Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

Sa isang iglap, nagising si Kyline sa bangungot na hindi kanya, isang silid na madilim, isang lalaking hindi niya kilala, at isang pagkakakilanlang hindi kanya ang isinuksok sa kanyang pagkatao. Sa harap ng malamig at mapanganib na presensiya ni Shawn Constantino, pinilit niyang tanggapin ang kasinungalingang siya si Karen, ang kanyang kambal na kapatid na biglang naglaho. Ngunit higit pa sa takot at poot ang bumabalot kay Kyline. Sa bawat salita ng kanyang ama, unti-unting nalalantad ang masakit na katotohanan na ginamit siya bilang kapalit sa isang kasunduang nakataya ang kapalaran ng buong pamilya nila. Sa ilalim ng mga lihim at panlilinlang, napilitan siyang gampanan ang papel ng isang asawa sa lalaking galit na galit sa kanya, isang lalaking hindi kailanman magtitiwala. Hanggang kailan niya kayang itago ang tunay niyang pagkatao? At kapag natuklasan ni Shawn ang katotohanan, magiging kapatawaran ba o kapahamakan ang kahihinatnan ng kanyang puso? Isang kwento ng pag-ibig, pagtaksil, at kapalarang pilit ipinaglalaban sa gitna ng dilim.
Romance
1010.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
TOUCH ME, NINONG (SSPG)

TOUCH ME, NINONG (SSPG)

Ikakasal na dapat si Soraya Sison kay Jonathan Zobel. Akala niya ay iyon na ang simula ng happy ending ng kwento nilang dalawa. Pero gano'n na lamang ang gulat niya nang dumating sa kasal ang babae ni Jonathan at nagwala roon para hindi matuloy ang kasal. At ang masaklap pa, buntis daw ito at si Jonathan ang ama. Betrayed. Humiliated. Abandoned. Nagdesisyon si Soraya na gawin ang bagay na akala niya hindi niya kailanman magagawa. Hinanap niya ang comfort sa bisig ng isang lalaki, at lingid sa kaalaman niya na ito ay si Henry De Armas, ang matalik na kaibigan ng daddy niya, at ang Ninong niya. One night. No names. No promises. Pero pagdating ng umaga, doon niya nalaman kung sino talaga ang lalaking nagpabaliw sa kanya sa bawat bawal at makasalanang paraan. Hindi lang pala ito kaibigan ng daddy niya o ang Ninong niya, at ito na rin ngayon ang bago niyang boss. Henry is powerful, merciless, and twice her age. And now that he’s had a taste of her, he’s not willing to let go.
Romance
103.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Molly the Sociopath

Molly the Sociopath

AkoSiIttal
"Her life changed when she realized that monsters were protecting her." Si Molly Cabrera ay lumaki sa isang mental facility, hindi dahil baliw siya, kundi dahil doon siya iniwan ng kaniyang ina noong siya'y sanggol pa lamang. Subalit sa pananatili niya roon ay nagaya na rin sa iba ang kaniyang pag-iisip— na mas malala pa. Sa kaniyang paglabas ay nakilala nito ang isang CEO na si Linus Hudson na siya ring Presidente ng isang malaking kumpanya, Hudson Apparel. Sa kanilang pagtatagpo sa kakahuyan ay sinong mag-aakalang pagbibigkisin sila ng tadhana? Ang kwento nilang patungo sa magandang love story ay lumihis ng landas matapos malaman ang katotohanan, na magkapatid sila. Ating tunghayan kung ano-ano pang katotohanan ang matutuklasan ni Molly sa bawat kabanata ng kaniyang buhay. Alamin ang puno't dulo kung bakit siya napadpad sa isang mental facility, at kaya nga ba talagang mahalin ni Linus si Molly, gayong isa itong tanyag na... SOCIOPATH?
Romance
103.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

WARNING RATED SPG... Si Geraldine ay isang sikat at magaling na undercover agent na walang misyong hindi natatapos. Ngunit ang simpleng pagpapakasal niya bilang substitute bride sa isang lalaking iniwan sa altar ay nagdala sa kanya sa isang masalimuot na kwento ng pag-ibig, tungkulin, at nakatagong lihim. Ang lalaking iyon, si Michael Muller, ay hindi lamang isang negosyante kundi ang emperador ng pinakamakapangyarihang mafia sa mundo—ang mortal na kaaway ng gobyerno kung saan siya nagtatrabaho. Habang sinusubukan ni Geraldine na isagawa ang kanyang misyon laban kay Mike, unti-unti niyang natutuklasan ang kanilang malalim na koneksyon mula sa nakaraan at ang damdaming hindi niya mapigilan kahit pilit niyang nilalabanan. Ngunit sa mundo ng pagkakanulo at panganib, kailangang pumili ni Geraldine: ang sundin ang kanyang tungkulin bilang isang agent, o ang panindigan ang pagmamahal niya sa lalaking kinamumuhian ng organisasyong kanyang pinagsisilbihan. Mapapanindigan ba nila ang pag-ibig sa kabila ng dugo at kasinungalingan? O magwawakas ang lahat sa digmaan ng katapatan at kapalaran?
Romance
1099.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Biglang inatake sa puso ang aking mom, at mabilis na umapaw ang kaniyang medical bills bago pa man ako makahinga nang maayos.   Desperado na ako kaya agad akong humarap sa mayaman kong boyfriend sa pagasa na baka makatulong siya sa akin, o makaisip manlang ng solusyon sa sitwasyon. Pero sa halip na suporta ang aking matanggap, nagpakawala siya ng isang tirada na mas matindi pa sa kahit na anong salitang narinig ko.   “Ito ba ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin? Para sa pera ko? Wala kang pinagkaiba sa ibang mga babaeng nagbibigay sa kanilang mga sarili sa akin. Parepareho kayong lahat—kaawa awa at walanghiya kayong mga babae kayo!”   Bago pa man ako makapagreact, agad niya na akong itinulak palabas ng pinto.   At nang maintindihan niya ang buong kwento, binigyan niya ako ng isang bank card nang hindi nagtatanong ng kahit na ano. “Candice”, tahimik nitong sinabi gamit ang nagsisisi niyang boses. “Birthday mo ang password nito.”   Hindi ako nagsabi ng kahit na ano sa kaniya. Hinayaan kong mahulog ang card sa sahig bago ako umalis nang hindi lumilingon sa kaniya.
Maikling Kwento · Romance
1.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Mommy for hire: Breaking the CEO's walls

Mommy for hire: Breaking the CEO's walls

Dahil sa kagustuhang makuha ang kustodiya ng mga bata, napilitan ang bilyonaryong si Kerill Wang na maghanap ng babaeng magsisilbing ina ng kanyang mga anak sa loob ng tatlong buwan. Dito niya nakilala si Charlene Rosarios, ang probinsyanang lumuwas sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Kinontrata niya ito kapalit ng isang milyong piso. At dahil desperada ang babae na makahanap ng pera, tinanggap niya ang alok—lingid sa kanyang kaalaman na papasok siya sa pintuan ng impyerno. Hindi mababait ang mga anak ni Kerill at nasanay na silang palaging may bagong babaeng ipinapakilala ang tatay nila sa kanila, kaya ginagawa nila ang lahat upang mapaalis siya. Makakayanan kaya ni Charlene ang lahat ng pagpapahirap na mararanasan niya sa loob ng higanteng mansyon na iyon? Hanggang kailan niya matitiis ang masasakit na salita ni Kerill tungkol sa kanyang pagkatao? Makukuha niya kaya ang loob ng mga bata? Sundan ang nakakatawa, punô ng emosyon at pag-ibig na kwento na nagsimula lang sa isang papel ng kontrata. Mahahanap kaya nila ang tunay na pagmamahal kung lahat ay matatapos lamang sa loob ng tatlong buwan?
Romance
16 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
TRAPPED WITH HIM

TRAPPED WITH HIM

WARNING: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK! YOU HAVE BEEN WARNED! (Alaric Martin's Story) Mala-fairytale ang kwento ng pag-ibig nina Pamela at Alden, galing siya sa hirap, samantalang ito ay galing sa kilalang angkan. Nang niyaya siya nitong magpakasal ay pumayag siya, bukod sa nasa tamang edad na sila ay hindi naman tutol ang pamilya nito sa kanya. Ngunit tila isang bangungot nang magising siya sa araw ng engagement party nila na may ibang lalaki na katabi sa kama. Dahil sa nangyari ay nabaliktad na ang sitwasyon, dahil ang kailangan na niyang pakasalan ay walang iba kundi ang bilyonaryong si Alaric Martin! Ang kuya ng fiancé niya! Paano niya makukumbinse ang mga ito na isang pagkakamali lang ang lahat kung si Alaric mismo ay pumayag agad na pakasalan siya! TRAPPED SERIES#1. Trapped Series Titles ⬇️ 1.Trapped with him (Alaric) COMPLETED 2.The lonely billionaire and his maid. (Damon) COMPLETED 3. His intention (Zandro) COMPLETED 4.Trapped in his wrath (Red) COMPLETED 5.Broken hearts and promises (Miguel)completed 6. The hidden wife tears (Nickolas) SOON 7. The billionaire's trick (Liam) SOON 8.His dangerous trap. (Tres) SOON 9.Forbidden desire (Jack) SOON 10.The billionaire's secret love (Wendell) SOON Genre: ROMANCE/DARK ROMANCE/STEAMY READ AT YOUR OWN RISK!!!!
Romance
9.678.8K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (17)
Read
Idagdag sa library
SEENMORE
MARAMING SALAMAT SA MGA FOLLOWERS KO AT SA MGA READERS NA TALAGANG SUMUSUBAYBAY SA BAWAT CHAPTER. HINDI MAN AKO SIKAT KATULAD NG IBA AY SOBRA AKO AKONG NAGPAPASALAMAT SA INYO DAHIL BINABASA NIYO PARIN ANG GAWA KO...️ THANK YOU!
alana
ngayon lang ako napadpad sa page ni autho, kaka discover ko lang.. maganda ang comments and na curious ako so ito ang una kung binasa at nagustohan ko ang story ni alaric and pamela.. kilig, sexy and intense. Im excited to read the other stories
Basahin ang Lahat ng Review
THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE

THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE

Si Elijah Juarez, 25 years old, ipinanganak sa kahirapan ngunit itinadhana para sa marangyang buhay. Pinakasalan niya ang lalaking pinapangarap ng lahat — si Lejandro Ferman, anak ng isang bilyonaryo at tagapagmana ng pinakamalawak na hacienda sa bayan ng Velegas. Isang kasal. Isang pangakong walang hangganan. Isang buhay na tila perpekto... Pero paano kung ang lahat ng ‘perpekto’ ay bigla na lang maglaho? Ginawa kang alipin. Utusan. Alila. Pinagmalupitan. Tinanggalan ng dignidad. At ang lalaking pinakasalan mo — si Lejandro — bumalik sa Pilipinas… Ngunit hindi para iligtas ka. Kundi para ituring kang hindi asawa, kundi isang hamak na katulong sa kanilang hacienda. "Saan hahantong ang pagiging asawa ng isang bilyonaryo kung hindi ka niya kinikilala bilang asawa?" Aalis ka na lang ba? O haharapin mo ang mapait na katotohanan? Paano kung isang araw... Bumalik ang alaala ni Lejandro, ngunit ibang babae na ang nasa kanyang puso? Dahil sa mapanlinlang na si Furtiza, ang tunay mong pagkatao ay ninakaw… At ikaw na si Elijah, ay ipinakilalang katulong — sa iyong tunay na asawa.  Isang kwento ng pagnanasa, pagkakalimot, at pagtataksil. Handa ka bang maramdaman ang sakit ng pagmamahal na binura ng panahon?
Romance
9.623.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )

We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )

Juvy Pem
Walang kaawa-awang pinalayas ng kanyang step-mother si Luna, dahil hindi na sila mapapakinabangan nito. Ang ama niya ay nakaratay sa hospital dahil sa sakit na cancer. Kaya dahil dito biglang lumubog ang negosyo nila at nagkabaon-baon sila sa utang. Lumaki si Luna Marie sa magarbo at maluhong buhay, kaya hindi siya sanay sa biglang pagkalugmok ng kanyang buhay. Ang dating buhay prinsesa ngayon ay nasa lansangan na at hindi alam kung saan hihingi nang tulong.   Si Adrian De Vera ay minsan ng nakaranas ng pang-aalipusta mula mismo kay Luna at sa harapan pa ng mga kaibigan nito. Paano kung ang babaeng minsan nang nagpahiya sa kanya ay matagpuan niya sa lansangan at walang mapuntahan. Makakaya niya kayang pabayaan? O, 'di kaya'y kanyang tutulungan.    Si Luna ay walang kaalam-alam sa totoong pagkatao ni Adrian. Hihingi man siya ng tawad sa lalaki ngunit huli na ang lahat. Dahil ang lalaking minsan niyang pinagtawanan at kinutya ay malayo pala sa kanyang inakala ang katayuan nito sa buhay.  Paano paglapitin nang tadhana ang dalawang nilalang na may madilim na nakaraan. Huli na ba ang lahat para sa dalawa? At paano magbago ang isang katulad ni Luna na lumaki sa masaganang pamilya? Abangan ang kwento ni Adrian at Luna Marie. 
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Magically Bonded

Magically Bonded

Miss Gold
Bitbit ang galit at sakit sa puso ni Selena ay nangako siya sa sariling tatapusin niya ang kanyang misyon at ipaghihiganti ang mga kasamahang walang awang pinatay ng mga Itim na Salamangkero. Pero pano niya gagawin yun kung sa kanyang matagumpay na pagtakas ay may bagong hamon ang Tadhana? Sa isang iglap, nagising nalang siyang walang alaala ng kanyang buhay. Wala na ang misyong ipinangako niyang gawin maging kapalit man nito ay ang buhay niya. Sa kanyang paghahanap ng kasagutan sa mga tanong sa kanyang isipan ay marami siyang makikilalang kaibigan. Hanggang sa pumasok siya sa Akademya ng mga kabataang may Espesyal na Kakayahan. Doon ay magsisimulang bumalik ang mga memorya nang nakaraan. Sa lugar na iyon ay makikilala niya ang mortal na kaaway na siyang may malaking parte sa nakalimutang misyon. Ang lalaking nakatadhana sa kanya. Pero mapaibig niya kaya ito sa kanya kung may minamahal na itong iba? Matapos niya kaya ang kanyang misyon kung kapalit nito ay sisirain niya ang kaligayahan ng lalaking mahal niya? Magically Bonded. Isang kwento ng paglalakbay, paghihiganti at pag-ibig ng isang dalaga. Isang dalagang nakatadhana sa isang dakilang misyon.
Fantasy
1.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
7891011
...
14
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status