Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Billionaire, Here Comes Your Wife!

Billionaire, Here Comes Your Wife!

Dahil sa isang aksidente, nalaglag ang dinadala ni Aeris na siyang dahilan kung bakit naging impyerno ang kanyang buhay-may asawa. Sa kamay pa lamang ng kanyang byenan, lalo na sa kanyang asawang si Flyn. Lahat na yata ng klase ng pang-aabuso ay naranasan niya, at tinanggap niya iyon dahil naniwala siyang kaparusahan iyon sa kanyang ginawa. Hanggang sa dumating ang tiyuhin ni Flyn na si Lucien, na tila ba handa siyang iligtas sa buhay na ayaw niyang iwanan. Dumating ang araw na desidido na si Aeris na tumakas at sumama na lamang kay Lucien, ngunit agad na naglaho ang kanyang mga pangarap nang bigla niyang masaksihan ang sikretong nag uugnay sa kanilang dalawa ng lalaki. Handa ba siyang maranasan muli ang kalupitan na minsan na niyang tinakasan sa kamay ng lalaking naging dahilan kung bakit niya piniling mabuhay?
Romance
10432 viewsOngoing
Read
Add to library
Gisingin ang Puso

Gisingin ang Puso

Clara Alonzo
Langit at lupa. Isang heredera si Camilla Montoya na umibig sa anak ng katiwala na si Santiago Santos. Ang pag-ibig nila'y puro at wagas. Minahal niya ang binata higit sa inaasahan at handa siyang iharap nito sa dambana. Perpekto ang lahat para sa dalaga kung hindi lamang nakialam ang tadhana. At lahat ng pangarap niya'y nasira para sa kanilang dalawa. Lumipas ang ilang taon at nagkrus muli ang landas nilang dalawa. Hindi akalain ni Camilla na mababaligtad ang sitwasyon nilang dalawa. Kilala pa siya ni Santiago ngunit wala ng pag-ibig sa mga mata nito. Ang nakasalamin sa mga iyon ay galit, pighati at kalungkutan. Batid niyang wala na siyang puwang sa buhay ni Santiago. Masakit isiping hindi na siya nito mahal. Paano niya sasabihin na wala siyang ibang lalaking minahal kung hindi ito lamang? Paano niya gigisingin ang pusong siya mismo ang nagwasak?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?
Romance
1067.0K viewsCompleted
Read
Add to library
After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter

After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter

dangerosely
Si Kleer Ronnilaine Cruz, dating anak ng kasambahay sa pamilya Lyverigo ay may lihim na pagtingin kay Arrex Jhames Lyverigo, ang tagapagmana ng pamilya. Nang mapilitan silang magpakasal, biglang nagdesisyon si Arrex na makipag-divorce pagkaraan ng dalawang taon. Ang hindi niya alam, buntis si Kleer sa kanilang anak. Nang malaman ni Kleer ang tunay na yaman ng kanyang pamilya, nagpasya siyang lumipad patungong New York kasama ang kanilang anak para itago ito kay Arrex. Limang taon ang lumipas, bumalik si Kleer sa Pilipinas at muling nagkrus ang landas nila ni Arrex—ibang iba na ito, mayaman na at may kasamang anak. Sa pagbabalik ni Kleer, magbubukas ang bagong mga lihim at pagsubok. Ipapaalam na kaya niya kay Arrex ang katotohanan tungkol sa kanilang anak, o mananatiling sekreto ito magpakailanman?
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

Si Althea Cruz ay isang simpleng babae na may pangarap na makalaya sa mahigpit na mundong ginagalawan niya. Ngunit isang pagkakamali ang nagtulak sa kaniya sa kamay ng lalaking kinatatakutan ng marami—Governor Silas Montenegro, isang makapangyarihan, mayaman, at misteryosong lider na sanay makuha ang lahat ng gusto niya… maliban sa puso ni Althea. Dahil sa isang lihim at kasunduang hindi niya maiiwasan, napilitang pakasalan ni Althea ang lalaking ayaw niyang makasama. Sa mata ng mundo, isa silang perpektong mag-asawa. Pero sa loob ng kanilang tahanan, malamig ang bawat titig, at mas malamig ang bawat salitang hindi binibigkas. Ngunit gaano katagal mananatiling bato ang pusong pilit pinapainit ng isang lalaking sanay makuha ang lahat sa pamamagitan ng pwersa? At gaano kalayo ang kayang gawin ng isang obsessed na gobernador… para makuha ang babaeng hindi siya kayang mahalin?
Romance
7.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Beautiful Mess

Beautiful Mess

“Tungkol sa proposal mo, tinatanggap ko na,” bulong ko na parang sikreto kahit na kaming dalawa lang naman ang nakakarinig. “Hmm?” Himig niya habang nginunguya ang natirang burger sa bibig. “Gawin na natin,” medyo malakas at may confidence na sabi ko. “Gawin ang ano?” Sabay lagok sa kaniyang drink. Dapat nagdahan-dahan ako kung alam ko lang na magugulat siya. Hindi sana ako nabasa nang mabuga niya ang drink niya. “Magsex tayo.” __________ Pagkatapos na ipamukha ng fiance kung gaano siya kainutil dahil walang experience sa sex, lumapit si Luntian sa isang tinatawag nilang "untouchable stripper" na si Reyna para turuan siya nito sa larangan ng sex. Sa gitna ng maiinit nilang lessons, mapipigil ba nila ang damdamin na hindi mahulog? Mapapanindigan ba ang kasunduang walang mahuhulog? Paano kung may epal pang ex-fiance na gustong bumalik? At paano kung aksidenteng nabutas ang condom?!
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Ghost Of You

Ghost Of You

Umuwi si Aria sa Pilipinas matapos ng ilang taong pamamalagi sa United States. Hindi naman siya nahirapan dahil dito rin nakatira sa Pilipinas ang kanyang matalik na kaibigan. Naging maayos at payapa ang buhay niya rito. Hanggang sa makilala niya ang binatang si Jackson Kang na isang sikat na aktor, labis ang paghanga ng matalik na kaibigan ni Aria dito, at biglang napasok ang dalaga sa magulong buhay na ginagalawan ng binata. Naging maayos ang turingan at samahan ng dalawa, ngunit kagaya ng ibang kwento lahat ay may hangganan. Dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng panahon. Mga pusong nabalot ng sakit at galit. Sakit ng nakaraan ay magbabalik. Magkakaroon pa kaya ng puwang sa puso ni Jackson ang dalagang una niyang minahal? Magkakaroon pa kaya ng pag-asa ang naudlot na pagmamahalan? Magiging happy ending ba para sa kanila o magiging huli na ang lahat?
YA/TEEN
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Wayward Daughter

The Wayward Daughter

msalchemist
Ibinibida ang isang babaeng hindi padadaig sa mga pagsubok na darating sa buhay nito. Kahit na nga ba masama ang tingin ng nakararami rito, patutunayan nito na mali ang sabi-sabi ng iba. Malalaman dito ang tunay na kwento ng mga tinatawag nilang 'malandi, kaladkarin, babaeng mababa ang lipad'. Tampok ang buhay ng apat na bidang sinubok ng panahon at pinatatag ng karanasan sa buhay. Kilalanin sina Clip, Sinatra Blue, Ross, at Badong. Iba't ibang taong pinaglapit ng kinagisnang lugar. Iisa ang ginagalawan. Walang lumisan, walang nang-iwan. Patuloy na bumabalik. Lagi silang bumabalik dahil baka totoo nga na ang happy place nila ay matatagpuan sa mga apat na bidang pinagtagpo pero pilit nilalabanan ang tadhana.
YA/TEEN
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE ISLAND: HER SWEET LIES

LOVE ISLAND: HER SWEET LIES

The first time Daphne and Steven met, she knew they will hate each other. Kaya naman nang muli silang magkita sa isla na pagmamay-ari ni Steven sa Albay ay kinailangan pa niyang magtahi ng kwento para lamang manatili siya roon ng matagal. Bukod dun ay may matinding atraso siya rito. Ngunit mas lalong nagalit si Steven sa ginawa niya kaya balak siya nitong ipakulong. Paano kung unti-unti na siyang napapamahal rito pero balak pala na ibenta ni Steven ang isla na tila paraiso na nagugustuhan niya na? Sapat na kaya ang pag-ibig ni Ryse para iligtas ang kanilang paraiso at ayusin ang kanilang mga nabasag na nakaraan, o ang mga anino ng panlilinlang ay maghihiwalay sa kanila magpakailanman?---
Romance
726 viewsOngoing
Read
Add to library
Psycho Employee

Psycho Employee

Angelo Allen Santos
Psycho Employee a suspense/ thriller novel as seen as movie on Cinema UP Adarna Theatre 2019. Ang istorya ng Psycho Employee ay tungkol sa buhay ni Fred bilang isang ordibaryong tao na ang gusto lamang ay magtrabaho at kumita ng maayos para buhayin ang kanyang pamilya ng maayos. Subalit sya ay mapupunta sa mga malulupit at mapagsamantalang mga boss sa mga mapapasukan niyang trabaho. Sa pagmamalupit sa kanya ng kanyang mga boss ay ipapanganak ang isang bagong Fred isang malupit at pumapatay na Psycho. Sa istorya ay may isa din mahusay na Police Detective na susubaybay sa kanyang mga kaso ng pagpatay at mag iimbestiga kay Fred ito ay si Allan isang Police Detective. Kalaunan sa pagpatay ni Fred ay may isa siyang tao na labis din nyang masasaktan at magiging Psycho din na tulad niya. Tunghayan ang istorya ni Fred at matuto tayo na huwag maging mapagmalupit sa kapwa kung tayo ay nasa itaas at sila ay nasa ibaba upang wala ng ipanganak pa muli na Psycho sa mundo.
Mystery/Thriller
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status