Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire is Chasing Me After Divorce

The Billionaire is Chasing Me After Divorce

Tatlong taon na ang lumipas mula noong ikasal sila pero hindi pa rin makuha ni Czarina ang pagmamahal at atensyon ni Zayden. Palagi nalang ibang babae at trabaho ang pinipili ng lalaki at tiniis niya iyon. "Let's get a divorce..." sabi ni Czarina matapos siyang pagalitan ni Zayden dahil sa isang aksidente na hindi naman siya ang may kasalanan. Puno ng galit at pagkadismaya ang puso ng babae. Namumutla at nanginginig ito pero ni kamustahin siya ay hindi ginawa ni Zayden, bagkus ay inaway pa siya nito. Doon niya naramdaman na wala lang talaga siya sa buhay ng lalaki. Nagulat si Zayden sa narinig ngunit hindi niya iyon sineryoso, sa pag-aakala na isa lang iyon sa mga kaartehan ni Czarina. Ngunit mula ng araw na iyon ay hindi na umuwi ang babae. Nadatnan nalang ni Zayden na wala na ang mga gamit nito at may pirmado ng divorce papers sa mesa. "Fvck..." Binigyan niya ng ilang araw ang babae sa pag-aakala na babalik din ito. Pero sa ilang beses nilang pagkikita ay unti-unti niyang nare-realize na hindi na babalik sa kanya si Czarina. Nagulat na lamang si Czarina ng isang araw na pumunta si Zayden sa kanya na lasing, mugto ang mata, at nagmamakaawa. "Come back home, please..." he begged. "Let me be your husband again."
Romance
9.7147.7K viewsOngoing
Show Reviews (30)
Read
Add to library
Sue mae
Maganda sana kaso habang tumatagal papangit ng papangit. Yong bida hanggang dulo ata lagi nalang nagiging kawawa. Wala ka man lang nabasa na hindi siya naagrabyado nila chloe at zayden. Nakakaumay basahin
Onria Pulga
sana makabwibawi Naman PO ang Bida para maging masya Naman sya d parte si chloe ang Masaya at nag tatagumpay sarap sbunutan ni chloe inis ako 20 haha tpos yansi zayden bruha dn may narramdaman na dpa umamin dmi kong grrrrr..
Read All Reviews
THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS

THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS

Sa loob ng maraming taon ay pilit na umaasa si Selina Ramirez na mamahalin rin siya ng kanyang asawa na si Zack Miranda. Ngunit nagtapos ang kanilang tatlong taon na pagsasama sa diborsyo. Ang araw ng panganganak ni Selina ay siya ring araw ng kasal ng kanyang ex-husband sa babaeng tunay nitong iniibig. They declared her death after giving birth. Ngunit ang hindi nila alam ay magbabalik siya. At sa hindi inaasahan ay matutuklasan niya ang isang katotohanan. Ang katotohanan na hindi lang pala kambal ang ipinanganak niya five years ago. Kundi tatlo. At kinikilala ina ng kanyang anak ang bagong asawa ni Zack. Ipaglalaban ni Selina ang kanyang karapatan kahit pa makakalaban niya ang kanyang dating asawa. Her Zillionaire's ex-husband na makapangyarihan sa lahat. Mabubuo pa kaya ang triplets? O tuluyan na itong mawawalay sa kanya?
Romance
9.976.5K viewsOngoing
Show Reviews (25)
Read
Add to library
Rachel Dela Vega Matucad
mapapansin tlga ung pagpupursige ng mga bata kng panu nila mahahanap mommy nila nagpapatunay lng kng ganu nila ito kamahal sa pag update nmn wag nmn naten i-pressure ang author sa update cguro may pamilya o trabaho rin ito na klngan nia unahin hindi ganun kadali ang gumawa ng story..just saying...
Gene Darden
Sana yong big revenge ni Selina ay wag ng makipagbalikan kay Zack after malaman nya na may triplets sila... di katangap tangap ang ginawa nyang pagkulong at pag rape sa kanya... kahit pa magsisi sya at magmamakawa... never patawarin very very sinful.
Read All Reviews
Secret of His Wife

Secret of His Wife

Dahil sa lolo ni Alexander, naikasal siya sa isang babae na galing sa ampunan, walang maipagmamalaki, at ang tingin ng lahat sa kanya ay walang silbi, si Ariella. Sa tatlong taon nilang pagsasama, hindi kinilala ni Alexander si Ariella bilang asawa. Magkahiwalay sila ng kwarto, walang nararamdaman na kahit na ano, dahil si Alexander ay may mahal na iba, at si Ariella ay may itinatagong lihim. Paano kung isang araw ay may magpakita kay Ariella na siyang gugulo sa kanyang plano? Paano kung malaman ni Alexander at ng buo niyang pamilya ang totoo niyang pagkatao? Paano kung isang araw, magkaroon ng pagmamahal sa pagitan nilang dalawa, pero biglang bumalik ang babaeng mahal ni Alexander? Lalabanan ba nila ang lahat ng pagsubok na darating sa kanila o masisira ang kanilang kasal?
Romance
108.2K viewsOngoing
Read
Add to library
In Love with my Boyfriend's Brother

In Love with my Boyfriend's Brother

Hot steamy night with a total stranger. Iyon ang naranasan ni Delancy Madrid isang gabi kasama ang isang estranghero. Makalipas ang ilang araw ay natuklasan niyang ito ay si Alexander Guerrero, stepbrother ng boyfriend niya at may-ari ng hotel kung saan siya nagtatrabaho.
Romance
10251 viewsOngoing
Read
Add to library
My Professor's Contract Agreement

My Professor's Contract Agreement

Simple lang ang pangarap ni Savannah ang makatapos sa kolehiyo at magkaroon ng isang magandang trabaho. Ilang araw bago ang graduation niya ay nakilala niya si Albrey. Hindi naging maganda ang una nilang pagkikita dahil sa pagiging masungit nito. Hindi niya rin inaasahan na magiging bagong Professor niya ito sa Mathematics. Kahit napakasungit nito ay humanga si Savannah sa taglay na kaguwapuhan ng Professor. Sa hindi inaasahang pangyayari ay ibinagsak siya ng professor na si Albrey sa thesis defense niya, dahilan kung bakit hindi siya naka-graduate. Pagkainis ang naramdaman niya para sa professor. Ngunit makaraan ang ilang araw ay nagkita silang muli. Humingi ito ng pabor sa kanya na hindi niya inaasahan. Ang magpanggap na girlfriend nito.
Romance
1032.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Inima Luna

Inima Luna

Seirinsky
( Mature Content Inside ) Si Serenety ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay, na kahit imposible ay naniniwala siyang matutupad iyon. Isa na doon ay ang makapunta ng kabayanan at makapasyal sa kapatagan, dahil lumaki siya at nagkaisip sa isla kasama ang kanyang ina na ni minsan ay hindi siya isinama paalis ng isla upang magbenta ng kanilang ani. Nauunawaan niya iyon ayaw ng kanyang ina na makatagpo siya ng masasamang tao. Pero isang araw ay may dumating na bisita sa kanilang tahimik na tahanan ang lalaking natagpuan niya sa dalampasigan walang malay at may mga sugat katawan na halos ikamatay na nito. Mula ng araw na iyon ng makilala niya ang lalaki ay nagkaroon na ng kulay ang kanyang buhay dahil marami itong naituro sa kanya isa na doon ang kung paano umibig ang bata niyang puso. SEIRINSKY Book cover design by: Hera Venice Arts ALL RIGHTS RESERVED JUNE 2020
Romance
103.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Pagbangon Mula sa Divorce

Pagbangon Mula sa Divorce

Sa araw ng divorce ko, nag-update ng social media ang dating biyenan ko gamit ang isang larawan. Ito ay ultrasound ng kerida ng asawa ko – buntis siya. Binati siya ng kanilang mga kaibigan at pamilya. Habang ako naman ay nag-share ng isang premarital medical report. Ito ay pag-aari ng anak niyang si Owen Wade. Malinaw na nakasaad dito na mayroon siyang congenital necrospermia. Hindi ko kailanman nanaisin ang isang lalaking baog!
Short Story · Romance
3.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Luna Rossa

Luna Rossa

Tan Jiro Alvez
Payapang namumuhay si Dea kasama ang kaniyang pamilya sa isang kagubatang malayo sa sentro ng Malefica-ang kaharian ng mga mangkukulam. Ilang taon na silang naninirahan dito upang makaiwas sa namumuong sigalot sa pagitan ng mga kauri niyang mangkukulam at bampira. Ngunit isang madaling araw, isang halimaw ang umatake sa kanilang tirahan at walang awang pinaslang nito ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae. Hindi pa nakuntento ang halimaw at ginawaran ng isang sumpa ang kaniyang bunsong kapatid. Naging isang mabangis na halimaw ang kaniyang kapatid at halos hindi na makilala pa dahil sa pagbabagong anyo nito. Sa araw ding iyon, nagtagpo ang landas ni Dea at ang reyna ng mga mangkukulam. Sinabi nito sa kaniyang isang bampira ang halimaw na lumusob sa kanilang tahanan at ang may kagagawan sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buong Malefica. Ang pangalan ng bampirang ito ay Trevor Hemlock. Namuo ang matinding galit sa puso ni Dea at nangakong ipaghihiganti ang sinapit ng kaniyang pamilya.
105.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Streaming Secrets of Mr. Labrador

Streaming Secrets of Mr. Labrador

"Hinire kita bilang streamer Alana! Hindi kasama duon ang paluhurin mo ako iyong harapan upang magmakaawang tanggapin mo ako pabalilk!" Lumaki si Alana Demetria sa isang mayaman na pamilya ng mga Buenaventura. Ngunit isang araw ay gumising na lang siya na isang condominium na lang ang tanging natitirang pamana sa kanya. Walang cards, cash at car na mga main essentials niya sa buhay. Buong akala niya ay makakahingi siya ng tulong sa nobyo ngunit ipinagtulakan at ipinagpalit siya nito. Nang malaman na wala ng kahit anong ari-arian ang mga Buenaventura. Idagdag pa na walang tumatanggap sa kanya bilang receptionist dahil mababa lang ang natapos niya. Nagbakasali siyang maging isang live streamer sa isang kilalang app. Unang araw pa lang niya ay naging mahirap na ang mga pagsubok sa pagiging baguhang live streamer. Pero may iilan sa kanyang mga supporter na labis siyang sinusuportahan. Ngunit akala ni Alana ay hanggang sa likod na lang siya ng cellphone mapapanuod ng kanyang mga supporter. Pero unang araw pa lang niya ay may nakapansin na agad sa angking kagandahan ni Alana. Anong mangyayari sa buhay ni Alana na akala niya ay walang patutunguhan? Ito na ba ang simula ng career niya gamit ang taglay na kagandahan? O ito ang simula ng karagdagang hirap na tatahakin niya sa kanyang buhay?
Romance
787 viewsOngoing
Read
Add to library
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

snowflower
"Cleonne Marie Deigmen, do you accept Ashton Kleid Ditfreid as your lawful husband?" tanong ng pari habang nakatingin sa akin. Nakabibinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng simbahan. Tila ba lahat sila ay takot na magsalita dahil alam nilang masama ang kahihinatnan niyon kung sakali. "I-I do..." garalgal ang boses ko na sumagot. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng altar. Buong buhay ko, wala akong ibang pinangarap kundi magandang buhay para sa pamilya ko, at mahanap ang lalaking pakakasalan ko balang araw. Iyong lalaking makatatabi ko sa altar sa at kasama kong susumpa sa harap ng maykapal. Pero hindi ko akalaing ang araw ng kasal ko, ang siya ring magiging pinaka-masalimuot na araw sa buhay ko.... "I now pronounce you, husband and wife. Mr. Ditfreid, you may now kiss your bride." Ang panginginig ng buong katawan ko ay mas lalo pang nadagdagan nang sabihin iyon ng pari. Unti-unti ay humarap ako kay Ashton na seryosong nakatingin sa akin. Iniangat niya ang veil mula sa ulo ko at doon ko nakita ang mga mata niya. Hindi pagmamahal ang nakikita ko sa mga iyon, ang tanging nakikita ko lamang ay galit, poot, at paghihiganti. "You are mine now, Cleonne. At ito ang tatandaan mo, habang nabubuhay ako, hinding-hindi mo mararanasan ang salitang kaligayahan." bulong niya sa akin bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Magmula nang araw na iyon, alam kong ang buhay ko ay hindi na sa akin. Dahil magmula nang araw na iyon ay nakatali na ako sa lalaking hindi ko naman mahal, sa lalaking walang ibang gustong gawin kundi ang makapaghiganti sa akin, at iyon ay walang iba kundi si Ashton Kleid Ditfreid.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1112131415
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status