Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Begging Her To Love Me Again

Begging Her To Love Me Again

Anong mas masakit—ang mawalan ng anak o ang makitang masaya siyang inabandona ng sariling ama? Para kay Sabrina, isang hiling lang ng anak niyang si Eliza bago ang operasyon: makasama ang ama nito sa birthday niya. Pero sa halip na saya, iniwan siyang naghihintay... hanggang sa sumuka ng dugo at tuluyang lumisan. Ngayon, habang yakap ang abo ng anak, pinanood niyang binuhos ni Elijah ang pagmamahal sa anak niya sa ibang babae. Ngunit paano kung isang araw, bumalik si Elijah na parang walang nangyari—nakangiti, walang bahid ng pagsisisi? Mananatili bang tahimik si Sabrina, o oras na para iparamdam sa kanya kung anong pakiramdam ng maiwan sa huling sandali?
917 viewsOngoingIdinagdag sa Library 34 Beses bilang love from afar
Read
+Library
Love Me for Who I Am

Love Me for Who I Am

Siya si Danielle, short for Daniella Marasigan Sandoval. Anak mayaman, kung kayat lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Sa katunayan siya ang nag isang anak ni Eduardo Sandovall, ang nagmamay ari ng pagawaan ng mamahaling sasakyan sa bansa. Maganda, mabait at higit sa lahat mapagmahal sa mga taong itinuturing siyang pamilya. Isa lang ang kulang sa kanyang buhay at ang pinakaasam asam niya, walang iba kundi ang atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama. Lalaki kasi ang gusto ni Eduardo Sandoval na maging anak kung kayat sobra itong nadismaya ng babae ang lumabas noong manganak ang kanyang asawa na si Victoria Marasigan Sandoval. Muntik kasi itong mamatay nang ipanganak siya kung kayat hindi na siya nasundan o di kaya ay nagkaroon pa ng kapatid. Noong kabataan niya ay isa siyang prinsesa ngunit ng nagkaroon ng isip at nalaman ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa kanya ng kanyang ama ay binago niya ang kanyang sarili. Mula sa magagandang bestida ay pinalitan niya ng maluluwang na t-shirts at jeans. Ang laruan niyang manika ay naging barilbarilan at ang pangarap niyang maging model ay naging taga kalikot ng makina ng mga sasakyan. Ang mga activities na kanyang sinasalihan ay para sa mga kalalakihan, kagaya ng karate, taekwando, shooting, motto cross, drag race at kung ano ano pa. Hindi naman iyon sinabi ng kanyang ama bagkus ay sarili niya itong pasya lalo na ng sabihin nito minsan na ayaw niya sa babaeng mahina kung kayat pati ang pagtatago ng emosyon ay praktisado na niya. Ngunit ang lahat ng kanyang effort ay tila hindi nakikita ng kanyang ama, bagkus ay bale wala ang lahat ng ito sa kanya.
1028.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 734 Beses bilang love from afar
Read
+Library
When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

Paano kung malaman mo na ang minamahal mo ay maraming sikreto? Hindi aakalain ni Heaven Langit na magbabago ang buhay niya pagkatapos nang napakalagim na pangyayari sa bar kung saan siya nagtatrabaho. Bilang isang pole dancer ay hindi niya aakalain na darating ang kinakatakutan niya kung saan magkakagulo at maraming tao ang madadamay lalo na't kilalang sikat ang pinagtatrabahuan niya na binibisita ng mga bigating tao. Isang gabi bago ang sakuna, lahat nagbago nang makilala niya si Dark Silva. Isa sa mga pinakamayaman at pinakadelikadong tao sa lugar. Nagkatinginan lang pero iba na agad ang apekto nito kay Heaven hanggang sa napansin niya ang lalaking araw-araw na itong bumibisita sa pinagtatrabahuhan nito at araw-araw na ring may gulong nangyayari. Sa mga titig na pinagsaluhan nila, hindi niya lubos na aakalain na mahuhulog siya sa kadiliman hanggang sa hindi niya namamalayan ay nagugustuhan niya na ang kadilimang ito. Darating ang pag-ibig na siyang hindi nila aakalaing dalawa na pareho silang tatamaan. Mga pangyayaring hindi nila aasahang sabay nilang susuungin. Ang bawat matatamis na luha, mapait na mga tawa at ang nakakalasong pagmamahalan ay siya pa lang magbibigay sa kanila ng labis na tuwa. Bawat pagsubok ay tatanggapin at bawat laban ay hindi uurungan sa ngalan ng kanilang pag-ibig.
105.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 190 Beses bilang love from afar
Read
+Library
Peruvian: The Criminal's Forbidden Love

Peruvian: The Criminal's Forbidden Love

Queenregina1994
What if fate will play two strangers in the most difficult time of their lives? A man who mostly treat killing as a habit and a woman that one's survived death, been saved and now...fate is teasing her life again. What if there's someone wearing a mask of vengeance just to lure her? What if trusting him will make her defeated. Paano ba mahalin ang isang kriminal na gaya ni Peruvian El Fuego? Paano ba magmahal ng totoo? May lalaki pa kayang magmamahal sa babaeng nabalo na at may isang step-daughter na 'sing edad lang niya? Paano kung magiging hadlang din ang estado ng pagkatao at nakaraan nila sa isa't-isa? May puwang pa ba ang salitang 'pagmamahal?' ~ Peruvian El Fuego and Romary Aquisa Jaranilla
105.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 131 Beses bilang love from afar
Read
+Library
Señorito's Love: An Unforgettable Affair

Señorito's Love: An Unforgettable Affair

Hindi malilimutan ni Sofia Mendes ang ganap sa kanyang kabataan .Napahiya siya ng husto dahil sa pagmamahal lang ng isang tao . Minaliit at kinutya ang kanyang pagkatao bilang isang babae . Halos hindi niya makakalimutan ang gabing iyon na siyang simula ng kanyang bangungot.Ang buong akala niya mahal siya ni Zimon Morgan ang haciendero na tagapag mana ng Morgan kompany nag iisa lang itong anak ng mag asawang mala demonyo ang pag uugali . Pero bago pumunta sa ibang bansa si Zimon para layuan siya nagiwan muna ito ng mga salitang magiging dahilan para kamuhian niya ang katulad ni Zimon . ''' isa ka lang sa mga babaeng natikman ko Sofia ,ginamit lang kita dahil lalaki ako at madaling matukso sa tulad mong madaling makuha '' para siyang pinagsakluban ng langit at lupa pagkarinig sa mga salitang iniwan sa kanya ni Zimon . Iniwan siyang may tanong sa kanyang isipan . Nangako itong mamahalin siya kahit ang tingin ng mga magulang ng binata ay isa lamang siyang hamak na hampas lupa at mukhang pera. Napaniwala ni Zimon si Sofia sa matatamis na salita hanggang sa nakuha na niya ang kanyang gusto at bigla itong naglahong parang bula. Taon ang lumipas ng biglang nagpakita sa kanya si Zimon at alukin siya nitong bilang asawa . Ang kinamumuhian niyang lalaki ang siyang magiging asawa niya sa ngalan lamang ng papel. Tatanggapin kaya ni Sofia ang gusto ni Zimon o tanggihan? Paano kung si Zimon pala ang magiging dahilan para mapalapit siya sa taong pumatay sa buong pamilya na meron siya noon. Warning 18+ only may eksenang bawal sa mga 18 pababa .
109.4K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 290 Beses bilang love from afar
Read
+Library
Secretly in love with my brother

Secretly in love with my brother

BOOK 1- SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER BOOK 2- MY ADOPTED BROTHER Lumaki si Dahlia Selena Santillan sa piling ng kanyang dalawang kuya. Isang araw ay bigla na lang tumibok ang kanyang puso sa kanyang Kuya Axel. At doon nagsimula ang kanyang lihim na pagtingin para sa kanyang kapatid. Nalaman niya na half brother pala niya ito. Pilit niyang itinago ang damdamin na kanyang nararamdaman para sa kanyang kuya. Hanggang sa nabunyag ang isang lihim. Hindi pala niya ito tunay na kapatid. Isang gabi ay may namagitan sa kanilang dalawa at inilihim ito ni Dahlia. At dahil sa magulo nilang pamilya ay dinukot sila. At doon nalaman ni Dahlia na may lihim rin na pagtingin sa kanya ang kanyang kuya. Paano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung sa mata ng batas ay magkapatid sila? May pag-asa kaya na magkaroon sila ng happy ending?
1067.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.9K Beses bilang love from afar
Ipakita ang mga Review (29)
Read
+Library
Xienne Gutierrez
Yeeeyyy finally Dahlia you reach your dream....all dreams do come true! Tyaga lng tlga...Ganda next sana nmn may kalaro na Ang kambal at sana kambal din Ang anak nila hehe Happy and Prosperous New Year Author and more brilliant ideas come along your way! God Bless Us All Always. Thanks!
CALLIEYAH JULY
COMPLETED STORIES 1. MY SECRETARY IS A SINGLE MOM 2. MR. BLAKE, THE MYSTERIOUS BILLIONAIRE 3. LOVING, MR. CHEF 4. PROFESSOR'S MAID 5. TRAPPED BY A HOT PROFESSOR 6. LOCK ME IN YOUR HEART 7.HIDING THE MIRACLE HEIRESS 8. MIREYA, THE MIRACLE HEIRESS
Basahin ang Lahat ng Review
LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate

LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate

Leon Aragon, kilala bilang isang cold tycoon, anak ng leader ng isang sindikato at nakatakdang humalili sa posisyon ng kanyang ama. Cacai Alcantara, isang probinsiyanang lumuwas ng Maynila para makasama si Benito, ang kanyang amang kailan lang niya nakilala. Si Benito ay isang negosyanteng malaki ang pagkaka-utang sa organisasyong kinabibilangan ni Leon. Victoria, half-sister ni Cacai at ang babaeng nais pakasalan ni Leon kapalit ng mga utang ni Benito. Ngunit nang malaman ni Victoria na ipapakasal siya sa lalaking hindi niya kilala, tumakas siya bago pa man makaharap si Leon. Sa mismong araw na kukunin na sana si Victoria para sa kasunduan, si Cacai ang nadampot ng mga tauhan ni Leon. Pagdating nila sa mansyon ng lalaki, saka lang nila nalaman na maling babae pala ang kanilang nadala. Habang hindi pa nagpapakita si Victoria, walang nagawa si Cacai kundi ang mananatili sa poder ni Leon bilang bihag nito. Sa paglipas ng mga araw, magkakaroon ang dalawa ng pagkakataong makilala ang isa't isa. Pero ano nga kaya ang pwedeng mangyari kung magsama sa iisang bubong ang dalawang taong magka-ibang magka-iba ang mundo? Isang bihag na naghananap ng kalayaan... ...at isang lalaking sanay sa kapangyarihan. Charot!
10223.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 5.6K Beses bilang love from afar
Ipakita ang mga Review (45)
Read
+Library
Joyce iliw-iliw
HIGHLY RECOMMENDED!! sobrang ganda as in hindi ka maboboring mas ma eexcite ka pa kada chapter, may thrill na talaga namang kakabahan pero pinakaba ka lang ni Miss A haha! and also matatawa ka talaga sa character sobrang galing, kaya basahin mo na wag ka ng mag pahuli pa. The best ka Miss A!
Analyn Bermudez
Ms Kara,,pwede ba wag mo muna tapusin story Nina leon at Iska?? please,wag mo muna madaliin ung stories nila KC anjan palang sa exciting na part,,ngayun plang niya nalaman na si Iska at Cacai ay iisa...sana wag mo madaliin para mas maganda ang ending kagaya Nina doc gray at higit hindi mo minadali
Basahin ang Lahat ng Review
Ex-wife Return: Love Me Again

Ex-wife Return: Love Me Again

Si Avigail ay ikinasal sa isang mayaman, gwapo at matalinong lalaki na si Dominic Villafuerte. Sa tatlong taon nilang kasal, hindi man lang siya tinabihan ni Dominic. Kaya naman, ginamitan niya ito ng drugs para makasama niya ng isang gabi. Matapos iyon ay umalis siya at nag-iwan ng annulment paper para kay Dominic. Umalis siya ng bansa at nag-aral ng husto. Ngunit nalaman niyang siya ay buntis sa triplets. Kahit natatakot, itinuloy niya ang kaniyang pagbubuntis. Iyon nga lang, mahina ang bunso at nag-iisang babae sa triplets at idiniklara itong patay ng ipinanganak. Malipas ang anim na tayo, kinailangan niyang bumalik sa bansa dala ang kambal na kamukha ng ama niyo. Ngunit nalaman niyang may anak ang lalaki na kasing edad ng anak niya. Anak niya kaya ito sa ibang babae? Paano kung malaman ni Avigail na ito ang anak niyang akala niya patay na? Anong kahahantungan ng kanilang relasyon?
10104.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 3.0K Beses bilang love from afar
Read
+Library
I Do Now, Love You Later

I Do Now, Love You Later

maria lopez
A self-proclaimed strong independent woman in her 30's finds herself single and lonely. She has a good friend who is stuck in his past. Together, they will try to battle their emotions as life partners. Will marrying a friend without a feeling bring them the happiness they've always wanted?
1.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 54 Beses bilang love from afar
Read
+Library
In Love With His Brother's Woman

In Love With His Brother's Woman

Ang pagmamahal nila ay walang pinipili. Kayang hamakin ang lahat masunod lamang. Sa mapaglaro na mundo ng pag-ibig, sino ang sa huli ay mananaig? Ang pagmamahal ba mula sa nakaraan o ang pagmamahal sa kasalukuyan? Ang pagmamahal na kayang manindigan, o ang pagmamahal na ipinaglalaban? They were brothers. Brothers who fell in love with the same woman. They both love her at the same time but under different circumstances. And she loved them both at different times in her life. Raven De Ocampo, is entangled between a love from two brothers. A love from her past and a love from her present. Mahal niya ang isa noon, at mahal niya ang isa ngayon. Pero ang magkapatid ay pareho na nagmamahal pa rin sa kan'ya mula noon hanggang sa ngayon. Sino ang sa puso niya ay magwawagi pagsapit sa huli? Mga pusong naghahati-hati sa pag-ibig na hindi kaya na mamili. Mga pusong pinagtagpo-tagpo; Kaninong pag-ibig ang mananaig?
1012.4K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 335 Beses bilang love from afar
Read
+Library
PREV
1
...
4243444546
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status