Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Unwanted Love

My Unwanted Love

Rachel
Ang kwentong ito ay iikot sa buhay ni Ahtisa De Guzman, isang inosenteng babaeng nag tiwala sa itinuring niyang kaibigan na akala nya ay tutulungan sya makahanap ng side line upang makatulong sa nag -aagaw buhay niyang ama, ngunit sa halip na trabaho, sya pala ay ibinenta nito na nagbunga iyon ng isang batang lalaki. Kinamuhian niya ang kaibigan na nagtago na matapos siya nitong ibenta. Kinamumuhian din niya ang lalaking bumili sa kanya at nais niya itong makaharap Milo upang pghigantihan ngunit sa ngayon ay mag iipon muna sya ng lakas ng loob, tapang, at kompiyansa sa sarili bago niya ito balikan. Hindi man niya gaanong natitigan ang mukha ng lalaki matapos niya itong pukpukin ng flower vase sa ulo ay hindi naman niya nakakalimutan ang lugar kung saan siya binaboy nito. Hindi rin siya makapag focus dito dahil sa sobrang busy niya sa trabaho at sa pag aalaga sa anak niya. Gayonpaman, nangako sya sa sarili na hahanapin niya ang lalaki at paghihigantihan ito. Hindi siya titigil hanggat hindi nagagantihan ang taong umabuso sa kanya. Ngunit ganoon man ang kanyang sinapit, sa halip na kamuhian ang bata, minahal niya ito at siyang naging dahilan niya para lumaban, at harapin ang mga pagsubok sa buhay ng buong tapang, at mulling bumuo ng matayog na pangarap. Ngunit ang lahat ng Ito ay maglalaho nang umabot na sa ikalimang taon ang bata at doon napag alaman na may malubha itong sakit, sakit na ang tanging lunas ay bone marrow transplant mula sa sarili nitong ama dahil hindi nagmatched ang sa kanya.
Romance
657 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

Sinopsis: Si Mariecon Guerrero ay isang aspiring writer na ginugugol ang kanyang mga araw sa pagtatrabaho sa isang bookstore at ang kanyang mga gabi sa pagsusulat ng mga kwentong puno ng matinding pag-ibig—mga kwentong kailanman ay hindi niya inakalang mangyayari sa kanya. Ngunit isang kasunduang kasal na orihinal na para sa kanyang pinsan ang aksidenteng napunta sa kanya, kaya’t hindi inaasahan, natagpuan niya ang sarili niyang kasal kay Hydeo Ridge Dela Fuerte—isang makapangyarihan ngunit malamig at walang pusong negosyante. Kailangan ni Hydeo ng isang asawa upang masigurado ang isang napakalaking business deal, at ang dapat sana niyang mapapangasawa ay ang glamorosang pinsan ni Mariecon na si Madeline. Ngunit dahil sa isang pagkakamali sa mga papeles, si Mariecon ang napirmang asawa sa courthouse wedding. Nang matuklasan ang pagkakamali, labis ang gulat niya nang tumanggi si Hydeo na ipa-annul ang kasal—para sa mga dahilan na hindi niya gustong ipaliwanag. Ngayon, natagpuan ni Mariecon ang sarili niyang nakakulong sa isang malamig at kalkuladong kasunduan sa isang lalaking hindi nagbubukas ng kanyang puso. Ngunit habang sinusubukan niyang alamin ang katotohanan sa likod ng kasal na ito, unti-unting nagbabago ang kanilang relasyon. Ang kasal na nagsimula sa obligasyon ay nauwi sa matitinding banggaan ng kalooban, mga lihim na sandali, at isang damdaming hindi nila maitatanggi.
Romance
10445 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire’s Secret Bride

The Billionaire’s Secret Bride

Akala ni Bhemzly Acson ay habambuhay siyang untouchable. Lahat ay kayang paikutin, kayang tapakan—pati si Jack Devera, ang tahimik at simpleng lalaking minsang naging laruan ng kanyang kabataan. Ngunit paglipas ng panahon, bumaliktad ang mundo. Ngayon, si Jack na ang nasa itaas—isang respetadong billionaire na hindi lang ubod ng talino, kundi kontrolado rin ang halos lahat… kasama na ang kapalaran ni Bhem. At sa isang kasunduang wala siyang takas, napilitang tanggapin ni Bhem ang papel bilang asawang-kontrata ng lalaking minsan niyang sinaktan. Ang hindi niya alam, hindi lang paghihiganti ang dahilan ni Jack. Sa ilalim ng malamig nitong anyo, may lalaking matagal nang may pagtatangi sa babaeng nang-api sa kanya noon. At bang kasunduang ito, ay hindi lang para turuan siya ng leksyon—kundi para protektahan siya, ilayo sa mas malaking kapahamakan, at muling kilalanin ang pusong dati’y binasag. Ngunit sa pagitan ng galit at pag-aalangan, unti-unti ring lumilitaw ang tunay na kulay ng bawat damdamin. Kapag ang poot ay nagsimulang tumiklop sa harap ng muling pagtibok ng puso—may pag-asa pa bang maging totoo ang isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? Isang kwentong puno ng emosyon, sikretong hindi inaasahan, at isang lalaking kahit may sugat sa nakaraan—ay piniling mahalin pa rin ang babaeng naging dahilan nito.
Romance
10551 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CEO's Obsession

CEO's Obsession

MissBangs001
Si Gaea ay isang romance writer, ngunit hindi kaagad ito nakakabuo ng ideya kapag walang inspirasyon. Kaya nang maghiwalay sila ng kanyang nobyo ay natigil siya sa pagsusulat sa loob ng tatlong buwan. Dahil sa pananakot ng amo niya na matatanggalan siya ng trabaho kapag hindi pa siya nakapasa ng manuscript sa susunod na linggo ay napilitan siyang maghanap ng inspirasyon kasama ang kaibigan niyang si Samantha. Nakita na lamang niya ang sarili sa isang club at hinahabol ang lalaking gusto niyang maging parte ng kanyang bagong libro na isinusulat. Sumang-ayon naman ito pero sa isang kondisyon, iyon ay ang ibigay niya ang katawan sa bawat session na kanilang gagawin. Makakaya kaya niyang ibigay ang hiling nito? Paano na siya kapag natapos ang kwentong isinusulat niya? Mau mabubuo bang pag-ibig sa kanilang dalawa?
1060.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
 THE SCHOLAR (TAGALOG)

THE SCHOLAR (TAGALOG)

Annie Chan
Hanggang saan ka magsisikap na maabot ang iyong layunin? Nagawa mo bang ipagkanulo ang iyong mga kaibigan- kahit na hindi ka kamukha ng taong gagawa ng ganoong bagay? Gutom sa tagumpay at papuri, si Lily Jenkins ay tumanggap ng alok mula sa isang napakatagumpay na paaralan. Dahil sa kasakiman at pananabik ay nagawa niya ang mga bagay na hindi niya dapat gawin, na kung saan ang kanyang pagkakasala ay aatake sa kanya mamaya. Papayagan ba niya ang isang punong guro na ayusin ang kanyang kapalaran? O subukang umasa sa kanyang mga kaibigan kahit na hindi sila masyadong mapagkakatiwalaan? Alamin sa SCHOLAR, isang memoir kung paano makukuha ng paaralang ito ang kanilang mga estudyante sa kanilang mga marahas na bersyon. Batay sa totoong buhay na mga sitwasyong pang-akademiko, dadalhin ka ng maikling novella na ito sa isang kapanapanabik na paglalakbay nang walang mga bobong karakter, ngunit may mga taong mapaglihim na maaaring maging ang pangunahing tauhan, o maging ang may-akda mismo. Is she really a psychopath?
4.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Tale That Wasn't Right

A Tale That Wasn't Right

Anne_Tumcial
Dalawang bata ang pinagtagpo ng ‘di inaasahang pangyayari. Si Sidharta Gabriel Palma,isang ulila at nasa poder ng kaniyang lola kasama ang kaniyang nakatatandang kapatid na si June. Maaga silang naulila nang mamatay ang kanilang mga magulang. Tanging ang lola na lamang nila ang nagtataguyod upang sila ay makapag-aral. Maagang nagtrabaho si Junr upang makatulong sa kaniyang lola at para na rin saluhin ang kaniyang kapatid na si Sid. Nang minsang lumuwas sila ng Ormoc galing Camotes, habang nakasakay sa de-motor na bangka ay nahagilap ng kaniyang mata ang isang batang nalulunod, si Aroon. Si Aroon ay isang batang nagnanais na makita ang kaniyang ama sa pamamagitan ng pagpapakalunod sa naglalakihang alon. Dito niya nakikita ang sagot sa kaniyang pangungulila. Tila tadhanang magkatagpo ang dalawa dahil dito nagsimula ang di inaasahang pagkakaibigan na nabuo sa maikling panahon. Sa loob ng maikling panahon ay nakabuo sila ng pagkakaibigan na hindi matutumbasan ng kahit na ano. Pinagtagpo ngunit agad ding nagkalayo. Nangakong magkikitang muli at hindi na maghihiwalay pa. Ngunit paano kung sa panglawang pagkakataon ang tadhana’y hindi ma pumabor sa kanila? Ipaglalaban ba nila ang kanilang mga pangako? O hahayaan nalang itong maging isang pangakong napako? Magsasama tayong dalawa. Pangako yan…
1.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Waiting For The Eclipse

Waiting For The Eclipse

Klery_Cien
Sirese Euén Arcacia, dalawampu't limang taong gulang. Lumaki sa mayamang pamilya ng Arcacia ngunit salat sa pagmamahal ng pamilya. malaki ang binago niya matapos siyang itulak ng kaniyang stepsister at stepmother sa hagdan. Mahilig siyang mag basa ng mga nobela. Isa sa nabasa niyang kwento ay ang kwento ng mag kasintahang anghel at demonyo. May kung anong parte sa kaniya ang na bubuhay tuwing binabasa niya ang kwentong ito. Ang hindi niya alam ay may koneksyon ang kwentong iyon sa kaniyang buhay. Sa dati niyang buhay.
1.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Accidentally Killed His Fiancee

Accidentally Killed His Fiancee

Gazella Bubblykin
Callista Ystraella Bell is a victim of an accident frame up. Aksidente niyang nasagasaan ang isang kotse na may lulan na dalawang tao, ang driver at ang sakay nitong buntis. Kalaunan ay nalaman niyang ang babaeng namatay sa aksidente ay ang magiging asawa pala ng isang bilyonaryong nagngangalang Greyson Blast. Mapapatawad pa kaya siya nito? O gagamitan siya ng kamay na bakal at sariling batas upang mapanagot siya sa kasalanang nagawa. Maaari nga bang may mabuong pag-ibig sa pagitan ng dalawa? Tara at tunghayan natin ang kwentong magpapatunay na mas mahalaga ang magpatawad at magpaubaya sa batas kaysa ilagay ito sa ating mga kamay.
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Loving His Vengeance

Loving His Vengeance

Niass
Ang buhay ni Alecia ay parang giyera. Kailangan magsakripisyo kundi'y may mawawala. Sa tanang buhay niya'y lumaki siyang mag-isa, natutong tumayo sa kanyang sariling mga paa at mabuhay ng tahimik sa malaking mansyon. Wala ni isang sumubok makipagkaibigan sa kanya o lumapit man lang dahil lahat ng nakakasalamuha niya'y tinatawag siyang mangkukulam o 'di kaya'y demonyo. Totoo kaya ang akusa ng mga tao sa kanya? Totoo kaya ang usap-usapan na isa siyang demonyo o mangkukulam? Ano kaya ang nasa likod ng mga kwentong ito? Gusto mong malaman? Halika at sabay tayong buklatin ang kwento ng isang babaeng pinagkaitan ng saya sa mundo.
8.81.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Taste of Summer

Taste of Summer

xerixx
Summer morning, Wynter ran away from home to avoid his father's wrath towards her. Despite being mistreated by her grandmother and relatives, she chose to go to her grandmother's province since it was her last resort. She planned to stay there until the end of summer before her school starts. Through her stay in her grandmother's mansion, she experienced an unusual happening. A ghost named Theros appears in her room and starts to pester her. She was scared at first until she finds comfort in the ghost that made them become friends. Sa maikling panahon na pagsasama nila, nahulog si Theros kay Wynter at sa kabila ng pagkakaiba nila, naglakas loob na umamin si Theros. Kahit na may pagtingin din si Wynter kay Theros, Wyner decided to keep her feelings until her 18th birthday. Gusto niyang sa araw na 'yon sabihin kay Theros ang sagot sa pagtatapat nito. However, the supposed special day turns into a sorrowful one. Sa araw na dapat pagkikita nila ay walang sumipot na Theros. Wynter waited from dawn until dusk but he didn't come. She waited until her last day staying at her grandmother's home, but still, no one came. After a year, in an Art Museum, she saw Theros again, right in front of her eyes. Theros, on the other hand, didn't recognize her. He introduced himself as Aziz. Upang hindi pagtabuyan ni Theros, hindi na lamang niya ipinilit ang katotohanang may pinagsamahan sila noon. Sa paraang 'yon ay naging malapit muli sila. But what if Aziz was not the real Theros, but the twin brother, Ajax? Will she start again with Ajax, or continue the deal between her and Aziz?
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1234
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status