Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1027.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Her Possessive Billionaire (TAGALOG)

Her Possessive Billionaire (TAGALOG)

Buong akala ni Devina ay pananagutan siya ni Valentine dahil na ‘rin sa pangako nito sa kaniya. Ngunit hindi sumipot ang lalaki, ang ama ng kaniyang mga anak. Kung kaya nag decide siya na hinding-hindi niya ipapakilala ang mga bata kay Valentine at palalabasin na patay na ang kanilang ama. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Makalipas ang pitong taon ay dadalo siya sa kasal ng kaniyang half-sister at ang mapapangasawa nito? Walang iba kundi ang ama ng kaniyang mga anak.
Romance
9.5244.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Mga Anak ng Bilyonaryo

Mga Anak ng Bilyonaryo

Isang taon na lang ay graduate na sa kolehiyo si Lorelei Carpio ngunit ayaw ng sustentuhan ng kanyang Tita Agnes ang kanyang pag-aaral simula noong magkaroon ang Tita niya ng live-in partner. Ito ang nagpalaki sa kanya simula noong mamatay ang mama niya ngunit ngayon ay pinapaalis na siya nito sa pamamahay nito. Sa kagustuhang makapagtapos ay pumayag siyang sumali sa isang Sorority na nangakong tutustusan ang pag-aaral niya. Ngunit hindi niya alam na ang pagtanggap sa kanya ay may kapalit na mainit na gabi mula sa leader ng kasapi nilang Fraternity. At mas hindi siya handa matapos magbunga ng kambal ang pangyayaring iyon. Kambal mula sa lalaking hindi niya kilala at ni minsan ay hindi nasilip. Paano niya sasabihin ngayon sa bagong amo niyang si Hector Montanier na isa siyang single mother gayong ang gusto nito ay dalagang sekretarya? "I might require you to work 24/7, so make sure you don't have any extra baggage to attend to. Don't worry, I'll pay you triple or name your price," seryosong saad nito matapos iabot sa kanya ang blankong cheque.
Romance
10301.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Cold Billionaire's Secret Wife

The Cold Billionaire's Secret Wife

Sa edad na diyese-nuwebe ay nagpakasal si Liza kay Midnight, ang bilyonaryong binili ang lupaing pamana ng yumao niyang lolo. Subalit tila naging masikip ang mundo niya sa piling nito. Ni hindi siya maituring na asawa ni Midnight. Kasing lamig ng yelo ang puso nito, ayaw ng atensiyon. Gusto na niya itong sukuan kahit nasanay na ang puso niya rito. Ngunit isang gabi ay umuwi ito at sinugod siya sa kuwarto, hinalikan at inangkin. At dahil sa kapusukan, nagparaya siya. Inakala ni Liza na mamahalin na siya ni Midnight pagkatapos ng gabing pinagsaluhan nila. Ngunit bigla sila nitong inalok ng sampung milyon kapalit ng divorce. Labag man sa kalooban ngunit pumayag siya. Subalit sa kaniyang pag-alis ay nagimbal siya sa natuklasan. Nagbunga ang gabing pagniniig nila ng dating asawa! Hahabulin ba niya ang karapatan, o ililihim ang katotohanan?
Romance
10170.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Mr. Playboy Playmate (SPG)

Mr. Playboy Playmate (SPG)

Hindi type ni Bernard ang mga babaeng masyadong bata sa kanya. Dahil ang pakiramdam niya ay magiging baby sitter lang siya ng mga ito kapag inaatake ng tantrums. Ngunit may isang babaeng gumulo sa kanya, si Marie, secretary ng dati niyang nililigawan na naging asawa ng kaibigan niya. Naiinis siya dito dahil mapang asar ito, hanggang isang gabi, bigla na lang niyang narealize na pwede pala niya itong magustuhan. At kabaliktaran ng pagkakakilala niya sa babaeng mas bata ang ugali nito, matured at maunawain ang dalaga. Kahit siya ang may kasalanan ay nagsosorry ito. Bigpang dumating ang kangyang first love, si Eleanor o mas kulala sa tawag na Ellue, akala niya, masisira ang telasyon nila dahil dito, ngunit si Marie ay siya lang ang pinapaniwalaan. Kaya naging maayos pa rin ang takbo ng relasyon nila, until makilala niya si Domeng, kahit noon lang niya nakilala ang kaibigan nito, sinakmal siya ng matinding selos, lalo pa at may mga ipinakitang pruweba sa kanya si Ellie na niloloko siya ni Marie. Lalo siyang nagalit sa babae. Ng matauhan siya sa mga nangyari, at nalaman niya ang totoo, parang huli na ang lahat. Kulang na lang isumpa siya ni Marie sa sobrang galit. Ayaw na siyang balikan ng babae. May pag asa pa kaya na mahalin siya ulit ng dalaga? Paano niya mapapatunayan ang pagmamahal dito kung pati mga kaibigan niya ayaw ng makialam sa kanila?
Romance
10118.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
YAYA MOMMY (TAGALOG)

YAYA MOMMY (TAGALOG)

BLURB Si Jossa San Pedro ay masipag na dalagita na nagmula sa probinsiya. Nang mamatay ang mga magulang dahil sa isang trahedya na nangyari sa dagat ay napilitan siyang lumuwas ng manila para buhayin ang nag-iisa at nakababata niyang kapatid. Ngunit dahil sa hindi inaasahan na pangyayari, nakilala
Romance
10383.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
THE GAME MAKER (SPG)

THE GAME MAKER (SPG)

BLACK MAFIA SERIES Warning: Hard SPG ️ The real Mafia does not valued honor and loyalty. Guns, drugs and money. He drawn by a lust for power. Tristan Geller o Dos ang tawag sa kan'ya ng mga kaibigan niya. Ang bilyonaryong walang kinatatakutan kung sino man ang kan'yang babanggain pagdating sa mga illegal na negosyo. Pinasok niya ang negosyo sa pagbibinta ng mga matataas na klaseng mga baril, pagbibinta ng iba't ibang klase ng drugs at pagpapatayo ng mga sugalan. Matalino, tuso at magaling maglaro pag dating sa mga kalaban niya sa negosyo. Pero paano kung ang katapat niya lang ay ang inosenteng babae na walang kaalam-alam sa mundo. Si Kath Antonio, na nagtatrabho sa kompanya ni Lewis Kingston. Naging magulo na ang mundo niya nang makilala niya si Tristan Geller dahil sa kanyang katangahan na akala niya boyfriend ng kaibigan niya nagtaksil, kaya sinampal niya ito sa harap ng maraming tao. Hindi niya lubos akalain na sobrang yaman ng lalaking ipinahiya niya. Pinakidnap siya at doon nagsimula ang kan'yang miserableng buhay.
Romance
10286.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
CHAINED (Tagalog)

CHAINED (Tagalog)

Walang ibang pinangarap si Sabrina kung hindi ay ang makapagtapos ang mga kapatid sa pag-aaral at hindi maranasan ang hirap ng buhay na dinanas niya. Hindi basta-bastang nagtitiwala si Lance lalo na sa mga babae dahil sa madilim niyang nakaraan na hindi niya magawang bitawan. Pero paano kung magkita sila sa hindi inaasahang pagkakataon? Posible bang titibok ang puso nila sa isa't isa? Magagawa bang alisin ni Sabrina ang poot at galit na nasa puso ni Lance?Tatanggapin ba niya ang alok ni Lance kapalit ng katuparan ng kaniyang pangarap?
Romance
9.9228.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Sextuplets Para Sa Hot CEO

Sextuplets Para Sa Hot CEO

Hindi inasahan ni Amy na ang asawang minahal at pinagkatiwalaan niya nang husto sa loob ng maraming taon ay niloloko siya sa gamit ang secretary nito sa trabaho. Nang magharap sila, pinagtawanan at kinutya lang si Amy ng kanyang asawa at ng kabit nitong secretary. Tinawag siyang baog ng mga walang hiyang yun dahil lang hindi pa siya nabubuntis sa nakalipas na tatlong taon na kasal sila ng asawa niyang si Callan. Dahil sa pagiging heartbroken niya, nag-file siya ng divorce at pumunta sa isang club, pumili siya ng isang random na lalaki, nagkaroon ng mainit na one night stand, binayaran ang lalaki at biglang naglaho papunta sa maliit na syudad. Bumalik siya sa bansa pagkalipas ng anim na taon kasama ang tatlong cute na lalaki at tatlong cute na babae na magkakaedad at magkakahawig. Nagsettle down siyang muli at nakakuha ng trabaho pero di nagtagal ay nalaman niyang ang CEO sa kumpanyang pinatatrabahuhan niya ang lalaking naka-one night stand niya sa club anim na taon na ang nakalilipas. Magagawa ba niyang itago ang kanyang six little cuties mula sa CEO na nagkataong ang pinakamakapangyarihang tao pa sa NorthHill at pinaniniwalaang baog rin? Pwede bang magkasundo si Amy at ang pinakamakapangyarihang tao sa NorthHill sa kabila ng pagiging langit at lupa ng estado nila sa buhay?
Romance
8.9290.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Wife of the Governor Billionaire

Wife of the Governor Billionaire

Sa isang iglap lamang ay kasal na sila, they spent their night together as a husband and wife ngunit paggising niya ay wala na siya. Bumalik sa dati ang lahat na parang walang naganap na kasal ngunit pagkaraan ng ilang taon ay bumalik muli siya, bumalik ang asawa niyang muli hindi bilang isang Milyonaryo ngunit bilang isang Bilyonaryo na Gobernador sa Canada
Romance
10371.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2223242526
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status