The CEO's Runaway Wife (Tagalog)
Umupo si Tala sa tabi ni Dro, hawak ang kutsara na mas malaki sa kamay niya, at pinagmasdan ang matanda na may nakakunot na noo.
“Ikaw si Lolo?” tanong niya.
“Oo, hija.”
“May lolo na ako. Si Lolo Mang Ador. Siya ’yung may tricycle.”
Napangiti ang matanda. Isang tunay na ngiti. At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko ang kakila-kilabot: hindi ito halimaw. Isa itong lalaking marunong magmahal, at ginagamit niya ito bilang sandata.