Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Chasing Her Heart

Chasing Her Heart

Childhood love. Diyan nagsimula ang lahat. Akala ko matamis ang unang pag-ibig. Pero ito pala ang magtuturo sa akin na sa buhay ay hindi puro kasiyahan lamang— na ang reyalidad sa mundo ay may kaakibat na paghihirap at sakit. Ibinigay ko ang lahat na kahit ang pangarap kong maging engineer ay isinakripisyo ko alang-alang sa lalakeng minamahal ko. Akala ko ay sapat na iyon para masungkit ko ang puso niya at ipaalala sa kanya ang mga pangakong binitiwan niya. Pero hindi pa pala sapat kahit na pati sarili ko ay ibinigay ko ng buo sa kanya. Walang kulang, labis-labis na pagmamahal. Lumayo ako dala ang bunga ng aking pagmamahal at ng kanyang kapusukan. Hindi ko sinalba ang sarili ko, sinalba ko ang magiging anak ko. Muli, inakala kong nakalaya na ako sa bulag na pag-ibig. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana— nagkita kaming muli sa hindi inaasahang pagkakataon. Wala siyang maalala. Ginamit ko iyon para makapaghiganti. Pero hanggang kailan ko lolokohin ang sarili? Hanggang kailan ako tatakbo para hanapin ang sariling minsang nawala dahil sa aking unang pag-ibig?
Romance
111 viewsOngoing
Read
Add to library
Running Away from the Villainous CEO

Running Away from the Villainous CEO

Akala ni Ellaine ay katapusan na niya nang mabangga ng isang malaking truck ang sinasakyan niyang kotse. Laking-gulat na lamang niya nang sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa isang madilim na siyang kuwarto... sa kama ng isang hindi niya kilalang lalaki. Akala rin niya ay iyon na ang pinaka-wild na nangyari sa kanya pero hindi pa pala. Mas wild pa pala nang ma-realize niyang napunta siya sa loob ng romance novel na huli niyang nabasa bago siya namatay. Ang masaklap... ang kasalukuyan niyang katauhan ay hindi ang Female Lead, hindi rin ang kontrabidang babae, maski ang secondary character na bestfriend ng Female Lead ay hindi pa rin siya. Siya lang naman ay isang cannon fodder character na hindi man lang naabutan ang simula ng main plotline! May mas masaklap pa pala... ang lalaking nakaniig niya nang unang gabing napunta siya sa loob ng nobela ay walang iba kundi ang Main Villain– ang big boss ng mga big boss ng mga kontrabidang hadlang sa buhay ng Male at Female Lead! Ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag nalaman ng malupit na Big Villain na iyon ang nangyari sa kanila? Sigurado siyang hindi na talaga siya aabutan ng pagsisimula ng main plotline kung mananatili siya kaya napagpasyahan na lang niyang tumakas at mangibang bansa. Wala nga lang sa mga plano niya ang sorpresang iniwan sa kanya ng unang gabing iyon.
Romance
4.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Uncle Robert

Uncle Robert

Jeremy Navarro
Ako si John. Dalawampu't dalawang taong gulang. Kasalukuyan akong nagtratrabaho bilang isang Nurse. Isang taon pa lamang akong naninirahan dito mula nang kunin ako ni Uncle Robert. Siya ang nagpa-aral sa akin mula Highschool hanggang Kolehiyo ko kaya malaki ang utang na loob ko sa aking Uncle. Ang mga magulang ko kasi ay isang hamak na magsasaka lamang sa aming probinsya. Kaya naman ang kapatid ng Papa ko na si Uncle Robert ang nag-alok na pag-aralin ako dahil nakakaluwag naman ito sa buhay. Isang Pulis si Uncle dito sa Maynila. Mayroon siyang asawa na si Auntie Mabeth at mayroon na rin silang anak. Aaminin ko, isa akong bakla. At alam iyon ni Uncle dahil noong bata palang ay nakitaan na nila ako ng pagiging mahinhin. Hindi naging handlang iyon kay Uncle para hindi ako pagtapusin ng pag-aaral. Nasa edad trenta'y singko na si Uncle Robert. Pero makikita mo parin ang kakisigan nito kahit na nasa ganoong edad na siya. Matipuno si Uncle. Ang baitang nito ay nasa 5'10" kumpara sa akin na nasa 5'5" lamang. Malaki ang katawan nito dahil kailangan niya iyon dahil sa uri ng kanyang propesyon. Aaminin kong may pagtingin ako sa aking Uncle. Alam kong mali ito, pero hindi ko lang talaga maiwasan na pagnasaan siya sa tuwing makikita itong hubad kapag inaayos ang kanyang sasakyan. O, kapag nakasuot ito ng kanyang uniporme at bumabakat ang batutang tinatago nito. Pero nitong mga nakaraang araw, nag-iba lalo ang tingin ko sa kanya nang umalis si Auntie Mabeth para mangibang-bansa. Mas lalo akong nagkaroon ng pagnanasa sa Uncle ko. Mas naging malawak at mapusok ang imahinasyong binubuo ko sa tuwing makikita ko si Uncle. Sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pagnanasa ko sa aking Tiyuhin.
LGBTQ+
4.1K viewsOngoing
Read
Add to library
OVEN

OVEN

Imelda Aviles
Si Carlo Tavez nag iisang namumuhay sa mundo. Akalain niyo ba naman mula ng nagkaisip siya ay hindi na niya nasisilayan o makita man lang ang kanyang ama. Ang kanyang ina lamang ang kanyang nakakasama hanggang sa lumaki siya. Subalit sa kasawiang palad ay biglaan ang pagkamatay nito dahil sa isang kagimbal gimbal na aksidente. Lumaking walang mga magulang si Carlo. Dahil masipag ito at hindi umaasa sa mga kamag anak ay matiyagang namuhay mag isa ang binata. Hanggang sa nakapagtrabaho ito ng maganda. At binigyan sila ng break ng kanilang CEO. Sino mag aaakala na halos kalahating taon ang binigay sa kanila na bakasyon. Laking tuwa ng mga ito ngunit ang ipinagtataka nila bakit ang tagal ng kanilang bakasyon anim na buwan. Dito pala makikita ni Carlo ang kanyang ama na matagal nang nawala. Dito niya matutuklasan ang katotohanan ng matagal na niyang hinahanap ang mga kasagutan. Ang mga sigaw na lagi niyang naririnig mula ng bata pa siya magpasa hanggang ngayon ay dito lang pala niya malalaman ang mga katotohanang nagaganap . Ang kanyang laging nakikita sa panaginip . Ang taong sumisigaw at humihingi ng saklolo. Ang taong sinaksak, pinaghiwa hiwa ang mga laman nito na parang karne. Ginawang chop at nilagyan ng paminta , asin, soysauce, bawang , sibuyas, asin , sugar. Saka minarinate ng dalawang oras . Pagkatapos ay nilagay sa oven niluto at pagkatapos ay inihain sa mesa at kinain. Brutal ang pagpatay at talagang hindi makatao ang ginawa . Ano ang intesiyon ng kanilang Ceo bakit sila pinadala sa isang forest para magbakasyon. Ano ang magiging papel ng kanilang Boss sa kwentong ito. Bakit parang weird ang kanyang mga galaw. Abangan niyo mga tagpong kagimbal gimbal dito lang yan sa aking kwentong oven. Sana po ay tatangkilin niyo po ang aking obra maestra at inyong subaybayan ang mga tagpo . Salamat po..
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Heartstring (Trilogy) Book 1: KING (Part 1)

Heartstring (Trilogy) Book 1: KING (Part 1)

Ei-An had chosen to live in seclusion sa isang liblib na lugar na pag-aari ng kanyang namayapang mga magulang. Being the writer as she is, the atmosphere suits the life she wants - tahimik, relaxing at cozy, and of course, being one with nature... Ngunit nasira ang pananahimik ni Ei-an nang biglang maligaw sa kanyang munting paraiso ang isang hari - hari ng kayabangan at kaarogantehan! Ang hindi lang niya inasahan ay nang mawindang ang kanyang puso, dahil ang isang King Pierce Kevin Santillan ay hari din ng kaguwapuhan at kakisigan! There's a small voice telling her that she could trust him. Hanggang sa namalatan na lamang ni Ei-An, si King na pala ang "hari ng kanyang puso"... Sa paglalakbay ni King sa mga bundok ng Pilipinas, nakilala niya ang isang babaeng taga-bundok. But contrary to the typical "babaeng taga-bundok", Ei-An is the most alluring goddess in her nature paradise. King feels serene and calm whenever Ei-An is around. It's the first time na nakaramdam siya ng ganoong klaseng contentment. He wants Ei-An to be his. Nag-propose siya sa dalaga at ipinangako na babalik makalipas ang isang buwan para sa kanilang kasal. But something very unfortunate happened... Sa kanyang pagbabalik, natuklasan ni King na ang babaeng itinatangi ng kanyang puso ay kasal na sa kanyang kapatid, Prince Kevin Kiev Santillan. They're expecting a baby too! Paano pa niya ngayon makukuha ang babaeng pinakamamahal kung sa mata ng lahat ay asawa na ito ng kanyang kambal?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Love That Passed (Tagalog)

The Love That Passed (Tagalog)

“Hubby, pwede ba akong makahiram ng pera?” ang malambing kong tanong sa aking asawa na ngayon ay pagkasama-sama ng tingin sa akin. Paano ba namang hindi eh feeling close ako sa kanya. “Why would I give you? Sa tingin mo ba ay dahil pumayag akong makasal sayo ay makukuha mo na, at ibibigay ko sayo ang mga kailangan mo ng ganun ganun lang?” galit na galit at parang gustong manakit na sabi ni Jared. Ewan ko ba kung bakit sinubukan ko pang lumapit sa isang ito kahit na alam ko naman sa sarili ko na hinding hindi niya ako pagbibigyan.
Romance
109.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Zillionaire’s Bride in Revenge

Zillionaire’s Bride in Revenge

“Ameliá is back,” wika ni Dominic Juarez, kuminang ang guilt sa mga mata nito. Kinibot ni Hazel Xaviera ang dulo ng labi. “And so?” “Let's postpone our wedding.” “What the—” “May malubha siyang karamdaman,” mabilis nitong wika sabay abot ng brown envelope sa kanya. “Mas mabuti siguro na mag-aral ka muna sa abroad.” “Ah, gusto mo akong umalis para may oras kayong maglampungan, tama? Ok, fine!” Marahas niyang hinablot iyon at pinunit hanggang sa magkapira-piraso. “Tsaka hindi na kailangan i-postone ang kasal, let's just cancel it immediately.” Pinagkait kay Hazel Xaviera Trevisan ang lahat simula noong pinanganak siya. Ipinagpalit siya ng kanyang yaya sa anak nito sa tunay niyang pamilya, binenta siya sa misteryosong pamilya, malamig ang turing ng kanyang tunay na mga magulang noong bumalik siya at pinagtaksilan siya ng kanyang fiancée. Ang masakit pa’y paborito ng lahat ang fake daughter na si Amelia. Muli niyang isinulat ang kanyang kapalaran at pinasyang maghiganti. Ngunit sa kanyang paglalakbay ay dinala siya sa mundo ng krimen at natuklasan ang madilim niyang nakaraan. Natuklasan din niya na may lihim na pagtingin sa kanya ang kanyang kinakapatid at ang biglaang paghahabol sa kanya ng dating nobyo. Napagtagumpayan niya kayang maghiganti o magpapadala na lamang sa kanyang emosyon?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.3K viewsOngoing
Read
Add to library
CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)

CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)

Pagkalipas ng tatlong taon ay nagbalik siya, at narinig ko siyang pinag-uusapan ang tungkol sa dovorce. Wala siyang sinabi kahit na matapos niyang makuha ang aking pagkabirhen bago siya umalis. Sobrang sakit ng naramdaman ko. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong maging mabuting asawa para sa kanya, pero gusto niya pa rin akong hiwalayan. Hindi dahil mahal ko siya, kundi dahil inakala kong naging tapat ako sa kanya habang siya naman ay nagpakasaya kasama ang kanyang kalaguyo. Ngunit nagawa pa niyang magreklamo na parang ako ang sumakal sa kanya. Galit na galit ako. Sisiguraduhin kong mahihirapan sila ng kanyang kalaguyo na makumbinsi ako sa diborsyo. Pero bakit parang iba ang ikinikilos niya? Bakit nakakaramdam ako ng pagkasabik sa tuwing magkakadikit kami?
Romance
1033.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Magically Bonded

Magically Bonded

Miss Gold
Bitbit ang galit at sakit sa puso ni Selena ay nangako siya sa sariling tatapusin niya ang kanyang misyon at ipaghihiganti ang mga kasamahang walang awang pinatay ng mga Itim na Salamangkero. Pero pano niya gagawin yun kung sa kanyang matagumpay na pagtakas ay may bagong hamon ang Tadhana? Sa isang iglap, nagising nalang siyang walang alaala ng kanyang buhay. Wala na ang misyong ipinangako niyang gawin maging kapalit man nito ay ang buhay niya. Sa kanyang paghahanap ng kasagutan sa mga tanong sa kanyang isipan ay marami siyang makikilalang kaibigan. Hanggang sa pumasok siya sa Akademya ng mga kabataang may Espesyal na Kakayahan. Doon ay magsisimulang bumalik ang mga memorya nang nakaraan. Sa lugar na iyon ay makikilala niya ang mortal na kaaway na siyang may malaking parte sa nakalimutang misyon. Ang lalaking nakatadhana sa kanya. Pero mapaibig niya kaya ito sa kanya kung may minamahal na itong iba? Matapos niya kaya ang kanyang misyon kung kapalit nito ay sisirain niya ang kaligayahan ng lalaking mahal niya? Magically Bonded. Isang kwento ng paglalakbay, paghihiganti at pag-ibig ng isang dalaga. Isang dalagang nakatadhana sa isang dakilang misyon.
Fantasy
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status