Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Thorn Between Duty And Desire

Thorn Between Duty And Desire

Si Anathalia Eirah Dela Rosa ay ang pinakatampok na halimbawa ng isang spoiled brat—matigas ang ulo, impulsive, at sanay na laging makuha ang kanyang nais. May matalim na dila at pusong puno ng mapanghimagsik na lakas, hindi siya kailanman kailangang sumagot sa sinuman, lalo na sa isang lalaki. Ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya si Kaelion Isolde Vesperas, isang kalmado at mahinahon na gobernador na may pusong kasing matibay ng kanyang awtoridad. Walang pakialam si Kaelion sa mga charm ni Anathalia, at wala ni isang bagay ang nakakagulo sa kanyang mahinahong anyo—lalo na hindi isang maapoy na babae na akala niya’y kaya niyang pabagsakin. Habang sanay si Anathalia na ang mga tao ay yumuyuko sa kanyang gusto, nananatiling matatag si Kaelion, hindi tinatablan ng kanyang mga tantrum at maligalig na pagtatangkang mapansin siya. Habang ang magaspang na ugali ni Anathalia at mga pang-aakit ay hindi nakakalusot sa malamig na pagtanggap ni Kaelion, natutuklasan niyang hindi basta-basta mananalo ang kanyang puso. Kailangan niyang magbago at matutunan ang kahalagahan ng pagiging bukas, isang bagay na hindi pa niya kailanman inaalok. Sa isang mundong kung saan nagtatagpo ang pagnanasa at kapangyarihan, ang magkaibang impulsiveness ni Anathalia at ang mahinahong pagpipigil ni Kaelion ay nagbabanggaan sa isang laban ng mga kalooban. Magagawa kaya niyang iwaksi ang kanyang pagiging spoiled upang makuha ang respeto—at marahil pati ang pagmamahal—niya? O hahantong ba ang mga whim ng kanyang puso sa isang landas ng pagkabasag ng puso? @cursebyharrrt Date Started: November 28,2024 Date Finish: Status: On-going A/N: Slow Update, please bare with the writer.
Romance
648 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Never let you go

Never let you go

Ms. Sagittarius
Minsan ng nasaktan si Axel at nangako na hinding-hindi na siya iibig ulit. Nagiwan ng malaking sugat sa puso ni Axel ang nangyari sa kanyang nakaraan na buong akala niya ay hindi na niya makakalimutan. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakilala niya si Althea ang babaeng nagkaroon ng malaking impact sa buhay ni Axel. Simple lang si Althea, ordinaryo, may malambot na puso at gagawin ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay na kabaliktaran ni Axel. Nagkaroon ulit ng pagkakataon si Axel na magmahal at magtiwala ulit pero hindi sang-ayon ang Papa niya. Ang tingin kasi ng Papa ni Axel katulad lang din si Althea sa mga babaeng Pera at kapangyarihan ang habol sa anak niya. Gagawin niya ang lahat para paghiwalayin ang dalawa pero hindi makakapayag si Axel na muling manghimasok ang Papa niya kaya naman gagawin din niya ang lahat para protektahan ang taong mahal niya. Ngunit may dumating pa na isang pagsubok sa pagsasama ni Axel at Althea na talagang susubok sa kanilang dalawa. Bumalik ang nawawalang kapatid ni Althea na si Vivian na gusto ng Papa ni Axel para sa kanya. Dumating sa punto na kailangan pumili ni Althea kung ang kaligayahan ng mahal niyang kapatid o ang sarili niyang kaligayahan. Kung noon lagi na lang nagpaubaya si Althea para sa kaligayahan ng ibang tao ngayon hindi siya makakapayag na mawala sa buhay niya ang taong nagparamdam sa kanya kung paano mahalin at pahalagahan. Mahal ni Althea ang pamilya niya pero mas pinili niya ang taong mahal niya na alam niyang hindi siya iiwan kahit ano pang mangyari. Sa kabila ng mga pagsubok sa relasyon ni Axel at Althea ay nagawa nilang lampasan ng magkasama. Pinatunayan nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa at mas tumibay pa ang pagmamahalan nilang dalawa.
Romance
1.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)

The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)

Si Azriel Dela Vega, isang bilyonaryo sa edad na 35, ay nakatuon sa pagpapayaman at pagpapalago ng kanyang kompanya. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang pumasok siya sa isang contract marriage kay Zephyrine Rivera, isang maganda at sopistikadang babae na naghahangad din ng kapangyarihan sa negosyo. Sa kabila ng kanilang contract marriage, mayroon si Zephyrine na lihim na itinatago. Siya ay may Multiple Personality Disorder, isang sakit sa pag-iisip kung saan siya ay may alter personality na nagngangalang Zaraeah. Dalawang pagkatao sa iisang katawan na magkaibang magkaiba ng ugali at paraan ng pamumuhay. Ngunit sa likod ng kanilang kasunduang kasal, si Zephyrine ay may pagtingin sa kanyang kababata at Psychiatrist na si Aiden at batid ito ni Azriel subalit wala syang pakialam dahil wala naman syang nararamdaman sa kanyang asawa. Malapit na ring matapos ang kanilang kontrata sa kasal, ngunit isang pangyayari ang magbabago ng lahat. Makikilala ni Azriel si Zaraeah. Maaakit siya sa kanyang maamong mga mata at ang mga ngiting kahalihalina. Ibang-iba siya kay Zephyrine, na dominante at ambisyosa. Upang maitago ang kanyang sakit, nagpanggap si Zaraeah na kambal ni Zephyrine. Dahil dito, naging malapit sila ni Azriel, at sa kauna-unahang pagkakataon, nahulog ang loob ni Azriel kay Zaraeah. Ang pag-ibig na ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganito, at nag-obses siya sa babaeng kanyang minamahal. Ngunit ano ang mangyayari kapag nalaman ni Azriel ang katotohanan tungkol sa sakit ni Zephyrine? Paano kung malaman niyang isang imahinasyon lamang ang babaeng minamahal niya? Ano ang mangyayari sa kanilang relasyon kung malaman niya na dalawang magkaibang puso ang tumitibok sa iisang katawan? Ano ang kayang gawin ni Azriel para sa babaeng kanyang pinakamamahal at kanyang obsesyon?
Romance
105.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire

Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire

Akala ni Erich siya ang pinakamaswerteng babae sa mundo, may gwapo, mapagmahal, at maunawaing asawa. Kahit hindi siya magka-anak, pinakasalan pa rin siya nito. She gave up everything for him. Handa niyang ibigay ang lahat para dito. She was not just a loving and dedicated wife, isa rin siyang asset sa kumpanya niya. Pero gumuho ang mundo ni Erich nang dalawang taon pagkalipas… Nalaman niyang fake pala ang kanilang kasal. Si Bryan ay limang taon nang kasal sa nanay ng batang inampon nila, na siya mismo ang nag-alaga. Durog man ang puso, hindi hinayaan ni Erich na paglaruan siya muli ni Bryan. Ang hindi alam ni Bryan, si Erich ang nawawalang anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. He was left in regret. Para naman kay Erich, upang protektahan ang sarili at ang minana niya, kailangan niyang magpakasal kay Harvey Lorenzo, isang malupit at istriktong trillionaire na sa aura pa lang, ramdam mo na ang lakas niya. Dahil sa past failed marriage, nangako si Erich na hindi na niya paiiralin ang puso. Pero si Harvey… iba siya. Iba sa paraang kahit ayaw niyang mahulog muli ang puso niya, hindi niya mapigilan ito. Power, betrayal, at second chance sa love, handang-handa si Erich. Pero kaya niya bang panindigan ang puso niya sa mundong puno ng lihim at kapangyarihan?
Romance
501 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE

LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE

Rihanna Smith's boyfriend and step sister set her up. Ipinagbili siya ng dalawa, sa isang kilalang club na tumutugon sa pagnanasa at kasiyahan ng mga mayayamang lalaki. Sa kagustuhan makapaghiganti, pumayag siyang pakasalan ang isang bulag at baldadong lalaki na naging unang customer niya. But unbeknownst to her, the hottest Greek God she married turned out to be Dustin Crawford, a blind and crippled Zillionaire who could buy the entire city with the snap of his fingers. Ginamit ni Rihanna ang kapangyarihan nito, upang paghigantihan ang mga taong nagkasala sa kanya, ngunit lumabag siya sa kanilang kasunduan dahil nabuntis siya. After she got her revenge, she left him without saying a word, which broke his heart. Five years later, she's back as a billionaire's heiress even more stunning than before. Upon seeing her, he asked. "How come you left me when you're pregnant with my son, huh?" She replied, "Because our love game says we've done enough." He suddenly stood up from his wheelchair, gave her a passionate kiss, and said, "Wife, do you think If I were blind, I would marry you? Do you think a cripple could give you love and pleasure in bed? Our love game is not yet over; we're just getting started." 
Romance
9.8813.9K DibacaTamat
Tampilkan Ulasan (127)
Baca
Tambahkan
Mulan
Isa sa may pinaka maganda at exciting na series dito sa GN.. Dami na ko nabasa sa ibat ibang apps pero ito pa rin ang isa sa pinaka makulay at hindi boring na stories.. Thumbs up sau Ms. Author you're blessed to have this kind of skills in your life that no one can steal from you..
Scorpion Queen
kmusta po kayong lahat? maraming salamat sa inyong pakikiramay. Still in pain pa rin po ako ngayon dahil nag-iisa na lang ako sa buhay. I don't know kung saan ako kukuha ng inspirasyon para makapagsulat ulit gaya ng dati. Alam kong naghihintay kayong lahat sa aking pagbabalik so I'll ve back on aprl
Baca Semua Ulasan
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

Nagsimulang gumulo at manganib ang buhay ni Lilliane nang sapilitan siyang i-arrange marriage ng kanyang pamilya sa isang 68 taong gulang na media magnate na si Arnulfo Fuentes upang maisalba lamang ang kanilang kumpanya mula sa nalalapit nitong pagbagsak. Dahil sa desperasyon, at hindi niya maatim na ito ang makikinabang sa kanyang batang katawan, nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang lalaki. Ngunit ang konsekwensya nang gabing iyon ay higit pa sa inaasahan ni Lilliane. Sa takot kay Mr. Fuentes at sa kalalabasan ng lahat, sumira siya sa kasunduan. Tinaguan at tinakbuhan niya ang kanyang malupit na pamilya at maging ang mapangangasawa. At hindi titigil ang mga ito sa paghahanap sa kanya lalo na si Fuentes hangga't hindi nito nakukuha ang 'kanya'. Subalit hindi lamang ang kanyang pamilya at si Mr. Fuentes ang naghahanap sa kanya kundi maging ang guwapong estranghero na pinag-alayan niya ng kanyang pagkababae matapos nitong mabasa ang article tungkol sa pagpapakasal niya sa kilalang media magnate. Mas higit pa itong nagkainteres kay Lilliane dahil sa talino, tapang at husay nitong magtago at tumakbo mula sa mga humahabol dito. Habang patuloy na bumabagsak ang negosyo ng kanyang pamilya ay mas lalong nagiging determinado rin sila Mathilda na mahanap siya upang maituloy ang kasunduan na pilit tinatakasan ni Lilliane. Ngunit hindi makapapayag si Lilliane lalo na at nakataya ang lahat sa kanya—kalayaan, ang kanyang kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan—kailangan niyang lumaban at protektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Sa isang mundo na kung saan ang kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil ang namamayani, makakaya bang lampasan ni Lilliane ang mga taong nais siyang kontrolin para sa mga pansariling interes, o mahuhulog siya sa mga kamay ng mga taong sinusubukan niyang takasan o sa taong ama ng ipinagbubuntis niya?
Romance
101.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Last Vampire Chronicles TAGALOG

The Last Vampire Chronicles TAGALOG

Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...
Other
1020.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Spoiled Wife of Attorney Dankworth

The Spoiled Wife of Attorney Dankworth

Hindi sinasadya o sinadya man ng Tadhana na mag-krus ang landas ng lasing na si Bethany at nagtatanggal stress lang na si Gavin ng gabi ng engagement party ng ex-boyfriend ng dalaga; naniniwala sila na may malaking purpose ang pagtatagpo nila. Pagkatapos kasi ng gabing iyon ay sunod-sunod na ang naging interaksyon ng dalawa hanggang sa may mamuong pag-ibig at tuluyang mahulog ang damdamin sa bawat isa. Ngunit subalit datapwat, kagaya lang din ng ibang relasyon at pareha; susubukin sila ng panahon, huhubugin ng mga problema at susukatin ang tatag ng music teacher na si Bethany Guzman at ng abugadong si Gavin Dankworth kung hanggang saan aabot ang binhi ng pagmamahalan nilang naipunla.
Romance
9.82.7M DibacaOngoing
Tampilkan Ulasan (313)
Baca
Tambahkan
Baby Bautista
yan tlga mangyayari jan.. araw ng kasal nila d darating c gavin kc uunahin nia c nancy.... yan ung twist nia tas malalaman na nila na c thanie ang nawawalng anak ni mr.conley.... ganyan kalupit c purple moonlight... kc kasal nman na sila kahit mangyari.... formality na lng ung kasal nila sa simbahn
selenopile
...️...️...️...️...️Kudos sayo author.........kaya deserve ng story nato ang mapabilang sa ranking eh.. kasi ang ganda ng kwento ni Gavin at Bethany nakakakilig at the same time maiinis ka lalo na kay Nancy na nakakabwesit! pero tuwang tuwa ako kay Mrs.Dankworth at Briel apaka supportive ...... more update author...
Baca Semua Ulasan
LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)

LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)

Phranceszqua143
"Sa sandaling matakpan Ng Araw Ang liwanag Ng buwan, Isisilang Ang maestro Ng tatlong kaharian." Ang isang tagnang labis na kinatakutan ng tatlong kaharian!!! Subalit ang tagna nga ba ang dahilan ng pag-bagsak ng kaharian? O ang Wagas na PAG-IBIG ang magsisimula ng matinding HIDWAAN...
History
107.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
First Birthday Cake

First Birthday Cake

Maya Morenang Mangangatha
Pangarap ni Mavie na makatanggap ng birthday cake, buong-buo at walang bawas ang icing. Mahirap ang kanilang pamilya ngunit nagagawa ng kanilang magulang, kapwa magsasaka, ang patapusin sila sa pag-aaral. Matalik na magkaibigan mula pagkabata sina Hugo at Mavie sa kabila ng magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Nag-aaral ng political science si Hugo sa bayan at nangangarap magtrabaho sa gobyerno. Samantala, nag-aaral naman ng engineering si Mavie sa kanilang baryo na nangangarap na maipa-renovate ang kanilang kubo. Isang kalihim ng samahang ARC (Arts with Responsibilities Creatives) si Mavie. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Salome, namulat siya sa paglilingkod sa kolehiyo. Ang mga dokumento ng samahan na maingat niyang hinahawakan ang magiging susi ng pagmulat ng kanyang mga mata sa totoong takbo ng kolehiyo, maging ang iba pang organisasyong humaharap sa mala-butas ng karayom sa pagre-request ng budget ng mga gaganaping programa para sa mga kapwa estudyante. Samantala, ang pangarap na birthday cake ni Mavie para sa kanyang sarili ang magiging pinto ng kanyang tadhana upang hanapin ng kanyang puso ang lubos na sinisinta. Ito ay sa kabila ng mga kinakaharap ng mga pagsubok sa gitna ng tagumpay.
105.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1516171819
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status