Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)

Si Sheids Noah Fawzi ay isang tagapagmana ng isang malaking kumpanya sa Turkey pero nilisan ang bansa at pamilya upang i-pursue ang pangarap na maging teacher sa Pilipinas, sa bansa kung saan lumaki ang kaniyang Filipina na ina. Nag-iisang anak ito na lalaki kaya ang pangarap ng ama nitong Turkish siya itong magpapatuloy ng legacy ng kumpanya ng pamilya. Pero ang passion niya sa pagtuturo na nakuha niya sa side ng ina ay mas malakas kaysa hatak ng pagiging business minded sa side ng ama. Sa Polaris University ito nagta-trabaho as Mathematics' Professor, Calculus major. Ang isang taon na balak lang nitong pananatili sa bansa ay naging tatlong taon, at dinagdagan nang makilala si Astherielle Zuluetevo, ang kauna-unahang estudyante nitong pumukaw sa atensiyon niya. Napakagandang babae sa kabila nang pagiging simple. Pumasok ito sa klase niya sa suot na hindi pa niya nakikita sa mga estudyante sa University, naka-oversized t-shirt, baggy pants at rubber shoes. Si Astherielle ay ilang buwan pa lang na nakalalabas ng facility dahil na-diagnosed siya ng kakaibang sakit, nymphomaniac. Doon nanatili sa loob ng dalawang taon para magpagaling. Nang makompleto ang gamutan, gumaling, lumabas at nagpatuloy sa buhay. Pero nang makilala niya ang guwapo at kakaibang Professor, may sumasanib na naman rito na kakaibang kaluluwa. Sa takot niyang bumalik ang dating sakit, bumalik siya sa pag-inom ng anti-depressant na gamot. Sa kabila ng naging sakit, naprotektahan niya ang pagkabirhen sa pamamagitan nang pagiging maingat at maagap. Nilabanan niya ang sakit gamit lahat ng makakaya niya noon, at iyon uli ang gagawin niya kung sakaling balikan siya ng sakit. Isang gabi ay nalaman ng Profressor ang katago-tago niyang sekretro. At hindi niya inasahan kung paano siya nito tinulungan at pinrotektahan sa mga tao at sa mundong mapanganib. Ang unang lalaki na rin na pagbibigyan niya ng sarili.
Romance
1019.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Flash Marriage with the Mad Genius Doctor

Flash Marriage with the Mad Genius Doctor

Dalawang taon nagdusa si Caitlyn Salvante sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Akala niya ay wala ng pag-asang makabalik pa sa kanyang pamilya at dating buhay… Ngunit nailigtas siya. Sa muling pagbabalik ay binigla siya ng balitang ikakasal na ang lalakeng iniibig sa kanyang kapatid na si Fiona. Napagtanto niyang marami ang nagbago, maging ang pakikitungo ng kanyang mga magulang at dalawang kapatid. Pinandirihan at kinasuklaman sa isang bagay na hindi naman niya ginusto. Pakiramdam ni Caitlyn, isang malaking pagkakamali ang muling bumalik sa kanyang pamilya kaya umalis siya at palihim na pinakasalan si King Ezekiel Sanchez, isang doctor at tiyuhin ng dating nobyo na si Jude Gonzales.
Romance
106.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Return of the Unwanted Son-in-law

The Return of the Unwanted Son-in-law

r.ljndr
Si Dravis Salazar ay ipinagkasundong ipakasal sa unica hija ng mga Gomez may limang buwan na ang nakalilipas. Kapwa galing sa mayamang pamilya sa bayan ng San Simon ang dalawa ngunit isang eskandalo ang sisira sa reputasyon ng pamilya ni Dravis, dahilan upang apihin siya ng mga Gomez. Lahat ay kaniyang gagawin para ipaglaban ang pag-iibigang tunay nila ni Calista, ang babaeng noon ay ipinagkasundo lang sa kaniya. Ngunit sapat nga ba iyong dahilan para manatili siya o kailangan niya munang lumisan para makapaghanda sa totoong laban? All rights reserved 2022.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Boss's Sexy Secretary

The Boss's Sexy Secretary

L.Jane
Ang dati’y mataba at pangit na asawa ng isa sa pinaka mayaman na businessman ay biglang nagbalik bilang sexy at napakagandang secretary ng isang Axle Lee. Dahil sa pagtataksil ng asawa niya ay umalis si Natty upang bigyan ng oras na mahalin ang sarili niya. Pagkatapos ng ilan’g taon ay muli siyang nagbabalik bilang isang sexy at fierce na secretary ng isa sa pinaka kinatatakutang businessman sa buong mundo. Upang makaganti sa dating asawa ay binigyan ni Natty ng offer ang nakakatakot na businessman. She will help him bring Reese down, if he will only accept her as his Secretary.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
WANTED MR. GROOM

WANTED MR. GROOM

Fiercelywrites
Si Cally Del Silvia ay kilala bilang isang dalagang arogante ngunit mapagmahal na apo sa kanyang Lolo Frederico. Dahil nag-iisa lang na apo si Cally sa kanilang pamilya ay sapilitan na siyang pinag-aasawa ng kanyang Lolo base sa kanyang tipo. Dahil dito, nakaisip si Cally na mag-hire ng lalaking willing magpabayad sa kanya para maging groom. Makikilala ni Cally si Vin Lycan Devarra na siya palang magiging solusyon sa problema niya. Si Vin ang lalaking ipapakilala ni Cally sa kanyang Lolo upang mapangasawa. Ngunit, paano kung si Vin pala ay may lihim na totoong pagkatao? Matanggap kaya ito ni Cally? May mamuo kayang pagmamahalan sa pagitan nila kung simula umpisa pa lang alam na nilang kasinungalingan lang ang lahat?
Romance
104.3K viewsOngoing
Read
Add to library
His Heart Series 2:His Stone Heart

His Heart Series 2:His Stone Heart

Nanganganib na mawalan ng trabaho si Chrissa dahil sa papalugi na ang kompanyang kanyang pinapasukan. Isa siya sa mga nagsusulat para sa isang magazine na sa bawat labas ng bagong edition ay laging mababa ang benta. She doesn't want to lose her job. All she needs to do is to write something that would catch everyone's attention and urge them to buy their next magazine issue. She needs to find someone whom she can feature on her next article... someone like— Trace Dela Serna. Trace is a well-known businessman. Kilalang-kilala ito dahil sa yamang mayroon ang pamilya nito. Laman din ng mga balita noon ang lalaki dahil sa kinasangkutang kontrobersiya ilang taon na ang nakararaan. Namatay sa isang engkuwentro ang kasintahan nito at walang sino man ang nakaaalam kung ano ang dahilan ng barilang naganap. Naniniwala si Chrissa na gumamit ng koneksiyon at yaman ang mga Dela Serna upang hindi malaman ng media ang dahilan ng mga nangyari. Ni walang nagtagumpay na makuhanan ito ng panayam. At iyon ang gusto niyang magawa— si Trace ang nais niyang maging paksa sa sunod na article na kanyang isusulat. Kung sakaling maisiwalat niya ang dahilan ng pagkamatay ng kasintahan nito, baka sakaling tumaas ang kita nila. She thought it would be easy, pero hirap siyang makapanayam ang kampo ng binata. Dahilan iyon para mag-isip siya ng ibang paraan upang makalapit dito at makakuha ng mga impormasyon— Chrissa applied as Mat-Mat's nanny, ang limang taong gulang na anak ni Trace. Magagawa niya bang alamin ang sikretong nakabalot sa pagkatao ni Trace? Will she be able to make him agree for an interview? O sadyang siya ang mahihirapang makasama ang binata sa iisang bubong dahil sa pag-uugaling mayroon ito? Can she ever tame... his stone heart?
Romance
107.5K viewsCompleted
Read
Add to library
My Husband's Hidden Heart

My Husband's Hidden Heart

"A happy girlfriend is a happy life." Iyan ang isa sa mga motto na pinaniniwalaan ni Alexandra Bautista o mas kilalang Alex. Dahil sa sampung taon niyang relasyon kay James Alexander Lopez, ay naging masaya siya. Ngunit ang sayang naramdaman ay napalitan ng pagdududa. Pinilit niyang unawain at huwag bigyan ng kahulugan ang kanyang mga naririnig sa paligid, at piniling pagkatiwalaang muli ang fiance. Ngunit ang pagdududa ay mas lalong napagtibay nang dumating sa buhay nila ang isang babae. Isang babae na tiyak niyang sisira sa sampung taon niyang masayang relasyon sa fiance na si James. Ano ang dapat niyang gawin? Bibitaw na ba o kakapit pa at muling bigyan ng pagkakataon ang sinisinta? Ano naman ang gagawin niya kapag malaman niyang siya ay nagdadalang tao? Paano haharapin ni Alex ang lahat ng pagsubok na darating sa kanyang buhay? Mahahanap kaya niya ang pagmamahal na deserve niya sa taong kanyang iniirog o sa iba niya mahahanap ang pagmamahal na iyon?
Romance
9.241.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire EX-BOYFRIEND

My Billionaire EX-BOYFRIEND

RATED SPG! Ilang taon na simula nang magkahiwalay si Klarisse at Michael, kaya nang magkita silang muli ay hindi na nagtaka ang dalaga sa pakikitungo sa kanya ng lalaki. Gusto n'yang makabawi rito kaya ginawa n'ya ang lahat mapalapit lang uli sa binata. Maipagpatuloy kaya nila ang pag-iibigang naudlot kung isang antipatiko at preskong lalaki na ang Michael na minahal niya dati?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Heir's Revenge

The Heir's Revenge

Skycosine
Ilang taon nagtiis si Jesse sa puder sa tita at pinsan niya na todo ang pagpapahirap sa kan'ya kaya tumakas ito at nagtrabaho sa club at doon niya nakilala si ML na isang bilyonaryong lalaki na kayang tumulong sa kan'ya para sa paghihigante sa mag-ina. Tulong nga lang ba ang maibibigay ni ML o pati ang pagmamahal na minsan lang niya ipagkatiwala?
Romance
627 viewsOngoing
Read
Add to library
My Secret Benefactor

My Secret Benefactor

Sampung taon na ang nakakaraan ng mangyari sa pamilya ni Zari ang isang malagim na trahedya. Pinatay ang kanyang mga magulang sa hindi niya mawaring kadahilanan. Hustisya. Iyon ang nais ni Zari para sa kanyang mga magulang. Kung hindi ito kayang lutasin ng awtoridad, siya na ang kikilos para makamtan ito. Along her journey to find justice, may isang tao na palihim siyang tinutulungan. Sino kaya ito? Ano kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Zari? Makakatulong kaya ito para makuha ni Zari ang hustisya na kanyang ninanais?
Mafia
622 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status