Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Runaway Bride: Captured by the Billionaire

Runaway Bride: Captured by the Billionaire

Tatlong taon siyang naging mabuting asawa. Pero sa gabi ng pinaka madilim na sikreto, natuklasan ni Zoe Salvador na hindi pala siya ang mahal ng asawa niyang si Elijah Alcantara, kundi ang hipag pa nito. Sa halip na umiyak, tumalikod siya. Iniwan ang lahat—ang kasal, ang sakit, ang taong minahal. At sa paglayo niya, nakilala niya ang lalaking tunay na handang tumindig para sa kanya. Si Luther Chavez. Isang bilyonaryong lalaki… at sa kanilang pagkikita, nagsimula ang bagong kabanata ng kanyang buhay. Ngayon, habang siya’y nagdadalang-tao, bumalik ang ex niyang lumuhod sa harap niya. Ngunit huli na. Dahil ang babaeng minsang iniwan, ngayon ay may bitbit na bagong buhay at sa isang lalaking handang ipaglaban siya. Ngunit may pag asa pa kayang bumalik ang dati nilang pagsasama?
Romance
99 viewsOngoing
Read
Add to library
My gay husband (TAGLISH)

My gay husband (TAGLISH)

High school palang ay crush na crush na ni Trixie si Ken kahit na alam niya ang secreto nito, na isang bakla si Ken. Maraming babae ang nagkakagusto pero ang di nila alam na kagaya nila, lalaki rin pala ang gusto ni Ken. Nang maka graduate sila ng college ay napilitan si Ken na pakasalan si Trixie dahil sa mga magulang nila, labag man sa kalooban niya ay pumayag siya kahit na may kasintahan na itong lalaki. May pag-asa kayang magkagusto ang isang bakla na kagaya ni Ken sa babaeng pinakaayaw niya sa lahat? Ilang taon pa kaya ang dadaan bago pa ma-realized ni Ken kung gaano siya kamahal ni Trixie? Lagi nalang ba silang parang aso at pusa na laging nag aaway?
Romance
1011.3K viewsCompleted
Read
Add to library
RUNAWAY HEIRESS: THE BILLIONAIRE'S DESIRE FOR ME

RUNAWAY HEIRESS: THE BILLIONAIRE'S DESIRE FOR ME

Bilang panganay na anak ng isa sa mga pinakakilalang negosyante sa buong bansa, hindi kailanman inakala ni Serene Isla Alonte na masasasangkot siya sa isang iskandalo, isang gabing puno ng pagnanasa kasama ang lalaking hindi man lang niya kilala! At ang mas masahol pa, ang isang gabi na iyon ang naging dahilan ng lahat. Nabuntis siya, at dahil doon, tinanggal siya ng ama sa posisyon bilang legitimate heiress at pinalayas mula sa kanilang tahanan. Lumipas ang ilang taon mula nang umalis siya patungo sa ibang bansa. Ngayon, bumalik si Serene sa Pilipinas kasama ang kanyang kambal na anak upang magsimula ng bagong buhay. Ngunit hindi niya inaasahan na muling babalik ang bangungot ng kanyang nakaraan nang makilala niyang muli si Ethan Davison, ang lalaking walang kamalay-malay na sumira sa kanyang buhay noon, at ngayon ay isa sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas! At ang pinakamasaklap pa, si Ethan na ngayon ang magiging boss niya sa opisina! “Mr. Ethan Asher Davison, please mind your behavior in the office!” mariing sabi ni Serene habang matalim ang kanyang tingin. Napangisi ang lalaki, halatang naaaliw sa reaksyon ng babae. “This is my company. Tell me, who can stop me, Serene, hmm?” sagot ni Ethan na may halong mapang-asar na ngiti. Ramdam ni Serene ang unti-unting pagbalik ng tensyon sa pagitan nila, ang tensyong ilang taon na niyang pilit nilimot. Ngunit ngayong muli silang nagtagpo, tila muling nabubuhay ang apoy na matagal na niyang pinatay sa kanyang puso. Si Ethan na ba ang magiging gamot sa sugatang puso ni Serene gayong isa rin ito sa dahilan kung bakit siya nasaktan noon?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

red_berries
Sa loob ng sampung taon na magkasintahan si Elle at Franz, nauwi ang lahat sa hiwalayan, dahil sa isang babae na isang kaibigan lang daw. Alam ni Elle na mabait at maunawain ang kanyang nobyo, pero masyadong lumagpas ang pagiging mabait nito na naka-apekto sa kanilang relasyon, siya na naturingan na nobya, pero parang siya pa ang walang karapatan kay Franz. Masakit kay Elle na bitawan si Franz, pero hindi niya hahayaan na masira pa lalo ang buhay niya kung laging pagdadahilan ang maririnig niya mula sa bibig ni Franz. Nagpakalayo at napadpad sa isang tahimik na lugar si Elle para lubos na makalimutan si Franz, at para na rin doon ibuhos ang lahat ng sakit, pero hindi rin pala niya magagawa dahil sa isang mala-yelong pagkatao ng isang lalaki na makakasama niya sa isang bahay, hindi naman siya pinanganak na mayaman kaya kailangan niyang mangupahan. Ang akalang kalmado at walang sakit sa ulo na tahanan ay magiging mahirap para kay Elle, dahil sa ugali ni Jack, ang kasama niya sa bahay. Kung si Elle ay mayroong liwanag kahit pa nasaktan ito, si Jack ang nagpapawala no'n dahil sa hindi sila magkasundong dalawa sa lahat ng bagay sa iisang bubong. Away dito, away doon ang ginagawa nila araw-araw. Tuluyan kayang maghilom ang sugatan na puso ni Elle, o mas lalong hindi, dahil kay Jack? Paano na lang kung isang araw sa kagustuhan na mag-move-on ni Elle kay Jack na tumitibok ang kanyang puso? Ang isa pang malaking rebelasyon, paano kung malaman ni Elle na isang bilyonaryo pala si Jack na nagpapanggap na mahirap para sa isang misyon?
Romance
636 viewsOngoing
Read
Add to library
Today Until Forever

Today Until Forever

yourpurpleXhie
Si Serenity Delpino ay isang pihikan at bitter na dalaga. May trust issues siya because of her past relationship and past experience. Hanggang sa umeksena sa buhay niya ang isang richman and womanizer na si Braiv Jexon Velazco. Ang dating tahimik at simpleng buhay niya ay magbabago. Paiibigin siya ng lalaking una pa lang ay kinaiinisan niya na. Pagkatapos niyang mapaibig ay masasaktan siya dahil malalaman niyang ang lahat ng ito ay planado lamang ni Braiv. Muli na namang masisira ng isang lalaki ang tiwala niya at mangangako siya sa sarili na hinding hindi na magmamahal pang muli. Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay pagtatagpuin na naman sila ng mapaglarong tadhana. Madidiskubre niyang si Braiv ay parte pala nang nakalimutan niyang nakaraan, her childhood memories. Madudugtungan pa ba ang naudlot nilang istorya? Posible pa bang magmahal ang babaeng hindi na naniniwala sa tunay na pag-ibig, o may pag-asa pa ba talagang magbago ang lalaking walang planong magseryoso at magmahal?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss

One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss

Dahil sa labis na kabiguan sa pag-ibig, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa buhay ni Freya at iyon ay ang ipagkaloob ang isang sarili sa estranghero. Handa na sana niyang ibaon sa limot ang pangyayaring iyon kaya lang ay muling nagkrus ang landas nila ng lalaking iyon dahil siya pala ang CEO ng kanilang kumpanya na ni minsan ay hindi pa niya nakikita sa loob ng dalawang taon na pagtatrabaho niya roon. Ang masakit pa ay tandang-tanda siya nito at hindi lang iyon, kinuha siya nitong personal na sekretarya ngunit front lang pala nito iyon para mapalapit sa kaniya. Mukhang wala itong balak na basta na lang kalimutan ang gabing namagitan sa kanila. Sa likod ng pagiging boss at sekretarya ay may isang relasyon ang mabubuo sa pagitan nila. Pero paano kung sa kalagitnaan ng relasyon nila ay bigla na lang silang subukin ng tadhana dahil maaksidente si Dalton at hindi na siya maaalala? Paano niya magagawang harapin ang sitwasyon lalo pa at buntis siya?
Romance
1032.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The 125-Year-Old Wife

The 125-Year-Old Wife

Zanicolette
Ano kayang reaksyon ng ninuno natin kung mapunta sila sa 2020?Taong 1895.Isa ako sa mga batang namulat sa digmaan ng mga Pilipino at Amerikano. Nang lumaki ako, ipinagkasundo ako sa lalaking kalauna'y inibig ko rin, si Isagani. Ngunit sa hindi inaasahan, nagkasala s'ya sa batas at ipinapatay. Dalawang taon din ang lumipas, akala ko ay tuluyan na akong ikakasal sa lahing Amerikano...Ngunit nagkamali ako, dahil isang araw namulat ako sa ibang panahon at nalaman kong ikinasal na ako. Ikinasal sa lalaking nagmula sa taong 2020.
108.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Cold Hearted Gangsters

The Cold Hearted Gangsters

Sa loob ng labing-pitong taon na pamumuhay lumaking ignorante, walang-muwang sa paligid, isip-bata, at kulang sa kaalamang pantao ang dalagang si Alyana. Ang kagandahang taglay at kainosentihan ng pag-iisip nito ay may nakapaloob na mga misteryo sa kaniyang pagkatao. Pero paano na lang kung sa isang iglap ay makawala siya sa bahay na pinaglulungaan niya? Makakaya niya kaya makipaghalubilo sa ibang tao? Lalo na sa mga GANGSTER na kung saan ay babago sa panibagong pamumuhay niya sa labas ng seldang pinagkulungan niya sa loob ng maraming taon.
Romance
1015.6K viewsCompleted
Read
Add to library
I Finally Found You

I Finally Found You

EllHopia
Armea ay isang single mom at mag-isa niyang tinaguyod ang kanyang anak na si Andro dahil sa iniwan siya ng kanyang kinakasama anim na taon na ang nakakalipas. Maayos naman ang kanilang pamumuhay ngunit dumating ang malaking dagok sa buhay niya ang mapatangal siya sa kanyang trabaho at dumagdag pa ang pagkakaroon ng sakit ng kanyang anak na Lukemia. Nakilala niya ang isang Doctor na si Van at inofferan siya nito na gagamutin ang anak kapalit ang pagpapakasal sa kanya. Pumayag siya at nagpakasal nagging magkaibigan sila hanggang sa nahulog ang isa’t- isa. Naging maayos naman ang kanilang pagsasama ngunit guguluhin ito ng dating kinakasama nito na si Brent at ibubunyag niya lahat ng sikreto ni Van kakayanin kaya ni Armea ang kanyang malalaman? Ano kaya ang sekreto ni Van at bakit ngayon lang nagpakita si Brent?
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
DECEIVING LOOKS

DECEIVING LOOKS

RaedPen
Ang mundo ay puno ng karangyaan at kahirapan. Mga katotohanang naka kubli sa kasinungalingan at mga taong nag tatago ng kasamaan at kabutihan. Graciela Hope Villanovo. Ang babaeng mag papakita kung gaano kabilis at kabagal ang ikot ng mundo pag dating sa estado ng pamumuhay ng mga tao.
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status