Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
DESTINED TO BE HIS BRIDE

DESTINED TO BE HIS BRIDE

SYNOPSIS – DESTINED TO BE HIS WIFE Hindi niya siya pinili. Ngunit siya ang pinilit. Si Ayesha Dela Vega ay isang babaeng lumaban sa lahat—maliban sa sarili niyang pamilya. Isang kasunduan ang nagbago ng buhay niya. isang arranged marriage sa lalaking hindi niya kilala—ang malamig at misteryosong Rohan Villarreal, tagapagmana ng pinakamakapangyarihang angkan sa bansa. Ngunit sa mismong araw ng kasal, isang katotohanang hindi niya inaasahan ang sumabog. ang lalaking pinakasalan niya ay ang kabataang minahal niya noon, ang kalarong bigla na lang nawala, at akala niya’y patay na. Sa simula, inakala ni Ayesha na tadhana ang nagbabalik sa kanila. Hanggang sa isang gabi ng putok, dugo, at sigaw— nang barilin si Rohan sa harap niya, at sa sumunod na sandali, isang lalaking kamukha ni Rohan ang lumitaw mula sa dilim. Ngayon, habol ng pamilya Villarreal, tinutugis ng mga lihim na pilit itinago ng panahon, si Ayesha ay kailangang pumili kung sino ang paniniwalaan— ang lalaking minahal niya noon, o ang an inong nagdadala ng pangalan ng asawa niya ngayon. Ngunit sa mundong nilamon ng kapangyarihan at kasinungalingan, ang katotohanan ay may kabayarang dugo. At sa pagitan ng dalawang lalaking may parehong mukha, isa lang ang dapat mabuhay. “DESTINED TO BE HIS WIFE” — isang kwento ng pag-ibig, lihim, at kapalaran. Kung saan ang puso ay sandata, at ang bawat halik ay maaaring maging sumpa.
Romance
278 viewsOngoing
Read
Add to library
Marriage Deal with the Sexy Billionaire

Marriage Deal with the Sexy Billionaire

"Akala ko ba contract marriage lang ang kasal natin? Bakit sinasabi mong mahal mo ako?" Ngumiti si Mattheus, niyakap si Gianne at hinalikan siya sa labi. "Well, wife. Para sa'yo, contract marriage lang 'to. Pero para sa'kin, love deal 'to." _____ Sa halip na proposal ang sumalubong kay Gianne, panloloko ng boyfriend niyang si Calix at ng bestfriend niya mismo ang nakita niya sa cellphone ng lalaki. Sa sobrang sakit ng kalooban, nakipaghiwalay siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Mattheus—isang gwapo at mayamang lalaki na tumulong sa kanya noong manakawan siya. Pumayag siya sa kasal na inalok ni Mattheus— dahil kailangan niya ng asawa sa lalong madaling panahon at si Mattheus naman ay kailangan ng asawa para matigil ang lola nitong pinipilit na itong i-blind date sa iba't ibang babae. Sinunod ni Gianne ang kasunduan at ginampanan ang papel bilang contract wife. Pero isang araw, sinabi ni Mattheus ang hindi niya inaasahan—mahal na siya nito. At saka naman biglang bumalik si Calix, humihingi ng pangalawang pagkakataon. Sino ang pipiliin niya?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitter's Hot Deal with the Jerk

Babysitter's Hot Deal with the Jerk

Inosente. Birhen. Santo. Ilan lamang iyan sa mga katangiang mayroon si Coreen kaya naman madalas siyang pagkaisahan ng mga tao sa paligid niya. Nang pagbintangang kabit ng kaniyang amo ay walang-awang pinatalsik sa trabaho at laglag ang balikat at nakayukong lulugo-lugong naglakad sa kalsada. Dahil sa tadhana ay natanggap siya sa isang bagong trabahong hindi niya inakalang papasukan; ang maging maid ng isang arogante, barumbado, bastos at masungit na si Royce Sullivan dahil na rin sa pangakong malaking sahod. Isang misteryosong lalaki na ayaw ng human contact at literal na nagtayo ng isang malaking salamin sa pagitan nilang dalawa. Ngunit bakit nga naman hindi lalaki ang sahod kung sa unang araw pa lamang ay halos humiwalay na ang kaluluwa niya sa inis sa binata? Idagdag pa na sinamantala ni Royce ang kaniyang kahinaan at inalok siya ng isang deal para mabayaran ang operasyon ng kaniyang kapatid. Pero paano kung madarang siya? Paano kung magustuhan niya ang ginagawa? Paano kung... maging pangahas siyang hawakan ang binata at tawirin ang espasyo na naghihiwalay sa kanila? Ang kaniyang ka-inosentehan kapalit ng malaking halagang hindi niya matatanggihan. Puri, dangal at yamang itinataglay ay iaalay ba sa lalaking ni hindi siya man lamang magawang hawakan nang hindi nakasuot ng gwantes?
Romance
107.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10801 viewsOngoing
Read
Add to library
You Are Mine, Alice (Siblings Series)

You Are Mine, Alice (Siblings Series)

After knowing that her parents arranged her marriange with her mortal enemy. Alice run away from Drei immediately and do fake her identity so her parents and Drei can't trace her. Ginawa ni Alice ang lahat upang hindi siya mahanap ng kanyang mga magulang at para hindi ma-ikasal sa mortal niyang kaaway-hanggang sa isang araw nagising na lang siya na katabi niya na ang lalakeng tinakbuhan niya limang taon na ang nakalipas. Gulat at Pangamba ang naramdaman ni Alice nang magising habang katabi si Drei. Ilang beses niyang sinubukang tumakas at mag iba ng bansa.... Makakatakas pa kaya si Alice sa mga bisig ni Drei?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Uncle is My Secret Lover

My Uncle is My Secret Lover

One tragic night ruined her life… but one sinful night awakened something she should’ve never felt. *** Maya Ramirez is a top actress—admired by millions, envied by many, but shattered within. Sa araw ng kanyang bed scene shoot, nakatanggap siya ng balitang ikinawasak ng mundo niya: naaksidente ang ama niya at nang dumating siya sa ospital ay patay na ito. At ang mas masakit? Buntis ang kapatid niyang si Maica, at ang ama ng dinadala nito ay walang iba kung 'di ang boyfriend ni Maya. Dahil sa sakit, sa galit, sa pagkawasak—uminom siya ng alak hanggang mawalan ng kontrol. At sa isang gabi ng kahinaan, nakatulog siya sa bisig ng isang estranghero. Ngunit pagmulat niya… hindi pala ito estranghero. Ito ay si Atty. Luigi Salazar—ang kanyang tiyuhin. Dapat ay isang pagkakamali lang iyon. Dapat ay kalimutan na, pero hindi siya pinakawalan ni Luigi. Hindi siya tinalikuran. Sa halip, ang bawat gabi ay naging mas mapusok, mas makasalanan… at mas mahirap itigil. They tried to deny it. They tried to hide it. Until one revelation changed everything—they’re not blood-related. Pero sapat ba 'yon para maging tama ang mali? Handa ba silang ipaglaban ang pag-ibig na itinatago nila sa dilim? O mas pipiliin nilang masunog sa apoy ng bawal na pagmamahalan?
Romance
1023.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My First Love

Marrying My First Love

Leigh Green
Si Alexandra Jane Diaz ay isang book illustrator na simple at ordinaryong namumuhay araw-araw kasama ang aso niyang St. Bernard na ang pangalan ay Smarty. Nang isang araw ay sadyang pagkainteresan siya ng isang kapritsusong estranghero at basta na lang alukin ng kasal. Ang pangalan nito ay Daniel. Si Daniel St. Claire ay isang tahimik subalit magaling na negosyante. Isa siyang uri ng lalaki na maraming baliw na ideya at mas nanaising manahimik kaysa magsalita pero magaling magpatsutsada o mangulit. Mahal niya ang kababata niyang kaibigan na si Sarah. Si Sarah Geneva Kale ay isang magandang babae na nagmamay-ari ng isang makulay na flower shop. Hindi niya alam na ang batang lalaki na nagustuhan niya ng bata pa siya ay mahal pa rin siya hanggang ngayon hanggang sa napagpasiyahan nito na magpakasal sa isang babaeng hindi niya kilala kaysa sa kanya. Damay sa gulo't buhol ng pag-ibig at pagtatago ng mga puso, kailangan ni Alex na sumabay sa plano ni Daniel at magpakilalang pekeng fianceé nito hanggang makilala niya ang mahiwagang Sarah Kale. Makakatuluyan ba ni Daniel si Sarah at ang dalawa ang magpalitan ng "I do" sa altar? O makakatugma niya si Alex sa isang hindi inaasahang pagbabaliktad ng tadhana?
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Jojo and Coco's Unexpected Love

Jojo and Coco's Unexpected Love

Matapos mahuli ang kaniyang dating kasintahan sa kama kasama ang kaniyang half-sister, lumingon si Chloe at itinuon ang kaniyang mga mata sa tiyuhin ng kanyang dating kasintahan. Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, silang dalawa ay ikinasal.Habang siya ay lihim na natutuwa at gumagawa ng mga plano upang masiguro na siya ay magiging batang tiyahin, ang kaniyang loko-lokong kaibigan ay naghulog ng isang bombshell—siya ay nagpakasal sa maling tao.Habang naguguluhan ay tinititigan ni Chloe ang lalaking nasa harapan niya. Kahit na hindi ang lalaking ‘to ang kaniyang orihinal na target, napagdesisyunan niyang ayos na rin ito at nagpatuloy siya sa kaniyang plano.Gayunpaman, isang araw sa isang press conference, nalaman niya ang isang nakagugulat na balita—ang kaniyang napangasawa ay isang well-known investor, at ang uncle ng kaniyang dating nobyo na labis niyang hinahangaan ay nagta-trabaho sa kaniya.
Romance
9.476.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.130.6K viewsCompleted
Read
Add to library
In Bed with the Hottest Zillionaire Lawyer in Town

In Bed with the Hottest Zillionaire Lawyer in Town

Isa si Evangeline 'Eva' Cuestas sa mga kasisikat pa lamang na actress at model sa bansa. Pinangangalagaan niya ng maigi ang kanyang karera dahil bukod sa pinaghirapan niyang makamtan ang kalagayan niya ngayon ay pakiramdam din niya ay roon lamang siya magaling. Subalit nang dahil sa kataksilan ng kanyang fiance sa mismong araw ng kanilang official engagement party, gumuho ang lahat. Dahil sa labis na kalungkutan at pighati, basta na lamang nakipagsiping si Eva sa hindi kilalang lalaki. little did she know, na ang lalaking kanyang naka-sex ay walang iba kung hindi si Alas Constantine Fuegerro, isang tanyag na abogado sa bansa. Kilala niya ito na isang mayabang, arogante at babaero. Sa pagtatagpo ng kanilang landas, magbabago ba ang tingin niya sa lalaki? Paano kung may bagay siyang gagawin dahilan upang mas magtagal pa ang kanilang ugnayan? Higit pa kaya sa init ng katawan ang kanilang mararamdaman para sa isa't isa?
Romance
10406 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status