Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
 MAKE YOU MINE : Possesive Boys  Series 1

MAKE YOU MINE : Possesive Boys Series 1

Miguel Felix Montemayor, anak ng isang bilyonaryo, gwapo, at pinapangarap ng lahat. Pero ang totoo, isa lang ang laman ng puso niya: si Serenity Delavega. Isang gabi ang magpapatindi ng pagtingin niya sa dalaga. Subalit nagbago ang lahat nang malaman niyang may boyfriend na si Serenity, at ito ay walang iba kundi ang kanyang pamangkin. Anuman ang gawin ni Miguel, hindi niya pa rin makalimutan si Serenity. Labis-labis ang pagmamahal niya sa dalaga, at kahit lumipas man ang mga taon, mas lalo pa itong lumakas, naging isang masidhing obsesyon. Ano ang handa niyang gawin para makuha ang puso ni Serenity? Handa ba siyang itaya ang lahat para sa isang pag-ibig na hindi sigurado, at kahit na ang ibig sabihin nito ay pakikipag-agawan laban sa sariling pamangkin? Matagumpay ba niyang mapapaibig si Serenity, o masisira ang lahat dahil sa kanyang matinding obsesyon sa dalaga?
1020.5K viewsCompletedAdded to Library 757 Times as masidhing
Read
+Library
HEAVENLY DESIRE (ALLURING AFFAIRS SERIES 6)

HEAVENLY DESIRE (ALLURING AFFAIRS SERIES 6)

Miss Robin
Umpisa pa lang ay masidhing pagnanasa na ang naramdaman ni Trevor para kay Heaven, ang maganda ngunit masungit na nurse na minsang nagligtas sa buhay niya. Ginawa niya ang lahat para maagaw si Heaven sa boyfriend nito at masira ang relasyon ng dalawa. Nang magtagumpay si Trevor ay sinamantala niya ang kalungkutan ni Heaven para mapalapit sa dalaga at maangkin ito. Pagnanasang unti-unting nauwi sa pagmamahalan. Pagmamahalang tumatag habang lumilipas ang panahon. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan handa na niyang pakasalan si Heaven ay saka niya na-diskubre na anak pala ito ng taong pumatay sa kaniyang ina. Magawa pa kaya ni Trevor na paghigantihan ang taong labis niyang kinamumuhian? O sapat na ang labis na pagmamahal niya kay Heaven para makalimutan ang mapait niyang nakaraan?
102.0K viewsOngoingAdded to Library 65 Times as masidhing
Read
+Library
Seducing The Shadow

Seducing The Shadow

Sa mundo ng matataas na lipunan, si Elena Dela Vega ay isang mahalagang piraso lamang sa laro ng kapangyarihan. Nakatakdang ikasal sa mapagmataas na si Julian Monteverde upang pagbuklurin ang dalawang higanteng imperyo, ang buhay ni Elena ay isang gintong kulungan—hanggang sa gabing nagtagpo ang kanilang mga landas ni Dante Valez. Si Dante, na kilala sa underworld bilang ang "Shadow," ay isang mersenaryong binuo ng galit at mga pilat ng nakaraan. Ang kanilang engkwentro ay hindi lamang isang pagkakataon, kundi ang simula ng isang marahas na obsesyong babago sa kanilang tadhana. Marahas na kinuha ni Dante si Elena bago ang kasal, hindi upang iligtas, kundi upang angkinin. Sa kuta ng Shadow, naranasan ni Elena ang bagsik at init ng isang lalaking hindi kumikilala sa batas. Doon, ang takot ni Elena ay unti-unting naging isang masidhing pagnanasa na hindi niya matakasan.
10333 viewsCompletedAdded to Library 8 Times as masidhing
Read
+Library
Boyfriend Hunt

Boyfriend Hunt

CowardTheBrave
Si Eli ay isang huwarang estudyante at kasalukuyang nangunguna sa kanilang klase. Kilala siya bilang isang tahimik na tao at walang interes sa ibang bagay bukod sa pag-aaral. Iyon na rin siguro ang isa sa pinakadahilan kung bakit walang maituturing na kaibigan sa school si Eli. Lingid sa kaalaman ng kanyang mga kaklase, si Eli ay isang closeted gay. Dahil sa fear of rejection at mahusgahan ng iba, mas pinipiling mapag-isa ni Eli kaysa makihalubilo sa kanyang mga kaklase. Isang gabi habang nagrereview si Eli para sa isang exam kinabukasan, napukaw ang kanyang atensiyon sa isang online advertisment. Ito ay isang 'dating' application na tinatawag na MATCHED, na kung saan ay maaari kang makakilala at makatagpo ng taong para sa iyo... As a gay person. Dahil sa masidhing kuryusidad ay dali-daling dinampot ni Eli ang kanyang cellphone para idownload ang MATCHED para simulang hanapin ang taong kukumpleto sa tinatago niyang pagkatao. Have you ever tried to use an app to find a lover? Let the hunt begin.
108.9K viewsCompletedAdded to Library 327 Times as masidhing
Read
+Library
Obsessed by the Cruel Billionaire

Obsessed by the Cruel Billionaire

Limang taon ng masidhing pag-ibig ang natapos nang iwan si Victoria ng kaniyang mapapangasawa sa araw ng kanilang kasal, sa kadahilanang magpapakamatay raw ang kababata na halos ilang beses na nitong muntik gawin. Upang makalimutan ang masalimuot na pangyayari ay umalis si Victoria at plano niya sanang magsimula ng panibagong buhay. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng tadhana dahil sa isang gabing nalasing siya sa hindi pamilyar na lugar ay nagising nalang siyang katabi ang isang lalaking kailanman ay hindi niya nanaising makadaupan man lang ng kanyang palad! Ang nag-iisang kaaway ng kanyang kapatid, si Walter Jace Coleman. Balak niya sanang takasan ang lalaki na hindi nito nalalaman ngunit bigla itong nagising at hinila siya sa paa dahilan upang maglanding ang katawan niya sa ibabaw nito! “Where do you think you`re going kitten? Pagkatapos mo akong halikan kagabi ay hindi mo na ako pananagutan?” Sa araw din na iyon ay nagbago ang ikot ng buhay ni Victoria. Kilala sa buong bansa ang pamilya ni Walter at alam niya kung gaano kalamig at kinakatakutan ang pagkatao nito. At ngayong hawak na siya ng bilyonaryo ay wala na itong planong ibalik siya sa kanyang pamilya. He even spent billion just to buy an ancient town for her. Sa madaling salita ay na-obsessed sa kanya si Walter. May pag-asa pa kaya siyang makawala sa kamay ng bilyonaryo?
359 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as masidhing
Read
+Library
The Mafia Heir’s Maid

The Mafia Heir’s Maid

Para makatakas sa isang impyerno, kailangan kong maglaho. Gagawin ko ang lahat huwag lang maikasal sa malupit kong stepfather. Sa aking pagtakas, pumasok ako sa isang trabahong akala ko ay magiging ligtas na kuta ko—ang maging personal na katulong sa mansyon ng pinakamapanganib na lalaki sa lungsod. Si Dante Moretti. Siya ang lason at kinatatakutang tagapagmana ng Moretti crime family. Akala ko ay sapat na ang pagpapanggap ko bilang isang simpleng maid para hindi ako mahanap. Pero sa unang gabi pa lang na nagtama ang aming mga mata, alam kong nagkamali ako. Hindi ako nakahanap ng proteksyon—nakahanap ako ng isang masidhing panganib. Mapanganib ang titig niya, at mas mapanganib ang bawat hawak niya. Higit pa sa pagsisilbi ng kape ang hinihingi niya; gusto niyang makuha ang bawat sentimetro ng pagkatao ko. Ngunit sa gitna ng aming naglalagablab na ugnayan, isang madilim na sikreto ang mabubunyag: Si Dante ay hindi lang basta amo ko. Siya ang anak ng lalaking tinatakasan ko. Sa loob ng mansyong puno ng kasalanan, hindi na lang ako isang runaway. Ako na ang kanyang premyo. At ngayong alam na ng stepbrother ko kung sino ang nagtatago sa ilalim ng kanyang bubong, wala siyang balak na pakawalan ako. Gagawin niya ang lahat para tuluyan akong maangkin.
10800 viewsOngoingAdded to Library 30 Times as masidhing
Read
+Library
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status