Chasing Dr. Billionaire
Mukha lang seryoso at nakakatakot si Chairman pero kapag silang dalawa na lang ni Madam, lumalabas ang pagiging malambing nito sa asawa.
Si Madam naman ay ganun din. Sa harap lang ng ibang tao siya mukhang maarte at matapobre pero ang totoo, napakalambot pala ng puso nito lalo na sa pamilya, kagaya ng kwento ng mga Marites. Laki si Madam sa hirap at maraming pinagdaanan sa buhay kaya naman naging defense mechanism na nito ang pagiging mataray para hindi siya apak-apakan ng ibang tao. Hindi man ako makarelate, nauunawaan ko naman na may sarili itong dahilan.