Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Unwanted Romance

The Unwanted Romance

ol ni Samantha ang kanyang Tita Claudia. Bago ito nagsimulang maging manyakis at pasaway sa buhay. Akala mo naman mauubusan ng lalaki. At ayon sa kanyang tiyahin, ganun ang magiging peg niya pag hindi siya nag-effort na nahapin ang pana ni kupido habang bata pa siya at sariwa. Kaya nang mag alok ng business trip ang kanyang boss. Para pag aralan ang resort na pag-aari nito. Hindi siya nagdawalang isip. Sinungaban niya ito agad! Sa unang gabi palang niya sa Puerto, sa balwarte ng mga Adams ay nabulabog agad ang mahimbing na pagtulog niya. Malakas ang kabog ng dibdib na napabangon siya! Ayon kay Aldena, ang secretary ng boss niya, wala namang ibang tao sa resort maliban sa kanya! Matagal nang hindi pinansin ng mga Adams ang lugar. Kaya nagmistula itong itinakwil ng mahabang panahon. Kung ganon?. Sino ang lumikha ng ingay! Dalawa lang ang nasa isip niya. Kung hindi ito multo magnanawakaw! o di kaya’y rapest! mananakaw pa ata ang dangal niya sa lugar na ito. “Who are you?! Paasik ng lalaking nasa harap niya. Napapitla si Samantha sa lakas ng boses nito. “Ms.! Umalis kana sa resort ngayon din! Bago pa ako mawalan ng bait sayo! The man turns out to be Alfonso Son! Anak mg boss niya! Rafael Adams! Virus ata ang tingin nito sa pagkatao niya, kung ipagtabuyan siya nito para siyang may nakakahawang sakit!
Romance
10538 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
When Love Must Be Secret (18+)

When Love Must Be Secret (18+)

Pagkagising ni Desiree, wala ni isang saplot sa katawan niya. Ngunit higit pa sa pagkabigla niya ay ang taong natutulog sa tabi niya—ang lalaking pinakaayaw niya sa lahat. Mas lalo pa siyang nabahala dahil ramdam pa rin niya ang init ng gabing iyon na ayaw man niyang aminin, ay tumatak sa isip niya. "Ano, gusto mong ituloy ito o gusto mong ibaon na lang sa limot at magpanggap na walang nangyari?" "Ang ibig mong sabihin, gusto mong akuin kitang responsibilidad ko dahil nagtalik tayo?" malamig na tanong ng lalaki, sabay taas ng kilay. Ang gwapo nitong mukha ay may halong pang-aasar na lalong nagpa-init ng ulo ni Desiree. Halos gusto na niyang sugurin at kalmutin ito. Halos sumabog sa inis si Desiree. Hindi man lang niya napag-isipan nang gano’n kalalim ang nangyari kagabi. "Hindi!" Sigaw niya, sabay irap at iwas ng tingin. "Isang beses lang iyon, wala nang dapat pag-usapan pa. Wala akong pakialam." Nagkibit-balikat siya at malamig na nagsabi, "Mas mabuti pang kalimutan na lang natin pareho ang lahat. Walang nasaktan, walang talo." Hindi naman siya magpapatali sa isang lalaki kahit pa... napakahusay nito sa kama. "Kung gano’n, ayos," sagot ni Terrence habang nag-uunat at naglakad palabas ng kwarto na parang walang nangyari. Ngunit bago siya tuluyang lumabas, lumingon pa ito at mayabang na nagsabi, "Sana lang hindi mo ipagmalaki kahit kanino na nakuha mo ako."
Romance
17 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
WHEN I FOUND YOU MY LOVE

WHEN I FOUND YOU MY LOVE

Si Andrea ay isang guro na tumandang dalaga dahil sa pagmamanipula ng ina niyang si Selya. Nang mamatay ito, lalong nakadama ng kahungkagan sa buhay niya si Andrea. Hinangad niya na magkaroon ng anak. Kahit walang asawa. Basta kahit isang anak lang na kukumpleto sa kan'yang pagkababae at makakasama niya sa kan'yang pagtanda. Ang problema, wala siyang nobyo. Sino ang magbibigay sa kan'ya ng anak? Dumating sa isip niya ang isang plano. Hahanap siya ng lalaking may magagandang katangian upang maging ama ng pinapangarap niyang anak. Hanggang sa makilala niya si Vincent. Si Vincent na pasado ang kwalipikasyon sa hinahanap niyang lalaki. Ang isa pa uling problema, paano niya sasabihin dito na sipingan siya nito gayong hindi naman sila personal na magkakilala? Gumawa siya ng paraan. At nagtagpo uli ang landas nila ni Vincent. Sinipingan siya nito. Isang pagsisiping lang na nagbunga agad ng binhi sa sinapupunan ni Andrea. Pagkatapos noon, lumayo siya. Sapat na sa kan'ya na magkakaroon siya ng anak sinira niya man ang dangal at ginawang mababa ang kan'yang pagkatao. Sapat na sa kan'ya na natupad ang inaasam niya kahit na nga ba, sa loob lamang ng maikling panahon, minahal niya na si Vincent at pinapangarap din na makasama ito habangbuhay. Hindi malalaman ni Vincent na nagkaroon sila ng anak. Pagkatapos ng gabing iyon, ang lahat ay mababaon nito sa limot.
Romance
1019.8K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (9)
Read
Idagdag sa library
Bhie Rambonanza In
grabe super ganda ng kwento na ito.. I'm so proud kay Ate Ne na author nito..napakaganda tlga..this is her second story here in goodnovel na inaabangan ko tlga ung update.. congrats Ate Ne..labyu always .........
Angelita Nobelista
Maraming salamat po sa mga nagbabasa kina Vincent at Andrea. Almost a week pa lang po since nang i-publish ko sila pero malaking achievement na po sa akin na sa kasalukuyan ay nasa 120+ na ang views nila. Maraming salamat po talaga. maligayang pagbabasa po lagi...
Basahin ang Lahat ng Review
Pursuing you my Lexus Armani

Pursuing you my Lexus Armani

Inaya wanted to feel love and be loved ngunit pakiramdam niya ay napakamalas niya sa pagmamahal. She was arranged to be married to Lexus Armani as early as nine years old she was so happy because she liked Lexus from the very first time she saw him. Kaya naman pumayag na siyang magpakasal dito when she reached her 20 years old. But Lexus only see her as a job at hindi man lang sineryoso ang kasal nila. He even brought women in their home na ikinagalit niya ng sobra. She was so depressed to the point na oras na saktan siya ng matindi ni Lexus ay hindi na siya magdadalawang isip na tapusin ang sarili niyang buhay. And it happened.. She commit suicide sa mismong kamay pa ni Lexus. Akala niya ay matatapos na ang buhay niya, and Lexus was so mad when she wakes up and decided to locked her up in his room. She thought it will all ended ngunit biglang nagbago sakanya si Lexus from cold and insensitive to the most caring man. She just wishing na sana mahalin din siya nito kagaya ng obsession na nararamdaman niya para dito. Until she got pregnant and runaway pregnant. But after three years ay nagkita sila ulit nito and he blackmailed her para maiuwi sa bahay nito kasama ang anak nila na obviously anak nito dahil sa mga mata nito. But when Lexus starts touching her again lahat ng alaala at pagmamahal niya dito ay bumalik. At ang tanong can Lexus love her now?
Romance
1015.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Moonlight Warriors (Tagalog)

Moonlight Warriors (Tagalog)

"What if I turned out to be someone you'd despise the most?" tanong ni Calista. "Then I'll be there to save you before that thing happens." Iyan ang binitawang pangako ni Clyde sa kasintahang si Calista bago ito naglaho nang parang bula. Ni minsan hindi sumagi sa isip ni Clyde na darating ang araw na mararanasan niyang ibigin at umibig nang tunay. Sa isang iglap, biglang nagkaroon ng kabuluhan ang dati ay magulo niyang buhay nang makilala niya si Calista. Subalit ang sayang ipinadama sa kan'ya ng tadhana ay hindi rin nagtagal nang isang gabi, natagpuan na lamang niyang walang buhay si Calista at ang mga magulang nito sa kanilang tahanan. Kasabay ng trahedyang ito ang biglaan ding pagkamatay ng kan'yang mga magulang. Pinaniniwalaan na ang may gawa ng mga pagpaslang na ito ay ang isa sa mga pinaka kinatatakutang nilalang sa mundong ito; ang mga taong-lobo. Isinumpa ni Clyde na kan'yang ipaghihiganti ang kan'yang mga mahal sa buhay mula sa mga mapaminsalang halimaw na ito. Subalit paano kung sa paglipas ng maraming taon ay muli niyang matagpuan ang pinakamamahal niyang babae na buong akala niya ay matagal nang patay? Paano kung malaman niya na ito na ngayon ang pinuno ng mga taong-lobong matagal niya nang inaasam na patayin? Mananatili kaya ang pag-iibigan nila sa isa't isa kung ang kapalaran nila ay ang puksain ang lahi ng bawat isa?
Other
1011.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
RUN, SELESTINA! (SSPG)

RUN, SELESTINA! (SSPG)

‎“Sa tingin mo ba matatakasan mo ako, Selestina? Akin ka lang!” he growls. “I will ruin every inch of your world until you beg to be mine again.” Rogue Vertudazo ‎ ‎•••••••••••••••• ‎‎Hindi naniniwala sa pagmamahal si Rogue Vertudazo. Umiikot lamang ang kanyang mundo sa tatlong bagay; money, power, and sex.  He hated the sight of women. He always thought women were nothing but weak and gold digger. Para sa kanya, ginagamit nila ang kahinaan ng lalaki upang paikutin sa kanilang palad. ‎ ‎Ngunit lahat nang kanyang paniniwala ay biglang nagbago nang makilala niya ang babaeng nagpagulo ng kanyang sistema. Ang maamo at inosenteng mukha ni Selestina Guerrera ay palaging sumasagi sa isip niya. ‎ ‎He claimed her as his the moment he saw her for the first time. Upang tuluyang maangkin ang dalaga. He decided to do something ruthless to get her. Ito ang dahilan kaya lumayo si Selestina. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, sa pag-alis nito ay may dinadala sa sinapupunan si Selestina. ‎ Halos libutin ni Rogue ang Pilipinas maging ang ibang bansa, matagpuan lamang si Selestina. Ngunit magaling itong magtago. Pero mapagbiro ang tadhana, nang muli silang nagkaharap, halos gumuho ang kanyang mundo nang malamang may anak na ang babae. Pero dahil desperado siyang maaangkin ulit si Selestina, pinagbantaan niyang ilalayo ang anak nito kapag hindi ito babalik sa kanya. ‎ Makukuha niya kaya ulit si Selestina? Ngunit paano kapag nalaman niyang anak niya ang batang kasama nito? Maniniwala ba si Rogue kahit alam niyang kailanman hindi siya magkaka-anak?
Romance
930.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Secret Wife

The Billionaire's Secret Wife

angbabaingsuplada
Nang maaksidente ang kinikilalang ama ni Amanda ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral at magtrabaho para makatulong sa pang araw araw na gastusin ng kanyang pamilya. She tried different jobs pero hindi pa rin sapat ang kanyang kinikita para sa pagpapaopera ng kanyang ama. Kaya naman napilitan siyang tanggapin ang alok na trabaho ng kanyang boss sa isang sikat na bar at doon niya nakilala si Adam Smith, ang lalaking handang ibigay ang lahat ng kailangan niya kapalit ang pagpapakasal niya dito. Hindi naman siya nagdalawang isip sa kagustuhan ng lalaki, ang tanging gusto lang niya ay mabuhay ang kanyang ama kahit ang kapalit pa nito ay ang kaligayahan niya. Adam Smith is a billionaire that owns a big construction company in the Philippines. He's the only son of a famous couple in the business industry. He's the type of person that gets everything he wants kaya naman ng unang makita niya si Amanda ay agad niya itong nagustuhan. With the power and connections he had, he got Amanda in a snap. Amanda Salvador is a simple yet gorgeous woman who can capture the heart of every men. Ang hindi niya inakala ay mabibihag rin niya ang puso ng nag-iisang Adam Smith. When she agreed to the offer, hindi niya akalain na tuluyan ng mahuhulog ang loob niya sa lalaki. Paano kung ang inaakala niyang masayang buhay ay masira dahil sa mga taong humahadlang sa pagmamahalan nila. Makakaya pa kaya nilang ipaglaban ang isa't isa kung mismong tadhana ang gumagawa ng dahilan para magkalayo at kalimutan nila ang isa't isa.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract and Promises

Contract and Promises

When assertive and alpha heiress Clara Ardiente is forced to marry a dominant and cold businessman Damon Barreto, she'll have the almost but quite life. Hindi niya pa nakikilala ang businessman na magsasalba sa kanila. With their empire falling, she is desperate enough to marry that man just to save their name and wealth. Ayaw niyang mawala ang lifestyle na nakasanayan niya. Damon is a ruthless businessman and he doesn't want to have a nosy wife. Everything should be part of agreement and contract. But beneath that contract, there's an unspoken affection he can't recognize... and secrets. Hindi naman totoong pusong bato si Damon. Ang totoo ay nang makita niya si Clara ay nagandahan siya sa dalaga. Talagang pasok sa kanyang tipo kaya niya inalukan ng partnership ang pamilya Ardiente. It was easy for him to get what he wanted. Damon and his ways. Well, not for Clara. Nang makilala niya ang kanyang mapapangasawa, nagdadalawang isip siya kung talagang worth it nga ba ang pakikipagkasundo niya para lang isalba ang kanyang karangyaan. To be the wife of a ruthless business and arrogant tycoon? Medyo dehado ata siya. Pero wala na siyang takas. Lalo na noong ibinigay ni Damon lahat ng gusto ng kanyang mismong pamilya. Lalo na't may kontrata. "Go... run away. But you'll never escape me," bulong ni Damon sa kanya. "Leaving me, abandoning that contract won't save you. Kahit saan ka magpunta, you will always be Mrs. Barreto. My last name will mark you wherever you go." Gusto niyang alisin sa utak niya 'yon at magtrabaho nalang para isalba ang pangalan niya, but it was too late. Hindi na siya makakatakas pa... so she needs to live with only rule; no attachments. No falling in love. Just a contract and promises. Or that was she thought so.
Romance
8436 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Crazy Obsession

The Billionaire's Crazy Obsession

Ryytine
Revenge. Iyan ang nasa isip ni Shianna Viacera simula noong bata pa lamang siya at nang mamatay ang kan'yang minamahal na ama. She was all alone, her mother cheated and married her stepfather matapos mamatay ng kan'yang totoong ama. At kahit nasa isang makapangyarihan siyang angkan na kilala sa buong mundo ay hindi naging maayos ang kan'yang buhay. Her relatives see her as a great threat dahil siya lang naman ang nag-iisang lehitimong tagapagmana ng Viacera LLC. But that fact caused her to carry the weight of her position all alone. Not until she was engaged to a man she didn't love. Due to extreme anger she felt and the urge to ruin her engagement, she decided to have a one-night stand with her biggest enemy: Vincent Aurelius, the CEO of Aurelius Corporation. Pero ang inaakala niyang nakatakas siya sa delubyo ng kan'yang buhay ay nagbago nang magbunga ang gabing kanilang pinagsaluhan. And now, Shianna has to kept her twins hidden. Kailangan niyang itago ang kan'yang kambal na mga anak mula kay Vincent habang kinakalaban ang kan'yang angkan. Shianna's aim was to keep her children hidden and claim the Viacera LLC. But Shianna had never thought that her revenge would not be simple. At napagtanto niya lamang ito nang malaman ang katotohanan sa kan'yang isang anak. And now, the revenge she was planning from the start had worsen. She didn't expect that her relatives, Vincent, and her enemies are more ruthless. That's why... she declared war. And she's willing to be obsessed with revenge just to win. Yes. Her name is Shianna, the billionaire woman who was trampled and oppressed, pero ngayon ay handa nang maghiganti... kahit talikuran pa siya ng buong mundo.
Romance
109.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
HIS UNMITIGATED DISASTER

HIS UNMITIGATED DISASTER

Red Solace
Walang matandaan si Mark sa kasunduang nagdala sa kanya sa cruising trip na kasama si Marlyn at Wanda, magkapatid na nakilala lamang niya dahil sa hindi inaasahang pagkakatuklas niya sa kataksilan ng kasintahang si Cleo na dapat sana ay aalukin na niya ng kasal. Sila ang mga berdugong dapat ay magbibigay katuparan sa hangarin niyang mamatay nang gabing iyon--as it turned out, the siblings were tour guides specializing in executing euthanasia to travelers with a death wish. But fate had better plan in store for them. Sinalubong sila ng malakas na bagyo sa gitna ng paglalayag. They were left with nothing but the company of each other and a dead engine that could get them nowhere. Napadpad sila sa isang isla kung saan masusukat ang haba ng pisi ni Mark. Masusukat maging ang kakayahan niyang lumaban sa tukso. Lalo at habang tumatagal sila sa isla, nagkakaroon siya ng hindi maipaliwanag na damdamin para sa dalawa. Umibig siya ng sabay sa dalawang babae na hindi niya puwedeng angkinin pareho. Muli ay natagpuan niya ang sarili sa isang sitwasyon na higit pang kumplikado sa delubyong nagdala sa kanila sa islang iyon. Ano ang naghihintay na kapalaran sa kanilang tatlo sa isla? Sino sa dalawang babae ang higit niyang kailangan at dapat niyang piliin? Kung isip ang piiralin niya, wala siyang pipiliin sa magkapatid para pare-pareho ang laban. Walang masasaktan. Walang magdidiwang. Ngunit dumating siya sa puntong kailangan pa rin naman niyang mamili. Kung sino kina Marlyn at Wanda ang magwawagi sa puso niya, tadhana na ang magtatakda.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1516171819
...
21
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status