The Billionaire's Runaway Maid
Isang gabi ng kahinaan ang naging simula ng isang bawal na relasyon. Habang unti-unting nahuhulog si Kiarra sa lalaking hindi niya dapat mahalin, mas lalo naman siyang nalulunod sa sakit ng katotohanang magkaiba ang mundong kanilang ginagalawan.
"She's just one of the maids."
Mga salitang walang habas na lumabas sa labi ni Larkin—mga salitang dumurog sa puso ni Kiarra nang higit pa sa anumang pagtataksil.
Matapos ang lahat ng gabing magkasama sila, matapos ang bawat halik, yakap, at pangakong pinaniwalaan niya, isang katotohanan lang pala ang naghihintay sa kanya.
Isa lang siyang katulong.
Kaya pinili niyang lumayo.
Pregnant, heartbroken, and carrying a secret that could change everything, Kiarra disappeared without a trace—determined to protect herself and the child growing inside her from the man who shattered her heart.