Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Buong akala ni Samantha ay malalagay na sa tahimik ang kanyang buhay sa oras na ikasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya. Subalit hindi niya inaasahan'g sa araw ng kanyang kasal ay ipapahiya at iiwan lang pala siya ng kanyang nobyo sa mismong harap ng altar. Hindi naging madali para sa kanya ang pangyayaring iyon. Ngunit kailangan niya pa rin'g magpatuloy sa buhay. Mabuti na lamang at naisipan niyang mag-apply bilang sekretarya sa kompanyang pag-aari ng isang guwapo ngunit broken hearted at single dad na CEO. Kaagad siyang natanggap at sa bawat araw na lumilipas ay may mga sikreto siyang nadiskubre mula sa CEO, patungkol sa relasyon nila ng dati niyang nobyo. Subalit hindi naging hadlang iyon sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay naging magkaibigan pa nga sila ngunit hindi niya inaasahan'g darating sa puntong higit pa pala sa isang kaibigan ang mararamdaman nila sa bawat isa. Nakahanda na kaya siyang maging step mom sa spoilded brat daughter ng CEO? Paano kung bumalik pang muli ang dati niyang nobyo? Tatanggapin niya pa kaya ito o mananatili na lamang itong parte ng nakaraan?
Romance
1014.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Solace in His Embrace

Solace in His Embrace

PortalMentis_
Kilalanin si Maria Gabriella “Gabby” Villa isang artista na namamayagpag sa kanyang karera. Sa kabila ng kanyang ngiti, nakakubli roon ang kalungkutan na hindi niya hahayaang makita ng iba. Ngunit paano niya ipagpapatuloy ang pagpapanggap na masaya kung madali iyong nasisilip kanyang mga mata? Nakasentro ang atensyon ni Conrad Javier Jinx sa kanyang pamilya at araw-araw na training sa MMA. Marami siyang pangarap na gustong matupad para sa kanila. Sa pagdating ni Gabby sa kanyang sa kanyang buhay, handa niya bang ipagpatuloy ang kanyang pangarap o kalilimutan ito para sa dalaga? Nang dahil sa isang aksidente, itinadhana na pagsamahin sila sa isang lugar sa loob ng ilang buwan. Makakaya pa ba nilang ignorahin ang nararamdaman ngayong nakita nila ang kasiyahan sa bisig ng isa't isa?
Romance
10916 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MY  SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE

MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE

Si Bonita Georgina Martinez aka Borge ay isang scholar student sa High East International University at nagmula sa probinsiya ng cebu. Dahil panganay sa pitong magkakapatid at nagmula sa mahirap na pamilya ay nagsumikap siya. Bukod sa pagiging scholar ay working student din siya. Para makapag- padala ng pera sa kanyang mga magulang at makatulong sa mga ito. Minsan din ay sumasali siya sa mga beauty pageant para may ipangdadag sa kanyang mga pambili ng mga projects. Morena beauty, matangkad at matalino. Dahil sa nag- iisa lang siya sa maynila ay wala siyang masyadong kakilala kundi ang kanyang mga professor at mga kaklase. Dahil sa kapabayaan ng isang tenant ng kanyang bording house na inuupahan ay nasunog ang kanyang tinutuluyan. Kaya naman nang malaman ng isa sa kanyang professor na si Mrs. Trina Cruz ang kanyang sitwasyon ay inalok siya nitong tumira muna sa kanyang bahay dahil wala naman daw siyang kasama sa bahay. Dahil ang kanyang mga anak ay sa condo unit nakatira. Pero hindi niya naman aakalain na ang isang anak nito ay isang sikat na celebrity ng bansa at ang kanyang ultimate happy crush! At nakilala niya ng personal si Kristoff Dale Cruz aka Toffy Cruz ang kilabot ng mga kolehiyala dahil sa galing nitong kumanta at umarte sa harap ng camera. Modelo at endorser ng iba’t – ibang mga sikat na produkto sa bansa. Dahil sa isang kontrobersiyal na kinasangkutan nito ay nagpahinga muna ang binata sa showbiz at maninirahan kasama ang kanyang ina. Matatagalan kaya ni Borge na tumira sa bahay ng kanyang professor kasama ang kanyang ultimate happy crush…??? Paano kung ma- inlove sa kanya ang isa Toffy Cruz??? Paano niya haharapin ang mga fans ng loveteam nito na magiging bashers niya?....
Romance
10787 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Anghel de Puta

Anghel de Puta

Si Margarita Pelaez o Greta ay namamayagpag bilang most sellable prostitute sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Pero isang pangyayari ang nagpatigil sa kaniya sa pagbebenta ng aliw. Nabuntis siya ng kustomer niya na akala niya'y may pagtingin din sa kaniya. Sinubukan niyang ipakilala ang bata sa sinapupunan niya kay Parker Sherlock na nakabuntis sa kaniya. Sa halip na tanggapin ay ginahasa at sinaktan siya ng lalaki sa araw na iyon. Limang taon niyang tinago ang anak niya sa lalaking nagwasak ng puso niya at nagdulot ng trauma sa kaniya. Subalit, ano ang mangyayari kung tadhana na ang magpapasya sa muling pagku-krus ng landas nina Greta at Parker? Sa pagkakataong ito, ipapakilala pa ba ni Greta ang bata sa ama nito o ibabaon niya ang katotohanang anak ni Parker sa kaniya na isang Anghel de Puta ang bata?
Romance
1012.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Kiss Of The Wind Book 1

Kiss Of The Wind Book 1

Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?
Romance
419 DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Till Heaven Draw Us Near Again

Till Heaven Draw Us Near Again

Ang kuwentong ito ay tumatalakay kung paano nabuo ang "wagas na pag- ibig" sa pagitan ng dalawang puso na pinagtagpo at itinadhana sa maling panahon at maling pagkakataon. Dalawang puso na parehong nakatali sa mga sinumpaang pangako, ngunit pilit pa ring ipinaglalapit ng pag- ibig. Ngunit, paano na ang dalawang puso na nagmamahalan kung makakalaban nila ang Tadhana na hahadlang sa kanilang pag-iibigan na hindi maaaring sumibol sa lupa, sapagkat sa ibang panahon at pagkakataon sila nakatakdang magsama hanggang sa dulo ng walang hanggan? Hindi ito tipikal na istorya ng pag- ibig na kung saan "kapag mahal mo, ipaglalaban mo", bagkus sa kuwentong ito tuturuan ka ng hangganan kung hanggang saan ka lang dapat makipagbuno sa ngalan ng pag- ibig. Sa kabilang banda, hindi lamang umiikot sa pag- iibigan ng dalawang pangunahing karakter ang matutunghayan sa nobelang ito, dahil nakapaloob rin sa kathang ito ang pinakamataas na antas ng pag- ibig- ang pag-ibig sa Diyos, gayundin ang pagyakap sa sariling kasalanan, pagtanggap sa sariling kahinaan, kapatawaran sa kapuwa at sarili, at higit sa lahat, pagtuklas sa tunay na misyon o papel kung bakit ka naririto at nabubuhay pa sa mundo.
Other
1.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Surrendering to the Billionaire's Seduction

Surrendering to the Billionaire's Seduction

Si Lev Lawson Valdemar ay walang habag o awa sa mga nakapaligid sa kanya. Gayunpaman, isang babae ang tumagos sa kanyang malamig na puso. Ngunit isang babae ang nagpapabaliw sa kaniya- si Clementine Lecaroz. Makakahanap kaya sila ng tunay na kaligayahan at pagmamahal sa isa't isa? O masisira nila ang buhay ng isa't isa? Ito ba ay tadhana na nagmula sa langit—o impiyerno—para sa sa kanilang dalawa?
Romance
1024.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
IN BED WITH A BILLIONAIRE

IN BED WITH A BILLIONAIRE

Aquarius Pen
Isang nude model si Larabelle. Naghuhubad sa harap ng camera. Professional na babaeng bayaran ng mga bilyonaryo para sa panandaliang aliw. Sanay na siya sa ganitong takbo ng kaniyang buhay. Walang gustong sumeryoso. Sa kama lang ang trabaho. Hindi rin naman siya naniniwalang may tunay na pagmamahal na naghihintay sa kaniya. Hindi siya umaasang may lalaking darating na magpabago sa kaniyang estado at mag-ahon sa kaniya mula sa lubak. Habang siya ay nabubuhay, mananatili siyang parausan ng mga bilyonaryo. "Walang putik ang pwedeng magmantsa sa pagmamahal ko sa iyo, Lara. Kung ang gabi ay may buwan, mayroon kang ako na kahit sa dilim ay hindi ka iiwan." Paniniwalaan ba niya ang sinabing ito ng isang lalaking kasing tayog ng buwan ang agwat mula sa kaniyang kinaroroonan?
Romance
102.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
Romance
101.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1023.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3435363738
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status