
Romance
109.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Huling Alpana

Ang Huling Alpana

Ryan Rayl Samoray
Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
Fantasy
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Memories of the Past [COMPLETED]

Memories of the Past [COMPLETED]

Demie
Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila. Date Written: March 5, 2021 Date Finished: September 25, 2021
History
6.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Rejected by my Family, Desired by a Billionaire

Rejected by my Family, Desired by a Billionaire

Umikot ang mundo ni Sunshine kay Angelo at sa anak nilang si Daryl ngunit imbes na pagmamahal, nagtulong pa ang mag-ama na ipadala siya sa kulungan. Paglaya niya matapos ang dalawang taon, mismong birthday din ng anak niya. Pero ang kahilingan nito? “I want a new mommy.You're a bad woman! I don’t want you as my mom!” Ang asawa niya ay malamig ang boses na nagsalita. “Sunshine, let’s get a divorce. I’ll take our son.” At ang kabit nito, ngiting-ngiti na tumingin sa kanya. “Sunshine, your husband and your son are mine now.” Tiniis niya ang panlalait ng biyenan, panghuhusga ng lahat at pagiging malamig ni Angelo. Pero sa loob lang ng dalawang taon, nawalan siya ng ama, ng anak, ng asawa… ng tahanan. Sa huli, napuno rin si Sunshine. “Then let's end it. Let’s divorce.” Pagkatapos ng lahat, may isang lalaking muling lumapit sa kanya, ang matagal na niyang crush noon. Tahimik, mabait, at laging nariyan para sa kanya. Doon lang niya nalaman kung gaano kasarap mahalin ng taong totoo kang pinipili. Pero totoo nga ba ang pinakikita nito sa kanya o isa lang itong patibong ng tadhana para muli siyang ilugmok habang pinipilit niyang itayo ang sarili mula sa pagtalikod ng pamilya sa kanya?
Romance
10330 viewsOngoing
Read
Add to library
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)

Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)

Atty. Roxanne Gomez thought she had it all — a thriving career and a peaceful life ahead. Pero isang gabi, gumuho ang lahat. Pag-uwi niya mula sa panalo niyang kaso, natuklasan niyang may ibang minamahal ang asawa niya — isang matandang lalaki na matagal nang kaibigan ng pamilya nila. Doon niya nalaman ang matinding katotohanang ginamit lang siya ni Julian bilang panakip sa tunay niyang pagkatao. Sa gitna ng sakit at pagkadurog, pinili ni Roxanne na magpakalayo at magpakalunod sa alak. Ngunit pagmulat ng mata niya kinabukasan, natagpuan siya sa piling ng isang lalaking hindi niya inakala na magiging bahagi ng kanyang buhay — si Mateo Ramirez, ang tiyuhin ng asawa niya. Isang gabing puno ng luha at kalasingan ang nagbunga ng isang kasalanang hindi niya matatakasan. Parang gumuho ang mundo ni Roxanne nang malamang siya ay buntis. At ang ama ng dinadala niya ay ang mismong tiyuhin ng asawa niyang minsang sumira sa kanya. Habang sinusubukan niyang takasan ang nakaraan, unti-unti namang tumitibok ang puso niya para kay Mateo — ang lalaking hindi niya dapat minahal, ngunit hindi rin niya kayang talikuran. Ipaglalaban ba ni Roxanne ang bawal na pag-ibig, o susunod sa katahimikan at reputasyon ng lahat? Paano kung ang tanging kasalanan niya… ay ang magmahal ng maling tao sa tamang panahon?
Romance
10634 viewsOngoing
Read
Add to library
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
108.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status