Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia's Hidden Wife

The Mafia's Hidden Wife

MissD
Para tantanan ni Robert sa panggigipit at pamimilit si Alexa na pakasalan ito ay pinakiusapan ng dalaga na pakasalan siya ni Travis; ang lalaking natagpuan niya na walang malay at duguan sa gilid ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. At bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa kanya ay pumayag si Travis sa pakiusap ni Alexa. Lihim na natuwa ang dalaga pagkat may lihim itong pagtatangi sa lalaking iniligtas niya kahit na ilang Linggo pa lamang silang magkakilala. Ngunit pagkatapos ng kanilang kasal ay sinundo ito ng mga kamag-anak ngunit nangako ito na babalikan siya para kunin. Isang Linggo ang lumipas ay sinundo siya ng tauhan ni Travis at isinama sa hotel kung saan ito nakatira. Ngunit sa halip na mahigpit na yakap ay isang contract marriage agreement ang isinalubong nito sa kanya. Napansin niya na ibang-iba na ito sa Travis na nakasama niya sa probinsiya. Seryoso at arogante ito na malayong-malayo sa mabait at mapagmahal na Travis na kilala at pinakasalan niya. At higit sa lahat ay natuklasan niya na isa pala itong miyembro ng mafia at tumatakbo bilang pinuno ng mafia organization. Paano haharapin ni Alexa ang tila naging estrangherong asawa lalo pa at itinatago nito sa lahat na siya ay asawa nito? Makakaya ba niyang makita na may kasama itong ibang babae o ipaglalaban niya ang karapatan niya bilang nag-iisa at legal nitong asawa kahit pa may contract agreement silang pinirmahan?
102.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 57 Beses bilang kasama kahulugan
Read
+Library
Pursuing you my Lexus Armani

Pursuing you my Lexus Armani

Inaya wanted to feel love and be loved ngunit pakiramdam niya ay napakamalas niya sa pagmamahal. She was arranged to be married to Lexus Armani as early as nine years old she was so happy because she liked Lexus from the very first time she saw him. Kaya naman pumayag na siyang magpakasal dito when she reached her 20 years old. But Lexus only see her as a job at hindi man lang sineryoso ang kasal nila. He even brought women in their home na ikinagalit niya ng sobra. She was so depressed to the point na oras na saktan siya ng matindi ni Lexus ay hindi na siya magdadalawang isip na tapusin ang sarili niyang buhay. And it happened.. She commit suicide sa mismong kamay pa ni Lexus. Akala niya ay matatapos na ang buhay niya, and Lexus was so mad when she wakes up and decided to locked her up in his room. She thought it will all ended ngunit biglang nagbago sakanya si Lexus from cold and insensitive to the most caring man. She just wishing na sana mahalin din siya nito kagaya ng obsession na nararamdaman niya para dito. Until she got pregnant and runaway pregnant. But after three years ay nagkita sila ulit nito and he blackmailed her para maiuwi sa bahay nito kasama ang anak nila na obviously anak nito dahil sa mga mata nito. But when Lexus starts touching her again lahat ng alaala at pagmamahal niya dito ay bumalik. At ang tanong can Lexus love her now?
1016.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 638 Beses bilang kasama kahulugan
Read
+Library
Ex-Husband's Regret

Ex-Husband's Regret

Ava: May ginawa akong masama noong nakaraang siyam na taon. Hindi ito maganda, pero nakita at kinuha ko ang pagkakataon na makuha ang lalaking mahal ko simula pa nong bata ako. Fast forward ng maraming taon at pagod na ako sa isang kasal na walang pagmamahal. Gusto kong makalaya kami pareho sa kasal na hindi dapat nangyari. May kasabihan na kapag mahal mo ang isang bagay… palayain mo ito. Alam ko na hindi niya ako mamahalin at na hindi ako ang magiging choice niya. Ang puso niya ay laging nasa babaeng yun at kahit na may mga pagkakasala ako, nararapat akong mahalin. Rowan: Noong nakaraang siyam na taon, sa sobrang in love ko ay hindi ako makakita ng tama. Sinira ko ito noong ginawa ko ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko at sa proseso nito ay nawala sa akin ang mahal ko. Alam ko na kailangan kong managot, kaya ginawa ko ito, kasama ang isang asawa na hindi ko gusto. Sa maling babae. Ngayon ay binaliktad niya ulit ang buhay ko sa pag divorce niya sa akin. Ang mas naging komplikado pa dito, ang taong minamahal ko ay bumalik na sa bayan. Ngayon ang tanging katanungan, sino ang tamang babae? Ito ba ang babae na minahal ko noong mga nakaraang taon na? O ito ba ang ex-wife ko, ang babae na hindi ko gusto pero kailangan kong pakasalan?
9.8236.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 9.5K Beses bilang kasama kahulugan
Read
+Library
A Love Reclaimed: Fated To Love You

A Love Reclaimed: Fated To Love You

"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. A-ayoko na, Zack, hindi ko na kaya pa, kaya naman sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal. H-hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang makalaya sa kasal na ito?" Garalgal at may halong pait na tanong ni Rhian. "Pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Ngunit sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na inilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..." Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya. "Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!" Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan. Gusto lang maangkin ni Rhian ang asawa sa una at huling pagkakataon. Pagkatapos ng gabing ito, siya ay lalayo. Ngunit ang una at huling na pinagsaluhan nilang dalawa ay nagbunga at sa kanyang pagbabalik ay muli silang nagkita... “Zack, bitiwan mo ako! Baliw ka ba? Nasa isang pribadong silid tayo! Maaaring may pumasok anumang oras!” Ang kanyang ex-husband na ‘hindi siya minahal ay hinahalikan siya ngayon... ngayon, ito naman ang naghahabol sa kanya!
9.890.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 2.6K Beses bilang kasama kahulugan
Read
+Library
How to Unlove You

How to Unlove You

Nang malaman ni Jillian na buntis siya, dalawang buwan pagkatapos magkaruon ng aksidenteng pakikipagtalik sa isang estranghero, na akala niya ay si Brent na kanyang boyfriend, yun pala ay ibang lalaki. Nang hanapin niya ang lalaking may kagagawan ng kanyang pagbubuntis, tinanggihan siya nito dahil may hinihintay itong ibang babae. Na stress siya na nagdulot ng pagdurugo during her pregnancy kaya kinailangan siyang dalhin sa ospital. Paggising niya, natagpuan niya ang sarili sa hospital na kasama ang pinakamayamang babae sa mundo na si Madam Lishou. Sa halip na magalit, ininsist ni Madam Lishou ang isang kasal sa pagitan ni Jillian at ng kanyang apo na si Mckenzie. Nalaman kasi nito sa isang source na ang apo nito ang nakabuntis sa kanya. Tumanggi ang lalaki na pakasalan siya, nagalit si Madam Lishou at binantaan ang lalaki na itatakwil kung hindi ito magpapakasal sa kanya. Napilitang pumayag ang lalaki sa kondisyon na civil lamang sila ikakasal. Habang nagkakalapit ang loib nilang mag asawa, biglang nagparamdam ang dalawang tao mula sa kanilang nakaraan, si Tamara na nagnanais na muling mabawi si Mckenzie at si Brent na handa siyang tanggapin ulit sa kabila ng kalagayan niya. Paano ito makakaapekto sa kanilang pagsasama? Sila ba'y paglalayuin ng pagkakataon, o magtatagumpay sila sa harap ng mga pagsubok, na nagpapalakas ng kanilang pagsasama sa paglipas ng panahon?
9.827.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 884 Beses bilang kasama kahulugan
Read
+Library
Whispers of Forbidden Desire

Whispers of Forbidden Desire

Anak sa pagkadalaga. Iniwan ng ina at lumaki sa poder ng kanyang lola. Iyan ang buhay ni Isabela Siason. Lumaking konserbatibo at puno ng mga pangaral, si Isabela ay sanay mamuhay nang simple at may takot sa Diyos. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Napilitan siyang tumira kasama ang kanyang ina, ang babaeng matagal na niyang hindi nakita at halos hindi na niya kilala. Akala ni Isabela, magiging madali lang ito. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa loob ng marangyang mansion na tinitirhan ng kanyang ina, naroon din ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang mundo, ang asawa ng kanyang ina. Si Liam o mas kilalang si William Laurell. Isang batang billionaryo, kabaligtaran ng inaakala niyang isa itong matandang mayaman ,malapit nang mamatay. Ang titig niya’y parang apoy, mainit, mapangahas, at handang tumupok sa kanila pareho. Sa bawat paglapit nito, dama ni Isabela ang init na gumagapang sa kanyang balat, ang panginginig ng damdaming matagal nang nakatago. May kung anong puwersang humihila sa kanya palapit, kahit alam niyang mali. Paano niya lalabanan ang tukso at ang apoy ng pagnanasa na unti-unting nilalamon ang kanyang puso’t isipan? Pag-ibig nga ba ito… o isang ipinagbabawal na pagnanasa? At kung totoo man na “kung ano ang puno, siya rin ang bunga,” handa ba siyang tanggapin na baka hindi nga siya naiiba sa kinamumuhian niyang ina, ang babaeng minsang tinalikuran ang tama para sa bawal na pag-ibig?
1030.4K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.1K Beses bilang kasama kahulugan
Read
+Library
THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)

THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)

Si Nikita Madrigal ay isang international model at flight stewardess na tumira sa America matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang. Doon niya unti-unting binuo ang kanyang buhay. Ngunit isang tawag mula sa kanyang ama ang muling gugulo sa tahimik niyang mundo. Pinapauwi siya sa Pilipinas dahil muling itong magpapakasal. Isang simpleng pakiusap… pero alam niyang magdadala sa kanya sa isang kapalarang hindi niya inaasahan. Sa kanyang pagbabalik, muli niyang makakaharap ang lalaking minsan niyang itinago sa kanyang puso. Ang ultimate love niyang si... Kieran Del Toro. Si Kieran Del Toro ay hindi lamang isang matagumpay na CEO ng Del Toro Aviation, isa rin itong piloto na sanay kontrolin ang lahat… kasama na doon ang puso niya. Sa muling pagtatagpo nila, muling mabubuhay ang mga alaala, ang mga tanong na matagal nang naiwan, at ang tensyong hindi kailanman nawala. Ngunit tila sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang babaeng pakakasalan ng kanyang ama… ay siya mismong ina ni Kieran. Isang bubong… Isang tahanan… Isang bawal na damdamin. Paano kung ang dating simpleng paghanga ay mauwi sa isang mapanganib na pagnanasa? Paano kung ang puso ay tuluyang mahulog… sa taong hindi na niya dapat mahalin? At sa ilalim ng iisang bubong… hanggang saan nila kayang pigilan ang sarili? At kung dumating ang sandaling kailangan nilang pumili... pamilya o pag-ibig... Handa ba silang sirain ang lahat para sa isa’t isa?
1013.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 266 Beses bilang kasama kahulugan
Read
+Library
Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

writerNJ017
Si Sudara Boone ay isang taong lumaki sa pangangalaga ng mga taong lobo. Siya ay iniwan ng kaniyang tunay na ina sa kagubatan ng Aerabella at siya’y kinupkop ng prinsesa na si Sadi, at kaniya itong itinuring na anak. Nilihim ng ina ang tungkoll sa kaniyang tunay na pagkatao, kung kaya’t namuhay siya sa kasinungalingang natatangi siyang taong-lobo. Tahimik at masaya siya sa kaniyang kinagisnang buhay, ngunit nagbago ito nang kaniyang makilala ang litratistang binata na si Azro. Sa unang pagtatagpo ng kanilang landas ay ang malagim na panaginip, kung saan pareho silang napahamak sa isa’t isa, ngunit naging daan ito upang kanilang kilalanin ang bawat isa. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang sa sila’y naging magkaibigan at nagkamabutihan ng loob. Hindi ito ipinagsabi ni Sudara sa kaniyang tribo, hanggang sa lumalim ang kanilang samahan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at nalaman din ito ng tribo at nagpasiya silang patayin ng lihim kay Sudara si Azro. Dahil sa kaniyang matalik na kaibigan, naipagtapat kay Sudara ang tungkol sa plano ng kaniyang tribo. Alam niyang wala siyang laban dito. Sa kadahilanang iyon, nagpasiya si Sudara na ibuwis ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal at naging sanhi ito ng pagkatalo ng tribo, at walang nagawa kundi ang hayaan si Azro na lumaya kasama ang ala-alang masaya’t puno ng pangarap ngunit mapait na pag-iibigan.
2.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 83 Beses bilang kasama kahulugan
Read
+Library
CEO's Forgotten Lover

CEO's Forgotten Lover

Aya Reyes, a smart, resilient and capable woman who was a believer in love. After all, mas madaling paniwalaan ang mga pangakong nanggaling mismo sa taong mahal mo, sa taong pinaniwala ka na you are capable of receiving love, who made you the center of his universe, and the same man who promised to walk you down the aisle. And Aya believed him. Until he disappeared. No explanation. No goodbye. Just ache and promises that never came true. For five years, naghintay si Aya. She held on to memories, making excuses, and the fragile hope that maybe one day, babalik sya. Pero hindi siya bumalik. Hindi siya nagparamdam. So she did the only thing she knew to survive: she moved on. New city. New job. New life. Day by day, she did everything para unti-unting buuin ang sarili nya at mamuhay sa mundong wala na si Adrian. Pero mapaglaro ang tadhana. Sa pagdaan ng araw na pilit kinakalimutan ni Aya si Adrian, he started introducing himself to the word. Adrian Vale is a powerful bachelor and now the CEO of Vale Group–rich, brilliant, and one of the most eligible bachelors in the country. The next time Aya saw him again, they weren’t lovers anymore. Hindi rin strangers, kundi bilang boss at empleyado. And this time, Adrian doesn't remember her. After a mysterious accident five years ago, Adrian Vale lost all of his memories, kasama na ang babaeng pinakamamahal nya at ang pangako nila sa isa’t isa. Now, as fate slowly pulls them into each other’s lives again, Aya needs to come with a decision. Should she tell him who she was or let him live his life and lose him again?
10270 viewsOngoingIdinagdag sa Library 5 Beses bilang kasama kahulugan
Read
+Library
The Unexpected Heir: The Billionaire's Chef

The Unexpected Heir: The Billionaire's Chef

Isang pagkakamali sa delivery ang nagpabago sa buhay ng working-class girl na si Ysabelle Rivera. Dahil sa pagpapalit ng package, na-trap siya sa loob ng penthouse ng ruthless billionaire na si Lucian De Castro sa gitna ng isang biglaang security lockdown. Sa dilim at sa ilalim ng impluwensya ng isang sabotahe, isang mapusok na gabi ang pinagsaluhan nila. Bago mag-umaga, tumakas si Ysabelle gamit ang fire escape para hindi mapagbintangang espiya. Limang taon ang lumipas matapos silang palayasin at maghirap, bumalik si Ysabelle sa Maynila kasama ang anak nila ni Lucian na si Neo. Pero ang limang taong gulang na anak niya ay may sariling plano dahil napakatalino nito sa computer. Palihim na in-apply ni Neo ang kaniyang nanay bilang Personal Chef ng sarili nitong ama. Nang magkaharap silang muli sa mansyon, hindi nakilala ni Lucian si Ysabelle. Akala ni Ysabelle ay ligtas na ang kaniyang sikreto, hanggang sa pumasok si Neo sa isang seryosong international business meeting ni Lucian. Hinarangan ng bata ang camera at nagtanong sa harap ng mga investor: “Mister, bakit mo ninakaw ang mukha ko?” Ngayong lumabas na ang katotohanan, paano pa maitatago ni Ysabelle ang anak niya kung ang mismong bata na ang naglapit sa ama nito? At kapag nalaman ni Lucian na ang bagong chef niya at ang babae nang gabing iyon ay iisa, hahayaan niya pa kaya silang makatakas muli?
124 viewsOngoingIdinagdag sa Library 3 Beses bilang kasama kahulugan
Read
+Library
PREV
1
...
3940414243
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status