BUY ME, ANTONIO
Baka mamaya, bastusin pa siya sa labas.
"Sige na, maganda kana." mahinang sabi ko sapat lang para marinig niya. Bumalik ang dating sigla sa mukha niya at mabilis na sumakay sa kotse ko.
"Tara na," sabi niya pa kaya mabilis kong pinaandar ang kotse. Ang totoo ay pagkatapos ng misa ay pupunta kami ng Enchanted Kingdom. Gusto ko lang magrelax muna, nakakabagot din naman ang palaging nasa bahay. Ayoko din namang pumasok sa mga kompanyang hawak ko, nakakatamad kasi. Tiyaka ayokong umattend ng mga meetings or what. Baka kapag hindi ko nakasundo ang clients at investor masuntok ko pa sila ng maaga. Kaya okay na ako rito, isang anino sa matagumpay na negosyo.