Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

Sa isang mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan, ipinanganak si Elena Cruz sa kahirapan. Maganda siya—mala-porselanang kutis, brown ang mata, at may alindog na kahit sa simpleng ayos ay nakakakuha ng pansin. Pero sa likod ng ganda, puno ng sugat ang kanyang buhay—ama niyang lulong sa sugal at inang kasambahay sa pamilya ng mga Monteverde, isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Isang gabi, nagbago ang lahat. Sa desperasyon at gutom, nagnakaw ang kanyang ama mula sa mansion ng mga Monteverde—isang kasalanang nahuli sa CCTV. At nang mabunyag ito, nasira hindi lang ang tiwala, kundi pati ang buhay nilang mag-ina. Sa gitna ng kahihiyan, pagkakautang, at apoy na sumunog sa kanilang tahanan, namatay ang kanyang ina sa konsensya at pangamba, habang nagtatago naman ang ama. Walang ibang natira kay Elena kundi ang pangalang minantsahan ng kasalanan. Hanggang sa isang gabi, muling tumagpo ang landas nila ni Lance Monteverde—ang bilyonaryong CEO na anak ng among pinagsilbihan ng kanyang ina. Malamig, makapangyarihan, at walang pakialam sa pag-ibig. Ngunit sa kabila ng lahat, tila may kakaibang puwersang nagtulak sa kanya na iligtas si Elena mula sa kamay ng mga mapang-abusong nanghihingi ng utang. Kapalit ng kaligtasan, isang alok ang binitawan ni Lance: “Babayaran ko ang lahat ng utang mo, Elena. Pero may kapalit... ikaw.” Sa pagitan ng utang, galit, at pag-ibig na unti-unting tumutubo sa gitna ng poot—mapipilitan si Elena na maging asawa ng lalaking kinaiinisan at kinatatakutan niya… ang lalaking unti-unti ring matututo kung ano ang tunay na halaga ng pag-ibig at pagkatao. Ngunit sa mundo ng mga Monteverde, walang libre. At sa dulo ng bawat pangako, may kapalit na kalayaan.
Romance
416 viewsOngoing
Read
Add to library
Stepbrother Damien (SPG)

Stepbrother Damien (SPG)

Nang muling mag-asawa ang kanyang ina sa isang mayamang negosyante, napilitan si Sunshine Cordero na manirahan sa isang marangyang mansyon, malayo sa tahimik na buhay na nakasanayan niya. Lahat sa bagong mundong iyon ay sumisigaw ng luho... at panganib, lalo na nang makilala niya ang kanyang bagong stepbrother na si Damien Villarin. Malamig, kumplikado, at nakakaakit sa paraang delikado, si Damien ang tanging tagapagmana ng bilyon-bilyong negosyo ng kanyang ama. Mula pa lang nang unang araw na tumapak si Sunshine sa kanilang bahay, ipinakita na ni Damien na hindi siya kabilang doon. Ngunit ang tensyon sa pagitan nila ay mabilis na nagbago, naging isang bagay na hindi na nila kayang pigilan. Isang damdaming madilim, mapanganib, at ipinagbabawal. Habang patuloy na naglalaban ang pagnanasa at katotohanan, napagtanto nina Sunshine at Damien na ang nararamdaman nila ay maaaring magwasak ng kanilang mga pamilya. Ngunit kahit alam nilang mali, tila hindi na nila kayang lumayo sa isa’t isa. Sa mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at tukso, paano mo pipigilan ang isang pag-ibig na kailanman ay hindi dapat maramdaman?
Romance
10798 viewsOngoing
Read
Add to library
Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)

Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)

Translated by BELLE CASSY Magsisimulang bumaligtad ang mundo ni Aurora nang makulong siya sa gitna ng isang hindi naman niya ninais na pagbubuntis at ang makipagsapalaran para lang sa‘Heart of Magic.’ Mga , werewolves at witches; lahat ay tumataya para lamang sa isang bitag, ang tuksuhin at gamitin si Aurora upang makuha ang kakaisang bato. Paano mapoprotektahan ni Aurora ang kanyang sarili at ang kan’yang dinadala mula sa mga nilalang na nagugutom lamang sa kapangyarihan? Kanino siya papanig: sa mga makapangyarihang , mabangis na werewolves, o sa mga tuso na mangkukulam o pipiliin niya bang maging mapag-isa?
Fantasy
8.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying The Billionaire

Marrying The Billionaire

Si Damon Montero ay nagmula sa mayamang angkan, nasa kanila na ang lahat. Katanyagan, kapangyarihan, ari-arian at isang magandang reputasyon. Unfortunately for Isabella Morata, wala siyang ibang choice kundi maging sunod-sunuran sa kanyang ama. Isabella's top priority is her family. Kaya naman pumayag siya nang pilitin siya ng kanyang Ama na ipakasal kay Damon Montero upang maisalba ang kanilang kumpanya na patuloy na kinahaharap ang pagbagsak. Her life has changed from that moment on. She's greatly appreciates Damon's family support and help. Ang kanyang pasasalamat ay hindi sapat sa kanya - as he wants her heart more than anything.
Romance
1026.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PARAISO de INFERNO; The suicidal forest

PARAISO de INFERNO; The suicidal forest

Brazinn Ybeguile Sebastian is an adventurous city girl who loves to travel and discover new and interesting things. She will do whatever she wants to do and be whoever she wants to be just so she could follow her guts. On the other hand, someone is looking after Brazinn without her knowing. That someone is waiting for her to comeback and he's watching her from afar, longing for her presence for such a long time. What if they'll both be trapped in that dangerous place called Suicidal Forest? Would the world give them chance to know each other and survive or they'll die in a tragic way. This story includes Philippine mythical creatures which believed to be true for some mysterious reasons such as; Diwata, Sigbin, Kapre, Duwende, Bakunawa, Tikbalang etc. To be exact, this Novel is consisting of some supernatural happenings.
Fantasy
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
In the Shadow of Power

In the Shadow of Power

In the Shadow of Power 💼 Romance / Corporate Drama / Mature (18+) Ayaw naman talaga ni Cassandra Vale na maging CEO ng Vale Industries—pero nung biglaang nawala ang kanyang ama, wala siyang choice kundi akuin ang responsibilidad. Bata pa siya, matalino, pero baguhan sa mundo ng business empires. At ngayon, kailangan niyang harapin ang board na duda sa kanya, ang media na laging may masasabi, at ang mga kalabang handang agawin ang trono niya. Doon bumalik si Damien Kade. Ang lalaking tinawag ng lahat na traydor. Dating top executive ng kalabang kumpanya, sinisisi siya sa halos ikalugmok ng negosyo ng pamilya ni Cassandra. Tahimik, mapanganib, at may karismang mahirap tanggihan—siya ang huling taong dapat pagkatiwalaan ni Cassandra. Pero sa desperasyon niyang maisalba ang Vale Industries, pinili niyang ibalik si Damien. Lihim, laban sa kagustuhan ng board at ng buong mundo. Habang magkasama silang lumalaban sa corporate wars—sa mga lihim na kasunduan, mga banta ng takeover, at mga panganib na di nakikita—unti-unting humihigpit ang tensyon sa pagitan nila. Ang inakala niyang laro ng kapangyarihan at survival, naging apoy na mahirap nang patayin. At habang lumalalim ang nararamdaman nila para sa isa’t isa, mas lalo silang napapalapit sa bangin ng pagkawasak. Pero sa mundo kung saan nabibili ang loyalty at ang pagtataksil ay parang business deal lang—paano malalaman ni Cassandra kung alin si Damien: ang taong magliligtas sa imperyo niya... o ang magpapabagsak nito?
Romance
342 viewsOngoing
Read
Add to library
My Daughter's Doctor is my Ex Lover

My Daughter's Doctor is my Ex Lover

Dinala ni Naomi Mendoza ang kanyang anak sa ospital para sa isang consultation. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng tadhana dhil ang attending physician ay ang ex boyfriend niya. Sa loob ng pitong taon, binago na ni Naomi ang kanyang pangalan, tinakasan niya ang nakaraan, at mula sa pagiging chubby na babae ay isa na siyang sexy at charming. Hindi siya nakilala ng lalaki at lalong hindi nito alam na nagkaroon sila ng anak. Hinawakan ng kanyang anak ang kamay niya at mahinang nagtanong, “Mommy, bakit ka umiiyak?” Hindi nakasagot si Naomi. Ang tanging gusto niya ay tumalikod at tumakbo palayo. Pitong taon na ang nakararaan, si Naomi ang naging tampulan ng tukso sa St. Aurelius University nang lihim siyang maging girlfriend ng school heartthrob na si Cormac Lagdameo. Inakala niyang tunay ang pagmamahal nito sa kaniya hanggang sa winasak ng malamig na tinig nito ang kanyang puso. “It’s just for fun. I’m going abroad soon.” Naomi ended that bitter love. Ngayon, muling pinagtagpo sila ng tadhana. Pilit na lumalayo si Naomi, ngunit hindi siya pinakawalan ni Cormac. Ginamit nito ang kapangyarihan, at kayamanan upang muling itali siya sa mundo ng lalaki. "Dr. Lagdameo, may asawa na ako." Sa loob ng marangyang Maybach, mahigpit na hinawakan ng lalaki ang kanyang baywang bago siya mariing hinalikan. “Naomi, let me be your lover. I’m richer, younger, and I’ll give you a better experience than him.” Seven years ago, she was his secret girlfriend. Now, he’s begging to be her lover.
Romance
1013.8K viewsOngoing
Read
Add to library
SENSHI ACADEMY

SENSHI ACADEMY

[Senshi comes from japanese word meaning 'fighter'.] Buong buhay ni Blaire Aqear ay inalay niya upang maprotektahan ang mga batang nailigtas niya mula sa bihag ng mga masasamang nilalanang na tinatawag na dark enchant. Naninirahan sila sa dark forest kung saan wala nang pakialam ang buong light kingdom dito. Hindi sila naaksyunan. Wala silang mapuntahan kaya naman ginamit ni Blaire ang limang porsyento ng kaniyang kapangyarihan upang makapaglagay ng matibay na barrier. Ngunit ano ang mangyayari sa mga batang ito kung ang tagapagligtas nila ay hindi na nakabalik pa? Saan nga ba ito nagpunta? Nawawalan sila ng pag asa. Makakalabas pa ba sila dito o bago pa man sila makaapak sa labas ay nakuha na sila ng mga dark enchant? Sa kabilang banda ay aksidenteng nakarating si Blaire sa senshi academy. Ayaw niya doon. Paano siya makakabalik? Paano niya mapapaliwanag na ang dark forest na kinatatakutan ng lahat ay may mga batang umaasa na maililigtas sila? Paano siya makakauwi sa kaniyang tahanan? Sa pananatili ni blaire sa akademya ay naranasan niyang maging masaya, malungkot, magtaka at mag usisa. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kaniya. "Kung alam ko lang na ganito ang kapalit sa lahat ng ginawa ko para sa kanila, sana hindi ko na itinuloy pa." Blaire Aqear.
Fantasy
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Cold Boss, My Secret Husband

My Cold Boss, My Secret Husband

Sa mata ng lahat, isa lang akong ordinaryong secretary na walang halaga sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Tahimik akong gumagalaw sa opisina habang pinapanood ang mga kasamahan kong halos sambahin ang malamig, makapangyarihan, at walang pusong CEO—si Evander de la Cruz. Para sa kanila, siya ang lalaking hindi kailanman bababa sa antas ng isang tulad ko. Pero ang hindi nila alam… asawa ko siya. Isang taon na mula nang ikasal kami nang palihim. Sa harap ng lahat, ako’y parang alipin lang ng trabaho, at siya nama’y boss na ni hindi ako pinapansin. Pero sa likod ng saradong pintuan ng kanyang opisina, nagbabago ang lahat. Doon, siya ang lalaking sabik sa aking haplos, handang lumuhod para lamang maramdaman ang init ng aking pagmamahal. Pinili kong itago ang aming kasal upang patunayan na kaya kong magsikap gamit ang sarili kong pangalan. Ngunit habang tumatagal, mas nagiging lantad ang pag-aangkin ni Evander—at mas nagiging mapanganib ang mundo sa paligid namin. Lalo na nang magsimulang gumalaw si Clarisse Montenegro, ang ambisyosang team leader na gagawin ang lahat para siraan ako at mapasakanya si Evander. At mas lalong lumala ang lahat nang pumasok sa eksena si Alessandro Cortez, ang tuso at mapanganib na CEO ng partner company na nahulog sa akin at handang gamitin ang negosyo para agawin ako mula kay Evander. Sa gitna ng mga lihim, tukso, at laban sa kapangyarihan, isa lang ang malinaw: kapag ang malamig na CEO ay umibig, hindi siya uurong sa digmaan. At ako ang dahilan ng digmaang iyon.
Romance
10427 viewsOngoing
Read
Add to library
The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.
Romance
253 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1314151617
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status