Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE MAFIA KING'S DANGEROUS OBSESSION

THE MAFIA KING'S DANGEROUS OBSESSION

Hindi ko kailanman inakala na ang isang pagkakamali ay magdadala sa akin sa mundo ng mafia—isang mundong puno ng kapangyarihan, kasalanan, at lihim. Ako si Freya Alcantara, ang anak ng isang makapangyarihang pamilya na matagal ko nang tinakasan. Rebelde ako, matapang, at handang lumaban para sa sarili kong kalayaan. Pero lahat ng iyon ay nagbago nang makilala ko si Torren Villanueva—ang lalaking kinatatakutan ng buong underworld. Cold. Ruthless. Untouchable. Ganito siya kilala ng lahat. Pero sa akin… iba ang tingin niya. Mula sa unang sandaling nagtagpo ang aming mga mata, may kakaibang tensyon na hindi ko maipaliwanag. Para bang may lihim siyang desisyon na ginawa tungkol sa akin—at wala akong say sa bagay na iyon. Torren is a man who always gets what he wants. At sa isang iglap, ako ang naging bagong obsession ng mafia king. Pinilit niya akong manatili sa mundo niya—isang mundong puno ng panganib, kapangyarihan, at mga lihim na hindi dapat malaman ng kahit sino. Kahit galit ako sa kanya, kahit pilit kong nilalabanan ang kontrol niya… hindi ko maitatanggi ang kakaibang hatak na nararamdaman ko sa bawat titig at bawat salita niya. Pero habang lumalalim ang pagkahumaling niya sa akin, mas lumalapit din ang mga kaaway na handang sirain ang lahat. Sa mundong pinamumunuan ni Torren, walang ligtas. Walang kalayaan. At ang pinaka-nakakatakot na katotohanan? Hindi ko na alam kung gusto ko pa bang makawala sa kanya… o kung unti-unti na rin akong nahuhulog sa lalaking maaaring sisira sa akin.
Romance
60 viewsOngoing
Read
Add to library
The Don's Vow of Ashes

The Don's Vow of Ashes

Sa ilalim ng katahimikan ng Hacienda Cortez ay nag-aalab ang apoy ng kasalanan at paghihiganti. Matapos ang limang taon ng paglalakbay sa dilim, bumalik si Don Rafael Cortez, ang pinakabatang pinuno ng sindikatong Cortez, upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Ngunit sa kanyang pagbabalik, nakatadhana siyang makaharap ang anak ng kanyang kalaban—Selena Villafranca, ang babaeng may dugo ng kaaway at apoy ng pag-ibig sa kanyang mga mata. Ginawang bihag ni Rafael si Selena bilang kabayaran ng dugo. Ngunit sa bawat gabi ng katahimikan, unti-unting nagbabago ang hangin sa pagitan nila, mula sa galit tungo sa pagnanasa, at mula sa kasalanan tungo sa pagtubos. Sa gitna ng abo ng Hacienda Cortez, kailangan nilang pumili: pag-ibig na magpapalaya o sumpang magtatapos sa kanila.
Romance
320 viewsOngoing
Read
Add to library
Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle

Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle

Sa loob ng anim na taon nilang pagsasama, walang ginawa si Zia kung hindi ang maging mabuting may bahay at suportahan ang negosyo ng kaniyang asawa. Matapos niyang matuklasan ang matagal ng pagtataksil ni Ace, ang kaniyang asawa, nagpasya siyang ayusin muli ang kaniyang karera at bawiin ang kung anumang nararapat para sa kaniya. Buo na ang loob niyang makipag-diborsyo. Gayunpaman, naniniwala si Ace na ang pisikal na pagtataksil ay isang kasalanang mapapatawad pa kaya't ginawa niya ang lahat para mabuong muli ang tiwala ni Zia pero huli na ang lahat. Habang nalulunod sa galit at sakit ay aksidenteng nakaniig ni Zia si Zayn Alexander Evans, ang makapangyarihan at dominanteng bilyonaryo na siyang tiyuhin din ng kaniyang taksil na asawa. Ipinahanap siya nito pero ibang babae ang nagpakilala rito at sa takot na mabunyag ang kanilang aksidenteng kasalanan, nanatiling tahimik si Zia hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis sa kasal na unti-unting sumasakal sa kaniya. Matapos makamit ang kalayaan, pagbibigyan ba ni Zia ang kaniyang sariling maging masayang muli sa piling ng tiyuhin ni Ace? Paano kung alukin siya nito ng kasal? Hahayaan niya bang isipin ng ibang tao na kaya siya nakipaghiwalay sa kaniyang asawa ay dahil nais niyang pakasalan ang tiyuhin nito? Ang lalaking walang awa at malamig sa lahat ngunit sobrang maalaga at malambot ang puso pagdating sa kaniya.
Romance
1011.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Pleasure Me Uncle Wild (SPG)

Pleasure Me Uncle Wild (SPG)

BABALA: Hindi ito kwento ng tamang pag-ibig. Ito ay kwento ng tukso, init, at bawal na pagnanasa. Rated SPG – Striktong Patnubay at Gabay ng matatanda ang kailangan. May maiinit na eksena, maseselang tagpo, at wild na panunukso na hindi para sa mahihina ang loob. Kung ikaw ay inosente, konserbatibo, o madaling ma-turn on… basa sa sariling pananagutan. Pero kung handa ka sa isang kasalanang hindi mo pagsisisihan... then come closer. Uncle Wild is waiting. ******* Pleasure Me, Uncle Wild An Erotic Romance by [Zairaliyah_dezai] ******* Cheerleader. Campus darling. Girlfriend ng pinakapopular na varsity player sa unibersidad. Sa mata ng lahat, perfect na ang buhay ni Asia—hanggang sa masaksihan niyang mismo ang pagkawasak nito. Sa loob ng madilim at amoy-klorox na banyo ng gym, nakita niya ang pinakamalupit na pagtataksil—ang nobyo niyang si Jasper, nakikipagtalik sa mismong bestfriend niyang si Trista. Punit ang puso, nanginginig ang katawan... pero bago pa man siya tuluyang masiraan ng bait, isang lalaking estranghero ang biglang sumugod sa eksena. Matangkad. Mapanganib. Matipuno. At may tinig na parang kasalanan ang bawat salitang binibitawan. "Uncle Wild!" sigaw ni Jasper. Asia's breath hitched. Sa halip na galit at luha, isang mas matinding init ang gumapang sa kanyang katawan. Sino siya? Bakit ang isang titig lang niya'y parang kayang burahin ang lahat ng sakit? At bakit, sa bawat iglap, tila gusto na niyang isuko ang sarili sa lalaking masyadong bawal... pero masyadong masarap? Handa ka na bang matukso sa lalaking hindi mo dapat ginugustong mahalin? Dahil minsan, ang kasalanan… ay nagsisimula sa isang sulyap. ---
Romance
1020.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Si Alexandria Saavedra— Maangas. Basagulera. Walang trabaho. May bisyo. Matigas pa sa adobe ang puso. Higit sa lahat, galit sa mundo. Lalo na sa sariling amang ginamit lamang siya para sa pansariling pangangailangan... Hanggang ang magulo niyang mundo ay binulabog ni Heiz Mikael. Isang binatang basta na lamang sumusulpot sa t'wing nasa panganib ang kanyang buhay. Sa pagdating ni Heinz sa kanyang buhay, 'di inaasahan ni Alexandria na pati na ang nananahimik niyang puso ay ginulo ng binatang ito. . . Sa unang pagkakataon, ang pusong niyang kasintigas ng adobe ay napalambot nito. Subalit isang araw, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang biglang pagsulpot nito sa kaniyang buhay...
Romance
1026.3K viewsCompleted
Read
Add to library
MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)

MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)

Dahil sa kalasingan, maling silid ang napasukan ni Solar. Paggising niya kinabukasan ay katabi na ang kilalang ruthless and cold CEO, si Caellune Santorre. Gulat, takot, at hiya ang naramdaman ng dalaga. Kaya agad niyang tinakasan ang binata. Pinilit kalimutan ni Solar ang nangyari, ngunit nang kausapin siya ng mga magulang tungkol sa kasal ay parang binagsakan ng langit ang dalaga. Pero wala siyang choice nang ipilit ng mga magulang ang kasal bilang kabayaran sa utang ng pamilya. Ngunit hindi inasahan ni Solar ang mas malalang twist. Ang lalaking tinakasan niya matapos ang makasalanang gabi, ito pa lang ang mapapakangasawa niya. Akala ni Solar nakalimutan nito ang nangyari sa kanila. Pinagbintangan siya ni Caellune na sinadya niyang mapalapit dito para akitin ito. Hindi naging maganda ang trato ni Caellune kay Solar. Pero habang tumatagal, napapansin niya na may mga lihim na itinatago si Caellune. Mga kwartong bawal pasukin. Mga tawag na biglang pinapatay. At mga mata nito na tila puno ng sakit at galit sa nakaraan. Ngunit habang tumatagal ay unti-unting nabubuo ang damdaming hindi nila inaasahan. Pero paano kung ang pagmamahal na nagsisimula pa lang ay masira nang bumalik ang babaeng unang minahal ni Caellune? Mapapatawad ba ni Solar ang lalaking sinumpa niyang kamumuhian? O tuluyan na silang sisirain ng mga sikreto at kasalanang pilit nilang nililibing sa nakaraan?
Romance
107.4K viewsOngoing
Read
Add to library
NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)

NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)

Isang babaeng nagtrabaho sa isang Casino na nangarap yumaman , ngunit nahulog ang loob nito sa isang lalaking anak ng bilyonaryo pero badboy , nabuntis ito at iniwan sya ng lalaki. Matapos s'yang nanganak nangako s'yang hindi na babalik pa sa Casino na kanyang pinagtatrabahuan dahil kinasusuklaman n'ya ang lalaking nang iwan sa kan’ya. Subalit dumating sa puntong hindi na n'ya alam kung paano bubuhayin ang anak kaya namasukan ito bilang katulong subalit hindi nito alam na doon pala nakatira ang lalaking kanyang kinasusuklaman. Mahigit limang taon din hindi sila nagkita at hindi din alam ng lalaki na may anak sila, madami narin ang nagbago nagkaroon na ito ng nobya at malapit na silang ikasal ng babae. Habang nagtatrabaho s‘ya sa bahay nila Gabriel Bustamante ang lalaking kinamumuhian nito ang ama ng anak niya. Si Samantha naman ay pinipilit na hindi ipahalata ang kanyang nararamdamang galit. Dahil nakatira sila sa isang bahay hindi maiwasan ng lalaki na lumapit sa kanya sa tuwing sila lang ang nasa bahay, dahil sa galit ni Samantha kay Gabriel kahit anong pilit nitong paglapit sa kanya ay hindi nya ito kinakausap, dahil sa araw araw nitong kinukulit si Samantha ay malapit na syang madala ng charisma ni Gabriel, isang araw ay hindi na nito napigilan ang sarili ng lumapit ito at hinalikan s'ya sa labi ng lalaki ay biglang dumating ang kasintahan nito at muntikan na silang mahuli. Araw araw kinakausap nito ang kanyang anak na si Mika sa pag-uusap nila ng anak ay narinig ito ni Gabriel napatanong ito kung may anak na s'ya subalit hindi nya sinabi na anak nila. Araw araw din inaakit ni Gabriel si Samantha dahil hindi pa naman sila naaaktuhan ng nobya nito, hanggang sa isang araw may napansin na ang live in partner nito na kakaiba sa kanila.
Romance
1045.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Marks and Memories (Original Tales of Remorse)

Marks and Memories (Original Tales of Remorse)

Chleo Magnison was sure Drako Lafrell's the only man she'd want to be with forever. The modern-day princess of Brenther pack had been dreaming of a fairytale-like lovestory with her loving boyfriend, and a never-ending happily ever after with him...not until her parents got killed, leaving her and her brother, Layco a very important task at a young age--to rule over Brenther...and to seek justice for their parents. Akala niya ay kakayanin niya ang lahat hangga't nasa kanyang tabi ang binata...ngunit nang pumutok ang balitang ang mga Lafrell ang may kasalanan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang, tila ang akala niyang pang-habambuhay na pagmamahal dito, sa isang iglap, ay bigla na lamang natabunan ng walang kapantay na galit at poot. Now she's facing a heavy decision to make. To leave him, or to stay by his side so she could find an evidence to get him and his family executed for the death of her parents.
Other
5.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Hating My Possessive Husband

Hating My Possessive Husband

Samantha Sky Smith never imagined that one day, she’d wake up as Mrs. Krim Kuen Vryzks—ang lalaking kinatatakutan at ginagalang sa mundo ng negosyo at impluwensya. Walang puso, walang awa, at walang pakialam kung ano ang gusto niya. Ang kasal nila ay isang kasunduan, pero para kay Krim, ito ay isang panalo. Para kay Samantha? Isang bitag na hindi niya alam kung paano tatakasan. Binigyan siya ni Krim ng isang linggong palugit bago niya ito angkinin nang tuluyan. Isang linggo para tanggapin ang bagong realidad na hindi niya ginusto. Pero habang lumilipas ang mga araw, mas lalong nagiging malinaw sa kanya ang isang bagay—hindi lang galit ang nararamdaman niya kay Krim. At iyon ang mas kinatatakutan niya. Sa pagitan ng panggigipit, matitinding emosyon, at isang kontratang bumihag sa kanya, magagawa kaya ni Samantha na manatiling matatag? O tuluyan na siyang mahuhulog sa patibong ng lalaking dapat ay kinamumuhian niya?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Mrs Alvarez

Mrs Alvarez

Dala ng kapusukan at kabataan ni Hainna Dela Serna ay nagawa n'yang pikutin si Shawn Alvarez. Ang kilalang bad boy sa bayan ng San Miguel. Nakuha ni Hainna ang kasal na pinapangarap ng lahat. Engrande at masasabing hindi nalalayo sa bonggang kasal ng mga nakikita sa telebisyon. Ngunit nakuha din ni Hainna ang matinding galit ni Shawn. Tila ba s'ya na ang pinakamasamang babaing nakilala ni Shawn. Handa n'yang tiisin ang lahat basta makuha lang ang pagmamahal ni Shawn. Sa unang gabi ni Hainna bilang Mrs. Shawn Alexis Alvarez ay pinaalis s'ya ni Shawn ng bansa. Pinatapon s'ya nito sa Canada. Makalipas ang tatlong taon bumalik si Hainna ng bansa. Umuwi s'ya ng San Miguel sa bahay mismo ni Shawn Alvarez sa asawa n'ya. At sa pagkakataong ito mananatili s'ya sa San Miguel. At gagawin lahat para lang hindi na s'ya ipatapon pa ng asawa sa ibang bansa, o kahit sa labas ng San Miguel, handa n'yang ibigay at gawin ang lahat para lang makuha ang pagmamahal ng asswa at manatili s'yang Mrs. Alvarez.
Romance
1018.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status