Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Entangled with Mr. Ruthless

Entangled with Mr. Ruthless

Matapos makipaghiwalay sa kanya ng long-time boyfriend niya, nasangkot sa aksidente si Dr. Sylvaine Hope dahilan upang mabawasan ang chance niyang magbuntis. Tanggap na niya ang katotohanang tatanda siyang mag-isa. Hanggang isang araw, pumasok sa kanyang klinika ang isang lalaking may maitim na aura at mas galit pa yata sa mundo. Tinutukan siya nito ng baril sa ulo at hiniling na ipagbuntis niya ang tagapagmana nito. Alam niyang ang kahilingan nito ay isang bagay na hindi niya kayang ibigay. Ngunit paano siya makaliligtas sa isang lalaking kaya siyang barilin sa isang kisap-mata? Ngunit mapaglaro ang tadhana, sa takot na patayin siya nito, natagpuan niya ang sariling tumatakbo palayo rito bitbit ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa kanyang pagbabalik, kakayanin ba niyang labanan ang isang lalaking tulad ni Gray Hugo Whitlock, o magpapatangay siya sa kabila ng kasamaan nito?
Romance
1041.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
King's Prostitute

King's Prostitute

Levantandose
Walang pinoproblema sa buhay si Gace. Lakwatsa at pagwaldas lang ng pera ang pinagkakaabalahan niya sa buhay. Tarantada kung tawagin siya ng iba dahil sa kagaspangan ng kanyang pag-uugali. Hanggang sa malaman niya ang masamang balita na wawasak sa kalayaan niya. Ang kumpanya nila ay nasa kritikal na kondisyon. Ang tanging solusyon lang para muli itong makaahon ay maikasal siya at ang tanging taong handang magpakasal sa kanya ay walang iba kundi si King Velasquez. Kilala ito bilang Mr. Beastly hindi lang dahil halimaw ito pagdating sa business industry kundi dahil ang kalahati ng mukha nito ay natatakpan ng gintong maskara. Pumayag siyang maikasal dito kahit hindi pa niya ito nakikita alang-ala sa kumpanya. Akala niya talaga bukal sa loob nito ang pagtulong sa kanila. Sino ba talaga si King Velazquez? Ano ang nakatagong lihim sa likod ng pagkatao nito?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ningas NG Atraksyon

Ningas NG Atraksyon

Isang atraksyon na nauwi sa mainit na gabi ng hindi sinasadya. Nagbunga, hanggang sa panagutan ngunit wala sa sentro ang pag-ibig kundi para lamang sa responsibilidad na kailangang magawa. Magkakaroon kaya ng pag-asa ang dalawang taong pinagtagpo sa hindi sinasadyang pagkakataon?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
It's Not Goodbye

It's Not Goodbye

Spinel Jewel
Naging emosyonal para kay Precious Sarmiento ang unang araw ng pasukan sa paaralang kanyang tinuturuan, nang makilala niya si Chris Laurente, isa sa kanyang mga estudyante sa Grade 10 na malaki ang pagkakahawig sa namayapa niyang bestfriend at boyfriend na si Alexander Suneco. Dahil dito'y nagbalik sa kanyang alaala ang masakit na kahapon. At first she thought, it was just a reincarnation dahil may nasabi si Alex noon na nasabi din ni Chris sa kanya. Hanggang sa nagkapalagayang-loob sila sa isa't isa at naging mag bestfriend. When Precious realized she was falling for him, inisip pa rin niyang bahagi pa rin ito ng reincarnation. Chris misinterpreted her feelings for him dahil akala niya kaya lang nagkagusto si Precious sa kanya dahil magkamukha sila ni Alex. Unti-unti siyang dumistansya dito at ibinaling ang atensyon sa iba. Naging masakit ito para kay Precious lalo na't natitiyak niyang mahal talaga niya si Chris. Pero kailangan niyang tanggapin na hindi sila pwede, dahil sa layo ng agwat ng kanilang edad. Years had passed at muli silang nagkita ni Chris. Nanumbalik ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa nahulog ang damdamin nila sa isa't isa. Would they be able to fight for their love when the world is against them? Hanggang saan ang kaya nilang ipaglaban sa ngalan ng pag-ibig?
Romance
105.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Magically Bonded

Magically Bonded

Miss Gold
Bitbit ang galit at sakit sa puso ni Selena ay nangako siya sa sariling tatapusin niya ang kanyang misyon at ipaghihiganti ang mga kasamahang walang awang pinatay ng mga Itim na Salamangkero. Pero pano niya gagawin yun kung sa kanyang matagumpay na pagtakas ay may bagong hamon ang Tadhana? Sa isang iglap, nagising nalang siyang walang alaala ng kanyang buhay. Wala na ang misyong ipinangako niyang gawin maging kapalit man nito ay ang buhay niya. Sa kanyang paghahanap ng kasagutan sa mga tanong sa kanyang isipan ay marami siyang makikilalang kaibigan. Hanggang sa pumasok siya sa Akademya ng mga kabataang may Espesyal na Kakayahan. Doon ay magsisimulang bumalik ang mga memorya nang nakaraan. Sa lugar na iyon ay makikilala niya ang mortal na kaaway na siyang may malaking parte sa nakalimutang misyon. Ang lalaking nakatadhana sa kanya. Pero mapaibig niya kaya ito sa kanya kung may minamahal na itong iba? Matapos niya kaya ang kanyang misyon kung kapalit nito ay sisirain niya ang kaligayahan ng lalaking mahal niya? Magically Bonded. Isang kwento ng paglalakbay, paghihiganti at pag-ibig ng isang dalaga. Isang dalagang nakatadhana sa isang dakilang misyon.
Fantasy
1.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire Slut

The Billionaire Slut

Magkaibigang naging biktima ng pang aabuso sina Cherry Lou at Annika. Inilihim nila sa pamilya nila ang masaklap na pangyayare sa buhay nilang magkaibigan, dahil hindi naman nila nakilala ang mga umabuso sa kanila at tanging tattoo na palatandaan lang ang nakita ni Cherry Lou sa isa sa mga lumapastangan sa kanila. Pinilit ni Cherry na kalimutan ang masamang nangyari sa kanya. Lumuwas siya ng Maynila upang magsimula ng panibagong buhay. Ngunit sinubok pa rin ang katatagan nilang magkaibigan ng malaman nilang nagbunga ang pangwawalanghiya kay Annika. Itinago nila ang pagdadalang tao ni Annika sa pamilya nito at nang makapanganak si Annika ay inabandona ang sanggol. Si Cherry ang nagpakaina sa anak ni Annika. Nagkasakit ng Leukemia ang bata at natanggal sa trabaho si Cherry. Pikit matang namasukan sa club bilang topless dancer si Cherry upang makaipon ng malaking pera para sa operasyon ng anak- anakan. Inalok ng 3 milyong piso ni Anthony Buenavidez si Cherry upang maging bed warmer nito ang dalaga sa loob ng isang taon. Tanggapin kaya ni Cherry ang alok sa kanya ng isang gwapong binatang bilyonayo? Mabibigyan kaya ng hustisya ang pang-aabusong ginawa kina Cherry at Annika?
Romance
1014.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )

We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )

Juvy Pem
Walang kaawa-awang pinalayas ng kanyang step-mother si Luna, dahil hindi na sila mapapakinabangan nito. Ang ama niya ay nakaratay sa hospital dahil sa sakit na cancer. Kaya dahil dito biglang lumubog ang negosyo nila at nagkabaon-baon sila sa utang. Lumaki si Luna Marie sa magarbo at maluhong buhay, kaya hindi siya sanay sa biglang pagkalugmok ng kanyang buhay. Ang dating buhay prinsesa ngayon ay nasa lansangan na at hindi alam kung saan hihingi nang tulong.   Si Adrian De Vera ay minsan ng nakaranas ng pang-aalipusta mula mismo kay Luna at sa harapan pa ng mga kaibigan nito. Paano kung ang babaeng minsan nang nagpahiya sa kanya ay matagpuan niya sa lansangan at walang mapuntahan. Makakaya niya kayang pabayaan? O, 'di kaya'y kanyang tutulungan.    Si Luna ay walang kaalam-alam sa totoong pagkatao ni Adrian. Hihingi man siya ng tawad sa lalaki ngunit huli na ang lahat. Dahil ang lalaking minsan niyang pinagtawanan at kinutya ay malayo pala sa kanyang inakala ang katayuan nito sa buhay.  Paano paglapitin nang tadhana ang dalawang nilalang na may madilim na nakaraan. Huli na ba ang lahat para sa dalawa? At paano magbago ang isang katulad ni Luna na lumaki sa masaganang pamilya? Abangan ang kwento ni Adrian at Luna Marie. 
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
Romance
9.639.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Muling Pagsusulat ng Iskandalo

Muling Pagsusulat ng Iskandalo

May nag-post ng pagtatapat ng pag-ibig para sa akin sa confession wall ng college. Pero nag-iwan ang nobyo ng kahati ko sa kwarto ng komentong nakipagtalik na ako sa bawat lalaki sa campus. Galit na galit ako at handa nang tumawag ng pulis. Nagmakaawa ang kahati ko sa kwarto na patawarin ang nobyo niya, nangangakong uutusan niya itong manghingi ng paumanhin sa confession wall. Pero bago dumating ang paumanhin na iyon, isang sensitibong video ang nagsimulang magkalat sa mga group chat. Sinasabi ng lahat na ako ang babae sa video. Ipinatawag ako ng college para sa makipag-usap at iminungkahi kong kumuha ako ng leave of absence. Pag-uwi ko, tumanggi ang mga magulang ko na kilalanin ako bilang kanilang anak. Nawala sa akin ang lahat. Kinain ako ng depresyon, at kasama ng walang katapusang tsismis, nawalan na ako ng pag-asa at winakasan ang buhay ko. Pagkamulat ko ulit ng mga mata ko, iyon ulit ang araw na unang lumitaw ang pangalan ko sa confession wall.
Read
Idagdag sa library
CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)

CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)

Itchay
Kilalang chef sa buong bansa si Alexander Jones. Bukod sa gwapo na ay mayaman pa. Nasa kanya na ang lahat ng katangian na pinapangarap ng isang babae. Kaya naman nasanay siyang sa isang iglap lang ay nakukuha niya ang gusto niya, mapalarangan man ito ng negosyo, hobby, o di kaya ay babae. Laking dagok sa kanyang ego ng may isang babae ang tumanggi sa kanya. Si Karen Delgado, ang babaeng bukod tanging hindi nahulog sa karisma ng isang Alexander Jones. Pero ng dahil sa problemang pinansyal ay napilitan siyang tanggapin ang pinaka-ridiculous na offer na natanggap niya mula kay Alex. Isang contractual marriage. Magiging maayos kaya ang pagsasama ng dalawang nilalang na nag-umpisa sa maling sitwasyon? May tsansa kaya na ma-uwi sa pag-iibigan ang relasyong nagsimula sa awayan? Paano kapag nalaman nila, na ang ugnayan pala nila sa isa't-isa ay hindi lang nagsimula sa isang kontrata?
Romance
104.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status