Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire’s Secret Bride

The Billionaire’s Secret Bride

Akala ni Bhemzly Acson ay habambuhay siyang untouchable. Lahat ay kayang paikutin, kayang tapakan—pati si Jack Devera, ang tahimik at simpleng lalaking minsang naging laruan ng kanyang kabataan. Ngunit paglipas ng panahon, bumaliktad ang mundo. Ngayon, si Jack na ang nasa itaas—isang respetadong billionaire na hindi lang ubod ng talino, kundi kontrolado rin ang halos lahat… kasama na ang kapalaran ni Bhem. At sa isang kasunduang wala siyang takas, napilitang tanggapin ni Bhem ang papel bilang asawang-kontrata ng lalaking minsan niyang sinaktan. Ang hindi niya alam, hindi lang paghihiganti ang dahilan ni Jack. Sa ilalim ng malamig nitong anyo, may lalaking matagal nang may pagtatangi sa babaeng nang-api sa kanya noon. At bang kasunduang ito, ay hindi lang para turuan siya ng leksyon—kundi para protektahan siya, ilayo sa mas malaking kapahamakan, at muling kilalanin ang pusong dati’y binasag. Ngunit sa pagitan ng galit at pag-aalangan, unti-unti ring lumilitaw ang tunay na kulay ng bawat damdamin. Kapag ang poot ay nagsimulang tumiklop sa harap ng muling pagtibok ng puso—may pag-asa pa bang maging totoo ang isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? Isang kwentong puno ng emosyon, sikretong hindi inaasahan, at isang lalaking kahit may sugat sa nakaraan—ay piniling mahalin pa rin ang babaeng naging dahilan nito.
Romance
10992 viewsOngoing
Read
Add to library
My Ella

My Ella

Ma. Zaira Cailles
Is cheating a choice or a mistake? Sabi sa "Wikipedia" cheating generally describes various actions designed to subverb rules in order to obtain unfair advantages. It is also define as infidelity at madami pang iba. Pero ikaw as a person do you see yourself cheating to the one you love? Dahil sa kanya mo nahanap ang wala sa present partner mo? Or Nagsasawa ka na dahil sa tagal n'yong magkarelasyon naging, dull na ang lahat at nawala na ang "spark" sa pagitan n'yong dalawa. Sino ang dapat sisihin? Ang taong nawalan ng oras o ang taong naghanap ng iba? Zander Alvarez isang binatang nabighani sa karisma ni Michaella Tan. Nagkrus ang landas ng dalawa sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging malapit sa isa't isa at hindi naglaon ay mas lumalim ang kanilang pagiging magkaibgan at nauwi sa hindi inaasahang pagkakaintindihan. Pinagtagpo ang dalawa ng tadhana sa maling panahon at maling pagkakataon. Maitatama pa kaya ng dalawa ang mga pagkakamali ng pinagbabawal na relasyon? Tama bang ipagpatuloy ang isang relasyong sinira ng tukso at kasinungalingan? Ipagpapalit mo ba ang sampung taong relasyon sa isang walang kasiguraduhan na pagmamahalan?
Romance
3.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Most Whipped Husband after Divorce

Most Whipped Husband after Divorce

Umalis si Juliette at iniwan ang kambal na anak at asawa na binuhusan niya ng anim na taon ng buhay niya ngunit binalewala lamang ng mga ito. Sa kanyang pagbabalik, isang bagong Juliette at bagong identity na ang makikita. Ngunit dala niya ang alaala ng nakaraan. Inakala niya na balewala lamang siya sa asawa. Ngunit bakit ngayon ay hinahabol-habol siya nito?
Romance
10316 viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Sa isang marangyang hotel sa gitna ng lungsod, natagpuan ni Lily May Salvador ang panandaliang paglimot sa sakit ng pagtataksil ng kanyang asawa—sa bisig ng isang misteryosong estranghero. Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay sa kanila, isang sandaling hindi niya inasahang mag-iiwan ng panghabambuhay na marka. Ngunit bago pa sumikat ang araw, pinili niyang lumayo, dala ang isang lihim na babago sa kanyang buhay. Siya ay buntis. At hindi lang isa—triplets ang kanyang dinadala. Sa paglipas ng mga taon, matagumpay niyang itinaguyod ang kanyang mga anak, malayo sa anino ng kanilang ama. Ngunit isang araw, bumalik ang kanyang dating asawa, desperadong humihingi ng pangalawang pagkakataon. Kasabay nito, isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naganap—ang pagbabalik ng lalaking hindi niya kailanman nakalimutan, ang tunay na ama ng kanyang mga anak. Pareho silang may nais. Ngunit sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, sino ang dapat niyang piliin? Ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso, o ang estrangherong itinakda ng tadhana para sa kanya?
Romance
10451 viewsOngoing
Read
Add to library
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)

Si Sheids Noah Fawzi ay isang tagapagmana ng isang malaking kumpanya sa Turkey pero nilisan ang bansa at pamilya upang i-pursue ang pangarap na maging teacher sa Pilipinas, sa bansa kung saan lumaki ang kaniyang Filipina na ina. Nag-iisang anak ito na lalaki kaya ang pangarap ng ama nitong Turkish siya itong magpapatuloy ng legacy ng kumpanya ng pamilya. Pero ang passion niya sa pagtuturo na nakuha niya sa side ng ina ay mas malakas kaysa hatak ng pagiging business minded sa side ng ama. Sa Polaris University ito nagta-trabaho as Mathematics' Professor, Calculus major. Ang isang taon na balak lang nitong pananatili sa bansa ay naging tatlong taon, at dinagdagan nang makilala si Astherielle Zuluetevo, ang kauna-unahang estudyante nitong pumukaw sa atensiyon niya. Napakagandang babae sa kabila nang pagiging simple. Pumasok ito sa klase niya sa suot na hindi pa niya nakikita sa mga estudyante sa University, naka-oversized t-shirt, baggy pants at rubber shoes. Si Astherielle ay ilang buwan pa lang na nakalalabas ng facility dahil na-diagnosed siya ng kakaibang sakit, nymphomaniac. Doon nanatili sa loob ng dalawang taon para magpagaling. Nang makompleto ang gamutan, gumaling, lumabas at nagpatuloy sa buhay. Pero nang makilala niya ang guwapo at kakaibang Professor, may sumasanib na naman rito na kakaibang kaluluwa. Sa takot niyang bumalik ang dating sakit, bumalik siya sa pag-inom ng anti-depressant na gamot. Sa kabila ng naging sakit, naprotektahan niya ang pagkabirhen sa pamamagitan nang pagiging maingat at maagap. Nilabanan niya ang sakit gamit lahat ng makakaya niya noon, at iyon uli ang gagawin niya kung sakaling balikan siya ng sakit. Isang gabi ay nalaman ng Profressor ang katago-tago niyang sekretro. At hindi niya inasahan kung paano siya nito tinulungan at pinrotektahan sa mga tao at sa mundong mapanganib. Ang unang lalaki na rin na pagbibigyan niya ng sarili.
Romance
1019.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
Romance
9.96.9K viewsOngoing
Read
Add to library
CEO's Love Redemption

CEO's Love Redemption

Si Mia na matapang at palaban ay mapapasabak sa isang misyon. Ang misyon na ito ay ang magpapanggap na may relasyon sila sa apo ng Donya, na walang iba kundi ang aroganteng binata na si Matthew Delos Reyes. Napagkasunduan nilang dalawa na gumawa ng kontrata kapalit nito umano ay babayaran siya ng masungit na binata ng limang milyon. At ang pagpapanggap na ito ay magtatagal hanggang sa tatlong buwan lamang. Ngunit ay may lihim na nararamdaman ang dalaga para sa binata. Ang binata na walang tiwala sa katagang "Pag- ibig". Ang tanong, magbabago ba ang lahat sa loob ng tatlong buwan na ito? Paano kung, alipin parin ito sa isang masamang kasaranan? Matatanggap parin ba niya o tuluyang wakasan ang totoong nararamdaman?
Romance
103.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Boss's Sexy Secretary

The Boss's Sexy Secretary

L.Jane
Ang dati’y mataba at pangit na asawa ng isa sa pinaka mayaman na businessman ay biglang nagbalik bilang sexy at napakagandang secretary ng isang Axle Lee. Dahil sa pagtataksil ng asawa niya ay umalis si Natty upang bigyan ng oras na mahalin ang sarili niya. Pagkatapos ng ilan’g taon ay muli siyang nagbabalik bilang isang sexy at fierce na secretary ng isa sa pinaka kinatatakutang businessman sa buong mundo. Upang makaganti sa dating asawa ay binigyan ni Natty ng offer ang nakakatakot na businessman. She will help him bring Reese down, if he will only accept her as his Secretary.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Mistake Vs Lies

Mistake Vs Lies

Rty
Sa paglipas ng ilang taon ay umasa si Hanna na mapapatawad siya ng kanyang asawang si Dan sa isang kasalanan na lubos lubos na niyang pinagsisihan, at manunumbalik ang dati nitong pagmamahal sa kanya kaya tinitiis niya ang lahat ng pananakit nito sa kanya dahil ang alam niya ay bugso lamang iyon ng galit nito dahil sa nagawa niya. Ngunit nadiskobre niya ang isang kasinungalingang matagal nang inilihim ng kanyang asawa sa kanya na nagpabugso ng matinding galit na naging dahilan ng tuluyang pagkasira ng kanilang pagsasama.
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
A Random Guy I met Turns Out To Be My Husband!

A Random Guy I met Turns Out To Be My Husband!

mooncake_o07
Hindi namalayan ni Sophia na isang taon na pala siyang kasal sa isang lalaking minsan lang niyang nakita at hindi niya kabisado ang buong pagkatao. Ninais niyang matapos ang malamig na pagtrato ng binata sa kanya kaya ginawa niya ang lahat ng paraan upang mahuli ang atensyon ng lalaki ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tuluyan na palang nahulog ang loob ni Sophia sa binata pero nangangamba siya kung paano niya aaminin sa mister ang totoo? Matatanggap kaya niya ang lahat ng ipagtatapat ng misis niya?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2425262728
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status