Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mrs Alvarez

Mrs Alvarez

Dala ng kapusukan at kabataan ni Hainna Dela Serna ay nagawa n'yang pikutin si Shawn Alvarez. Ang kilalang bad boy sa bayan ng San Miguel. Nakuha ni Hainna ang kasal na pinapangarap ng lahat. Engrande at masasabing hindi nalalayo sa bonggang kasal ng mga nakikita sa telebisyon. Ngunit nakuha din ni Hainna ang matinding galit ni Shawn. Tila ba s'ya na ang pinakamasamang babaing nakilala ni Shawn. Handa n'yang tiisin ang lahat basta makuha lang ang pagmamahal ni Shawn. Sa unang gabi ni Hainna bilang Mrs. Shawn Alexis Alvarez ay pinaalis s'ya ni Shawn ng bansa. Pinatapon s'ya nito sa Canada. Makalipas ang tatlong taon bumalik si Hainna ng bansa. Umuwi s'ya ng San Miguel sa bahay mismo ni Shawn Alvarez sa asawa n'ya. At sa pagkakataong ito mananatili s'ya sa San Miguel. At gagawin lahat para lang hindi na s'ya ipatapon pa ng asawa sa ibang bansa, o kahit sa labas ng San Miguel, handa n'yang ibigay at gawin ang lahat para lang makuha ang pagmamahal ng asswa at manatili s'yang Mrs. Alvarez.
Romance
1015.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
GENUINE LOVE IN DECIET

GENUINE LOVE IN DECIET

Ang buong akala ni Clary ay nangyayari na sa buhay niya ang tunay na pagmamahal, ngunit biglang bumaliktad ang sitwasyon ng siya ay dinukot ng mga taong minahal na niya bilang pamilya kahit hindi naman niya mga kadugo. Natuklasan niya na interesado lang pala ang mga ito sa yaman niya. Ginamit ng mga ito ang boyfriend niyang si Tristan para makuha ang mga pag-aari niya. Dahil mahal niya ang lalaki at takot siyang mawala ito sa kaniya, pumayag siya. Ngunit kung kailan naibigay na niya ang lahat saka naman nagtanggal ng maskara ang boyfriend niya. Lumantad sa harapan niya ang buong katotohanan. Kasabwat pala ng mga ito ang lalaking minahal niya at ang masaklap pa dahil ang kinikilala niyang kapatid na babae ay mas matagal pa pala nitong kasintahan kaysa sa kaniya. Bukod sa panlolokong iyon pinagtangkaan pa ang buhay niya. Tinapon siya pinakamalalim na parte ng dagat. Sa kabutihang palad nakaligtas siya, ngunit napadpad naman siya sa pinaka-delikadong lugar. Ito ay ang teritoryo ni Knox Wolthorn ang leader ng Dreadblood Consortium the most bloodthirsty organization. Ang lalaking pumapatay na walang pag-aalinlangan lalo na kung wala kang pakinabang. Naka-survive siya sa unang kapahamakan sa kamay ng mga akala niya pamilya, ngunit dito kaya sa teritoryo ni Knox Wolthorn makakalusot kaya siya? Bibigyan kaya siya ng tsansa ng lalaking magpatuloy sa buhay? What if sa lalaking ito pala niya matatagpuan ang tunay na pagmamahal? Magtitiwala kaya siya ulit?
Romance
1013.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Don’t Mess With Me

Don’t Mess With Me

LEXIE ZIMMERMAN- Isang simpleng babae na puno ng dignidad, nangangarap ng isang simpleng buhay na may kapayapaan ngunit mahirap para sa kan’ya na makaalis sa poder ng mga Terorista. Ang unang misyon ni Lexie ay patayin si Cedric ngunit dahil sa maling impormasyon na natanggap niya, nabigo ang kanyang misyon. Sa halip na patayin si Cedric, iniligtas pa niya ito. Idineklarang traydor sa kanilang grupo ang dalaga, dahilan kung bakit gusto siyang patayin ng mga kasamahan niyang terorista. CEDRIC HILTON- Sa edad na 34 ay naging matagumpay sa buhay, siya ang batang bilyonaryo na naging Governor ng Montenegro City. Naging obsessed sa babaeng nagligtas ng kanyang buhay. Hindi tumigil ang binata sa paghahanap sa dalaga hanggang sa natagpuan niya ang pamilya nito. Pwersahan niyang ipinakasal sa kanya ang dalaga, ngunit isang pagkakamali ang naging desisyon ng binata dahil ang babaeng pinakasalan nito ay ang identical twin ni Lexie, si Chloe Tanner. Ano ang gagawin ni Cedric kung malaman niya na ang babaeng kinahuhumalingan ay isang Terorista? May pag-asa pa bang magkatuluyan ang dalawa, gayong kasal na ang binata sa kakambal ni Lexie? Ano ang mangyayari kapag nagsama sa iisang bubong ang supladong Governor at ang makulit na dalagang Terorista? Siguradong babaligtad ang mundo mo dito. Samahan n’yo akong pasukin at tuklasin ang mundo ni Lexie Zimmerman at Cedric Hilton sa “Don’t Mess with Me.”
Romance
1017.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE

LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE

Dala ng kahirapan ay napilitan si Sabrina na huminto sa pag-aaral at maghanap ng trabaho. Dobleng dagok ang dumating sa buhay niya nang sunod-sunod na mamatay ang kanilang mga magulang, at biglang paglaho ng kaniyang kapatid. Kailangan niyang maghanap ng trabaho para buhayin ang sarili at para makapag-ipon ng pang-tuition sa susunod na pasokan. She ended up applying for an assistant secretary in one of the biggest entertainment companies of the country. And her boss is no other than Mr. Jackson Samaniego, the dubbed Devil Incarnate in the business industry. Masama ang ugali, palaging galit at higit sa lahat siya ang palaging pinag-iinitan nito. Pero kahit na gano’n ay pilit na iniintindi ni Sabrina ang amo dahil hindi naman lingid sa kaalaman nila ang nangyari sa asawa nito, at talagang kapit siya sa patalim. Pero paano kung isang pangyayari ang babago sa ikot ng mundo nila? Kakayanin kaya ni Sabrina ang hagupit ng galit nito? Kakayanin niya bang manatili sa tabi nito at pilit na ayusin ang pira-piraso nitong puso?
Romance
1016.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

Sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Don. Rafael at napadpad siya sa kabundukan ng Sierra madre. Tinulungan ng dalagang taga bundok ang matandang Don ngunit ng araw ding iyon ay binawian ng buhay ang may sakit nitong lola. Sa pagkamatay ng matanda ay isang lihim ang natuklasan ni Don. Rafael tungkol sa pagkatao ng dalagang nagligtas sa kanya. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay inampon ng matanda ang dalaga. Ang tanging paraan na naisip ni don Rafael upang ma-protektahan ang dalaga laban sa angkan niyang ganid sa salapi ay maikasal ito sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay si Don. Rafael at inihabilin niya ang lahat sa isa nitong apo na si Alexander lll. Labis na nagimbal ang lahat dahil sa huling testamento na iniwan ng matanda at iyon ay kailangang pakasalan ni Alexander ang asawa ng kanyang Abuelo para makuha ng binata ang kanyang mana. Zanella Smith- isang inosenteng babae na lumaki sa kabundukan ng Sierra madre. Isang malaking katanungan para sa lahat ang kanyang pagkatao na tanging si Don. Rafael lang ang nakakaalam. Alexander lll- kilala ng lahat bilang suplado at masama ang ugali ngunit sa pagdating ni Zanella ay biglang nagulo ang noo’y tahimik na buhay ng binata. Paano kung sa huli ay malaman ni Alexander na ang lahat ng yaman na mayroon sila ay napunta sa pangalan ng asawa ng kanyang Lolo, kay Zanella, masunod kaya niya ang habilin ng kanyang Abuelo na kailangang protektahan ang dalaga na ngayon ay asawa niya o katulad din siya ng iba niyang kamag-anak na walang ibang ni nais kundi ang mawala sa landas nila ang dalaga upang mabawi ang yaman na nasa pangalan nito? “Ito ang ikatlong yugto ng kwentong Behind Her Innocence…”
Romance
1011.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
A KISS FROM A MAFIA LORD

A KISS FROM A MAFIA LORD

Isang simpling pamumuhay ang mayroon s'ya ngunit nagulo ang lahat ng biglang dumating sa buhay n'ya ang isang lalaki at sapilitan s'yang kinuha para dalhin sa bahay nito. Gusto n'yang tumanggi ngunit paano n'ya gagawin iyon kung nakakawala sa huwisyo ang kagwapohang taglay nito. Kaya n'ya kayang labanan ang taglay nitong karisma kung sa umpisa pa lang ay parang hinihigop na ng mga mata nito ang kan'yang buong kaluluwa? Paano kung sa pagsama n'ya rito ay may matutuklasan s'ya tungkol sa kan'yang pagkatao? Ano ang mestiryo na dala ng lalaki na kumuha sa kan'ya? Kakayanin n'ya kaya ang kan'yang matutuklasan?
Mafia
1012.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Husband's Vengeance

A Husband's Vengeance

Amadeus Hassan, isang mabait at mabuting asawa ni Venice Banville Hassan. Masaya at makulay ang kanilang pagsasama noong una subalit noong mangyari ang isang aksidente na bumawi sa kakayahan niyang makapaglakad at makapagsalita, lumabas ang totoong kulay ng kaniyang asawa at biyenan. Inapi, inalipusta at nagawa pa siyang pagnakawan ng yaman ng mga taong higit niyang pinagkakatiwalaan. Buong akala niya'y wala na siyang patutunguhan subalit nakilala niya ang dalaga na nag ngangalang Lucine Verine, isang katulong sa kanilang mansyon na nakatalagang mag-aalaga sa kaniya. Ngunit sa likod ng inosente at maamo nitong mukha, sinong mag-aakala na ito ang magiging dahilan upang makabangon sa pagkakadapa si Amadeus Hassan na handang balikan ang mga taong umapak sa kaniya at ipatikim ang ganti ng isang api.
Romance
1010.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Unwanted Wife's Second Chance

The Unwanted Wife's Second Chance

Sa ika-dalawang anibersaryo ng kasal ng mag asawang Enrico Dela Muerte at Carmina Ocampo ay parehas silang may gustong sabihin sa isa’t isa. Hindi pinairal ni Carmina Ocampo ang kasabihang ‘ladies first’ sa kadahilanan na gusto niya munang marinig kung ano ang inihandang surpresa ng kaniyang asawa para sa kaniya. Subalit, biglang naghain ng divorce si Enrico na sobrang ikinagulat ni Carmina. Ikinagulat ito ni Carmina sapagkat, gano’n ba kabilis? Gano’n lang siya kabilis bitawan ni Enrico? Tumulo ang luha ni Carmina habang hawak sa kaniyang kamay ang isang pregnancy test sheet na nasasabik niya sanang ibabahagi kay Enrico para sa kanilang anibersaryo. Dahilan sa halo halong emosyon na nararamdaman ni Carmina ay hindi na niya naiwasang itanong kay Enrico kung paano kung sabihin niya na magkakaroon na sila ng anak? Ngunit hindi inaasahan ni Carmina ang naging sagot sa kaniya ni Enrico---bumalik na ang totoong minamahal ni Enrico. Makalipas ang ilang buwan, habang tinatahak ni Carmina ang kalsada upang tumawid, naramdaman niya ang kakaibang sakit ng tiyan niya kaya bigla siyang napahinto sa paglalakad, ‘manganganak na ata ako’, wika niya sa kaniyang sarili. Eksaktong hinto ni Carmina ay siya namang naramdaman niya ang sakit mula sa pagkabunggo ng isang sasakyan sa kaniya. Eksaktong kasal ni Enrico at siya ay nasa simabahan nang mabalitaan ang nangyari kay Carmina at agad itong lumisan. Humahangos, nakarating siya sa ospital kung saan dinala si Carmina at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita---DUGO! Nababalot ng dugo si Carmina at kitang-kita niya itong naghahabol ng hininga at paulit-ulit na sinasambit, ‘Pakiusap, pakiusap, iligtas n'yo ang anak ko.
Romance
1014.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Among The Laurente

Among The Laurente

Latina Carrie Tavera, isang college student na pasaway. Date dito, date kung saan-saan. She's a playgirl who doesn't care on everything. Maraming nagkakagusto sa kanya at kasama na roon ang magpinsang Laurente. Dahil sa likas na pasaway si Carrie ay hinayaan niyang manligaw ang dalawang magpinsan sa kanya kahit alam niyang hindi ito maganda sa paningin ng iba. The Laurente cousins do everything to win Carrie's heart, pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Paano nila makukuha ang puso ni Carrie kung may ibang nakakuha ng atensyon nito. That night, Carrie can't stop her body and heart from giving herself to that stranger, not knowing that the stranger is Laurente Cousins' single uncle and their soon-to-be professor.
Romance
108.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
THE GOVERNOR

THE GOVERNOR

Jewelry Hilton, the secretary of Governor Monti. Rich and arrogant man, pero hindi lang pagiging sekretarya ang trabaho ni Jewelry. Dahil sa malaking offer na per, na talaga namang nakakasilaw para sa isang taong dumadaan sa matinding pangangailangan. Jewelry immediately settled the contract, na hindi naman niya inaasahang dahil sa kalibugan ni Monti at pagnanasa na maangkin siya ay nagawa siya nitong linalangin, at mapapirma sa kontratang magiging isang masamang bangungot sa buhay niya. She also had to give pleasure to the Governor. Dahil sa katangahan niya hindi lang dignidad ang nawala sakaniya kundi pati narin ang long time partner niyang hindi na nga niya nabibigyan nang oras ay nasaktan pa n'ya. Lumambot kaya si Monti sakaniya sa katagalan, o patuloy parin itong magiging matigas at babalewain lang ang nararamdaman niya?
Romance
1014.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1920212223
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status