Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Sleeping with the Devil Billionaire I Once Loved

Sleeping with the Devil Billionaire I Once Loved

When a financial student Chloe Gomez’s father is accused of a crime he didn’t commit, her world shatters overnight. And the only way to save him is to lose everything she loves. Sa posibilidad na habang buhay na pagkakakulong ng kan’yang ama, napilitan si Chloe na talikuran ang mga taong pinakamalapit sa kan’ya—pati na ang lalaking minahal niya nang buong puso, si Rodrigo Salcedo, at tahakin ang landas ng abogasya kahit ayaw niya. Limang taon ang lumipas, muling nagtagpo ang kanilang mga landas sa isang pagtitipon. Kaharap ni Chloe ang lalaking iniwan niya noon nang walang paliwanag. Malamig, mailap, at may kasamang babae. Itinatanggi nitong magkakakilala sila. Ngunit sa likod ng katahimikan na ‘yon ay mga sugat na hindi pa naghihilom. Habang unti-unting lumilitaw ang katotohanan at muling nagbabanggaan ang kanilang mga mundo, kailangang pumili ni Chloe: ang iligtas ang ama na isinakripisyo ang lahat para sa kan’ya o ang pusong minsan niyang sinukuan, ngunit kailanma’y hindi niya nakalimutan.
Romance
194 viewsOngoing
Read
Add to library
Finding Bilyonaryong Afam na Daks

Finding Bilyonaryong Afam na Daks

Isang kwento ng limang magkakabata, magkakaklase at matalik na magkakaibigan na mga probinsyana na ang tanging pangarap ay magkapagtapos ng pagaaral upang maihaon ang pamilya sa kahirapan ngunit isang araw umuwi ang isa pa sa mga kababata nila mula Amerika at may dalang asawang Amerikano. Nakita nila ang malaking pagbabago ng buhay nito. Nakapagpatayo ng sariling bahay at nabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Hindi nila napagilan ang sarilung mainggit rito ngunit ang mas lalong kinaiingitan nila ay ang gwapong mukha ng napangasawa nitong Afam na may malaking umbok sa harapan na noong nakita nila'y nahirapan silang lumunok. Simula noon bigla na lamang nagbago ang pangarap nilang lima, bukod sa pagtatapos ng pag-aaral ay dinagdag nila sa kanilang bucket list ang makapag-asawa ng Afam na mayaman, gwapo, yummy at higit sa lahat ay daks. Tunghayan kung saan dadalhin ang lima magkakaibigan na ito na sina SIting, Doring, Meling, Ajing at Aning sa kanilang mga pangarap sa buhay at samahan rin natin sila sa kanilang Operationg: Finding Bilyonaryong Afam na Daks.
Romance
9.912.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Wife

The Wife

Isa lang naman ang hiling ni Alana at 'yon ay mahalin din siya ng lalaking kaniyang minahal noon pa man at iyon ay si Knight. Hiniling niya sa kaniyang mga magulang na maikasal siya sa binata na sa huli naman ay naisakatuparan din. Ngunit ang akala niya na matututunan din siyang mahalin ay hindi pala bagkus naging bangungot ito na malayo sa kaniyang pinangarap. Matitiis niya ba ang ilang taon ang knailang pagsasama kung gayon ay ni hindi naman siya itinuturing bilang asawa at kahit na pagkababae niya ay dinudurakan na? O sa huli ay makikita niya ang kaniyang kahalagahan dahil sa isang tao na hindi niya aakalaing tutulong at aahon sa kaniya na kalaunan ay nakita na lamang niya ang sarili na nasa bisig nito. Tama nga ba ang kaniyang naging desisyon o kailangan niya lamang na bigyan ulit ng isa pang pagkakataon si Knight? Sino nga ba sa dalawa ang pipiliin niya sa huli? Pinagtagpo nga lang ba talaga at hindi itinadhana?
Romance
1023.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)

Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)

Sa edad na dalawampu’t dalawa, mag-isa na lang sa mundo si Alina Torres. Maaga siyang naulila sa ama, at iniwan naman siya ng sariling ina para sumama sa ibang pamilya. Wala na siyang ibang mapupuntahan kundi ang taong kinatatakutan niya noon pa man—ang kanyang ninong, si Sebastian Villalobos, isang makapangyarihan at mayamang negosyante na kilala sa pagiging malamig, istrikto, at isang taong walang inuurungan. Ngunit sa ilalim ng malamig nitong anyo ay ang lalaking handang akuin ang responsibilidad na alagaan at ipagtanggol ang inaanak. Hindi niya alam kung paano tatanggapin si Alina sa buhay niya, lalo na’t habang lumilipas ang mga araw, hindi na inosente ang kanyang nararamdaman para rito. Samantala, si Alina naman ay nahahati sa pagitan ng takot at pagtitiwala. Takot, dahil alam niyang mahigpit at mapanganib ang mundo ng kanyang ninong. Pagtitiwala, dahil siya lang ang nag-abot ng kamay sa oras na lahat ay tumalikod sa kanya. Sa pagitan ng mga lihim, pangamba, at damdaming pilit nilang itinatanggi.
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Savage and Ruthless Ex-Boyfriend

My Savage and Ruthless Ex-Boyfriend

KittyCatty26
What if one day your ex showed his handsome face in front of your door steps? Pero kung noon, mabait at mahal na mahal siya nitong Ex niyang ‘to. Ngayon galit na galit ito sa kaniya, na halos isumpa siya nito. Kung nakakamatay nga ang pagtitig lang, baka bumulagta na siya ngayon dahil sa matalim na pagtitig nito. Pero mga mare, nawindang ang kagandahang lupa ni Janice nang sabihin nito kabit siya ng tatay nito. At kaya ito nagpakita sa kaniya ay para ilayo sa ama nito nang tuluyan, kasama na rin ang paghigantihan siya sa pang-iiwan niya rito five years ago. Tapos itong Ex na ito ay tinaguan mo ng anak, for five years. Na ngayon ang buong akala ay kapatid nito ang sarili nitong anak, dahil nga sa iniisip na kabit siya ng ama nito. Magkaayos pa kaya silang dalawa, matutuloy kaya ang naudlot na romance o forever na lang na bokya sa love life silang dalawa.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart

Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart

Carmela Beaufort
Isang dakilang nakatatandang kapatid kung ilarawan Celes ng maraming nakakakilala sa kanya bukod sa maraming sakripisyong ginawa niya upang mabigyan lamang ng magandang buhay at mapag-aral ang mga kapatid na halos makalimutan na niya ang sarili, lahat 'yon ay ginusto niya dahil sa pagmamahal niya sa mga ito. Ngunit isang pangyayari ang gumimbal sa kanya nang may isang pangyayari ang naghatid ng matinding takot sa kanya na maaaring nasa kapahamakan ang mga ito. Dahil doon ay nagmamadaling bumalik siya upang tiyakin ang kaligtasan ng mga ito nang mapag-alaman niyang ilang araw ng nawawala ang mga ito. Agad naman niyang hinanap ang mga ito hanggang sa napadpad siya sa isang malaking mansyon sa kanilang kabayanan. Sabi ng may-ari niyon ay hawak nito ang kanyang mga kapatid at hindi umano ibabalik kapag 'di niya sinunod ang gusto nito—na magpanggap siyang isa sa kanyang mga kapatid. Hanggang saan aabot ang pagsasakripisyo niya mabawi lamang ang mga kapatid, gayong kaakibat niyon ay lolokohin niya ang lalaking naiwan din noon sa Maynila?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Forged Romance With A Ruthless Doctor

Forged Romance With A Ruthless Doctor

Serene Zabawa is a 24-year-old college student who spends her time fangirling and doing everything to show support and love for her idol. She never stopped making and giving efforts just to let her idol feel that he’s special, appreciated, and loved by a lot of people. She promised herself that no matter what happened, hindi siya magpapasok ng kung sino mang lalaki sa buhay niya kung hindi ito ang iniidolo niya. But her perception and compromise in life completely changed after agreeing with her father’s request. She was happy at first, but habang tumatagal, nagigising siya sa katotohanang never niya inaasahan, and because of that, she changed. A lot of things changed; ang dating kinahahangaan niya ay siya ng isinusumpa niya ngayon. Her life turned the other way around; there are moments na gusto na lang niya magising dahil sa mga pangyayaring hindi naman niya hinihiling noon at ifast forward na lang ang lahat para matapos na ang paghihirap niya. Will she be able to get away from what she entered? Will she just wait patiently until it's finished? Or tables might turn once again?
Romance
107.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Huling Alpana

Ang Huling Alpana

Ryan Rayl Samoray
Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
Fantasy
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Sa mismong araw ng aming kasal, ang childhood sweetheart ni Hansel Lennox na si Nara Sullivan, ay nagbantang tatalon mula sa isang gusali. Hindi niya ito pinansin at itinuloy ang kasal. Ngunit nang talagang tumalon si Nara, saka siya nag-panic. Simula noon, palagi na siyang pumupunta sa simbahan, unti-unting naging isang deboto. Pinipilit pa niya akong bigkasin ang mga banal na kasulatan at lumuhod habang nagdarasal—lahat sa ngalan ng pagsisisi sa aking mga kasalanan. Dahil sa kanya, nawala ang aking anak. Sa araw na nakunan ako, gusto ko nang makipag-divorce. Ngunit sinabi niyang pareho naming pinagkakautangan si Nara, kaya dapat kaming magsisi nang magkasama. Ginamit niya ang aking pamilya upang takutin ako at panatilihin sa kanyang piling. Inaksaya ko ang buong buhay ko para sa kanya. Ngunit pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa mismong araw ng aming kasal. Sa pagkakataong ito, ako mismo ang magtutulak kay Hansel kay Nara. Ako naman ang magpapahirap sa kaniya.
Short Story · Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

Nang mawalan ng trabaho si Cordelia o Cordie, ang huling inaasahan niya ay mapunta sa loob ng marangyang mundo ng pinakamakapangyarihang lalaki sa probinsya. Sa rekomendasyon ng kanyang tiyahin, tinanggap niya ang trabaho bilang nanny ng anak ng malamig at istriktong Gobernador—si Cassian Romano. Tahimik, malayo ang loob, at palaging may distansya—iyon ang Gobernador sa mata ng lahat. Ngunit may lihim ang Gobernador. Matagal na palang nakatago sa puso ni Cassian ang damdaming pilit niyang nilalabanan. Bata pa si Cordie noon nang una niya itong makilala, at bilang isang ama at politiko, natutunan niyang itago ang atraksiyong iyon sa ilalim ng yelo ng kanyang katauhan. Ngunit ngayong magkasama na sila sa iisang bubong, kasama ang anak niyang unti-unting minamahal ni Cordie, lumalabo ang mga linyang dati niyang malinaw na naiguhit. Ang bawat ngiti nito, bawat titig, ay nagbabalik ng damdaming pilit niyang nililibing. Si Cassian ay isang duwag pagdating sa pag—ibig pero hanggang kailan niya kakayaning pigilan ang babaeng matagal na niyang minamahal nang palihim?
Romance
1012.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1516171819
...
30
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status