His Secretary, His Sin
Matapos ang isang masakit na hiwalayan nila ng ex-boyfriend niya ay pinili ni Janella Villanueva na magsimula muli. Ang pagiging secretary sa isang malaking kompanya ang naging daan niya para muling buuin ang sarili—malayo sa nakaraan at tuluyang makalimot. Tahimik at kontento na siya hanggang sa dumating ang isang gabing hindi niya inaasahan.
Isang gabing puno ng alak at emosyon ang nagtulak sa kanya sa mga bisig ng isang estranghero. Isang gabing mapusok na dapat sana’y manatiling lihim. Ngunit kinabukasan, sa loob mismo ng opisina, doon niya natuklasan ang katotohanan na ang lalaking iyon ay si Dominic Alcantara, ang bago niyang CEO. Isang lalaking kilala sa pagiging malamig, makapangyarihan, at sabi pa ng iba ay isa daw itong playboy. At lalaking mahilig maglaro sa apoy.
Ngayon, araw-araw silang magkasama. At habang pilit niyang pinoprotektahan ang puso niya, mas lalo namang lumalalim ang koneksyon sa pagitan nila. Pero may isang lihim na hindi niya kayang itago magpakailanman, ang bunga ng gabing iyon na maaaring magpabago sa lahat.