Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I SAVE THE ALPHA

I SAVE THE ALPHA

Amara Hemlock who is living with her grandmother will find the Alpha of the werewolf in the middle of the forest bloody and unconscious. Paano kung ang iniligtas niya ay hindi pangkaraniwang nilalang? Simple lamang siyang namumuhay kasama ng kaniyang Lola sa paanan ng bundok. The Alpha didn't remember anything, who he really was, and where he came from because he is under on spell of the witch. Paano kung ang makakapagpabalik sa kaniyang alaala at kapangyarihan ay isang tunay na pag-ibig? Subalit ang kapalit nito ay ang buhay ng babaeng kaniyang mamahalin. Will he stay in his new life or he will sacrifice the life of the woman he loves? And what if the Alpha find out that Amara is not just a simple girl because she is the long-lost Princess of the werewolf and the Vampire. What will happen to them? Are they destined to love each other or they are destined to fight each other?
Other
1013.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Our White Little Secrets

Our White Little Secrets

Synopsis: Sherry Francelia ay isang babaeng tumatakbo mula sa isang impyernong hindi niya pinili—isang mundo ng dugo, kasinungalingan, at kapangyarihan. Sa desperasyon, gumawa siya ng isang mapanganib na desisyon: ang lokohin ang isang lalaking mas mapanganib kaysa sa sinumang humahabol sa kanya. Si Levim Devereux ay isang kilalang mafia boss—malamig, walang puso, at walang sinasanto. Ngunit sa kabila ng kanyang bangis, may isang bagay siyang hindi inasahan: isang babae na walang takot na pumapasok sa kanyang mundo at ginugulo ang kanyang plano. Ang kanilang ugnayan ay nagsimula sa isang kasinungalingan—isang delikadong laro ng panlilinlang at kapangyarihan. Ngunit habang lalong lumalalim ang kanilang koneksyon, nagiging malinaw na may mas malaking pwersang gumagalaw sa kanilang paligid. Nang bumalik ang multo ng nakaraan, napagtanto ni Sherry na walang makatakas sa mundong pilit niyang tinatakasan—lalo na kung ang lalaking dati niyang niloko ay siya na ring kinatatakutan niyang mawala. Sa pagitan ng pagnanasa at panganib, pagtataksil at katotohanan—sino ang unang bibigay? At sa isang mundo kung saan ang tiwala ay isang bagay na maaaring pumatay, paano mo malalaman kung sino ang tunay mong kakampi?
Romance
377 viewsOngoing
Read
Add to library
Treat Me Right, Misis!

Treat Me Right, Misis!

Si Savannah George "Sage" Valencia ay nag-iisang anak at tagapagmana. Sa gitna ng karangyahan ay mas gusto nitong mabuhay nang simple at kumawala sa luho. Matatag din ang pangarap nitong maging isang sikat na pintor at talikuran ang negosyong kailanman ay hindi pumukaw sa kanyang puso. Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano nang maakusahang mamamatay tao ang kanyang mga magulang. Sa takot na makulong ang mga ito, at kahit labag sa puso niya ay um-oo siyang pakasalan ang magaling na abogado ng kabilang partido upang ito mismo ang bumitaw at magpatalo. Alam niya sa sarili niyang ayaw niya sa lalaki lalo na ang pagtitig nito sa kanya nang malalim at pagngisi. Alam niyang pagpapanggap lamang ang pinapakita nito sa kanya at ang kanilang yaman ang habol nito kung kaya't siya na mismo ang umiiwas at tumatakas. Ngunit paano kung ang isang Atty. Delton Carancho lang din ang kayang sumuporta sa pangarap niya at magbigay ng kanyang kalayaan? At paano kung ang lalaki lang din ang kakayaning manatili sa tabi niya? Maibibigay kaya ni Savannah ang hiling nitong maging isang mabuting maybahay o pikit-matang hihiling ng hiwalayan?
Romance
1020.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother

Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother

Limang taon na kasal si Yeon Na kay Henry, pero sa isang iglap, naghiwalay rin sila dahil sa isang masakit na paratang na baog daw siya. At para gawing mas masahol pa ang lahat, isang linggo matapos ang diborsyo nila, nakatanggap pa siya ng imbitasyon sa baby shower ng sarili niyang nakababatang kapatid—na buntis sa dating niyang asawa. Bigo man at sugatan ang puso, gumawa siya ng isang matapang na desisyon. Lumapit siya sa nag-iisang lalaking alam niyang makakatulong para muling mabawi ang dignidad niya—si Sire Vemeer, ang kanyang boss. Isang kilalang playboy, isang bilyonaryong CEO, at... half-brother ng ex-husband niya. Hindi para umibig. Hindi para magka-relasyon. Isa lang ang gusto niyang mangyari... ang mabuntis. Kung nakaya siyang pagtaksilan ng kanyang kapatid at ni Henry, kaya niya ring gumawa ng paraan para gumanti sa mga ito. Gagamitin niya rin ang kapatid ni Henry para maipamukha rito na hindi siya baog. Na kaya niyang magdalang-tao. Pero paano kung ang panandaliang plano ay mauwi sa permanenteng koneksyon? At paano kung, sa gitna ng paghihiganti, matutunan niyang magmahal muli, sa isang lalaking ni minsan ay hindi niya pinangarap?
Romance
1020.3K viewsOngoing
Show Reviews (25)
Read
Add to library
Anne Lars
𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘂 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗸𝗶𝗻𝗮 𝗦𝗶𝗿𝗲 𝗮𝘁 𝗬𝗲𝗼𝗻 𝗡𝗮! 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹𝗹𝘆, 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗵𝗮𝘀 𝗰𝗼𝗺𝗲 𝘁𝗼 𝗮𝗻 𝗲𝗻𝗱. 𝗦𝗮𝗻𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗼. 𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁!
Reni Torejas
aabangan ko tong libro mo hanggang sa matapos. sana matapos mo rin mga ongoing books mo. I love your writing style at saka hnd boring bwat episode. iba rin ang flavor ng bawat story mo. Kaya keep writing po. you deserve a hype sana sumikat pa mga gawa mo po
Read All Reviews
Into The Dark

Into The Dark

Totoy
Lumaki si Syrie sa isang mundong kakaiba sa kung ano siya. Nabuhay siya na nakapalibot sa kaniya ay mga bampira. May matitilos na pangil, mahahabang kuko at mapupulang mga mata. Kakaiba sa dapat nakikita niya. Kakaiba sa dapat mundong kinabibilangan niya. Labis iyong pinagtaka ni Syrie na pinagtapat naman sa kaniya ng mga kinikilala niyang magulang. Napulot daw siya ng mga ito sa gitna ng gubat. Inabandona raw siya. Iminulat ng mga magulang ni Syrie ang isip niya na ang mga taong lobo ay kalaban.    Napatunayan iyon ni Syrie nang masaksihan niya kung paano pinatay ng mga taong lobo ang kinikilala niyang mga magulang. Ang mga taong lobong kagaya niya ang kumitil sa mga magulang niya. At buo ang puso niyang ipaghiganti ang mga ito. Hahanapin niya ang mga pumatay sa kanila. Hahanapin niya ang mga taong lobong may ukit na buwan sa kanilang mga braso.    Pero paano kung matagpuan niya ang lalaking pumatay sa mga magulang niya pero huli na dahil mahal na niya ito? Makakaya kaya ni Syrie na patayin ang lalaking minamahal o paiiralin ang pagmamahal na bumuhay sa buo niyang pagkatao?
Other
1014.2K viewsCompleted
Show Reviews (28)
Read
Add to library
Jenyfer Caluttong
Mahilig talaga ako sa mga story about sa mga lobo at Vampire kaya nga naghahanap ako ng book na pwedeng basahin ni recommended ng kapatid about dito sa story ng Into the Dark kaya sinubukan kong basahin at di ako nagsisi kasi parang dinala ako ni author sa mundo nila habang nagbabasa ako
Bhie Rambonanza In
based on what I read on this story I'm so excited to know more about vampire and wolf especially about what had happened from the past of Syrie, the story is very interesting and I'm so eager to read until the end of the story even I'm busy, sobrang galing ng author na to, ang lawak ng pag-iisip......
Read All Reviews
Love Until Last 01: My Professor

Love Until Last 01: My Professor

Hanggang saan tatangayin ang pagmamahalan ng dalawang tao kung may ibang tao na nakapaligid sa kanila na gusto silang, sirain at paghiwalayin. She loves him. He loves her. Are they destined for each other?
Romance
10.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving a Player

Loving a Player

Hindi akalain ni Dawn na muling magku-krus ang mga landas nila ni Art Nickolo Montez, ang lalaking tahasan siyang tinanggihan noong high school siya. Ang dahilan? Hindi raw sila bagay, dahil hindi siya kagandahan. Noon siya natutong mag-ayos at magpaganda. Ngunit habang umaangat ng isang baitang ang kagandahan niya ay tila tatlong baitang ang iniaangat ng kagwapuhan nito. At ngayong nagpapakita ito ng interes sa kanya, paano naman niya itong seseryosohin? Kung bukod sa may boyfriend siya at may kabi-kabila itong mga babaeng ikinakama, ay hindi nito ikinakaila kung ano lamang ang gusto nito sa kanya, ang matikman siya.
Romance
1015.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing you 24/7

Chasing you 24/7

Nang dahil sa isang kasulatan mababago ang buhay ni Avyanna Elyse Concepcion para matulungan niya ang pamilyang matagal na kaibigan ng pamilya niyang itaguyod muli ang kompanya ng mga Gonzales ay mapipilitan siya magpakasal. Sa Isang lalaking gusto niya ngunit kinamumuhian siya, bukod pa roon kailangan niya ilihim dito na lugi na ang kompanya nito. Mapipilitan silang magsama sa i-isang bubong. Ngunit hindi tulad ng ordinaryong mag-asawa na mahal ang isa't isa, Kung di tulad ng isang aso't pusa na nag aaway. Paano kung mahulog ng isa sa kanila? Magiging totoo kaya ang kanilang kasal? All Rights Reserved -4EROXOTIC
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Property Series: Let the World Burn (Damon Hidalgo)

Property Series: Let the World Burn (Damon Hidalgo)

MissKeunna
Damon Hidalgo, marinig pa lang ng tao ang pangalan nya ay alam na agad nila kung ano ang kayang gawin ng lalaki. Matalino, magaling sa negosyo, at halos lahat ng kababaihan ay nagkakandarapa para lang makuha ang atensyon ng lalaki. Lingid sa kaalaman ng lahat na kabila ng magandang reputasyon nito ay ang lihim na pagkahumaling nito sa isang babae. Czariyah Ladesma, ang babaeng sumusubok sa kanyang prinsipyo. Hindi din lubos maintindihan ni Damon kung bakit sa dinami dami ng babae ay sa step sister pa nya sya nahihibang. Alam nyang mali pero hanggang saan ang kaya nyang tiisin para hindi maangkin ang babae?
Romance
560 viewsOngoing
Read
Add to library
Aking Maria

Aking Maria

Liesta
Naniniwala si Pelipe na muli niyang makakapiling ang kaniyang minamahal, ang kaniyang nobya na si Maria pagkatapos nitong mamatay. Ngunit paano kung sa kanilang muling pagkikita ay hinde na sila magka-kilala at ang babaeng minahal niya sa nakaraan ay nag-iba na sa kasalukuyan. Sa nakaraan kung saan ang ala-ala ni Pelipe at ang mundo nila na nasa kasalukuyan. Paano nga ba nila haharapin ang katotohanan? muli nga ba nilang pagbibigyan ang pagmamahalan na naiwan sa nakaraan, o iiwasan nila na maulit ang masakit na kapalaran? Tunghayan ang kwento ng dalawang tao na pinaghiwalay ng nakaraan at muling pinagtagpo ng kasalukuyan.
History
1011.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status