The Mafia's Marked Nanny
Hulog ng langit kung ituring ni Evie si Amora. Dumating ito sa buhay niya kung saan nasa gitna siya ng kagipitan.
Pero sa tuwing nagtatama ang mga tingin nila ng ama nitong si Russell ay impyerno ang hatid niyon sa kanya— init na nagmumula sa kung saang hindi niya maintindihan.
Mommy kung tawagin siya ni Amora gayong yaya lang naman siya nito.
Paano kung ang susunod na offer sa kanya ni Russell ay hindi na bilang nanny ng anak niya?
Paano rin kung sa paglipas ng panahon, hindi na siya kilalaning 'mommy' ni Amora?
-----
Ang batang si Amora ay lalaking puno ng galit kina Evie at Russell. Hindi na siya ang inosenteng bata, kundi siya ay magiging si Gray, isang matapang at nakakatakot na nilalang. At tulad ni Evie ay magiging 'nanny' rin siya ng isang makapangyarihang mafia lord.
Sa paglipas ng panahon ay magiging mortal silang kaaway.
May pag-asa bang magkapatawaran o mananaig ang kasamaan?
----
Si Alliyah, isang batang naging parte ng misyon ni Gray na siiyang dahilan kung bakit lalambot ang pusong bato nito.
Ngunit paano kung magaya si Alliyah kay Gray? Lumaki na puno ng pagkamuhi sa kanya. Anong gagawin ni Gray para maisalba ang batang nagpamulat sa kanya?
----
Tatlong babaeng may iba't ibang kwento pero may iisang tapang at prinsipyo.
Mananaig ba ang kabutihan o aapaw ang kasamaan?